webnovel

Chapter 51: Desisyon

Maagang natapos ang kasiyahan. Isa isa na ring nagpaalam ang iba. Ang mga dahilan nila. Bibili ng kailangan bukas. Ihahanda ang gagamiting sasakyan. Tapos ang ilan. Busog na raw sila. Kahit umalis na sila'y tumatawa pa rin kami.

"Mga kabaliwan ng mga yun?." tawang tawa si Bamby. Hinahampas ang balikat ni Jaden. Nakakatakot naman ang talim ng titig ni Lance sa kanila kaya nagpatalon talon nalang kunwari si Bamby patungo sa tabi namin ni Winly.

"Bwiset na baklang to!. Sarap batuhin ng malambot na mamon." sumbog nya samin. Pabulong. Ang tinutukoy nya'y ang kapatid nyang kasing tigas raw ng bato. "Bitter masyado." dagdag pa nya. Pinagtawanan sya ni Winly.

"Hahaha.. wag mong batuhin ng mamon bes. Ipakain mo na para naman makatikim ng konting lambot sa katawan. Hahaha."

"Nakakainis. Para tumabi lang eh. Makatingin, wagas. Ugh!." tumalim ang pagkakagat nito sa labi dahilan para lumabas ang isang bilo nito sa pisngi. Lalo tuloy syang gumanda.

"Tara na." paalam na ni Win. Sasakay kaming tricy o jeep mamaya dahil medyo maaga pa naman.

"Saan kayo sasakay?." si Bamby.

"Commute bes. Maliwanag pa naman." paliwanag nito sa kanya. Tumango din ako.

"Sabay nalang kayo sakin." sa isang tabi ay nagsalita sya. Kami nalang ang naiiwan rito. Sya, Jaden, ako at Win. Inayos pa kasi namin mga gamit na nagkalat. Nakakahiya kapag iniwan naming ganun nalang.

"Sigurado ka?." natuwa ang bakla. Pero ako, nalito bigla.

"Hmmm.." yung gamit nyang himig. Parang isa itong yelong nanggaling sa isang umuusok sa lamig na freezer. Imbes lamigin ako. Pinagpawisan pa noo ko. Ganun kakumplikado ang lahat pagdating sa kanya.

"Girl, tara na daw. Bes, see you tomorrow. Bye." sandali akong natulala. Noon ko lang nalaman na hawak na pala ni Winly ang siko ko papasok sa loob ng sasakyan nya. And take note. Sa harapan nya pa ako tinulak na umupo. I tried to go outside at lumipat sana kaso puamsok na rin si Kian at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Nagkwentuhan sila na parang wala lang. Ako?. Don't mind me. Nagkukutkot lang ako ng kuko.

"Salamat sa rides Kian. See you tomorrow." paalam nalang kalaunan ng bakla. Duon lang ako natauhan.

Ano?. Ako at sya nalang ang naiwan?. Bakit mo to ginawa bakla?. Naku naman!.

We went off.

Walang umiimik.

Tahimik.

Awkward.

Paano ba basagin to?.

At ang init. Parang di ko na kaya. Binuksan ko ang bintana sa gawi ko. Doon lang ako nakalanghap ng normal na hangin. Ginaya nya rin ang ginawa ko. Di rin ba sya makahinga?. We're on the same page?.

Nabunutan ako ng tinik ng makarinig bigla ng tugtog na galing sa radyo. Tapos bigla ring bumuhos ang ulan na naging dahilan muli ng pagsara ng aming bintana. Duon. Kinain na naman kami ng nakakabasag platong katahimikan.

Pagdating sa bahay. Isang thank you lang ang ginawa ko saka tumakbo na sa loob. Di ko na inantay pa ang sagot nya. Wala man o meron. Pareho lang na awkward pa rin kaya mas mabuti nalang na takasan muna ito.

Nadatnan ko silang lahat sa sala. Kumakain ng ice cream. Tumaas kilay ko dahil ang lakas ng ulan sa labas pero trip nilang kainin ay ang malamig. Iba talaga sila kung mantrip, lalo na sa pagkain. Inalok nila ako kaya diretsong upo ako sa gitna. Tabi ng center table. Baba ni Ate Kio na nakabaluktot ang mga paa. Si Papa sa tabing kanan nya na buhat si Kim. Tas si Mama naman at Ate Ken sa baba nya. Bale kaming dalawa ang nasa sahig. May karpet naman na inuupuan namin kaya di masyadong malamig sa sahig. They ask kung si Kian ba yung naghatid sakin. Sinabi ko lang na, oo. Bakit di ko raw pinatuloy. Ang sagot ko lang, nagmamadali kasi sya kahit ang totoo ay hinde. Tapos iniba ko na ang usapan. Nagpaalam na ako kila Mama para bukas. Hindi sana sila papayag. Keso, malayo daw ang Bataan. Kung di ko pa sinabi na kasama si Kian. Susnako!. Di talaga nila ako papayagan kahit pa kasama sila Bamby at yung Kuya nya. Ewan ko ba sa kanila. Bat ganun nalang sila magtiwala sa kanya?. Alam ba nilang malapit na syang ikasal?. Maybe Karen. But, maybe not. Pero impossibleng hindi din?. Si Papa pa?.

"Sa kanya ka bukas sumakay Kaka." paalala pa ni Papa. Tanging pagtango nalang ang naisagot ko. But the way Ate Ken stared at me. Alam nyang may iba.

"Bakit parang ayaw mo yung suggestions ni Papa?." she whispered. Pareho kaming nasa kusina. Sya, kumukuha ng tubig at kasalukuyang nilalagyan iyon ng tubig. Habang ako naman. Diretsong inom na. "Alam mo na rin ba yung balita?." she continues.

"Hmm.." tamad kong sagot. Hindi na sinagot pa ang una nyang tanong.

"Kaya ba halos sagutin mo si Papa kanina nung sinabi nyang sa kanya ka sumabay?." nakangiti ko syang tinanguan. Ano bang isasagot ko?. Iling?. Hinde ate?. Naku!. Wala akong takas sa kanya kahit ganun pa sabihin ko. Masyadong matalas mata nito pagdating sa mga bagay bagay. Lalo na sakin ngayon.

"Kung di mo talaga feel sumama. Wag ka ng pumunta."

"Pero kasama sina Win at Bamby Ate.." duon lang ako nagsalita. Sinipat nya ako gamit ang nanliit nyang mata.

"Ikaw bahala. Choice mo na yan. Kung anong sa tingin mong tamang gawin. Iyon ang gawin mo. Walang mali sa galaw ng tao kung sa palagay nyang tama iyon sa kanya." tinapik nya ako sa balikat. Tumalikod na sya't bumalik na ng sala. Pagkatapos ko ring uminom. Nagpaalam na akong aakyat. Di naman nila ako pigilan.

Duon sa loob ng silid ko'y naglayag sa kung saan saan ang isip ko. Ano nga bang mangyayari bukas?. Tsaka yung sinabi ni ate kanina?. Ano bang pipiliin ko?. Ang magpalaya ba o ang magpakasaya?.

Kasi kapag pinili ko ang palayain sya, sigurado na akong hindi ako magiging masaya. Pero kung mas pipiliin ko sa lahat ang maging masaya kasama sya, higit pa sa pagkapanalo sa raffle draw ang premyo ko.

May masasaktan. Syempre. Hindi na yata iyon maiiwasan. Lahat naman ng desisyon ng tao kaakibat ang laging may naiiwan o nakakalimutan. Masakit tanggapin o aminin ang ganito. Ang tanging makakapagpalaya lang sa tao ay ang magdesisyong maging tama kahit mali pa sa iba. Sariling desisyon, hindi ang opinyon ng kahit na sino pa.

Madaling araw ang sabing alis namin. At ang dating arrangement ng mga taong makikisakay ay biglang nagbago. Ako, Win at Jaden sa sasakyan nga nya. Sina Bamby, Ryan at Billy kay Lance. Ganun din ang iba , sa iba.

Imbes si Jaden ang nasa tabi ng driver's seat. Ako pa itong pinagtulakan nila duon. Mga tripper din!.

"Let's enjoy this trip guys!. Kill joy is strictly prohibited." pinaulan kami ng paalala ng bakla. Dinaig nya pa si Mama kanina. "Diba Master?." anya pa. Nilagay ang kamay sa gitan namin. Ganun din si Jaden. Ipinatong ko naman ang palad ko sa likod ng palad ni Jaden at kalaunan, nilagay nya rin ang kamay nya roon. Mainit ang palad nya. Umabot hanggang batok ko. "Let's go." nagpauna ang baklang isigaw to kaya sumunod na din kami.

Tama nga sya. We need to enjoy this. Tama na muna ang mag-isip. "You look good." kakasabi lang nung dalawa sa likod na matutulog eh, bumulong na ito ng ganitong kalagkit na mga salita. Susnako! Paano nga naman ako tatanggi sa mga ganito?. Sino ako para umatras?.

Nächstes Kapitel