webnovel

Chapter 50: Sasama

After exam. Nagyaya si Bamby sa kanila. Nagsaya ang halos lahat sapagkat duon lang ang tanging tambayan namin na kumpleto kami lahat. Tumatambay naman kami sa ibang mga bahay gaya kila Winly at Bryan pero iba pa rin pagdating sa residensya ng mga Eugenio. Puno lagi ang mesa ng pagkain. Di naman kami patay gutom pero sa tuwing ganun lagi ang nadadatnan namin sa kusina o kahit pa sa garden nilang may pool ay tumutulo agad ang aming laway. Laging pyesta.

"Nagkausap na ba kayo ulit?." tumabi sakin si Wnly habang inaayos ko ang pagkaing nasa mahabang mesa.

Maingay ang boys sa bandang pool. Nagtatawanan. Nag-aasaran. Nanguna doon si Bryan, Aron at Billy. Binibiro nila itong si Lance tungkol sa kasarian nito.

Mga baliw!. E kung titignan ko palang sila mula malayuan kung itatabi sa kanila itong si Lance. Sila ang mukhang hindi lalaki. Maporma kasi si Lance. Nga lang. Sobra naman ito sa kalinisan na ultimo langaw na dumapo sa bibig ng kanyang baso o may gumamit o nakiinom lang duon ay magpapalit na agad. Ganyan yan kalinis. Dinaig pa kami nina Bamby. Kaya nga sya inaasar din nun na bakla dahil duon. Pero yung lakas ng dating nya't angas ay walang pintas. Talagang umiikot o sumasama ang ulo mo kapag sya'y bago mo lang nakita. Ako?. Nasanay na ako sa kanya kaya normal nalang sakin ang awra nya. At ibang usapan na rin kapag tungkol kay Kian. Sya naman ay maliit ang mga galaw. Alam mo yung galaw talaga ng isang taong lumaki sa siksik, liglig at umaapaw na kayaman?. Ganun sya. He's like a fine wine. Classy.

"Di pa." iniwan ko sya ngunit sinundan nya rin ako. Pabalik akong kusina para kumuha ulit ng mga tray na ilalagay dun sa labas.

"Bakit di mo pa kausapin?. Ayun sya sa tabi lang bes. Mukhang naghihintay rin sa'yo.."

"Kung gusto nya akong kausapin, bakit di sya ang unang lumapit?."

Ganun naman dapat hindi ba?. Lalaki dapat ang unang gumagawa ng hakbang. Hindi kaming mga babae dahil kadalasan o iilan sa mga lalaki ay ayaw ng ganun. So, ako?. Ako ang maghihintay sa kanya. Ayos kung lalapit sya. We will talk. Pero kung ako pa ang lalapit sa kanya?. No way!. Thanks. Wag nalang kamo.

"Bes, paano kayo magkakaayos kung maghihintayan kayo?."

Nagkibit balikat nalang ako sa huling tanong nya. Wala na akong magagawa kung ganun. Kung anuman ang choice nya. I'll respect that.

Sa huli. Di na nya ako kinulit pa tungkol dito dahil mukhang alam nya na rin na di ako interesado sa kung anumang sasabihn. Yes. I got what his point. Gusto nya kaming magkaayos dahil isa kami sa circle of friends. At napaka-awkward nga naman kung may myembro sa loob ng barkada na di nagpapansin. Kagaya nalang ngayon.

"Master, weekend bukas. Gala tayo?." si Bryan ito. Nilapitan nya pa itong tao na mukhang nasa ibang dimensyon ng kalawakan ang isip. Kanina pa ito tahimik. Walang imik.

"Kayo nalang.." walang gana nitong sambit. Agad dumapo sakin ang mata ni Bryan. Naglakad pa ito't tumayo sa likod ng upuan ko.

"Ikaw Karen?. Sama ka?."

Nagulat ako sapagkat hindi ko inasahan na ako din ang aalukin nya. Para bang nakakaramdam na may pagitan sa aming dalawa ng taong tumanggi sa kanya.

"Sama kami. Saan ba?." halos sabay na sabi ng lahat. Umurong ang dila kong iyon din sana ang sasabihn.

"Sa Bataan lang."

Nag-ingay ang lahat. Ang iba excited. Ang iilan naman tinanong kung anong masakyan. At itong si Jaden. "Ang layo bro. Round trip ba yan?."

"Kayo, kung anong gusto nyo?.." anya. Di pa rin umaalis sa pwesto nya. Hawak ang magkabilang itaas ng likod ng upuan ko.

"Mas maganda pag uwian. Enjoy magroad trip pre." si Ryan to.

"E ikaw Kaka?. Sasama ka ba?." pumayag na kasi sina Winly at Bamby. Ako nalang yata ang hindi nagbibigay ng opinyon. Yung isa naman. Tumanggi na.

Naglakbay ang paningin ko sa kanila. Lahat naghihintay sa isasagot ko pero sa isang tao lang nagtagal ang titig ko. "Sige ba. Sama ako. Kailan ba?." habang nakatitig pa rin sa mata nya. Pumayag ako sa plano nila.

"Gurl, bukas na nga. Ano ba?. Ugh!.." umikot ang mata ng bakla. Susnako!. Masabunot nga buhok nya.

Nasapo ko sa isip ang aking noo sa pagkapahiya. Nasabi na palang sa weekend. Pero wala naman kasing specific na date kaya ko natanong iyon.

"Bukas na. Tutal, tapos na ang summative natin. Mag-enjoy naman tayo minsan." anya. Kinurot pa ang magkabilang pisngi. Napapikit tuloy ako.

"Ikaw Master?. Di ka ba talaga sasama?." si Jaden to. Nilagyan ng alak ang baso ng kaibigan saka ito tumungga.

Naglagay ulit sya ng alak duon. Pinanood kung paano ito umikot sa loob ng kanyang baso.

"Kayo nalang."

Napainom ako kahit malamig ang tubig na nasa harapan ko. Ayaw nyang sumama?. Di lang naman kami ang pupunta?. Buong barkada. May parte tuloy sa akin ang parang ako ang may sala sa pagtanggi nya.

Di na nila ito pinilit pa. Nagplano nga ang lahat sa kung sino ang magdadala ng pagkain o inumin at iba pa. Nagbibiruan ang lahat pero sya, tahimik pa rin sa isang tabi. Mabuti nalang, kabati nya rin itong si Jaden na halos kagaya na rin nya.

"Ang problema guys, kulang na tayo sa sasakyan." ani Dave nang pag-usapan na ang tungkol sa sasakyan ng iba. Kila Lance kasi, Bamby, Winly at Ako. Kay Bryan, Billy, Ryan at Paul. Si Aron naman. Nakisingit na kila Bryan dahil ginamit daw ng Papa nya yung kotse nya. Sina Poro, Mark, at iba pa ay sakto lang din sa dalawang sasakyan. Mostly ay kaibigan na ni kuya Mark.

"Magmomotor nalang ako." suhestyon ni Jaden kay Dave. Ang sabi nya'y mas mabilis daw pag motor ang gamit. Iwas traffic ngunit madali ring sumabat si Bamby at sinabing delikado. Duon ko narinig ang tikhim ni Lance na halos tabunan na ang paglilinis din ng lalamunan ni Kian.

"Ako na ang bahala." tahimik na ang lahat ng magsalita sya't sabihin ito. Parang may dumaang anghel sa gitna ng lahat ng biglang nawala ang biruan at halakhak.

Maya maya ay, biglang nagdiwang na ang lahat. Sigawan, hiyawan at kantyawan ang namutawi sa loob ng garden ng mga Eugenio. Lumabas pa nga si Tita at sinilip kami. Sya pa ang nagsabing, sponsor na raw sya sa gasolina ng lahat. Ang galante hindi ba?. Ganyan sila kabait. Wag lang gagalitin o aabusuhin.

"Ayieee... Di na sya malungkot. Kasama na si Master." siniko ako ni Winly ng kumuha kaming pagkain sa may mesa. Sinipat ko ng palihim din ang buong grupo. At isang ngiti ang naukit sa labi ko. Hayun na sya. Nakikipagbiruan sa iba.

Hay... mabuti nalang. Sasama na sya.

Nächstes Kapitel