Ipinaubaya muna niya sa doktor at nurses ang kanyang ina upang iligtas ang kanyang nobya. Matapos niyang kausapin si Rain, napagtanto niyang wala siyang maasahang tulong mula dito sa ngayon kaya't lalo siyang nagalit kay Martina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung bakit sangkot ang dalaga.
Mabilis na naglakad kahit pa medyo masakit pa rin ang binti ni Wonhi patungo sa isang liblib na lugar kung saan matatagpuan ang isang tatlong palapag na medieval inspired mansion. Kani-kanina lang ay may nagsend sa kanya ng litrato ni Jei na nakatali sa isang kama. Punong- puno ng kaba at galit ang dibdib ng binata habang papalapit ng papalapit sa magarang bahay.
Biglang napaupo si Wonhi sa sobrang sakit ng kanyang ulo. Nagdilim ang kanyang paningin at dahan- dahan siyang kumapit sa talahib na nasa harapan niya. Pawisan habang mahigpit na hawak- hawak ang kanyang sentidong animo'y minamartilyo. Ang mga ala-alang hindi niya mawari ay parang floodgates na binuksan. Napahiyaw siya sa sobrang sakit saka siya nawalan ng malay.
Nagising siya sa isang pamilyar na silid. Kumurap ito ng dahan- dahan saka nilibot ng paningin ang kinaroroonan. Sa tanang buhay niya ay alam niya hindi pa siya nakakatuntong sa silid na iyon ngunit malakas ang kanyang pakiramdam nakarating na siya dito.
"Why do I have an overwheling feeling about this?" tanong niya sa sarili. Pumikit ulit siya upang pilit tinutunton ang pinakamalayong nakaraan. Nasa kalagitnaan siya ng malalim na pag- iisip ng marinig ang isang pamilyar na boses. Agad siyang nagmulat ng mata at tumingin sa gawi nito.
"How are you, my boy?" mahinang saad ng anino sa likod ng hindi naiilawang parte ng silid.
"Un- ncle Howard?" takang tanong ni Wonhi. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata upang masiguradong hindi namamalik-mata lamang. Nanlaki ang mga mata ni Wonhi na naglakad ang matanda palapit sa kanya.
"Thank god! How are you feeling?" may bahid ng pag- aalala ang boses nito kahit nakangiting kinakausap siya.
"Uncle Howard, where am I?"
"Home~"
"What?!"
"Home. You're finally home," kaswal na saad ng matanda na lalong gumulo sa isipan ng binata. Ngumiti ang matanda sa nakikitang pagkalito ni Wonhi. Tumayo ang matanda at dumungaw sa may bintana habang tanaw ang malawak na kagubatan na nasisinagan ng pilak na buwan.
"Uncle, please. Just tell me already coz I am too tired for guessing games," hindi maiwasang mabahiran ng pagkaasar ang boses ng binata saka siya sumandal sa headboard ng kama.
Napabuga ng hangin ang matanda saka ibinaling ang atensiyon sa pilak na buwan. "You were born here, Wonhi. Your mom delivered you in this very room on that cold winter day," saad nito bago huminga ng malalim.
"What are you talking about?" tanong ni Wonhi na hindi mapigil ang pagtaas ng boses sa nadaramang pagkalito. "Mom, who? My mom always told me stories about how I was born in a hospital. Are you saying she's lying?!"
"I am not sure whether we are talking about the same person," kaswal na sagot ng matanda na lalong ikinainis ni Wonhi.
"Stop beating around the bush!" di mapigilang singhal ng binata. Saktong bumukas ang pintuan at iniluwa ang di inaasahang tao.
"Auntie Byeol? Wae yogi isso imo? (Bakit po kayo nandito, tita?)" maang na tanong ni Wonhi. Si Byeol ang itinuturing niyang second mom dahil ito ang tumulong sa kanya upang magtagumpay sa mundo ng showbiz. Sa kabila ng humpak nitong mukha dulot ng malubha nitong sakit ay maganda pa rin ito.
"How have you been, my son?" puno ng panananik ang boses na saad nito saka siya niyakap ng mahigpit.
"I am okay but why are you here? You and uncle Howard, why are you two here? What is going on?" maang na tanong ni Wonhi.
Umiwas ng tingin si Byeol at hindi nakaligtas sa binata ang eye contact ng dalawang matanda. Sa tantiya niya ay may nais sabihin ang mga ito sa kanya ngunit di alam kung sino ang magsasabi.
Biglang naalala ni Wonhi ang nanganganib na kasintahan. Bumalikwas siya saka dali- daling nagsuot ng sapatos. Kung anumang kyuryosidad na bumabalot sa kanya sa mga oras na iyon ay pinalitan ng takot at kaba.
"I have to go!" saad niya.
"Gajima!" mahigpit ang yakap na saad ni Byeol sa kanya. "Jebal!"
"I have to go before it's too late," sagot ni Wonhi sa nanginginig na matanda.
"J-jebal! Gajima!" halos pabulong na saad ni Byeol habang walang humpay ang pagpatak ng kanyang mga luha. Naguguluhan man si Wonhi sa reaksiyon ng kanyang Auntie Byeol ay binalewala lamang niya ito. Ang importante sa kanya ngayon ay ang kaligtasan ng kanyang nobya.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ng matanda na mahigpit na nakayakap sa kanya.
"I'll be back, Auntie Byeol. Don't worry," pampalubag- loob ng binata saka tuluyang lumabas ng silid. Nahihilo man ay pinilit niyang bilisan ang paglakad pababa ng grand staircase. Nagsisilbing suporta niya ang balustreng kinakapitan niya habang pababa ng hagdan.
Hindi niya mawari ang takot at kabang kanyang nararamdaman. Lalo na ng nilibot ng kanyang paningin ang mga naglalakihang larawang nakasabit sa dingding ng malaking bulwagan.
"No! Igo moya?! Ani~ sulma..., (Ano to? Hindi ito maari, imposible...)," saad niya sa sarili habang palakas ng palakas ang kabog ng kanyang puso at ang ulo ay parang sasabog sa kalituhan.
"Andwe!!!!!!!!!!!! (Hindi!!!!!)" sigaw ni Wonhi habang isa- isang hinablot ang mga naglalakihang picture frames at binasag. "Uncle Howard! Auntie Byeol!!!!!!!!! What the f*ck is this?!!!!!"
Isa- isang hinablot ni Wonhi ang mga larawang naglalaman ng mga litrato niya ng siya ay sanggol habang hawak- hawak ni Byeol. Sa kanan naman nito ay masayang nakangiti ang kinikilalang inang si Haneul na nakauniporme ng kasambahay.
Ang silid ay puno ng kanyang larawan. At halos hindi niya maalala kung saan at kailan ito nakuha. Ibig sabihin, matagal na siyang minamatiyagan ng mga ito. Lalong bumaligtad ang sikmura niya sa magkahalong kaba at galit.
"Miyanhe~ jinjja mianhe. I should've told you earlier. Mani bogo sipo, adeul! (Miss na miss kita anak!)"
Marahas na tumingala si Wonhi sa humihikbing matanda. Mahigpit itong nakahawak sa balustre at nanginginig ang katawan habang patuloy sa pag- iyak.
"Nae adeul, mianhe~"
"Gojinmalhajima! Igo jaemiinni? (Huwag kang magsinungaling! Nakakatuwa ba to?)" mariing saad ni Wonhi.
"She's not lying, Wonhi. Look around you!" nakakalokong saad ni Howard.
"Stop lying!" galit na saad ni Wonhi.
"Haneul was your mom's personal maid and closest friend. She helped your mother hide you from your mom's evil husband's hands. You were a product of a forbidden love. If he knew the truth, what do you think would he do?"
Tahimik lamang si Wonhi na nakatingin kay Howard. Pilit niyang iniintindi ang mga sinasabi nito.
"Do you know what he could have done had he known about you earlier?!" nang- uuyam na tanong nito.
Nanlalaki ang mga matang tumingin si Wonhi kay Howard. Sa mga oras na iyon ay nauunawaan niya ang pinapahiwatig nito.
"You?!!!!!!" hindi makapaniwalang tanong ni Wonhi sa ngumising matanda. Samantala, nanginginig naman sa takot si Byeol habang nakatingin sa malademonyong ngisi ng asawa.
Lalong nanlaki ang mga mata ng binata ng unti- unting hatakin ni Howard ang synthetic skin sa kanyang mukha at lumantad ang pamilyar na mukha.
"Oraenmanigunnyo, Wonhiya. Ottoke jinaeseyo? (Long time no see, Wonhi. Kumusta?) nakakalokong saad nito sa litong- litong binata.
"You?!" hindi makapaniwalang tanong ng binata.
"I really thought you're clever enough to find out sooner," natatawang saad ni Korain.
"What did you do to uncle Howard?" kinakabahang tanong ni Wonhi.
Sinundan nito ang tingin ni Korain ng lumingon ito sa dako ni Byeol na nakasalampak sa sahig at nanghihinang nagmamakaawa.
"Please, spare my son! You already killed Howard, isn't he enough?" saad nito. Kinilabutan si Wonhi sa tinuran ng matanda.
"What?! What did you say?!" hindi makapaniwalang tanong ni Wonhi habang mabilis na inakyat ang hagdanan. Para namang batang tuwang- tuwa sa mga pangyayari si Korain at pumapalakpak pa ito habang nakatingin sa hinihingal na binata at nanghihinang matanda.
"Omma... can't you get it? Dad punished Howard because of his sins. Now, someone is being punished because of her sins," kaswal na saad ni Korain.
"No!!!! You can't touch her!" mariin ngunit puno ng takot na saad ni Wonhi saka sinugod si Korain ng suntok. Natumba ang binata sa lakas ng suntok na natamo ngunit parang baliw itong namimilipit sa tawa sa sahig.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!! Not Jei! Do you wanna know who? HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Do you think you can outsmart him? I may despise him as a father but I admire his intelligence!"
"Shibal!!!! Jei odisso?! Ya!!!!! Jei odinyagooooooo!" galit na saad ni Wonhi saka pinagtatadyakan si Korain.
"You can kill me now, but you'll never find out where she is. Besides, even if you save your precious girl, a shallow grave would still be waiting for a body tonight whether you like it or not," ngisi ni Korain.
"Noooooooooooo! Korain... not Haneul! Please! She is also a victim here. All she did was follow my instructions," nanghihinang saad ni Byeol.
"What?!!!!! NO!!!!!!!!!!" nababaliw na sigaw ni Wonhi. "If you kill my mom, I will kill you all!!!!!!" banta ni Wonhi. Sa lakas ng kanyang sigaw at sa sukdulang galit na nadarama ay nagsilabasan ang mga litid sa kanyang noo at leeg.
"Too late, dear brother. HAHAHAHAHAHA!!!!" sagot ni Korain na sa kabila ng duguang mukha ay nakuha pang tumawa.
"Shibal! AHHHHHHHHH! Shibalnoma!" sa bawat sigaw at salitang lumabas sa bibig ni Wonhi ay may kasamang suntok at tadyak. "I will kill you!"