Saktong nasa kalagitnaan sila ng kanilang tanghalian ng dumating si Rain gamit ang kanyang motor. Nagmano siya sa ama at bumati sa kanila saka siya sumabay sa pagkain.
"How's your date?" kaswal na tanong ni Wonhi habang nakangisi sa kaibigan. Tahimik lang na kumain si Rain na lalong nagpalakas ng kyuryosidad nila.
"May nobya ka na ba Rain? Aba'y magandang balita yan. Tamo... sa kupad mong kumilos e naunahan ka pa nitong kapatid mo!" sabi ni mang Liam.
Nanlalaki ang mga mata ni Jei habang nakatingin sa kanyang ama.
"Tay naman!"
"At bakit?" natatawang saad ng kanyang ama habang si Jei ay namumula sa kahihiyan.
"Totoo naman ah," saad ni Rain sa kapatid na nagmamaktol sa inis. Tumingin siya kay Archie para humingi ng tulong subalit kumampi ito sa ama at kapatid niya kaya lalo siyang nainis. Bumaling siya kay Wonhi na agad nag- angat ng kamay bilang pagsuko.
"Don't ask me! I am busy!" sabi nito na patuloy sa pagkain. Natawa sila ng biglang tumayo si Jei sa inis na agad namang pinigilan ni Archie.
"Masyado kang pikon," nakangising sabi ni Archie sa dalaga na hindi kumibo. Matapos ang ilang sandali ay bumaling si mang Liam kay Wonhi.
"Wonhi, does my son have a girlfriend?" tanong ng matanda sa binata na agad namang ngumiti. Akmang magsasalita siya ng bigla itong napahiyaw.
"What happened?" nag- aalalang tanong ni Jei sa binata. Umiling si Wonhi habang nakayuko pero sa katunayan ay hindi siya makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman dulot ng pagsuntok ni Rain sa kanyang binti.
"Ya... Gwenchana? (Okay ka lang?)" painosenteng tanong ni Rain sa kaibigan na tinatapik pa ang kanyang likod. Tumango si Wonhi.
"O," namimilipit pa rin sa sakit na sagot ni Wonhi. Ngumisi si Rain saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Are you sure?" tanong ni Archie na nahalatang pinagpapawisan si Wonhi. Tumango ulit ito.
"Kumakain ba siya ng paksiw, kuya? Baka naman sensitibo ang kanyang tiyan sa lutong banyaga. Kung ba't kasi pati yata buto ng ulo ng isda ay kinain," nag- aalalang tanong ni Archie kay Rain. Halatang wala itong kamuwang- muwang sa tunay na dahilan ng pamimiplipit ni Wonhi.
"Don't worry. He'll be fine," saad ni Rain sakto namang umayos ng upo si Wonhi at biglang sumigaw, "Now, I'm fine!"
Dahil sa pagkabigla ay nasamid si mang Liam dahilan para ito ay umubo. Natatawa si Jei habang tinatapik ang likod ng ama habang si Wonhi ay agad na humingi ng tawad sa matanda.
"Since Rain is here, you can go to the waterfalls together," saad ni mang Liam kay Wonhi nang mahimasmasan.
"Why do you wanna go there?" tanong ni Rain habang nakahiga silang magkaibigan sa duyang nasa lilim ng punong acasia. Hindi kumibo si Wonhi ng ipatong ni Rain ang binti nito sa binata saka umayos ng pagkakahiga.
Nagkibit- balikat lamang si Wonhi saka bumaling sa kaibigan. "Geunyang! Nan geunyang jaemiitkke nolgo sipo (Wala lang. Gusto ko lang maglibang)," tugon nito. Sa tono ng pananalita nito ay alam ni Rain na may bumabagabag sa kalooban nito.
"Are you planning to swim or just take photos?" tanong ni Rain kay Wonhi na nagtakip ng mukha gamit ang kanyang itim na bull cap.
"Hmmm... maybe swim? Dunno... whatever. I just wanna go there," sagot ni Wonhi na bakas ang kawalang- sigla sa boses.
Bumuntong- hininga si Rain saka nag- isip. Pagkatapos ng ilang sandali ay lumundag siya mula sa duyan dahilan upang umalog ito muntik ng mahulog si Wonhi.
"Gago! What's that for?" inis na saad ni Wonhi sa nakangising kaibigan.
"Get up! I wanna teach you something," nakangiting saad ni Rain. Napilitang bumangon ang binata saka sinundan si Rain sa likod ng bahay- kubo kung saan naka- imbak ang naglalakihang pine logs na sinisibak ni mang Liam na panggatong tuwing taglamig.
"Igo moya? (Ano to?)" tanong ni Wonhi habang nakatingin sa sisibaking kahoy at sa palakol na nakapasak sa isang putol na troso.
"I often do this when my brain is clouded with thoughts. I hope it would give the same result to you," sagot ni Rain sa nagtatakang kaibigan.
Tinuruan niya ito sa tamang paghawak ng palakol at kung paano magsibak. Naka- ilang ulit na si Wonhi sa pagsisibak ng kahoy ay laging tumatapon o hindi niya tinatamaan ang sinisibak. Malalakas ang tawanan ng magkaibigan habang sige pa rin si Wonhi sa pagsisibak kahit tagaktak ang kanyang pawis.
"Ano bang~ Diyos mio!" sigaw ni mang Liam saka inilagan ang isang tipak ng kahoy na tumilapon sa tabi niya. Napalundag ang matanda sa gulat at napadapa sa lupa habang hawak- hawak ang kanyang dibdib.
Apologetic na tumingin si Wonhi sa matanda na hinihingal pa rin sa kaba. "Sorry po, tito!" saad ni Wonhi habang tinutulungan si mang Liam na makatayo. Si Rain ay walang tigil sa pagtawa dahil sa reaksiyon ng ama kaya naman ay bigla siyang hinabol ni mang Liam na may hawak na panggatong.
"Aray!" sigaw ni Rain ng ipalo ng ama ang hawak na kahoy sa kanya.
"E bwisit kang bata ka. Muntik na akong atakehin sa suso dahil inyo!"
"Andiyan pa naman suso mo, tay! Dalawa pa rin," halos maiyak sa kakatawang sabi ni Rain.
Nang mapagtanto ng matanda na mali ang sinabi niya ay biglang naglaho ang inis at natawa na rin. Tawang- tawa si Wonhi habang pinapanood ang dalawa ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti dahil sa pangungulilang nararamdaman.
"I wish I have a father as his," piping saad ng kanyang isip saka napabungtong- hininga habang pinagmamasdan ang mag- ama.
"Hey! Let's go?" sigaw ni Rain sa kaibigan. Tumango si Wonhi saka nila binaybay ang mabatong daan patungo sa di kalayuang talon. Habang papalapit ay naririnig nila ang lagaslas ng tubig at huni ng mumunting ibong nagsisiliparan sa kanilang daan.
"Whoa! Now, we're talking!" di mapigilang mapangiti ni Wonhi ng bumungad sa kanila ang di gaanong mataas na talon ngunit may kalakasang agos ng malinaw na tubig na bumabagsak sa isang bluish green na may kalawakang pool.
Ang malinis at mabuhanging pampang ay linililiman ng mga mayayabong na puno at mayroon pang mga baging na tinutubuan ng lumot at mga orchidyas.
"My father loves this spot because of our mother. She used to come here whenever she's sad or when she wanted some peace of mind," paliwanag ni Rain saka sumampa sa bato na parang nakabilad na palaka. Natatawa ng pigil si Wonhi habang kinuhunan niya ng litrato ang walang malay na kaibigan.