webnovel

Chapter 66: It's over

After lunch. Papunta akong library. Nag-iisa lang ako dahil nagdahilan ang bakla na kumukulog daw ang tyan nya. Si Bamby naman. Hayun at lihim na nakipagkita kay Jaden sapagkat pinagbawalan sya ngayon ng kanyang Kuya na lumapit dito. Pinagbintangan kasi ng kaklase ni Jaden na malandi si Bamby na nagkataong pinsan pa ni Joyce. Ayun. Nagkagulo sila. Syempre pinagtanggol ni Ace ang Bamby. Best friend nya ito eh. Hayun. Nagsintukan sila ni Jaden. Hanggang sa umiyak si Bamby at nalaman na nga ni Lance. Kaya cease friends muna ang tatlo. No talk. At all. Pati tuloy ang buong barkada, nahati sa dalawa. O tatlo pa yata. May sariling mundo kasi sila ni Kian minsan. Sila ang laging magkasama kapag wala sila sa grupo ng barkada. Kahit magkaiba ang kanilang Nanay. Para bang sa iisang pusod lang sila galing na ultimo hindi sinasambit ng isa, awtomatikong ramdam na ng isa. Iyon ay pansin ko lang naman. Malay ko sa iba.

"Tsk. Ang titigas naman kasi ng mga ulo." kausap ko ang sarili ng biglang sumulpot ang hindi ko inaasahan na tao sa harapang upuan na bakante.

"Is he courting you?." out of the blue. Tinanong nya ito habang umuupo. Napanganga ako. Who's who?.

Dahil sa pagkagulat. Hindi ako makapagsalita. Bumilis bigla maging ang takbo ng pintig ng puso ko dala ng presensya nya.

"Do you like him?." hirit pa nya. I was like. Anong pinagsasabi ng taong to?. Nananahimik na ako. Weh?. Talaga bang tahimik ka na Karen?. Di nga?.

"Wait." parang tanga. Iniharap ko pa ang palad ko sa mismong mukha nya para pigilang magsalita. Bumuntong hininga ako ng napakalalim kahit nakikita pa nya. Wala. Tama na ang hiya hiya. Hindi ko na kaya e. Baka bigla nalang akong sumabog dito kapag di ako nagsalita. "Anong sinabi mo?."

"Ang sabi ko, nanliligaw na ba sya sa'yo?."

"Who?." sa mata ko sya tinignan.

"Bryan?." anya saka umiwas ng tingin. Umawang ang labi ko. Is he really serious?. Bakit nya naman naitanong iyon?.

"Why are you asking?."

"Gusto ko lang malaman?."

"Para saan pa?." tanong ko na para bang umoo ako sa naging tanong nya kahit hindi naman talaga.

"I just want to know." mahina ngunit katamtaman lang para marinig ko ito. My heart is shaking. May parte sakin ang masaya dahil heto sya't may interes pa rin sa nangyayari sakin. Ngunit lamang pa rin sakin ang lungkot dahil andito kami sa sitwasyon na naiipit.

"Bakit nga?. Di ba tapos na tayo Kian?."

"I don't know. I feel like I'm dying knowing that you're not with me."

"I don't care." mabilis kong sagot. May sasabihn pa yata sya. Napilitan lang manahimik dahil inunahan ko na sya. "I don't care anymore about your whereabouts Kian. We're already done and that's final." sinalubong ko ang kanyang mga mata nang sambitin ang mga ito.

Tumango sya kalaunan. Tumango tango sya na para bang wala syang ibang pwedeng gawin kundi iyon lang. "If that's what makes you happy. I'll support you. Just promise me one thing." he said. Hindi ako umoo o naghinde. "Take care of yourself please." matagal kaming nagtitigan bago sya yumuko at naglakad na paalis.

Habang pinapanood ko syang palayo na ng palayo, paliit ng paliit. Duon ko naramdaman ang sakit sa puso ko. Agad nag-unahan ang kanina pang nakatagong mainit na luha sa mata ko't basta nalang dumaloy pababa. Hindi na inalintana kung may makakita o wala. All I can think is that, my heart is broken and aching.

Honestly. Sinabi ko lang na wala na akong pakialam sa kanya para di na sya malito pa sa kung sino at saan sya pupunta pero parang baliktad ata. Ako ngayon ang hindi naman alam kung tama ba o mali ang sinabi ko sa kanya kanina.

Damn it!. Gusto kong magwala. Sumigaw at umiyak nalang maghapon.

Kahit ganun. Pumasok pa rin ako. Tinapos ang panghapon na klase saka na umuwi. May usapan pa sana kaming tatambay kila Bamby pero di na ako sumama pa dahil uwing uwi na ako. Gusto kong umiyak sa banyo at magkulong magdamag.

Is this over?. Tapos na ba talaga Karen?.

"Nagtanong ka pa e, ikaw nga tumapos kanina diba?. Asan ba utak mo Karen?." kinakausap ko na sarili ko sa kawalan ng taong mapagsasabihan. "Ginusto mo yan. Tapos iiyak ka ng ganyan ha." tumayo ako't humarap sa salamin. Nakita ko duon sa repleksyon ko kung paano rumagasa ang mga luha saking mata. Parang hindi ako ang kaharap ko ngayon. "Manindigan ka Kaka. Ang bagay na tapos na ay tapos na. Wag kang ano dyan."

Iniisip ko palang na wala nang Kian na mang-asar sakin tsaka maghahatid sundo minsan ay ngayon palang. Hinahanap hanap ko. Kingwang buhay to! Bat ba kasi sumulpot ang taong yun?.

Nächstes Kapitel