webnovel

Chapter 8: Cute

Umuwi akong bahay na lutang. Nakakahiya! Nakita nya kung paano ako matulala sa harapan nya. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip nya sakin ngayon. Kung obvious ba ako na may gusto ako sa kanya o hinde. Nakunaman! Sana hinde! Dahil kung oo?!. Naku!! Nakapikit na dumapo sa aking noo ang sariling palad dala ng frustration. Nakakahiya talaga! Papa, ayoko na!!

"Huy!.." nagulat nalang ako nang hilahin nang bahagya ni ate Kiona ang dulo ng aking buhok. Di naman as in hila. Yung sakto lang para matauhan ako. "Anong ayaw mo na?. wala pa si papa rito.." sinita nya ako gamit ang mala-agila nyang mata. Umupo sya sa aking tabi nang di pa rin inaalis ang nagtataka nyang mata.

Nasa sala kami ngayon. Nanunuod ako ng Dragon Ball. Agad nya iyong inilapit nang makaupo na sya.

Anong ibig nyang sabihin?. Nasabi ko ba yung nasa isip ko kanina?.

"Bakit ate?.." mabilis tumaas ang isa nyang kilay sa kawalan ko ng alam sa tinatanong.

Huminto sya sa pagkalikot sa cellphone saka ako binalingan ng maayos. "Anong bakit?. ako ang nagtatanong sa'yo wag mong baliktarin.." mataray nyang sabi. As usual. Umikot na naman ang may kulay nyang mata. Nakunaman! Kahit nasa bahay pa ay nagsusuot pa ng kolorete?. Hay!

"Ano bang sinabi ko?.." ganito ba talaga ang magkagusto?. Hindi kadalasan alam ang ginagawa. Laging lutang. At basta nalang nagsasalita nang di na namamalayan?.

Kumurap kurap sya. Umiling saka sinapo ang noo ko. "Hindi ka naman mainit.." sabi nyang matapos tignan ang temperature ko kung mataas ba o hinde.

Tulala lamang ako sa mukha nyang kayganda. Tapos no'n, mahina syang humalakhak. "Tsk.. pumunta ka na nga sa kusina.. gutom lang yan.." anya sabay hila sa braso ko patayo. "May binake akong chocolate cake duon.. shuuu!.." tapos ay tinulak na ako papuntang kusina. Hapon na at madilim na ang paligid. Maulap ang kaulapan. Nagbabadya ang ulan.

"Tirhan mo lang ako.." habol pa nya nang maglakad na ako palayo sa pwesto nya.

Ano kayang nakain nya at nagbake sya?. Himala ha!. Dapat araw araw ganun sya para libre, meryenda ko. Hihi.

Binuksan ko ang ref. Nilabas ang cake na sinasabi nya. Nasa isang malaking topper ware iyon. Kinuha ko ito saka naglagay sa isang platito. Nilantakan ko agad habang nag-iisip. Di pa rin mawala sa akin ang nangyari ngayon lang. Di ako makapaniwalang sa isang araw, mapapahiya ako ng ganun. Tapos, sa kamalasan pa ay, andyan sya o di kaya'y ay nakita nya. Kinamot ko ang ulo bago ginulo ng ginulo ang buhok. Ano ba kasing nasa isip mo Karen?. Akala ko ba, hindi ka gagaya sa mga ate mo?. Ano ito?. Nangako ka sa papa mo. Gawin mo naman hija.

Kulang nalang kalbuhin ko ang sarili. Paano ako papasok bukas neto?..

Kalaunan rin. Inayos ko ang buhok bago inubos ang cake. Baliw ka Karen! Guguluhin tapos aayusin?. Ayos ka lang ba talaga!?.

Eksaktong pagkatapos ko ay dumating na sina papa. Kasabay nito si mama. Pumuntang grocery raw sabi ni ate Kiona kanina nang hanapin ko sya.

"Malaki na pala anak ni Pareng Darylle, mahal.." di ko alam kung tanong ba ito ni mama kay papa o nasabi nya lang. Mukhang may nakita syang kakilala sa mall. Inabot nya sakin si Kim na nahuhulog na ang ulo dala nang sobrang tulog. Nakatulog raw kakatakbo sa loob ng grocery store. Kinarga ko ito.

"Oo mahal... kasing edad yata ng ating Karen iyon.."

"Hmm.. parang nga.. tsaka, gwapong bata.. mana sa ama.."

"At mabait pa.. biruin mo, sa mura nyang edad.. gusto nang magpatayo nang sariling negosyo?.. hahaha.."

"Talaga?.. maganda ang ganun.. business minded.." Puri nila sa taong anak nang kaibigan nila. Di ko pa nakikita ang sinasabi nilang tito Darylle sa personal. Pero lagi kong naririnig ang pangalan nito sa tuwing business ang topic ni mama.

Nagpatulong ako kay ate Kiona na iakyat sa silid nina papa si Kim. Mabigat eh. Di ko kaya. Mabuti nalang at gumalaw ito. Mukhang good mood. May jowa na naman siguro. Tsk!

Bumaba muli kami matapos kumutan si Kim. Naghapunan kami kasabay nang malakas na ulan.

"Hmm.." tango nya sa kwento ni ate Kendra. Kakauwi nya lang. Hinatid nang bagong boylet. Hay naku! Ewan ko sa kanila. Di napapagod magjowa. Tapos tinuro ako ni mama gamit ang kanyang nguso. "How's school?.." pormal nitong tanong matapos ang isa. Walang bahid na kahit na ano ang kanyang tanong. Simple at walang malisya. Pero heto ako't biglang pinawisan sa kanyang tanong. Humirit pa muna ako nang tatlong subo. Kinakabahan kasi ako kahit hindi naman dapat. Kahit wala namang dahilan para kabahan. I don't even know. Basta pagdating sa school ang topic. Matik na nag-iiba ang pakiramdam ko ngayon.

"Ayos lang po ma.." ngiti ko matapos lunukin ang pagkaing kanina ko pa nginunguya. Tumikhim pa nga sina ate para sa sagot ko. Pero sinadya ko iyong bagalan. Baka kasi mabulunan ako. O di kaya ay mautal. Mahahalata nilang hindi maayos ang school sa araw na ito.

Tinanguan na lamang nila ako at di na nagtanong pa. Doon bumalik sa normal ang aking paghinga.

Ngayon ko lang ito naramdaman. Noong bata ako. Sinabi ko sa sarili ko na wag basta basta mahuhulog sa mga kalalakihan. Na kilatisin muna ito bago gustuhin. Para atleast di masaktan. Diba?. Safe. Not unlike my ate's. Subalit, heto ako. Wala pa man syang ginagawa ay para na akong baliw. Awtomatikong nagiging tulala at nagiging estatwa sa harapan nya.

Gustuhin ko mang wag tignan ang mukha nya. Hindi ko maiwasan. Hindi ko makontrol ang sarili kong sundan ang nilalakaran nya. Wala pang isang linggo ay mukha na akong asong ulol kapag andyan sya. Di makapag-isip ng tama. Lalo kapag, nagsasalita na kasabay ng ngiti na may halong mahinang halakhak. Naku!. Tumutulo ang laway ko na lihim ko lang pinupunasan. Literal na tulo. Damn!. Yuck! Nakakatawa mang aminin pero di ko talaga mapigilan ang sarili kong wag syang titigan. Nakakapanghina ang ngiti. Lalo na kapag ang biloy nya'y lumitaw. Nakunaman! Kailangan ko nang tumalikod, paiwas sa kanya.

"You okay?.. Haha.." minsang umaga iyon. Naglilinis kami ng area of responsibility. Nag-uusap ang buong tropa at malamang, andyan sya. Ito yung time na tumulo talaga laway ko. Heck!!

Tumalikod ako sa gawi nila dahil di ko na talaga mapigilan pa ang sarili kong titigan sya.

"I'm fine.." kaway ko mula sa likod. Ang saklap lang dahil dinungaw nya pa talaga ako. Nakapamulsa at ang ganda ng ngiti. Sinisilip ang mukha kong pilit kong iniiwas sa kanya.

"Tsk.. hahaha.." hindi sya nagsalita o nagbigay ng komento. Basta kinurot nya na naman ang pisngi ko bago ginulo ang aking buhok. "You're so cute, welcome hahaha.."

Napamaang na naman ako. Ano raw Karen!?. Wa!! Papa!!

Nächstes Kapitel