webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · Urban
Not enough ratings
165 Chs

Nagambala Ang Kanilang Pag-uusap Dahil Sa Tawag

Walang ibang maisip si Lin Che kaya sinabi niya rito, "Nasaan ba kasi iyang utak mo. Pupuntahan kita riyan at sa amin ka na lang muna matulog ngayong gabi."

"5555, hindi ko naman kasi sinasadya eh. Minamalas lang talaga ako. Kasalanan kasi ito ng Zhou Minhan na iyon. Nasa baba ng bahay at ginugulo ako."

Kinuha ni Lin Che ang address at tinanong si Chen Yucheng, "Anong district ba dito? Kailangan ko kasing puntahan ang kaibigan ko ngayon."

Sumagot sa kanya ang doktor, "Madam, dito ka nalang po at samahan si President Gu. Ako na lang po ang susundo sa kaibigan mo."

"Hindi mo alam kung nasaan siya…"

"Hindi ba't siya yung kaibigan mong nalasing noong isang gabi sa bar?" kaswal na tanong ni Chen Yucheng.

"Oo."

"Alam ko kung saan siya nakatira," pagkasabi nito ay kinuha ni Chen Yucheng ang susi at umalis.

Noon lang naalala ni Lin Che na naihatid na pala nito noon si Shen Youran sa bahay nito.

Sa loob ay sinusuri pa rin ng nurse si Gu Jingze.

Hindi naman nagtagal ay natapos na ito at tinanong ito ni Lin Che, "Kumusta siya?"

Sumagot ito sa kanya, "Kailangan pa ho nating hintaying bumalik si Dr.Chen bago natin malaman. Pero batay po sa nalalaman ko, mayroon ho siyang gastroenteritis. Pero hindi naman po ito malala kaya huwag po kayong masyadong mag-alala, Madam."

Nanghihinang nagsalita si Lin Che, "Bakit parang ang tagal mawala ng kanyang gastroenteritis? Hindi naman nagtatagal sa akin yang ganyan ah."

Tumawa lang ang nurse. "Magkakaiba po ang reaksyon ng mga katawan natin, Madam. MArahil ay walang problema sa katawan mo po, pero sa lagay naman po ni Mr. Gu, sa una pa lang ay mahina na talaga ang kanyang digestive system."

Nilingon niya si Gu Jingze at may pag-aalala sa tono niya. "Hindi na ulit kita pipiliting kumain ng junk food. Nakalimutan ko saglit na hindi ka pa pala nakakakain ng ganun. Palaging masustansyang mga pagkain ang kinakain mo kaya malamang ay hindi ka sanay. At isa pa, nagkakaedad ka na ngayon. Magti-trenta ka na sa susunod, kaya…"

". . ." Agad na tumingala sa kanya si Gu Jingze nang marinig nitong binanggit niya ang edad nito.

Matiim ang titig, "Anong sinabi mo?"

Hindi pa rin nagpaawat si Lin Che. "Totoo naman eh! Tanggapin mo nalang kasi iyang edad mo. Hindi na ka bata na mabilis lang gumaling, kaya kailangang mas mag-ingat ka na simula ngayon."

Ito ang pangalawang beses na pinamukha nito sa kanya ang tungkol sa edad niya!

Tiningnan niya nang masama si Lin Che. Maya-maya ay napagtanto ni Lin Che na napasobra na naman ang mga sinabi niya.

Pambihira talaga. Pati ba naman ito ay papansinin ng lalaking ito?

Nakakainis.

Pero ganunpaman, itinikom na lang niya ang bibig.

Nagpakawala siya ng pilit na ubo. Mabuti nalang at tumunog ang cellphone nito.

Umunat si Gu Jingze para tingnan kung sino ang tumatawag at kaagad na bumakas ang pagkairita sa mukha nito.

Si Mo Huiling…

Ilang araw ng nakakulong sa bahay nila si Mo Huiling. Kahit na naiinis siya ay naunawaan naman niya kaagad ang maraming bagay.

Tama ang sinabi ng papa niya. Ayaw ng mga lalaki ang mga babaeng masyadong nakadikit sa kanila. Noon ay wala siyang kaagaw dito kaya maganda ang pakikitungo sa kanya ni Gu Jingze. Pero ngayon, hindi pwedeng galitin niya ito.

Naisip niya na mas mainam siya kumpara kay Lin Che. Disente at mayaman ang kanyang pamilya; isa siyang mayamang babae. Hinding-hindi makakapantay sa kanya si Lin Che.

At isa pa, alam niyang pansamantala lang si Lin Che sa buhay ni Gu Jingze. Maaaring maganda ang pakikisama ni Gu Jingze dito ngayon, yun ay dahil bago lang ito. Hindi pa nito gaanong matagal na nakakasama si Lin Che hindi katulad niya na simula palang ay magkakilala na sila. At sigurado siyang totoo ang nararamdaman nila ni Gu Jingze sa isa't-isa. Hindi maikukumpara sa kanya si Lin Che sa aspetong iyan.

Kaya, nangako siya sa ama na alam na niya ang gagawin niya. Kahit anong mangyari ay hindi na niya dudungisan pa ang pangalan ng pamilya nila.

Noon lang siya pinalaya ng ama.

Agad na naisip ni Mo Huiling na tawagan si Gu Jingze. Hindi na niya kaya pang tiisin ito pagkatapos ng mahabang panahon na walang komunikasyon dito. Pakiramdam niya ay parang iniwan na siya nito.

Sinagot ni Gu Jingze ang tawag. "Anong mayroon?"

Nang marinig ni Mo Huiling ang boses ni Gu Jingze ay lumambot kaagad ang tono ng kanyang pagsasalita. "Jingze, anong ginagawa mo ngayon?"

"Busy ako ngayon. Iyon lang ba?"

Nagmamadaling sumagot si Mo Huiling. "Wala naman. Kung makatanong ka naman, para bang sinasabi mo na may balak na naman akong gawin. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa'yo. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari dahil hindi ko lang nakontrol ang sarili ko. Nitong mga nakaraang araw ay nagmuni-muni ako sa loob ng bahay at narealize ko na para pala akong sinapian. Di ko talaga alam. Iyan ang dahilan kung bakit naging sakit ako sa ulo mo nitong mga nagdaang araw. Promise, hindi na mauulit sa susunod."

Bumuntung-hininga si Gu Jingze at sinabi kay Mo Huiling, "Mabuti naman at alam mo ang pagkakamali mo. Kung wala ka ng ibang sasabihin, ibababa ko na 'to."

"Okay, sige. Magkita tayo kapag wala ka ng gagawin."

"Hm."

Pinatay na ni Gu Jingze ang cellphone at tumingin kay Lin Che. "Wala lang siya sa sarili niya nitong nagdaang mga araw. Humingi na siya ng paumanhin."

Nagkunwari naman si Lin Che na walang narinig. Hindi niya rin naman alam kung ano ang sasabihin. Naaasiwa kasi talaga siya kapag nagsasalita si Mo Huiling.

Hindi rin niya ugaling pag-usapan ang ibang tao habang nakatalikod. Ganunpaman, problema nilang dalawa iyon at sila lang din ang dapat umayos.

Ibinaba na ni Mo Huiling ang cellphone at naisip na para bang may mali sa tono ni Gu Jingze. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam nito.

May nangyari ba rito?

May inutusan siyang tao para alamin ang kalagayan ni Gu Jingze.

Noong sila pa ni Gu Jingze ay marami na siyang mga connections. Alam ng mga taong ito ang espesyal niyang relasyon kay Gu Jingze, kaya agad nalaman at sinabi ng mga ito sa kanya na isinama ni Lin Che si Gu Jingze na kumain sa isang street food corner at siyang dahilan para masiraan ng tiyan si Gu Jingze. Mayroon ito ngayong gastroenteritis at kasalukuyang ginagamot ni Dr. Chen.

Nang marinig niya ang balitang iyon ay naitapon niya ang kanyang cellphone dahil sa sobrang galit.

"Lin Che… Si Lin Che na naman," nakakuyom ang kanyang kamao at pinapakalma ang sarili.

Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos na naman. Kailangang niyang pag-isipan nang mabuti kung ano ang magagawa niya sa sitwasyong ito.

Kailangan niyang maibalik ang dating pagtingin sa kanya ni Gu Jingze.

Kailangan niyang gamitin nang mabuti ang pagkakataong ito at paghandaan nang maigi ang gagawin.

Samantala…

Nakabalik na rin sa wakas si Chen Yucheng.

Kasabay nitong pumasok si Shen Youran. Nakasunod lang ito sa malalaking hakbang ni Chen Yucheng at walang pakialam kung ano ang kanyang hitsura. Nakanguso lang siya habang nakatingin sa unahan. "Hoy, bahay mo talaga 'to? Ang laki ah."

Hindi umimik at napailing lang si Chen Yucheng. Nilingon niya ito at sinabing, "Clinic ko 'to. Tirahan ba ang tingin mo dito?"

Anong klaseng mata ba ang mayroon ito?

"Ah basta, yun na yun. Malay ko ba naman?" sagot ni Shen Youran.

Nasa loob sina Gu Jingze at Lin Che. Narinig nilang nag-uusap ang mga ito mula sa labas.

Nang makapasok na si Shen Youran ay nakita niyang nakaupo si Gu Jingze. Kahit na mukha itong pasyente at kaiba sa karaniwan nitong hitsura ay napakaliwanag pa rin nitong tingnan; para bang isang araw na nagbibigay-liwanag sa paligid.

Hindi niya inaasahan na nandoon pala si Gu Jingze.

Nakanganga ang kanyang bibig at napabulalas, "Ah, hindi ba't siya si Mr. Gu… Presidente Gu? Sa wakas nakita ko na rin siya nang harapan."

". . ."

Sinuway naman ito ni Lin Che, "Shen Youran!"

Nahihiyang sinabi niya kay Gu Jingze, "Siya nga pala ang kaibigang kinwento ko sa'yo. Shen Youran."

Nakatayo lang sa likuran si Chen Yucheng at napaikot nalang ng mata. Ang tanga-tanga. Bakit may nakatirang tangang babae dito sa mundo?

Pero, ganoon din naman si Lin Che, kung tutuusin.

Nang maisip niya iyon ay nasabi na lang niya na, kaya pala magkaibigan ang dalawa…

Sandaling hindi makapaniwala si Shen Youran at maya-maya ay nakabalik na siya sa katinuan. Ngumiti siya at tumingin kay Lin Che, at iniisip na napakalaking milagro talaga na mag-asawa ang dalawang ito.

Hinila ni Lin Che si Shen Youran at tinanong, "Anong nangyari sa'yo? Paanong nangyari na naiwan mo ang susi mo sa loob ng iyong kwarto?"

"Eh hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi naman bago sa'yo diba yung boyfriend kong basta nalang dumadating para guluhin ang nananahimik kong kaluluwa. Sinamahan ng mga magulang ko ang kapatid ko doon sa lungsod at ayaw ko namang sumama dahil tiyak na sesermonan lang nila ako doon. Hindi ko gusto ang kultura nila. 23 lang ako, pero pinipilit na nila akong mag-asawa. At hinding-hindi ako pupunta doon para lang maimbyerna sa kanila. Pero nang oras na iyon, siya namang pagdating ni Zhou Minhan. Nataranta ako at bumaba para pigilan siyang pumasok. Dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano na naman ang iisipin ng mga kapitbahay kapag nakita nila ang lalaking iyon. Malay natin…"