webnovel

Chapter 47: What?

Pumasok sya ng bahay kahit na sakin pa rin sya nakatingin. Nakahain na pala ang tanghalian pero hinanap pa rin ni Mama yung kangkong. Ano bang gagawin nya dun?.

"Upo ka na Kian. Saan ka ba nanggaling ha?. Ikaw na bata.." inasikaso sya ni Mama pero ako?. Hinde. Susnako! Sya ba anak nya?.

Naupo nalang ako sa mismong harapan nya. May pagitan naman kami ngunit ramdam ko pa rin ang mainit nyang presensya. Pinapakaba ako ng todo. Hindi ko tuloy mawari kung paano kakain. Kung maging mahinahon ba dapat o ipakita nalang ang totoong kilos ko. Nalilito ako't medyo nahihilo sapagkat iba sya kung tumingin sakin. Para bang may ibig syang sabihin pero di masabi ng kanyang labi.

"Tita, tama na po. Masyado na pong marami. Hehehe.." pigil nya kalaunan kay Mama na talaga nga namang pupunuin yung kanyang plato.

Peke ang naging ngiti ko sapagkat bigla akong nahiya. "Mama naman kasi.." kinamot ko pa ang aking ulo. Ano ba kasing nasa isip ni Mama at ganun nalang nya bigyan ng pagkain ito?. Sabing titikim lang daw sya eh. Ginawa na nyang hanggang hapunan yung nilagay nya. Ang akala ko pang sasabay samin si Mama ay mas lalo nya kaming pinagsilbihan. Lalo na ang biista. Tuloy hindi lang sandali syang namalagi sa bahay. Ipinagluto pa kasi sya ng champurado dahil biglang umulan. "Busog yarn?." biro ko sa kanya nang makita kong himasin nya ang kanyang tyan. Kakagaling nyang kusina dahil di talaga pinaalis ni Mama duon. Nakangiti nyang kinamot ang kanyang buhok sabay sabi ng, "Di ko na kaya, Kaka.."

"Hahahahaha.." pinagtawanan ko sya't tinukso ng tinukso na may niluluto pa si Mama para sa kanya. Hindi sya nakaimik nang bigla ay may naamoy ako. "May mabaho. Umutot ka noh?." tinakpan ko ang ilong ko't labi dahil mabaho nga talaga. Silent killer, putik!

Naging maasim ang kanyang mukha. Humagikgik ako't kiniliti sya lalo. Lumalayo sya sakin pero hinahabol ko pa rin sya. "Kaka, stop it." pigil nya sa kamay kong hinahanap ang kiliti nya. Nasa sala kami at nagpapahinga na. Sina Kim at Mama ay nasa kusina pa. Kasalukuyang kumakain.

"Bakit ba?. Umamin ka na kasi. Umutot ka?." tiningala ko sya. Bat ba ang tangkad ng mga lalaki?. Nakakangawit silang tignan pero syempre po, worth it naman. Sa gwapo ba neto? Susnako!

"Tsk.. Haha.. where's your damn comfort room then?." nahiya pa sya. Bahagyang tumingin sa labas kung saan pumapatak pa rin ang ulan.

Tinuro ko sya habang hawak ang tyan sa kakatawa. "Umutot ka nga. Hahahaha.." di ko talaga mapigilan ang pagtawanan sya. Normal lang naman sa tao ang umutot pero sa gwapo nyang to?. Susnako! Parang wala sa isip kong nagpapalabas din pala sya ng poison. LoL!. All I can think is, he's this cool, have swag and some charisma that might fall anyone so sudden pero nabur na sa isip kong lahat din pala ng ginagawa ko ay maaaring nagagawa nya. Hay... Kian Lim. Tao ka rin pala. Muntik ko nang makalimutan dahil sa walang pintas mong mukha.

Tinuro ko sa kanya kalaunan kung nasaan yung cr namin. Sinabi ko pang pagpasensyahan na nya dahil ganun lang iyon. Baka kasi isang buong kwarto ang comfort room nila sa laki ba naman ng kanilang bahay. Malay ko diba?. Mansion nga kasi Karen, hindi bahay.

Pagkatapos nya. Agad na rin syang nagpaalam. Hinatid ko pa sya sa labas at duon pinanood paalis.

May gusto pa sana akong sabihin kaso inunahan na ako ng hiya. Itatanong ko lang sana sa kanya kung anong totoong balak nya. Kung ano bang desisyon nya subalit naisip ko na masyado na palang pribado ang bagay na ganun. Ang tangi ko lang magagawa sa ngayon ay ang hayaan syang mamili kung saan sya masaya. Kung sino man ang piliin nya, dapat na akong humanda. Mahirap umasa. Yung umaasa ka sa wala tapos masasaktan ka pa?. Susnako! Double kill iyon Master. Kaya choose wisely, please.

Gabi na ng tumunog ang cellphone ko. Tinakbo ko iyon mula sala. Nanonood kasi ako ng finals ng basketball at sinadya ko talagang iwan sa taas ang bagay na iyon dahil ayokong umasa nga. Ayokong makarinig ng balitang maaaring makapanakit sa akin.

"Bes, balita ko. Tuloy na raw ang engagement nila."

Para akong nabuhusan ng kumukulong tubig dahilan para maestatwa ako sa mismong kinatatayuan ko't matulala nalang sa ibinalitang to ni Winly. Nanlaki ang mata ko't hindi maitikom ang umawang na labi. Sinong nagsabi?. Kailan mo nalaman? Bakit parang biglaan naman?. Yan ang mga nakalinyang itatanong ko sana subalit hindi ko na nasabi pa. Nanginig ang labi ko at ramdam ko ang pag-urong ng aking dila.

Sabi na eh!

Yan ang bulong ng isip ko sakin na pilit kong binabalewala nitong dumaang oras. Isa ring dahilan kung bakit iniwan ko sa taas ang phone ko.

Para akong sinampal sa katotohanan na wala nga kaming pag-asa. Na hindi nga dapat ako umasa. Na wag basta maniwala sa mga salitang lumalabas sa labi nya. Ngunit kingwa!. Ang hirap pigilan ang sarili. Mahirap ang hindi umasa sa mga bagay na ipinaparamdam nya. Paano ba ang wag umasa?. Anong paraan para hindi mahulog dito?. Kingwa! Bakit ang sakit dito?. Sa bandang puso ko?. Parang pinipiga na hindi ko maintindihan. Bigla kong naramdaman ang reyalidad. Ganun pala. Hindi pala lahat ng araw ay masaya ka. Di laging kilig at tawa. Laging may kaakibat ito na lungkot at sakit.

Ano na ngayon?.

Hindi ko rin alam. In fact. Di ko alam kung anong dapat maramdaman. Kung matutuwa ba ako o mainis o higit pa roon.

"Huy bes!. Hello?." kanina pa yata ako tinatawag nito pero di ko marinig. Wala akong marinig. Noon ko lang din nalaman na tumutulo na luha ko. Nag-uunahan pababa saking pisngi.

Disappointed.

"What?." galit ang ginamit kong boses rito sapagkat nagkahalo halo lahat ng emosyon ko. Bago sya nagpaalam. Sinabi nyang sana ayos lang ako. Na sana kahit ganun ang naging desisyon nya ay pipiliin ko pa rin ang maging masaya para sa kanya. Hindi ako umoo at mas lalong di rin ako huminde. Alinman sa dalawa. Di ko kayang bigkasin o sambitin.

Nächstes Kapitel