Karen and Kian's story
Sa unang pagkakataon. Lumandas ang luhang pilit kong tinatago para sa kanya. Hindi ko na kailangan pang ilihim na nasaktan ako. Nasaktan ako hindi dahil sa sinaktan nya ako. Nasaktan ako, sa ginawa nya. Ginamit nya lang pala ako. Ang buong akala ko, totoo syang tao. Akala ko lang pala iyon.
Umiling ako sa pagkadismaya. "Sinabi mong ako ang totoo at hinde sya tapos ito?." hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. Maraming nakapila sa dulo ng dila ko subalit nailunok ko nalang basta ang mga iyon dahil sa galit. Damn it!.
He became speechless. Nakatingin lang sya sakin. Ewan ko kung anong laman ng isip nya. Kung sa loob loob nya ba'y pinagtatawanan na ako o higit pa doon. Ewan. I don't fucking know!.
"Matagal na pala kayo. Hahaha.. bakit di mo agad sinabi?. Kingwa! Hahaha.." mukha na akong baliw sa paningin ng mga taong nilalampasan ako subalit wala akong pakialam. At mukhang nakikisama rin ang kalangitan. Biglang kumulog ng malakas at isang pitik lang. Bumagsak na ang malalaling patak ng ulan. "Ginawa mo akong tanga Kian!."
"Ikaw ang mahal ko Karen. Maniwala ka sakin." then after a very long span of hours. Saka lamang sya nagbuka ng labi at naisipang magsalita.
Muli. Isang iling ang ginawa ko. "Huli na Kian. Sinira mo na ang tiwala ko. At di mo na iyon maibabalik pa."
"No. Damn it!. I can make a way just... just don't leave me." he almost beg but it's already over.
Oo. Mahal ko na sya. Gustong gusto ko syang maksama pero gago. Ginamit nya ako. Hindi kailanman ako pinaiyak nila Mama pero kingwa!. Siguro nga. Tama sila ate. Sasaktan lang nya ako sa huli kapag alam nyang tuluyan na akong nahulog sa bitag nya.
"Accept it. I'm now quitting and don't ever bother me again. Don't. Ever..." mariin ko itong sinabi sa kanya bago sya tinalikuran. Hinawakan nya pa ako sa may braso subalit marahas ko iyong iwinasiwas para makalawa sa hawak nya. Pagod na ako. Ayoko nang magpaloko pa sa taong manloloko.
Back to where it all started...
Unang araw ng aming pasukan. Madaling araw palang pero gising na gising na ako. Excited pumasok para may baon. Oy biro lang! Pero Totoo din. Bleh!. Oo nga. Para may pera ako. Kasi naman sila mama. Ayaw kaming bigyan pag ganitong summer. Kung sakali mang may iaabot dapat. May natapos ka munang gawaing bahay. Magtupi ng damit. Maglinis ng bahay. Maghugas ng plato. Mag-alaga ng kapatid. Tumulong magluto. Hay naku! E di sana, namasukan nalang kami bilang kasambahay sa kanila. Tutal iyon naman gusto nila diba?. Tsk!
Pero syempre ayaw nilang ganun dahil ayaw nga nila. Ewan ko ba. Di ko rin sila magets minsan. Nakakapraning masyado pag bored. Lahat binibigyan mo ng meaning. Tipong maliit na galaw lang e, masama na o unfair na. Tsk! Ah basta. Ngayong, pasukan. Masayang masaya ako. Period!
"Karen, anu ba?. Pakitingnan nga si Kim. Umiiyak na nga eh.." sinuway ako nitong si ate Kendra pagkababa palang. Kita mo na?. Abnoy din! Sya nauna sakin tapos makautos?. Grr!. Kasi naman pala! Abala ito sa kanyang cellphone. Di ko malaman bakit.
"SI mama?.." balik tanong ko habang papunta sa crib ng aming bunso.
"Umalis sila saglit ni papa. Bibili yata ng tinapay mo.. psh." irap pa nya sakin. Oh well! Di naman sa favoritism sila noh. Sadyang, oo na nga! Mabait kasi ako duh! Unlike her!. Suplada. Maarte. Lahat ng ayaw ko sa isang babae. Katangian nya. Ganunpaman. Wala akong ibang choice minsan kundi pakisamahan sya dahil mas panganay nga sya sakin. Tsk!
At.. mahal ko din naman kahit papaano noh. Hek!
Imbes sagutin ko sya. Ginawa ko nalang ang utos nya. Mahirap nang mairapan at masabunutan pag ganitong unang araw ng school baka maging buong school year pag nagkataon. Di naman sa nagpipisikalan kami pag nag-aaway. Minsan lang kaya!. Lol!.
Ilang sandali pa. Dumating na rin sina mama.
"O, aga mo atang nagising anak?.." Ani papa sakin. Sabay gulo ng buhok kong di ko masuklayan. Kinarga nya agad si Kim saka dinala sa may kusina. Sumunod naman ako. Iniwan si ate Kendra sa sala. Abala pa rin naman ito sa cellphone nya. Minsan pa nga, tatawa ng mag-isa yan. Mukha syang baliw!. Hay ewan sa kanya!.
"Ayoko po kasing malate Pa. First day ng school eh.. hehehe.." sagot ko sa kanya. Umupo sa dating pwesto. Tabi ng nakasaksak na despenser. Yaman ba?. Di rin kaya. Hmm.. pag-iisipan ko pa kung mayaman nga kami. Lol!. Crazy! Me!?. Get lost duh!
"Sabagay nga hija. Tama yan.." sang-ayon nya naman.
"Good morning hija.." bati sakin ni mama. Bitbit nito ang ilang bag ng pinamili. Sinalubong ko sya. Tinulungang ilapag sa mesa ang bitbit.
"Good morning din po ma.." masaya kong bati.
Tinanguan nya ako. "Tawagan mo na mga ate mo. Pakisabi, tulungan nila akong maghanda dito.."
"Baka batuhin po ako ni ate Kiona, ma?.." reklamo ko. Di ko talaga alam kung saan nagmana ang mga kapatid ko. Bakit ako lang mabait sa kanila?. Weh? Di nga?.
"Sabihin mong utos ko.. sige na hija. gisingin mo na.." si papa ang sumagot. Kamot ang ulo ko ng muling umakyat para gisingin ang taong kailangan nila.
Noong sinabihan ko na nga si ate Kendra inirapan na ako. SI Ate Kiona pa kaya. E mas amazona yun eh. Mama naman!
."Ate!. gising ka na raw.." katok ko sa pintuan ng kwarto nya. Natatakot!
Nakalimang katok na ako pero wala pa ring sumagot. Lagot na! Baka sumabog bigla tong pintuan nya.
At hindi nga ako nagkamali!
"Ano ba!?." galit na galit nitong binuksan ang kahoy na pintuan na pumagitan samin. Sabog ang buhok maging ang ilalim ng kanyang mata. Teka, umiyak ba sya kagabi? Ano na naman kayang ginagawa nya?. Tsk!. Bahala sya!
"SI mama, ay hindi. SI papa pala. Pinapatawag ka na sa baba.." di ko matandaan kung sino na ang nag-utos sakin. Naman! E sa takot nga ako. Bakit ba?.
"Ano ba talaga?.." inis nitong bulyaw sa mukha ko. Damn! Amoy!. Ugh!!! Bagong gising ka ate!. Grabe ka naman sakin! Savage!
"Kiona!. Wag paiyakin yang si Karen. Baba na.." sigaw iyon ni papa galing sa ibaba.
Umirap ito sa kawalan saka suminghap at pabagsak na sinarado ang pintuan sa mismong mukha ko.
Ang sarap nilang maging ate diba!? Basag eardrums ko!. Sira pa mukha ko! Hay! Madaling araw palang to ha!. Ano nalang kayang mangyayari pag tumaas na si Haring araw?.
Sana okay lang ang lahat. Para good vibes tayo!. Yahoo!