webnovel

Demetreh:Ang Dalawang Mundo

Author: Gi_Nicole
โรแมนซ์ทั่วไป
Completed · 26.9K Views
  • 8 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Si Felester ay mapupunta sa mundo ng mga tao at rito ay makikilala Niya si Rivera at pati ang marami pang mga tao.

Chapter 1Ang nayon ng ulaiyo

Bumibili si Rivera ng mga potahe para sa lulutuin niyang ulam ngayong gabi."magkano po dito?"tanong ni Rivera sa tindera na may edad na rin ngunit mabait ito at hindi masungit katulad ng iba na mga tindera na konti mali pagsasabihan at sisigawan ka na kaagad."iha, seven isang tali niyan pero dahil mag gagabi na at gaganapin na ang pinakahinihintay ng mga tao dito na tuwing isang dekada lang kung mangyari ang pagulan ng mga makukulay na tubig" sabi ng tindera na ang palayaw ay nanay dett.Kinuha na ni Rivera ang pinamili at nagpasalamat kay nanay dett bago umalis "walang anuman!" sabi ni nanay dett.

Habang pauwi ay nakita ni Rivera ang halos lahat ng mga tao bata man o matanda na naghahanda na para sa pagulan ng makukulay na tubig na gaganapin na mamayang hatinggabi.

Si Rivera ay masayahing batang babae na kulay kahel ang buhok at kulay dagat ang mga mata niya wala na siyang kasamang mga magulang na namatay dati dahil sa malubhang sakit na dumapo sa kanila at tanging lolo na lang niya ang naging kasama niya sa paglaki niya at pati na rin sa mga kaarawan niya.

Binuksan na ni Rivera ang pinto ng bahay nila at pumunta siya sa kusina upang magluto ng kakainin niya ngayong gabi at pagkatingin niya sa lamesa nila sa may kusina ay may papel na may nakasulat na"Apo,lolo mo ito at baka bukas na ako makakauwi dahil marami pa akong gagawin dito sa opisina ko at alam mo naman pag alkalde diba marami talagang ginagawa iyan" at itinabi na ni Rivera ang papel na sinulatan ng lolo niya at itinuloy na niya ang pagluluto ng kakainin niya ngayong gabi na "sinigang na baboy".

Pagkatapos magluto ay nagsandok na siya ng kanin para sa sarili at nagsimula nang kumain.

-Sa ibang mundo-

"Anak,ano masasabi mo na ikaw na ang magiging-" at bago pa man matapos ni haring Vidor ang sasabihin niya sa panganay na anak niya na si Felester ay nagkaroon ng mga malalakas na pagsabog sa kapaligiran ng kastila at inutusan niya ang mga tagapagbantay ng kastilyo na bantayan ang kapaligiran."Ano nangyari dito?" tanong ni Felester sa kataastaasang kapitang tagapagbantay na si Esval "mahal na prinsipe sumugod po dito ang kapatid ninyo na si Olfron dito at ginamit ang kapangyarihan niya upang sirain ang kastilyo at ang mga bahay ng mga mamamayan dito"at galit na galit tumakbo si Felester palayo kay Esval

"Teka!"sigaw ni Esval at sinundan nga niya ang prinsipe papunta sa pupuntahan nito

lumabas si Felester sa kastilyo at nakita niya ang mga tagapagbantay na nagbubuwis ng buhay nila para sa kaligtasan ng kastilyo at ng mga mamayan lumipad siya at hinanap ang kapatid niya at nakita nga niya ito na nagbabato ng mga kulay itim na umaapoy na mga bato

at sumugod siya papunta kay Olfron at

sinuntok niya ang pagmumukha nito ng sobrang lakas at tumalsik si Olfron at gumulong-gulong siya sa lupa.

lumapag si Felester sa lupa at naglakad papunta kay Olfron "masaya ba kapatid?" tanong ni Olfron kay Felester at napahinto si Felester sa paglalakad.Tumayo si Olfron at nagtanong ulit sa kapatid niya "masaya ba na kinuha mo ang lahat sa akin!" at napalibutan siya ng kulay itim na enerhiya na lumaki at naghugis ulo ng dragon.Sinagot ni Olfron ang tanong sa kaniya ng kapatid niya "iniwan mo kami! kuya!" at napalibutan ang buong katawan niya ng kulay puting enerhiya na naghugis kabalyero.

Sumugod sila sa isa't-isa at nagpaulan ng suntok sa isa't-isa at sinipa ni Olfron ang tiyan ni Felester at tumalsik si Felester papunta sa kastilyo

tumayo si Felester at napalibutan ulit ang katawan niya ng enerhiya na kulay puti na naghugis kabalyero na may pakpak at nasira ang kastilyo ng ama niya at lumipad siya papunta sa kapatid niya na nababalutan ng kualy itim na enerhiya na hugis dragon

at lumapag si Felester sa harap ni Olfron at hiniwa ni Felester ang ulo ng dragon ngunit tumubo ito pabalik "hahaha! di mo ako matatalo!" sabi ni Olfron sa kapatid at ang kulay itim na enerhiya ni Olfron ay naghugis kamay at ginapos nito ang mga kamay ng kaulay puting enerhiya ni Felester at unti-unti itong nababalot ng kadiliman at natawa si Felester at tinanong siya ni Olfron na kung bakit siya natatawa at sinagot ni Felester ang tanong ng kapatid niya "hindi nanalo ang dilim sa liwanag" at lumiwanag ang kulay puting enerhiya ni Felester at pinitik niya ang kapatid niya at tumalsik si Olfron papunta sa bundok

at pinuntahan siya ni Felester na tinanggal ang kulay puting enerhiya na nakabalot sa kaniya at lumipad na lang siya ng sobrang bilis papunta sa kapatid.Pagkapunta niya ay wala ang kapatid niya at may kulay itim na espada na sobrang laki ang sumaksak sa kaniya

"masaya diba?" tanong ni Olfron sa naghihingalong kapatid

"k-kuya" at hinugot ni Olfron ang malaking espada na nakasaksak sa kapatid at nagbukas ng portal at doon tinapon ang kapatid niya.

-pagtatapos ng bagong kabanata-

You May Also Like

The CEO's First Romance

Her heart had been blue while his heart had been borrowed. Will they entertain that magnetic force called love again? ~•~•~•~ Buong buhay ni Klarissa ay ginugol na niya sa pagta-trabaho para sa pamilya niya. Kaya naman nang may mas malaking offer sa kanya ay agad niya tinanggap iyon. Lahat kasi ng bagay kahit kapalit pa noon ang pansarili niyang kaligayahan ay gagawin niya para sa pamilya niya. Ngunit ng makilala niya ang boss niya na ubod ng gwapo at hot ay parang gusto na niyang umatras sa laban. Hindi kasi kasama ang puso niya ngayon sa dapat niya problemahin. Ngunit anong gagawin niya kung hindi niya magawang kontrahin ang puso niya? Lifeless, iyon si Alfred matapos mamatay ng pinakamamahal niyang babae. Breathing but not living. Bahay at trabaho lang ang araw araw na routine niya. Naiwan sa kanya ang tanging alaala ng kanilang pagmamahalan. Si Kit - ang ten years old niyang anak na tanging nagpapagaan sa loob niya. Ngunit gano'n pa 'man tila may kulang pa din. Hindi pa din bumabalik ang kulay sa mundo niya. Kaya nang dumating sa buhay nilang mag-ama si Klarissa ay nayanig ang mundo nila. Sa isang iglap, natagpuan na lamang niya ang sarili na nahuhulog dito. Si Klarissa na ang kanyang bagong simula? DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Copyright © 2019 by Mary Ruth Oba All rights reserved. No part of this novel may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including typing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

CaireneLouise · โรแมนซ์ทั่วไป
Not enough ratings
41 Chs