webnovel

Ang istorya ng maalamat na kusinera

Kinaumagahan na nang magising si Rivera at kinamot niya ang kaniyang mga mata at humikab,tumayo siya at pumunta sa kusina dahil sa may naamoy siyang inilulutong tapa at itlog at pagkapunta niya sa kusina ay nakita niya si Demetreh ngunit naalingpungatan siya at napagkamalan niya si Dimetreh bilang Lola niya.

"Magandang umaga Rivera" binati ni Dimetreh si Rivera na lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit at sinabi ni Rivera "ma..masaya na ako na andito ka ulit lola" at nagulat si Dimetreh ngunit hindi niya muna tinanong si Rivera kung bakit niya siya niyakap

natauhan na nga si Rivera at madali siyang lumayo kay Dimetreh ng tatlong hakbang

"ah...ah...."hiyang-hiya si Rivera sa kaniyang nagawa ngunit niyakap siya ni Dimetreh at sinabi "alam ko ang iyong naramdaman kaya ayos lang" at napangiti si Rivera sa sinabing iyon ni Dimetreh.

At ipinagpatuloy nga ni Dimetreh ang kaniyang ginagawang "pagluluto" ng tapa at itlog at napansin nga ni Rivera na parang katulad ni Dimetreh ang lola niya sa pagluluto

at tinanong ni Rivera si Dimetreh "Dimetreh,paano mo natutunang magluto?" at lumingon si Dimetreh kay Rivera habang inilalagay ang pata at itlog sa isang malaking plato at sinagot ni Dimetreh ang tanong ni Rivera "dahil dito" at kinuha ni Dimetreh ang isang maliit na libro na ang pamagat ay "Ang Paraan ng Pagluluto".

"Ke..Kelan pa?" gulat na tanong ni Rivera kay Dimetreh

"kanina habang tulog ka pa may nakita akong libro na nasa iyong tabi at naging interesado ako dito kaya binasa ko ito habang tulog ka pa na ang sumulat pala ng librong ito ay si Ria ang asawa ni alkalde Acel" sagot na sabi ni Dimetreh at tinanong ulit ni Rivera si Dimetreh "gu...gusto mo bang marinig ang kwento ni Ria?"

"oo naman"sagot ni Dimetreh kay Rivera

pinaupo ni Dimetreh si Rivera at pagkaupo ni Rivera ay umupo na rin si Dimetreh sa tabi ni Dimetreh at doon na nagsimulang magkwento si Rivera.

-Noong araw sa nayon ng ulaiyo-

"pagbilan nga Ria" sabi ng mamimili kay Ria

"ano iyon?"tanong naman ni Ria sa mamimili

"tatlong luka nga" sabi ng mamimili kay Ria

at inilagay ni Ria ang giniling na baka sa lumpia wrapper at inirolyo ito at niluto na niya ito ngunit hindi biro ang pagluluto ng luka dahil tumatalsik-talsik ito at nahihirapan rin si Ria sa pagluluto nito dahil na rin sa pagtalsik-talsik sa kaniya ng mainit na mantika bagamat masakit ay tinitiis niya pa rin dahil na rin iyon sa pagmamahal niya sa pagluluto at tiningnan-tingnan niya pa ang mamimili kung nakaupo pa ito at naghihintay sa kaniyang binili na "tatlong luka" subalit pagkatapos magluto ang luka na kaniyang inorder ay wala na siya nawala na parang isang bula sinubukan pang tingnan ni Ria kung nasa paligid pa ang mamimili ngunit wala na ito at nasa ibang kainan na pala

pero nagiwan ito ng pambayad sa kaniyang binili ngunit hindi katulad ng ibang kusinero/kusinera si Ria na ang tanging hangad sa pagluluto ay magkapera....mas gusto niya maspasaya yung tipong pag kinain ng isang mamimili ang kaniyang niluto ay sasaya ito at ang ngiti ay hanggang langit

itinago ni Ria ang pambayad at labis siyang nalungkot dahil yun na nga lang ang kaisa-isa niyang mamimili ay nawala pa na parang isang bula.

Inayos na ni Ria ang mga kagamitan at potahe niya na ginagamit niya sa pagluluto at pati na rin ang maliit niyang calinderia at ikinandado na ito at may mga gulong ito sa ilalim kaya't tinulak na lang ni Ria ang calinderia habang pauwi.

Habang pauwi ay malungkot pa rin siya at iniisip kung bakit marami sa kaniyang suki at mamimili ay labis na nawala sa loob lang ng tatlong linggo,nakarating na nga siya sa harap ng kaniyang bahay at inilagay na niya ang maliit na de-tulak na calinderia niya sa likod ng bahay niya at pumasok na sa loob ng bahay niya at umupo siya sa upuan na pang-tatluhan at tiningnan ang litrato ng mga iba niyang anak na may kaniyang-kaniyang mga pamilya na at niyakap niya ito habang umiiyak

bumaba natitira niyang anak na babae na nasa poder "nay andiyan ka na?-" imbes na tapusin ang itatanong ay niyakap na lang niya ang ina na sobrang lungkot

at pagkatapos yakapin ay tumigil na ang ina sa pagiyak at nagusap silang dalawa habang humihigop ng mainit na tsaa

"ano ba ang nangyare ina at tila pinagsakluban ka ng langit?"tanong ng anal na babae ni Ria na si Frie

sumagot ang ina na malungkot pa rin sa nangyare "ka..kase halos babagsak na ako hindi ko na maipag-" at pinutol ni Frie ang sasabihin pa ng ina "ikaw ang asawa ni Acel ang susunod na magiging alkalde nanay ni Frie ang maalamat sa paggawa ng tsaa hindi ako makapaniwala na mangagaling sa bibig mo ang mga salita na iyan,nanay minsan na ako nawalan ng lakas ng loob pero sinabi mo saakin ang salitang "anak wag kang susuko hindi nagtatapos ang lahat sa isang tuldok lang kailangan mong dugtungan iyan hindi yung hanggang diyan ka lang! " kaya nay hindi pa tapos ang lahat ipagpautloy mo lang kung ano ang iyong gagawin!" sabi ng anak at tumayo si Ria at niyakap ang anak. at doon nagsimula ang lahat naging buo ulit ang pamilya niya at tinuruan niya ako ng maraming bagay at doon nagtatapos ang kwento ni lola Ria.

Pagkatapos magkwento ni Ria ay tumayo na siya upang magtimpla ng tsaa at tumayo na rin si Dimetreh at inayos ang upuan

-doon nagtatapos ang kabanata-

Next chapter