webnovel

Sinking Beneath the Waves

Author: sinvalore
โรแมนซ์ทั่วไป
Completed · 179.6K Views
  • 51 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Chapter 1Simula

Binura ko ang natitirang linya na 'di kailangan sa kabuuan ng sketch. Maingat kong inalam ang bawat detalye ng artwork. It's my piece about my family. Tatlo kami sa drawing. Ako ang nasa gitna nila mama at papa.

I missed them so much. Bata pa lamang ay ulila na ako sa kanila. Ang dahilan ng pagkamatay nila ay aksidente umano. Wala akong matandaan dahil ang sabi, bata pa naman ako noon. Wala rin naman silang ibinigay na impormasyon dahil anila'y 'di na kailangang malaman pa. Hindi na iyon mahalaga at may mga alaalang dapat ng ibaon sa limot.

If that's the case, wala akong kaalam-alam sa nakaraan ko. Wala na rin akong maalala.

Hinipan ko ang dumi sa papel. Drawing has been my silent sanctuary. Minsan naman ay nagpipinta ako kapag may oras. Depende sa gusto ko.

Sabi nila, nakuha ko ang talentong ito kay papa. Si Papa ay dating sikat na pintor samantalang si Mama ay kasamahan niya na gumuguhit. Nasa iisang club o community sila, nagkapalagayan ng loob, nagkamabutihan, nagkasundo at na inlove sa isa't isa. At ako ang naging bunga ng pagmamahalan.

I smiled to myself nang natapos ang ginagawa. Mas nakakapag-isip ako nang maayos kapag walang ingay at magugulong tao at bagay. All my things are perfectly arranged and well-organized dahil gusto ko maayos ang lahat bagaman minsan, kapag wala ako sa mood ay makalat ang paligid ko kaya naman 'di ako makapag-isip nang maayos.

"Come on, Luca! Minsan lang naman 'to!" Pamimilit sa akin ni Herana, kaibigan ko.

"Anong minsanan?" Pinagsalubungan ko siya ng kilay. "'Di nga ako puwede."

"Ano ba kasi gagawin mo roon?" Iritang tanong ni Morthena, pinsan ko. "Lagi ka nalang busy sa trabaho mo. Ikakasal na si Atifa, single ka pa rin!"

Umirap ako at tumalikod sa kanila. Nasa sala kami ngayon ng aking condo. Noong isang linggo pa nila ako kinukulit na pumunta sa kasal ni Atifa. Napakaingay. This is why I hate being with noisy people. Nada-damage ang utak ko.

Atifa is one of our cousins. Ikakasal na ang gaga kasi mahal na mahal niya raw ang kanyang fiancé. Edi sila na may lovelife! Basta ako, masaya ako sa buhay ko. Hindi ko kailangan ang ganyang mga bagay.

"Luca, naman!" Reklamo ni Herana.

"'Di niyo ako mapipilit." Umirap ako kahit 'di nila kita iyon.

Lumapit ako sa sink para maghugas ng kamay. It's past midnight at dahil nagugutom sila, naghanda ako ng pagkain. Nagpagabi lang dito sa lugar ko para lang mangumbinse na dumalo ako sa kasal ng pinsan namin.

"Grabe ka naman sa pinsan natin." Rinig kong sabi ni Morthena. Naiimagine ko na ang nakabusangot niyang mukha.

"Pinsan mo 'yon." Pabalang kong sagot. I wiped my hands on my apron sabay ikot para maharap sila. "Isa pa, busy talaga ako sa araw na 'yan. Puwede ba i-move?"

February 14 ang napili nilang date para sa kasal. Hello? I have clients sa mga araw na 'yan. I'm an event organizer. I don't want to miss any opportunity dahil lang sa mga bagay na wala pa sa isip ko. If Atifa wants to be tied up sa kanyang magiging asawa, then I have no problem with that as long as hindi nakakaabala sa trabaho ko.

"You can be the event organizer." Suhestiyon ni Herana. "Bukod sa makakadalo ka, magkakapera ka pa."

"No, thanks." Umiling ako, dismissing the topic. "I can raise myself without the help of anyone." Pagmamayabang ko.

I grew up without my parents. I lost them when I was eight. Sa murang edad, I learned how to survive on my own. Naging independent ako mula nang nagkaisip at nagkaroon ng muwang sa mundo. Although I have my grandparents to watch over me, sinisigurado ko sa kanila na 'di nila kailangang mag-alala kasi kaya ko na ang sarili ko. They believed in me kaya mas lalong tumaas ang kumpyansa kong makakaya kong mabuhay mag-isa.

"'Di ka na ba talaga mapipilit?" Bumusangot si Morthena.

Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang bowl ng fruit salad. Since I have stocks of assorted fruits, iyon ang napagdiskitahan namin.

"Sorry, More. I have decided na 'di ako dadalo sa wedding niya." Sabi ko at nilapag ang bowl sa hapagkainan. "Marami pa akong kailangang ayusin sa araw na 'yan. Pero kung mapilit kayo..."

Tumalikod ako sa kanila at kumuha ng dalawang maliit na bowl at dalawang tinidor. Nilapag ko ang mga iyon sa mesa.

"Kilala kita, Luca." Ani Morthena. May himig ng pagbabanta iyon. "You can't do this."

"Then it's not my problem anymore." Panghahamon ko.

I can't attend the wedding unless they'll move the date. As simple as that. Madali lang naman akong kausap na tao. Praktikal lang dapat ngayon. Don't settle into a decision subjectively.

"'Di naman kasi reasonable 'yang gusto mo, Lucs." Ani Herana. Umikot ako para maharap siya. "You can't just have the things the way you want them to be."

"Oh?" Peke akong humalakhak at umupo sa bangko. "Bahala kayo. Basta ako, I'm not available in that date."

"Hay naku!" Umirap si Morthena at humalukipkip. Nakaupo siya sa tapat ko samantalang si Herana ay nasa kabisera. "Si Atifa ang papupuntahin ko rito." Bumusangot ulit siya.

"Sige." Panghahamon ko. "I guess Atifa also has no choice but to agree with me." I smirked.

It's past midnight pero gising pa rin ako dahil nandito pa rin 'yong dalawa. Hindi ako nakakatulog kapag maingay o magulo ang paligid. I'm used to be alone kaya nakakairita kung may mga bagay na 'di kaaya-aya sa paningin at pandinig ko.

"Wala talaga kayong balak umuwi, ano?" Sarkastiko kong sabi.

Nasa sala pa rin kami. Nakabukas ang tv kahit 'di sila nanonood. Nagce-cellphone lang at panay ang ngiti. Nakaupo na parang mga lalaki.

Mga baliw.

I suddenly wonder paano ko napagtiyagaan ang dalawang 'to. Mga sakit lang sa ulo. 'Di makaintindi ng salitang "Not Available".

"Not unless you say "yes"?" Panghahamon ni Morthena.

Isa pa 'tong si Morthena. Palibhasa nasanay na nakukuha lahat ng gusto. Well, I'm an exception.

"Sige." Kibit-balikat ko at tumayo. Napatingin silang dalawa sa akin na mukhang nagulat. "Diyan na kayo at matutulog na ako. I have clients to meet tomorrow." I faked a smile and whirled around.

"Hoy, Nadella!" Sigaw ni Herana sa huli kong pangalan. Kumunot ang noo ko at umikot para harapin siya. "Talagang 'di ka na mapipilit?" May ngiting tagumpay sa kanyang labi.

"Hmm," siningkitan ko siya at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Sino sino raw ba ang makakadalo?" Tanong ni Morthena habang nakatutok sa screen ng kanyang cellphone.

"Siyempre mga pamilya at kamag-anak ng ikakasal." Sagot naman ni Herana.

"Pupunta daw doon si Moffet, eh." Painosenteng sabi ni Morthena at nag-angat ng tingin sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. "'Di ba crush mo 'yon?"

"H-Hoy 'di ah!" Umirap ako at tumayo. "Kalokohan lang 'yan."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlambot ako nang marinig ang pangalan niya.

"Invited si Moffet kasi pinsan niya 'yong groom."

"Oh ano naman ngayon?" Pagtataray ko.

Mas lalong 'di ako pupunta kung pupunta roon si Moffet! Aba talaga!

Moffet's my ultimate crush since we were in high school. Ang astig niya kasi magmotor. And to think na mabait at palakaibigan, 'di malabong maraming magkakagusto sa kanya. Eh, may itsura rin naman 'yong lalaki.

'Di naman ako naiiba sa ibang babae na nagkakagusto sa lalaki. Pero siguro dahil 'di naman ako ganoon ka-interesado sa pag-ibig, isinasantabi ko ang mga bagay na 'yan. Mas importante sa akin ang pangarap. Lovelife? Nandyan lang 'yan. Hindi 'yan nawawala. At 'di mo rin naman kailangang hanapin 'yon kasi 'yon mismo ang hahanap sa'yo.

"Sus kunwari ka pa!" Asik ni Herana. "Remember noong high school pa tayo?"

"Shut up!" Irita kong sabi sabay harap sa kanila. "Past na 'yon, okay?" Umirap ako at humalukipkip.

Naalala ko na naman ang mga kagagahan ko rati. Dahil likas sa akin ang pagiging creative, ginagawan ko ng love letters si Moffet. Sikreto kong nilalagay 'yon sa locker niya. At kahit 'di ako matalino kagaya ng iba kong pinsan, lalo na si Zette, kahit sa arts man lang ako bumabawi.

"Paano kaya kung alam niyang ikaw ang nagbibigay sa kanya ng love letters way back when we were Senior High?" Pang-iinis ni Morthena.

Morthena was also my classmate when we were in Senior Highschool. Si Herana kasi, simula pa noong grade seven, magkaklase na kami. Nasa section three kami lagi.

"Malalaman niya 'yon kung may nagsabi sa kanya." Dahilan ko.

Hindi naman kami magkaklase ni Moffet. Kaya nga maganda na rin 'yon kasi 'di niya mahahalata o 'di siya mag-iisip na sa akin galing 'yong love letters.

"Barkada niya kaya si Ethan." Singit ni Herana.

Napaisip ako sa sinabi niya. Si Ethan, naging kaklase namin noong grade 8 na napakabully. Meron siyang laging pinagtitripan kasama ng kanyang barkadang galing pa ata sa purgatoryo.

"Oh ano naman ngayon? Wala akong pakialam sa kanya." Umirap ako.

I hate Ethan. Magulo. Mayabang. Maingay. Laging pabida sa room. Matalino naman kahit papaano. Mahangin lang talaga. Mabarkada at kung ano ano pa.

"Baka kasi kapag pinapakita ni Moffet 'yong letters ay nakikita rin ni Ethan." Paliwanag ni Morthena. "Malay mo sinabi niyang kilala niya nagbibigay kay Moffet nun."

Edi lagot sa akin 'yang si Ethan! Kapag magkita kami ulit, yari sa akin iyon!

"Ah basta," I brushed off the topic. "Kung alam man niya o hindi, edi wow! Besides, it was an immature thing. Siyempre kapag nasa ganoong stage ka pa, 'di mo pa iniisip ang magiging kahinatnan ng mga pinagagawa mo sa buhay."

"Move on ka na ba sa kanya?" Panghahamon ni Herana.

"Ano?!" Kumunot ang noo ko. "Ba't ako magmomove on e 'di naman naging kami nun? Baliw ka ba?"

"Minahal mo yata eh." Asar ni Morthena.

"Hoy 'di, ah!" Tutol ko. "Mga loko loko kayo. Diyan na nga kayo!"

Tumayo ako at umalis sa kanilang harapan. Pinagtawanan ako ng dalawang baliw. Sarap pag-uuntugin.

Kinabukasan, maagang umalis ang dalawa. Tinanong ko anong oras natulog. Ang sabi sa akin ay alas tres na ng madaling araw. Nakikipagchat pa sa mga bebe nilang balang araw, iiwan din sila. Bahala sila. Sila rin ang masasaktan.

Alas sais ng umaga, pumasok na ako sa trabaho. Dahil unang araw ngayon ng Pebrero, dumarami na ang aming mga kliyente. Marami ng nagpapaset sa amin ng dates, occasions at kung ano pang celebrations. Natutuwa ako dahil magiging busy na naman ako sa buhay ko. Wala akong ibang iisipin kundi ang trabaho at sarili lang.

"Bukas, may birthday celebration na aayusin. This is very important dahil bukod sa bigatin ang kliyente, first birthday ito ng kanilang anak." Pahayag ng event coordinator namin na si Miss Nherrie.

"What is the motif or theme of the party, Miss?" Tanong ko.

The most important thing here is the theme of celebration. Sumunod 'yong mga gagamitin, the foods, souvenirs and invitation cards. But overall, we all have different tasks to do. We have an event planner na si Ivan.

"Ivan will handle this, Miss Nadella, since he is our planner. You just have to approach him about the other details."

"Okay, Miss." I smiled and nodded at her.

"Ivan, you have a meeting with Mrs. Deduyo later this afternoon." Deklara ni Miss Nherrie.

"Okay, Miss." Ivan nodded.

After the small talks, kagaya rin ng sinabi ni Miss Nherrie, dumating ang mag-asawang Deduyo. Nakipagmeeting sila kay Ivan. Kami namang natitira, iba ang pinagkaabalahan.

"Jasper," rinig kong tawag ni Patricia kay Jasper.

"Bakit, Pat?" Tanong nito. Lumayo na ako sa kanila. 'Di ko na pinakinggan ang kanilang usapan.

My phone vibrated. I checked it in case kliyente ang nagpadala ng mensahe. But to my surprise, si Atifa pala. Binasa ko kaagad ang mensahe niya.

Atifa:

I want to talk to you, Lulu Cailleigh Nadella.

Napangiwi ako nang nabasa ko iyon. Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Alam ko na rin ang pag-uusapan namin. Sa kung paano niya buuin ang pangalan ko, alam kong dismayado siya.

Mabilis akong nagtipa ng reply. Oras ng trabaho ngayon kaya wala akong panahon sa ganitong bagay.

Ako:

May trabaho ako ngayon, Atifa.

Pagkatapos kong i-send iyon ay binalik ko na ang telepono sa bulsa ko. Ayokong mapagalitan ng manager namin. Iba pa naman 'yon. Parang dragon.

Later that afternoon, sabay sabay na kaming kumain. Katabi ko si Patricia. Katabi niya si Jasper na isang photographer na katabi si Ivan, si Eunicel at Ivy.

"Mayaman ang bagong kliyente." Biglang sabi ni Ivan. "Gusto nila engrande ang first birthday ni baby Mica."

"So babae ang anak nila?" Pagkaklaro ni Patricia. "Baka more on pink and flowers, what do you think?"

"Nope." Umiling si Ivan. "They don't like flowers. Gusto nila mga disney characters like Belle."

"Yellow." Singit ni Jasper.

"Oo, tol." Sagot ni Ivan. "Kaya pagkatapos natin dito, ilalatag ko na ang plano natin."

Pinag-usapan namin ang tungkol sa birthday celebration. 'Di na bago sa amin ang disney character. In fact, we had Elsa, Ariel, Aurora and Snow White. Ngayon lang kami nagkaroon ng Belle.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang kami saglit at sinimulan na ang trabaho. I was assigned to do the invitation cards dahil sabi nila'y doon ako magaling. Naalala ko na naman na binigyan ko ng love letters si Moffet. Araw araw iyon. Kinakamusta ko lagi at pinupuri kung gaano siya kagwapo.

The old memories sent chills to my bone. Ngayon ko lang napagtanto ang kagagahan ko noon. If I didn't do it, siguro 'di ako mababagabag ng alaalang iyon.

Nang oras na para mag-out, saka ko lang binasa ang reply ni Atifa. Galit na galit talaga ang gaga. Nakakatawa lang. Itatali na pala siya. Parang kailan lang nang college pa kami. Ang bilis ng oras.

Atifa:

Malilintikan ka sa'kin, Luca. Sinasabi ko sa'yo.

Natawa ako sa reply na iyon. Naiimagine ko na ang matulis niyang titig sa akin. Si Atifa pa naman 'yong babaeng nakakatakot galitin.

But still, I'm an exception. 'Di siya mananalo sa akin.

Nagtipa muli ako ng sagot. I yawned as I felt my body giving up.

Ako:

I'm tired, my dear cousin. Saka na tayo mag-usap. Pauwi na ako.

Pagkatapos kong i-send iyon ay binalik ko na ang cellphone sa loob ng wallet. Nakaramdam ako ng gutom pero sa bahay na ako kakain para makapagpahinga na rin pagkatapos.

***

you may find me in wattpad @sinvalore for more stories. lovelots!

You May Also Like