1 Prologue

'Totoo ba toh o katangang isip lang'

Isang lalakeng mistiso. Mukhang artistahin siya. Natayo siya sa harapan ko. Pero bakit?

Nakaformal wear at nakasuot ng gintong relo na rolex sa pulso.

Mukhang mayaman to.

Kinurot ko ang sarili ko sa braso ko, para ipaalala na hindi to paniginip.

'Naniniginip na naman ako'

'This is too good to be true'

Nasa harap niya ko at na walang bantay, ni walang man kasama ni sino man.

Nagtitigan kami na ilang minuto. Bawat segundo nararamdaman ko yung puso ko'y kumukutob sa dibdib ko na parang gustong lumabas.

Palapit siya sa akin, dalawin hakbang nalang ang agwat namin sa isa't isa. Palapit ang kanyang mukha sa akin.

Hala, ito na.

Pinikit ko ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa unang halik ko.

Tas....

Dinidilaan niya ako.

Huh? What? Lick?

Dumilat ako at nagising ako na basang basa ang labi kakadililat-dilat sa akin ni Caramel. Ang half-poodle half-shitsu kong aso na mala-caramel ang balihibo.

"Caramel, mutik ko na ikaw malips to lips" sinabi habang binubuhat ko si Caramel. Masayang nakatitig at nakalabas ang dila na parang walang nangyari.

Hay nako, nagbugtong hininga ako ang maluwang.

'Sabi ko na ba paniginip lang yon'

'Maniginip ka pa, Starr'

Buti hindi ko binuksan ang bibig ko. Kahit alam ko kaliligo ko lang kay caramel kanina at pinavaccine ko pa. Pero kadiri. Yuck. Pinunas ko yung laway ni Caramel gamit ang tissue.

Binuksan ko ang iisang bintana ko para magbigay liwanag sa kwarto. Panibagong araw na naman.

Next chapter