Nagusap sila Demetreh at Acel sa harap ng maliit na lamesang pang tsaa
"sabihin mo nga saakin Demetreh saan mo natutunan ang pakikipaglaban katulad niyan"
"natutunan ko ho ito sa aking ama habang nabubuhay pa siya nung araw at itinuro niya po saakin itong istilong ito"
humigop ng tsaa si Acel at inalok niya si Demetreh
"kung pagaaralin kita ayos lang ba?"
napangiti si Rivera sa narinig "seryoso ba si lolo sa kaniyang plano?" tanong ni Rivera sa sarili at nakinig pa nga siya sa usapan ni Acel at Demetreh at si Rivera naman ay nasa kusina lang at nakasandal sa kahoy na pader na konektado sa sala
napaisip si Demetreh sa alok na iyon ni Acel
humigop si Acel ng tsaa at inilapag niya ito sa lamesa tumayo at kinuha ang machete niya na nakasabit sa may pader na malapit sa hagdanan at pumunta sa pinto at nagtaka si Demetreh at tumayo siya at tinanong si Acel
"sandali,bakit yata aalis ka? hindi pa ako tapos magdesisyon sa iyong inalok saakin"
lumingon si Acel sa kaniya at sinabi ang rason niya "kung nakapagdesisyon ka na puntahan mo ako sa kagubatan ng "puliasan"
na nasa norte lang ng nayon na ito" umalis na si Acel at si Demetreh ay natulala na lang sa pinto
nagpakita si Rivera mula sa kusina at kinausap si Demetreh "Demetreh kung naguguluhan ka pa pwede kitang dalhin sa eskwelahan na kung saan ka gustong pagaralin ni lolo at umalis lang siya upang magputol ng puno at gumawa ng imahe at
sa pamamagitan nito kikita siya at pupunta sa malapit na inuman dito para magpahinga at uminom ng alak na pinaghalong ubas at ampalaya".
Pumunta ang dalawa sa eskwelahan at nakasalubong pa nga nila sina Ben na kakabalik lang galing sa bahay ng kaniyang lola at si Rifia na kapatid ni Ben napakaganda niya at tila karagatan ang ganda ng kaniyang mga mata
"Ben uy ang tagal nating hindi nagkita simula noong nagkasakit ang inyong ama" sabi ni Rivera
"oo nga" sabi ni Ben at napatingin ang magkapatid kay Demetreh
"oh eto ba? Rifia at Ben eto nga pala si Demetreh at Demetreh eto nga pala ang magkapatid na sina Rifia at Ben" ipinakilala ni Rivera si Demetreh sa dalawa
at labis ang pamumula ng mukha ni Rifia
"teka saan ba kayo pupunta ha? Rivera?" tanong ni Ben kay Rivera
"sa eskwelahan lang balak kasi ni lolo na pagaralin siya sa eskwelahan dito" sagot ni Rivera sa tanong ni Ben
at napansin nga ni Ben ang pamumula ng mukha ng kapatid at nagaalala siya dito
"ayos ka lang ba ha kapatid?" at dahil dito ay napatingin rin sina Rivera at Demetreh sa mukha ni Rifia
"ok ka lang ba?" tanong ni Demetreh kay Rifia
at inilapit pa niya ng konti ang kaniyang mukha sa mukha ni Rifia
si Rivera ay namumula at tila kinikilig sa ginagawa ni Demetreh kay Rifia at si Ben naman ay parang naiinis na may halong galit sa ginagawa ni Demetreh
at nang lalapitan niya si Demetreh upang pigilan ay hinarangan siya ni Rivera at sinabi "hayaan mo muna sige na" at ayaw naman magpapigil ni Ben at patuloy pa rin sa paglapit kay Demetreh ngunit pinipigilan siya ni Rivera upang makita pa niya kung ano ang susunod na gagawin ni Dimetreh kay Rifia.
At hinawakan ni Demetreh ang pisngi ni Rifia at parang may nakita siyang isang lalake na nakasuot ng balabal na kulay kape na nanonood sa kanila at biglang may bumalik sa kaniya na kaunti sa kaniyang alaala at nang makita niya ang kutsilyo ni Rifia ay kaagad niya itong binunot ng walang pagaalinlangan ibinato ito sa lalake na nakasuot ng balabal na kulay kape at ang lalake naman ay kaagad na bumunot ng kutsilyo napakatulis ng talim nito at ginamit niya iyong pangsangga sa kutsilyo ni Rifia na ibinato ni Demetreh at sa sobrang lakas ng pwersa ay naputol nito ang talim ng kutsilyo ng lalake at bumaon ito sa kaniyang dibdib.
Para bang lumipad ang isipan ni Demetreh nung kaniyang gawin iyon at ngayon ay para bang nahimasmasan na siya sa kaniyang ginawa
"ano ba ang nangyare?" tanong ni Demetreh sa sarili at tiningnan niya si Rifia na tila bang nagulat sa ginawa ni Demetreh "pa-pano niya ba iyon?..." nagtatakang tanong ni Rifia sa sarili at inabot ni Demetreh ang kamay niya kay Rifia at hinawakan ito ni Rifia at itinayo ni Demetreh si Rifia sa pamamagitan ng paghila dito gamit ang lakas.
May nagpakita na dalawang lalake na naka balabal rin sa likod ni Rifia at may hawak silang kutsilyo na kaparehas ng kutsilyo ng lalake na nakasuot rin ng balabal tulad nang sa kanila
sumugod si Ben at Rivera papunta sa dalawang lalake na walang hawak na kung ano at tumalon si Ben gamit ang hangin at napakataas niyang tumalon
si Rivera ay ginawang tubig ang kaliwa at ang kanan ay putik si Ben ay huminga ng malalim at bumuga ng apoy papunta sa dalawang lalake at si Rivera ay pinagsama ang putik at tubig at tumigas ito at nag hugis kamao na malaki at parang may bumulong sa ulo ni Demetreh na boses matandang lalake nagsasabing "gamitin mo ang lupa F-" hinawakan ni Demetreh ang lupa at lumabas sa lupa ang mga sanga at kumapit ito sa mga paa ng lalake at hindi na siya naka ilag pa natamaan ng atake ni Rivera na naging dahilan upang siya ay tumalsik at gumulong-gulong sa lupa at ang lalake na gumulong-gulong sa lupa ay may ginawang ritwal at kinagat niya ang kaniyang kaliwang kamay at sinipsip ang dugo at mula sa dalawa niyang kamay ay nagkalinya na kulay itim papunta sa kaniyang katawan at mukha at nagbago ang anyo niya ang tenga ay tumulis,ang buhok ay humaba hanggang sa kaniyang puwetan,ang mga ngipin ay tumulis ng kaunti,ang katawan ay lumaki,nagkulay itim ang mga kuko,ang mata ay nagkulay itim at ang alik-mata ay nagkulay pula at doon na nagsitakbuhan ang mga taong nanonood sa laban.
Tumalon ang lalake papunta kay Demetreh at para bang may nakita siya sa lalake na isang lalake na malaki ang katawan at sinuntok niya bigla ang lalake na may tulong ng hangin
tumalsik ang lalake papunta sa gusali at dumagundong ang lalake at nasira ang gusali at tumalsik ang mga piraso nito sa iba't-ibang direksyon at sumugod siya papunta kay Demetreh at ang mga kasama niya ay nagbago rin ang anyo ang isa ay may sungay na sobrang haba at tulis at ang isa naman ay naging higante at pinunterya ng dalawa si Ben at Rivera
at ang lalake naman na pumupuntirya kay Demetreh ay ginamitan siya ng mapaminsalang enerhiya na kulay pula at hindi na niya nailagan pa at ikinatalsik pa niya ito.
gumulong-gulong si Demetreh sa lupa at samantala sina Rivera at Ben ay may galos na ang katawan
nagusap ang dalawa
"kaya natin ito Rivera"
"sige gamitin na natin"
"sige ba Rivera!"
at si Ben ay pinagbunggo ang dalawa niyang kamay at nagpakita sa harap niya ang isang espada at hinugot niya ito mula sa takip nito at nang nahugot niya ito biglang nagkaroon ng malakas na pwersa na nagpatalsik sa dalawang lalake at si Rivera naman ay kumuha ng bato sa lupa at nilunok ito at lumabas sa likod niya ang mga bato at tinakpan nito ang buong katawan niya hanggang sa kaniyang pisngi tumalon siya at
lumaki ang kaliwang kamay ni Rivera na nababalutan ng bato at ginamit niya ito upang suntukin ang higanteng lalake na kulay itim na ang buong katawan at tumaob at bumagsak ito sa lupa
at samantala si Demetreh at ang lalake ay naglalaban at nagpapaulan ng suntok sa isa't-isa at bumuga ang lalake ng mapaminsalang enerhiya na kulay pula kay Demetreh at sinuntok ni Demetreh ang lupa at lumabas sa lupa ang isang pader na may bitak-bitak pa ngunit nabutas ng atake ng lalake ang pader at tumalsik si Demetreh at tumama sa gusali at nasira pa ito sa lakas ng pagkakatama ni Demetreh
"ayan lang ba ang kaya mo at tsaka nga pala ako nga pala si Zifion ang tatapos sa iyong buhay at pati na rin kay Ben at Rifia Conto"
at tinutukan niya si Demetreh ng kaliwa niyang kamay at nagkaroon ng isang maliit na enerhiya na kulay pula at hugis bilog sa kaliwang palad ni Zifion
-ipagpapatuloy!-