webnovel

Sorry and Thank You

"Madapa ka sana!" bulong ni Jei habang nakatingin sa paparating na si Wonhi. Parang umayon sa kanya ang langit sa mga oras na iyon dahil napatid ang binata ng nakausling bitak ng sementadong kalsada.

"Fuck!" sigaw ni Wonhi ng muntik na itong madapa. Buti at mabilis si Rain at nasalo niya ito bago bumagsak sa concrete road.

"Watch it! You okay?" nag- aalalang tanong ni Rain sa kaibigan.

"Ano ba kuya baka may makakita sa inyo isiping mag-jowa kayo. Ew!" tila nasusukang saad ni Jei. Magkahawak kasi ng kamay ang dalawa habang papasok ng sasakyan. Pero sa totoo lang, e cute sa paningin ng dalaga ang gesture na iyon. Hindi nakakabawas ng pakalalaki nila. Pero syempre inis pa rin siya kaya yun ang nasabi niya para inisin din ang mga ito.

"Ang dumi ng isip mo kahit kelan," saad ni Rain sa kapatid.

"Wae?" tanong ni Wonhi sa kaibigan.

"She thinks~"

"Saan po natin siya ihahatid kuya?" biglang tanong ni Jei saka nagmaneho.

"Sa bahay..." kaswal na tugon ni Rain.

"Ah, okay~" sagot ng dalaga. Wala pang ilang sandali ay napasigaw ang dalawang binata sa backseat ng biglang prumeno si Jei saka lumingon sa kanyang kuya. "Sa bahay?!"

"What the hell was that?!" ninenerbyos na tanong ni Wonhi sa dalaga pero hindi siya nito pinansin.

"What's wrong?!" nag-aalala namang tanong ni Rain sa kapatid.

"You're joking, right?" nakangiti ngunit seryosong tanong ni Jei. "Hindi siya sa bahay nakatira, kuya."

"I am not," sagot ni Rain.

"Alam na ni tatay?" nanalalaki ang mga matang tanong ni Jei. Nagpapanic na ito sa isiping sa iisang bahay sila titira ni Wonhi.

"Alam na ni tatay. Alam kong pagod ka sa biyahe kanina kaya di na kita ginising kanina," mahinahong paliwanag ni Rain.

"Is there something wrong?" nagtatakang tanong ni Wonhi na mahigpit pa ring nakahawak sa braso ni Rain.

Hindi makaimik ang dalaga dahil alam niyang wala siyang mabigat na rason upang ireject ang binata. Alangan na sabihin niyang ayaw niyang tumuloy sa kanila si Wonhi dahil sa pangyayari sa bus. E di magmumukha siyang isip- bata. Nagbaba na lamang siya ng tingin saka nag- apologize.

"Sorry po."

"It's okay," halos magkasabay na saad ng dalawa. Dulot ng kahihiyan at pagakainis sa sarili, pinaharurot ng dalaga ang kotse kaya nakarating agad sila sa kanilang bahay.

"What is wrong with you?" nasusukang tanong ni Wonhi sa nakangising dalaga.

"That's how I drive. If you don't like it, don't ever call me to drive you home!" sagot nito saka pumanhik sa kanyang kwarto.

Naririnig niya ang kanyang kuya at si Wonhi habang papasok sila sa bahay.

"At first... I thought, she's kinda shy, but... now, her true colors are coming out!" sabi ni Wonhi.

Natawa si Rain sa sinabi ng kaibigan.

"She's a little sensitive. Sometimes nice, sometimes nasty. But, she's the sweetest!" sagot ng kanyang kuya.

"Kinda hard to believe... but I'll try to get along with your younger sister."

"Oh yeah! Treat her as your younger sister! I'm sure you'll like her in no time."

"Yeah! Anyway... thank you for today. I really had fun!"

"Night, bro."

Sa kanyang kwarto, hindi makatulog si Jei. Nakailang baliktad na siya ngunit ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Mag- aalas singko na bago siya nakatulog. Kaya laking inis niya ng gisingin siya ng malalakas na katok.

"Eish! Anak ng pusang- gala naman e!" mura niya habang marahas na bumangon para pagbuksan ang kung sinumang pesteng bumulabog sa kanyang tulog.

"Bakit ba?!" sigaw niya habang mala- zombie na naglalakad patungo sa kanyang pintuan.

"Jei! Hindi ka ba kakain?" sigaw ng kanyang kuya.

"Hindi!"

"Nagluto si Wonhi para sa 'yo! Thank you daw kagabi!"

Napahinto siya sa paglalakad dahil sa sinabi ng kanyang kuya. Bumalik ang kanyang inis ng maalala ang pagpapahiya ni Wonhi sa kanya.

"Wala akong paki!" inis niyang sabi saka tumalikod pabalik sa kanyang kama.

"Hmmm... okay. So, walang sisihan pag inubos namin ang kimchichigae na niluto niya para sa 'yo!"

Pagkasabi ng kuya niya ang pagkain ay biglang kumalam ang kanyang sikmura. Bigla niyang napalo ang kanyang tiyan sa lakas ng tunog nito. Naalala niyang di pala kumain ng maigi kagabi.

"Rise and shine, princess!" bati ng kanyang kuya ng pagbuksan niya ito at sa likod nito ay si Wonhi na halatang nagpipigil ng tawa. Bigla siyang na- conscious sa kanyang itsura kaya dali niyang sinara ang pintuan.

"Aw! Aray naman, Jei!" sigaw ng kanyang kuya ng mauntog ito sa bigla niyang isinarang pinto. Mula sa kanyang kwarto ay naririnig niya ang halakhak ng magkaibigan habang pababa ng hagdan.

"Letche!" ani niya ng pumasok siya sa kanyang banyo. Natutop niya ang kanyang bibig ng makita ang hitsura sa salamin. Nagmukha siyang leon sa kanyang magulong buhok at ang malala pa, may bakat ng laway sa kanyang pisngi.

"Fuck!" mura niya sa sarili saka sumigaw dahil sa inis. Dali siyang naghilamos at nagtoothbrush. Nagsuklay siya bago bumaba para mag- agahan.

Nadatnan niya ang kanyang kuya at si Wonhi na maganang kumakain.

"What?" bulalas ni Jei. Umiling lang si Wonhi saka tumingin sa kaibigan.

"Ano ba, Jei?! Umagang- umaga..." sita sa kanya ng kanilang tatay.

"Sorry po. Ito kasing---"

"Naku... nangatwiran pa!"

Tumahimik na ang dalaga at ibinaling ang atensiyon sa nag- aayang pagkain sa lamesa. Biglang nawala ang kanyang inis ng malasahan ang putaheng niluto daw ni Wonhi para sa kanya.

"Good? Like it!" tanong nito.

"Hmmmm!" tuwang- tuwang tango ni Jei. Namangha si Wonhi sa biglang palit ng mood ng dalaga.

'Cute!' sabi niya sa sarili.

"What? Is there something on my face again?" tanong ni Jei sa nakatitig na binata.

"Uhm... nope. I'm just glad you like it! That's my thank you and sorry food for last night!" sagot nito. Bilang nabulunan ang dalaga dahil sa malalaking subo na kanyang ginawa. Natawa si mang Liam sa inasal ng anak na dalaga habang pinapagpag naman ni Rain ang kanyang likod.

"Thank you," ani ni Jei sa inalok na baso ng tubig ni Wonhi saka linagok ang laman nito. Napahalagpak ng tawa ang magkaibigan sa ginawa ng dalaga. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang umiinom.

"Slow down. There's plenty for you!" natatawang saad ni Wonhi. Nagkibit ng balikat lang si Jei.

"Food is her heaven!" sabi ng kanilang ama.

"Yeah, right! If she's upset, buy her food or cook her one. Then, she'll be happy in an instant!" dagdag ni Rain. Tumango naman si Wonhi. Kumain lang si Jei. Wala siyang pakialam kahit lantaran siyang pinag- uusapan ng tatlo.

Matapos silang kumain ay naghanda si mang Liam para pumunta sa kanilang bukid.

"Sasama po ako, 'tay! Saglit lang!" saad ni Jei pagkatapos niyang maghugas ng pinggan.

"At anong gagawin mo dun?" sagot ng ama.

"Gusto kong makita sina Draco at Maya. Pati sina Moo at kanyang mga anak!" excited niyang sagot. Nagkibit- balikat lamang ang ama saka pumanhik ang dalaga para magpalit ng damit.

"Where's your dad going?" takang tanong ni Wonhi sa kaibigan habang sinusundan ng tingin ang papalabas na matanda.

"He's gonna be checking on his farm," sagot ni Rain.

"You have a farm?!" manghang tanong ni Wonhi.

Nakangiting tumango si Rain saka sinabing, "Kinda small piece of land. Dad loves farming so much! When mom passed away, he bought it to make himself busy until he fell in love with it!"

Saktong bumaba si Jei na nakasuot ng manipis na grey long sleeves shirt, long pants na polka dots at straw hat.

"Nag- sunscreen ka ba?" tanong ng kanyang kuya. Nakangiti siyang tumango saka lumabas. Maya- maya ay narinig nila ang tunog ng papalayong motor.

"Eolmana meolri itni?" tanong ni Wonhi.

"About three and a half kilometers..."

"Quite near! We can jog it."

"Are you saying~"

"Yeah. I wanna see your father's heaven!"

Nag- isip ang binata. Wala din naman silang importanteng gagawin kaya pumayag na din siya. Tinignan niya ang kanyang relo. Mag- aalas siyete palang ng umaga.

"First... we have to go somewhere," sabi ni Rain saka kinuha ang susi ng sasakyan. Nagtataka man, sumunod lang ang kaibigan. Nakarating sila sa malapit na palengke. Dumiretso sila sa stalls na may nakadisplay na mga damit. Bumili sila ng ilang pirasong t- shirts at jogging pants.

"Damn hot!" saad ni Rain habang nakapose ang dalawa sa harap ng salamin.

"Hot damn!" sagot naman ni Wonhi na sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri. Nag- appear ang dalawa bago lumabas ng bahay.

At nag- jogging nga ang dalawa. Kahit naka-mask at nakasimpleng damit ang magkaibigan ay umaagaw pa rin sila ng atensiyon mula sa mga nadadaan nilang kabahayan. Bakat kasi sa manipis nilang shirts ang kanilang magagandang katawan. Napapangisi lang sila pag may naririnig silang puri mula sa mga kadalagahan.

"I might consider staying here," biro ni Wonhi.

"Can't stop feeding your ego, huh?" ganting biro ni Rain. Tumawa lang ng malakas si Wonhi. "Bye!" saad nito saka kumaripas ng takbo.

"Can't you run any faster?" kantiyaw ni Wonhi ng maya-maya ay naabutan niya ito saka niya ito pinalo sa pwet. Nagtawanan ang dalawa habang sige sa mabilisang pagtakbo.

下一章