webnovel

Alkalde Acel

Lumapit ang isang lalake nang paunti-unti papunta sa kinatatayuan nila Malif at pinagbantaan ni Malif ang lalake na may malaki na katawan na lalake at nakatakip ang buong mukha niya ng kulay itim na tela "wag mong susubukan lumapit o kaya mamatay ka!" at napatigil ang lalake sa paghakbang palapit sa kanilang kinatatayuan at nawala ng sorang bilis papunta kay Rivera at napansin ni Dimetreh(Felester) ang bilis ng lalake kaya't tinulak niya kaagad si Rivera at sinapak niya ang lalake sa pagmumukha nito ng sobrang lakas na tumilapon ang lalake palabas ng bahay,umuusok pa ang kamay ni Dimetreh (Felester) pagkatapos suntukin ang lalake

"Papaano?"nagtataka na tanong nila Rivera,Liza,Rose at Malif at doon na nga sumugod ang iba pa kay Dimetreh upang ipaghiganti ang kasamahan nila

"Magbabayad ka!" sabay-sabay na sabi ng mga lalake habang pasugod kay Dimetreh at iba ang nakita ni Dimetreh(Felester) sa mga lalake na iyon at bigla na lang siyang napatalon at bumuga ng sobrang lakas na pwersa na hangin na tumangay sa mga lalake palabas ng at nadamay rin ang lalake na may malaki na pangangatawan na natangay rin ng malakas na hangin

At pagkatapos ng nangyari ay biglang nahimatay si Demetreh (Felester).

At nasalo naman siya ni Rivera kaagad at pinagtulungan nilang ilagay si Dimetreh sa upuan na pang-limahan "ang bigat naman niya" reklamo ni Malif at nakangiti lang si Rose na nakatingin kay Dimetreh (Felester).

"Siya pala iyon ang gumawa nung malakas na hangin na iyon bihira lang ang mga taong kumokontrol sa hangin na aking nakikita at isa na siya doon" sabi ng isang babae at napatingin sila Malif,Rivera,Rose,at Liza sa nagsalita

Kataastaasang Kapitang Tagapagbantay Riza

"Magandang Umaga Rivera" binati ni KKT Riza si Rivera at pati ang mga kasama niya

at lumapit siya kay Dimetreh at kinausap niya sila Malif, Rose,at Liza

"Ano ba ang pangalan niya?"tanong ni Riza

"Dimetreh"sabi ni Rose

"Bakit mo naman naitanong?"tanong ni Rivera kay Riza

"paalam sa inyo balitaan ninyo ako pag nagising na siya" nagpaalam na si Riza kay Rivera,Malif,Rose,at Liza at sabay na umalis sa bahay ni Rivera nagpaalam na rin sina Rose kay Rivera at pagkaalis nila Rose ay ikinandado na ni Rivera ang pinto at pati ang mga bintana at nagbaba ng banig at inilagay ito sa tabi ng pang-limahan na upuan natulog na nga siya.

-Sa opisina ni alkalde Acel-

"Ganoon pala iyon sige naiintindihan ko kataastaasang Kapitang Tagapagbantay Riza" kinakausap ni Acel si Riza tungkol sa iniulat niyang balita na isang lalake na marunong kumontrol ng hangin

"sige tingnan pa natin ang mga kaya pa niyang gawin sa ngayon maari ka nang magpahinga at ako naman ay magtratrabaho pa" dagdag pa ni Acel at bago umalis,ay iniyuko ni Riza ang kaniyang ulo sa harap ni Acel pagkatapos iyuko ang ulo simbolo ng pagkilala sa taong may mataas na posisyon.Umalis na nga si Riza at umuwi na sa kanilang bahay inikot ni Acel ang inuupuan niyang upuan sa may bintana at sinindihan ang kaniyang sigarilyo ngunit hindi niya ito sinubo kundi kinain ng buo at dumighay ng usok mula sa kaniyang bibig at ngumiti.

-dito nagtatapos ang kabanata-

Next chapter