tumayo si Demetreh kahit na nakatutok sa kaniya ang kaliwang palad ni Zifion na may kulay pula na enerhiya na hugis bilog na maliit
"huwag mong papatay-" bago pa man tapusin ni Demetreh ang kaniyang sasabihin ay pinalaki ni Zifion at pinahaba ang kulay pulang enerhiya na hugis bilog at tinangay nito si Demetreh papunta sa gusali na kung saan inaalagaan ang mga batang walang magulang ngunit bago pa man ito tamaan ni Demetreh ay ginamit niya ang kaniyang katawan pangtigil sa mapaminsalang enerhiya na ginamit sa kaniya ng masamang si Zifion.
Natagumpayan itong pigilan ni Demetreh gamit lang ang katawan niya at pati na rin ang buong lakas niya at napaluhod si Demetreh sa sobrang pagkaubos ng kaniyang enerhiya sa pagpigil sa atake ni Zifion
punit-punit na ang kaniyang pangitaas na damit at puno na ng galos ang katawan niya
"Demetreh!" pagaalala na sabi ni Rivera at ginamit iyon ng higante niyang kalaban at di na nagalinlangan ang higante at hinampas si Rivera gamit ang kanan niyang kamay
at tumalsik si Rivera sa pader ng gusali at nang balak pa niyang lumaban ay ulit-ulit siyang pinagsuusntok ng higante at ikinagalit ito ni Demetreh
at nang tutulungan niya si Rivera ay biglang sumulpot si Zifion sa harap ni Dimetreh upang pigilan siya at ginamitan niya si Demetreh ng mapaminsalang enerhiya niya at tinangay nito si Demetreh
tumama si Demetreh sa may gusali at unti-unting nawalan ng malay bago pa siya mawalan ng malay ay kitang-kita niyang pinahihirapan nila Zifion ang kaniyang mga kasama at dahil na rin sa pagaalala sa kuya niya ay sumulpot si Rifia at sumugod papunta kela Zifion at sinubukang tumakbo ni Demetreh papunta kay Rifia ngunit si Zifion ay pinatamaan si Rifia ng mapaminsala niyang enerhiya at nanlaki ang mga mata ni Demetreh at si Ben ay labis na nagalit kay Zifion at tinusok niya ang mga mata ng kasamahan ni Zifion na may sungay
ngunit gumaling kaagad ang mata ng may sungay na ang ngalan ay "Chilifia"
at pinaghahampas niya si Ben sa lupa ng dalawang beses at ibinato ito sa may gusali.
Si Demetreh ay pinuntahan si Rifia na punit-punit na ang damit at kinausap niya ito
"Rifia!...Rifia!"
dumilat si Rifia at sinabi kay Demetreh
"h-hindi ko na kaya"
"ha?! dadalhin kita sa ospital o sa pagamutan tara!" natatarantang sabi ni Demetreh kay Rifia ngunit nang hihilahin ni Demetreh ang kamay ni Rifia ay hindi nagpahila si Rifia at ipinakita niya ang tagiliran niya kay Demetreh na may sugat na malubha na kita na halos ang laman loob niya doon lumuha si Rifia at tumingin siya kay Demetreh at lumuhod si Demetreh sa harap niya at tinanong siya "ano ba ang maari kong gawin?" sumagot si Rifia sa tanong ni Demetreh "kailangan mong tanggapin ang markang ibibigay ko sa iyo at upang mapigilan sila"
"sinong sila?" tanong ni Demetreh
inilapit ni Rifia ang kaniyang mukha kay Demetreh at hinalikan siya sa labi at doon niya naipasa ang marka niya kay Demetreh at napunta ito sa kaliwang braso ni Demetreh.
Nagkaroon ng malakas na enerhiya na pumaitaas sa kalangitan at si Demetreh ay nagbago ng anyo
ang buhok niya ay nagkulay abo at ang marka na ipinasa sa kaniya ni Rifia ay lumaki at nagmukhang diamante na may ekis sa gitna
pumunta siya kay Zifion,Chilifia at kay Higantes ng sobrang bilis nagkaroon si Demetreh ng espada sa kanang kamay niya na kulay asul at pula at sinaksak niya si Zifion ng labing-limang espada sa dibdib nito nang sobrang bilis at si Chilifia ay madali niyang nakuha ang puso at iniwan niyang butas ang dibdib nito at sa galit ni Higantes ay sumugod siya kay Demetreh ngunit nang pumitik si Demetreh gamit ang kanan niyang kamay ay pumutok si Higantes at kumalat ang laman -loob nito sa paligid.
At pagkatapos makipaglaban ay nahimatay si Demetreh at sinalo siya ng lalake na nakasuot ng pang gurong damit na si Fenerio.
-nagtatapos ang kabanata-