Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng buong bansa. Ang bawat lalaki ay gustong maging siya at ang bawat kababaehan ay siya ang nais makasama. Perpekto ang kany...
Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng buong bansa. Ang bawat lalaki ay gustong maging siya at ang bawat kababaehan ay siya ang nais makasama. Perpekto ang kanyang buhay... maliban na lamang sa nag-iisa niyang sekreto na dahilan upang hindi siya makalapit o mahawakan man lang ng kahit sinong babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya nang may kasamang isang babae. Hindi nagtagal, napilitan siyang pakasalan ang isang malikot at maingay na babae na nagngangalang Lin Che. Si Lin Che ay isang simpleng babae na ang tanging pangarap ay maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano upang matupad ang pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa walang pusong Gu Jingze. Hindi lang iyan, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa mas mataas na lipunan kung saan napapaligiran siya ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. Lalago ba ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang isang kontrata?