Kinabukasan, maagang dumating sa kanilang practice studio si Paulo. Nagtataka siya dahil wala pa si Anna sa katabing silid ng kanilang practice area. Dahil dito, sinubukan niyang tawagan si Anna, ngunit hindi sumasagot ang dalaga. Minabuti na lang ni Paulo na i-text ito.
Paulo: Good Morning, Anna! Kumusta na pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang ulo mo?
Habang naghihintay ng sagot mula kay Anna ay magkasabay na dumating si Jeremiah at Joshua.
"Uy, 'Dre, ang aga ah," wika ni Joshua.
"Maaga ako umalis sa bahay. Baka maipit ako sa traffic," sagot naman niya dito.
"Oo nga. Traffic pa naman sa inyo tapos Lunes pa," pagsang ayon ni Jeremiah.
Habang hinihintay na makumpleto sila ay mag kasunuran naman dumating si Lester at Kenji.
"Good Morning!' masiglang bati ni Lester.
"Good morning!" bati naman pabalik ng iba.
"Hindi ako late ah! Sakto lang," wala pa man ay pagdedepensa nito.
"Wala naman kami sinabi ah," sagot naman ni Jeremiah.
"Mabuti na yung malinaw. 'Di ba Kenji?" pag tawag naman ng pansin kay Kenji.
"Hoy hindi ako late. Sabay lang tayo," paliwanag naman ng huli.
"Hindi nga," nakangiting sagot ni Lester.
"Nga pala, wala pa si Anna?" Pagtatanong ni Lester.
"Wala pa nga eh," sagot ni Paulo.
"Tinawagan ko nan ga at tinext, pero wala pa siyang sagot," dugtong pa nito.
"Hindi naman na-lalate yun ah," nagtatakang wika naman ni Kenji.
"Oo nga noh. Try mo nga ulit tawagan Pau," baling ni Joshua sa kanya.
"Sige. Sandali," wika ni Paulo habang muling dinadial ang numero ni Anna.
Pagkatapos ng ilang sandali ay bumaling si Paulo sa mga kasama.
"Hindi pa rin siya sumasagot eh. Ano na kaya nangyari doon," mababakas ang pag-aalalang wika ni Paulo sa mga kasama.
"Baka naman natraffic. Lunes kasi," sagot naman ni Jeremiah sa kanila.
"Baka nga. Sige. Tara na. Mag start na tayo," ay ani Paulo sa mga kasama sa likod ng kanyang pag-aalala sa dalaga.
***Anna's POV***
Tinanghali ng alis si Anna mula sa kanila kaya naipit siya sa traffic ngayong Lunes ng umaga. Dahil dito ay malalate siya ng pasok. Habang nasa byahe siya at tumawag si Paulo sa kanya. Ngunit hindi niya ito sinagot. Hindi niya alam kung bakit mula ng makita niyang masayang nag-uusap si Paulo at Athena noong sabado ay para bang naiinis siya sa binata.
Habang nasa ganoon siyang pag-iisip ay mag biglang pumasok na text message sa kanya mula sa binata.
Paulo: Good Morning, Anna! Kumusta na pakiramdam mo? Masakit pa rin ba ang ulo mo?
Napangiti si Anna habang binabasa ang minsahe mula sa binata. Maikli lamang iyon pero natuwa siya sap ag-aalala sa kanya ni Paulo. Ngunit nagbago ang timpla ni Anna ng maalala si Athena.
"Hay naku Anna! May Athena na. At nag-aalala lang siya dahil kaibigan ka niya," nakasimangot na bulalas ni Anna sa sarili.
Napalingon si Anna sa kanyang gawing kanan dahil para bang pakiramdam niya na may nakatingin sa kanya.
Hindi nga siya nagkamali na nakatingin sa kanya ang isang ginang na para bang magtataka sa kanyang pag kausap sa sarili.
"Ay, sorry po!" Nahihiyang wika ni Anna sa babae.
Nanahimik na lang si Anna at muling binalik ang kanyang telepono sa loob ng kanyang bag.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin siya sa kanilang building. At nalate nga siya ng halos tatlumpung minuto. Agad siyang nag time-in at lumulan sa elevator para pumunta sa practice room at opisina.
Pagdating niya sa practice room ay nakita niyang nag sisimula na ang mga binata sa kanilang stretching routines. Nakita niya si Paulo na nag le-lead sa kanilang ginagawa.
Habang nakatingin siya sa mga ito ay hindi niya maiwasang titigan ang bawat kilos ni Paulo. Hindi niya maitatanggi sa sarili na hinahangaan niya ang dedikasyon ng mga ito lalung-lalo na ni Paulo. Alam ni Anna kung gaano kamahal ni Paulo ang kanyang ginagawa para tuparin ang kanyang mga pangarap. At sa katulad niyang marami ring pinapangarap, hindi malabong humanga siya dito dahil sa kadahilanang iyon. Ngunit bumalik na naman sa isip ni Anna ang tagpo ni Paulo at Athena noong Sabado.
"Anna, focus!" napalakas niyang wika sa sarili na naka-agaw pansing sa grupo lalu na kay Lester.
"Miss Anna!" Pasigaw na wika ni Lester.
"Ah, Good Morning. Sorry na late ako. Ang traffic eh," paliwanag niya dito.
"Oo nga. Kanina pa nag-aalala si Paulo, ah, I mean kami," nakangiting wika ni Joshua habang pinanlakihan siya ni Paulo ng mata dahil sa kanyang unang sinabi.
"Pasensya na. Sige ituloy nyo lang yan," wika ni Anna bago tuluyang pumasok sa katabing opisina.
Dumaan ang mga oras at naging napaka busy ni nilang lahat. Habang nag papractice ang grupo ay nag oorganize naman si Anna ng mga activity ng grupo. Kasama na rin ang kanilang individual schedules, song line-up during mall shows, wardrobe, at ang kanilang nalalapit na mentoring sa Padayon Season 2 at Education ambassadorship.
Nang maconfirm at matapos niya ang individual schedule ng grupo for the week ay kailangan niyang ibigay ito sa kanila. Kaya naman pumunta siya sa kabilang silid. Habang nag water break ang mga ito ay pumasok siya at tinawag si Joshua.
"Joshua! Sandali," tawag pansin niya dito.
"Bakit?" tanong ng binata habang lumalapit ito sa kanya.
"Eto pala individual schedule nyo for the next five days. Paki bigay na lang sa kanila," wika niya sa binata.
"Ako magbibigay?" nalilito at nakakunot ang noong wika ni Joshua sa kanya.
"Oo. Pasuyo na lang. Salamat!" sagot naman niya at nagmamadaling bumalik sa opisina.
Napakamot na lang ng ulo si Joshua at bumalik sa mga kasama upang ibigay ang papel sa bawat isa.
Matapos ang ilang oras ay muling may kailangang iabot ang dalaga sa grupo para sa song line-up sa kanilang mall show. Kaya naman tinawag niya si Lester.
"Lester!" tawag niya rito at sinenyasan para lumapit.
"Yes?" magiliw na sagot ng binata sa kanya.
"Eto oh," abot niya ng papel kay Lester.
"Ano to?" nagtatakang sagot niya sa dalaga.
"Ito yung suggested song line-up para sa Mall Show. Paki check na lang kung okay na sa inyo yan?" paliwanag niya sa binata.
"Song? Song line-up? Sa akin?" nagtatakang tanong nito.
"Oo. Paki discuss na lang sa iba," sagot niya dito at tatalikod na sana.
"May problema ba kayo ni Paulo?" tanong ni Lester bago pa siya tuluyang makalayo.
"Wala noh," pagtanggi niya.
"Eh bakit hindi si Paulo tinawag mo? Siya naman in-charge dito ah. Then kanina kay Joshua mo binigay," mahabang pagtatanong ni Lester.
"Hindi ko siya napansin. Kayo nakita ko. Kaya kayo tinawag ko," Paliwanag niya.
"Sige na. May tatawagan pa ako," dagdag pa nitong wika at tsaka umalis.