webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · สมัยใหม่
Not enough ratings
165 Chs

Anong Klaseng Mga Kaibigan Ba Ang Mayroon Ka?

"Katangahan mo yan. Okay, okay. Bakit hinahanap ka na naman niya? Nang nagsasama pa kayo ay hindi ka naman niya madalas puntahan ah," sabi ni Lin Che.

Sumagot si Shen Youran, "Malay ko ba? Nagkita kami ulit noong anniversary celebration ng school namin. PAgkatapos ng araw na iyon, bigla-bigla na naman siyang nagpapakita sa akin at ginugulo ako."

Magkakabata sina Shen Youran at Zhou Minhan. Bata palang sila ay malapit na sila sa isa't-isa. Pero sa kalagitnaan ng relasyon nila ay nahuli niya itong may kasamang ibang babae noong nasa school trip sila kung kaya nakipaghiwalay siya rito.

Umalis siya ng bansa para mag-aral sa labas at nang makatapos na siya ay bumalik na siya rito. Pero nang malaman nitong nakabalik na siya ay lagi na naman siya nitong ginugulo.

Napatawa nalang si Lin Che at sinabi, "Huwag mong sabihin sa'kin na nagsisisi na siya ngayon."

"Kahit na nagsisisi na siya, hindi niya pa rin ako mapipilit kung tatanggapin ko pa siya o hindi na. Siguro ay gustong-gusto ko ang panunuyo niya sa'kin dati pero ngayon, hindi na niya ako deserve. Kahit sino naman eh hindi magugustuhan ang isang taong pinagsawaan na ng iba."

"Tama! Hindi natin kailangan ang mga taong may mantsa na."

". . ."

"Hays."

Masayang nag-uusap ang magkaibigan at nakalimutan nang may dalawang lalaki pala silang kasama sa kwartong iyon, at nayayamot na sa pakikinig sa kanila.

Noon pa man ay nagtataka si Gu Jingze kung bakit napakaingay nitong si Lin Che. Pero ngayon, napagtanto niyang dahil pala sa mga kaibigan nito…

Nahalata iyon maya-maya ni Lin Che at agad niyang sinenyasan si Shen Youran na tumigil na sa pagsasalita.

Pilyang ngumiti lang si Shen Youran at humarap kay Gu Jingze. "Mr. Gu, best friend nga pala ako ni Lin Che. Ikinagagalak ko po kayong makaharap ngayon at pasensya na po sa mga narinig ninyo. May sakit ho ba kayo?"

Pinakitunguhan naman siya nang maayos ni Gu Jingze at tumango. "Hindi naman gaanong sinasadya. At saka, hindi rin naman malala."

Napahanga si Shen Youran at naisip na ang sarap pakinggan ng pagsasalita ni Gu Jingze.

Naaawang sinulyapan niya si Lin Che.

Samantala, nakipagtitigan din si Lin Che kay Shen Youran at para bang sinasabi sa kaibigan na, 'ngayon alam mo na ang pakiramdam'.

Nagtanong si Shen Youran. "Ano ang nangyari?"

Sinagot naman ito ni Lin Che, "Gastroenteritis."

Nang marinig ang kanyang sagot ay sinabi ni Shen Youran, "Ah, gastroenteritis pala. Noong huling beses na nagkaroon ako niyan ay pinainom ako ng mama ko ng ugat ng halamang lotus na hinaluan ng dinikdik na luya. Talagang mabisa ang gamot na iyon at gumaling ako kaagad."

Pinatigil naman ito sa pagsasalita ni Chen Yucheng na kanina pa nakatayo sa gilid. Tinanong nito si Shen Youran, "Saang medical school ka ba nagtapos? Sino'ng may sabi sayo na pwedeng inumin ang ugat ng lotus?"

Suminghal lang si Shen Youran. "Anong mali sa sinabi ko? Eh mabisa naman sakin yun eh."

"Maswerte ka lang at hindi ka namatay pero pwede bang huwag ka ng mandamay ng ibang tao? Batay sa pagsusuring ginawa namin kanina, masyadong mataas ang kanyang white blood cell at pati na rin ang kanyang ketone level. Kailangan niyang uminom ng maraming tubig para mailabas ang mga ketones at para mabawasan ang ano pa mang epekto nito sa katawan. Anong ugat ng lotus ba iyang sinasabi mo?!"

". . ." Sumagot din si Shen Youran, "Bakit? Hindi mo naman pwedeng ibalewala nalang ang mga herbal na gamot porket isa kang doktor! Mula pa sa mga ninuno natin ang mga kaalamang ito. Palibhasa eh naimpluwensyahan ka na ng mga banyaga. Pero sa palagay mo ba ay may karapatan ka ng husgahan ang karunungan ng mga ninuno natin?!"

"Ha, walang kwenta lahat ng mga yan!"

"Ano bang alam mo?"

"Wala akong alam sa kung ano ang alam mo. Pero hindi porket matagal ng ginagawa ang gawaing iyan ay tama ngang gawin yan. Noong una ay gawain ng mga babae na pinagdidikit-dikit ang mga daliri ng kanilang mga paa. Oh, bakit hindi niyo na ginagawa ngayon?" Medyo nananakot ang ekspresyon ng mukha ni Chen Yucheng. Masama ang kanyang pagkakatingin niya kay Shen Youran.

Hindi naman nagpatalo si Shen Youran sa pakipagtitigan, "Eh yung wheelbarrow o ang lotus pose? Matagal ng ginagawa ang mga posisyong ito pero kahit kailan ay wala akong nakikitang nagrereklamo tungkol dito?"

". . ."

"Hays…"

Maitim ang anyo ng mukha ni Chen Yucheng at nanatili lang siyang nakatayo doon.

Nakakuyom naman ang kamao ni Gu Jingze at tumikhim. Nagsalita siya, "Dr. Chen, gusto kong magpahinga. Siguradong pagod din si Miss Shen dahil sa mga nangyari ngayong araw. Ano kaya kung isama mo nalang muna siya sa bahay mo para doon siya magpahinga?"

Nagmamadali namang lumapit sa kanya si Chen Yucheng. "Bakit kailangan niyang sumama sa akin…"

"Nakapagpalipas na siya ng gabi sa bahay mo at mas pamilyar na siya doon. Pumayag ka na lang," maotoridad na sabi ni Gu Jingze.

"Pero…"

"Dr. Chen, ano pang dahilan ang ibibigay mo?" Bahagyang nakangiti si Gu Jingze pero may bahid ng pagbabanta sa kanyang mga mata.

Palihim namang naiinis si Chen Yucheng.

Pero wala siyang magawa dahil si Gu Jingze pa rin ang masusunod.

Ang nagawa na lang niya ay sinamaan ng tingin si Shen Youran.

Wala namang pakialam si Shen Youran. Nag-eenjoy siya kapag nakikita niyang nagdurusa si Chen Yucheng. Kapag naiinis ito ay masaya naman siya.

Bakit kasi nakakainis ang lalaking ito?

"President Gu, ang bait mo po talaga. Heh heh. Ang swerte talaga ni Lin Che na nakilala ka niya."

Sa wakas ay may nasabi rin ito na gustong marinig ni Gu Jingze.

Muli itong sinulyapan ni Chen Yucheng si Shen Youran at walang ibang nagawa. "Tara na. Huwag ka ng magkalat pa dito."

Pilyang ngumiti ulit si Shen Youran kay Lin Che, "Alagaan mo nang mabuti ang asawa mo. Mag-usap nalang ulit tayo kapag magaling na siya."

NApabuntung-hininga lang si Lin Che at pinayuhan ito, "Please, magpakabait ka kay Dr. Chen."

Tumaas lang ang isang kilay ni Shen Youran at umalis na sila.

Nang makitang nakaalis na ang dalawa ay pumihit si Lin Che at humarap kay Gu Jingze at napangiti. "Hindi ko inaasahan na matatalo si Dr.Chen sa isang debate. Akala ko pa naman ay magaling sa aspetong ito ang mga psychologist na tulad niya."

Umiling naman si Gu Jingze, "Sige na, okay na rin ang kalagayan ng kaibigan mo ngayon. Tumahimik ka na at wag ka ng malikot pa."

Napansin ni Lin Che na hindi pa gaanong magaling si Gu Jingze, kaya sumunod nalang siya sa gusto nito at umupo sa tabi nito.

Pagkatapos maturukan ay bahagyang gumanda na ang pakiramdam ni Gu Jingze. Nakabalik na rin ito sa trabaho kinabukasan.

Si Lin Che naman ay naging abala na rin sa paghahanda para sa bago niyang palabas.

Isang modern drama ang gaganapan niya ngayon. Medyo malalim ang kwento nito at gaganapin sa isang probinsya. Tiyak na magugustuhan din ito ng mga manonood. Ang bidang babae ay isang doktor na pumasok sa pwersa ng mga pulis. MAyroon itong master o tagapagturo, naging tagasunod siya nito at hindi nagtagal ay nahulog ang loob dito.

Bagong actor na sumisikat pa lang ang gaganap sa role ng bidang lalaki. Gaganapan nito ang isang master na may dilang nakakalason.

Bagamat hindi pa nila nasisimulan ang taping para sa pelikula ay marami na ang nag-aabang dito.

Hindi rin naging madali para kay Yu Minmin na makuha ang script na iyon para kay Lin Che. Naisip kasi nito na hindi masyadong mahina ang karakter ng bidang babae at bagay iyon sa imahe niya ngayon.

Nasa kalagitnaan sila ng pagpupulong tungkol sa script at filming nang biglang sumagi sa isip ni Lin Che ang kalagayan ni Gu Jingze.

Hindi niya napigilan ang sarili at lumabas para tawagan si Gu Jingze.

Nang makapasok sa kabilang linya ang kanyang tawag, kasalukuyang nasa meeting si Gu Jingze. Kinuha pa rin nito ang cellphone at sinagot ang tawag, walang bakas ng pagkayamot sa mukha. Tinanong lang siya nito, "Anong problema? May nangyari ba?"

Sumagot siya dito, "Wala naman. Gusto lang sana kitang tanungin kung maayos na ba ang pakiramdam mo? Kumusta ang trabaho?"

Parang nabunutan ng tinik si Gu Jingze. "Okay lang ako. Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon."

"Ah. Nakakaistorbo yata ako. Bumalik ka na sa ginagawa mo…"

"Hindi naman… Bakit? Nag-aalala ka ba sa'kin?" Mukhang relaxed lang si Gu Jingze. Kung kaya, nakahinga nang maluwag din si Lin Che.

"Ako… Oo naman, nag-aalala ako para sa'yo. Nagkasakit ka dahil sa'kin, kaya dapat lang talaga."

Suminghot si Gu Jingze pero patuloy pa rin itong nakipag-usap sa kanya, "Oo nga pala, gusto ko palang malaman mo na may dadaluhan akong selebrasyon mamayang gabi, at kasama kitang pupunta doon. Kailangan mo ng maghanda ngayon."