webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 22: MAY PROBLEMA BA TAYO?

Habang naghahanda ng almusal ay tumulong na rin si Anna sa kusina. Makalipas lang ng ilang minuto ay tinawag na ni Pauline ang mga kapatid para mag almusal.

"Kumain na tayo. Pau, halika na. Ihahatid mo pa si Anna," wika ng ina.

"Opo," sagot ng binata.

Sabay-sabay silang kumain ng almusal at pagkatapos noon ay naghanda na si Paulo para ihatid si Anna sa kanila.

"'Ma nasaan po susi ng sasakyan?" paghahanap ni Paulo sa ina.

"'Nak hiniram ni Tita Evelyn mo kahapon pa. Mag motor na lang kayo ni Anna," sagot naman ng ina sa kanya.

"Sige po," pagsang-ayon ni Paulo.

"Naku, hija pasensya na ah. Motor lang ni Paulo ang sasakyan ngayon. Hiniram ng kapatid ko sasakyan kahapon at may dinala sa Maynila eh," paghingi ng paumanhin ng ginang.

"Okay lang po Tita. Sabi ko nga po mag commute na lang ako eh," sagot naman ni Anna.

"Naku wala namang gagawin yang si Paulo. Okay lang yan," wika ng ina.

Lumabas na sila ng bahay kung saan pinastart na ni Paulo ang kanyang motor.

"Tita, girls. Salamat po. Pasensya na rin sa istorbo," pagpaumanhin ni Anna.

"Okay lang Ate. Balik ka ulit ah," wika ni Phoebe.

"Oo nga, Ate," pagsang-ayon ni Paula.

"Sige. Sa susunod ulit. Happy Birthday ulit," saad ni Anna sa mga ito.

"Pau, mag-ingat ah," bilin ng ina sa binata.

"Oo, 'Ma," maikling sagot ng binata.

"Sige po Tita. Maraming salamat po talaga. Bye girls," paalam niya sabay kaway sa mga ito.

"Mag-ingat kayo ah," muling bilin ng ina habang sumasakay si Anna at nagsuot ng helmet.

"Kumapit ka," wika ni Paulo sa kanya.

"Okay," maikling sagot naman niya.

"'Ma, alis na kami," sambit ni Paulo habang inaayos ang kamay ni Anna upang kumapit sa kanya.

"Bye po!" muling paalam ni Anna sa mga ito bago tuluyang umusad ang kanilang sinasakyan.

Naging napakatahimik ni Anna sa kabuuan ng kanilang byahe. Sinusubukan ni Paulo na magsimula ng pag uusap ngunit paisa-isang sagot lang ang ginawa ni Anna.

Nakalipas ang halos isang oras ay nakarating na rin sila Anna sa kanilang bahay.

"Salamat sa pag-hatid," seryosong wika ni Anna sa kanya.

Akmang tatalikod na si Anna ng biglang nagsalita si Paulo.

"Hindi mo man lang ba ako pa iinumin at pagpapahingahin kahit sandali?" nakangiting wika ng binata.

Naguilty si Anna sa narinig mula sa binata at napagtanto niya na tama ito. Galing sila sa halos isang oras na byahe sa ilalim na init ng araw kaya naguilty siya at pinapasok muna ito.

"Pasensya na. Tara pasok ka muna," nakayukong wika ni Anna.

"Bukal ba sa loob mo yan?" Nakangiting wika ni Paulo.

"Tara na nga. Bago pa magbago isip ko," inis na wika ni Anna.

"Joke lang. Seryoso mo naman," nakangiting wika ni Paulo.

Pinaupo ni Anna si Paulo at naghanda ng maiinom at mamemeryenda ng binata.

"Pasensya ka na. Yan lang ang stock naming ni Kuya," paliwanag niya.

"Okay lang," sagot ni Paulo.

Muling namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Unang bumasag sa tagpo ito si Paulo ng bigla siyang magtanong kay Anna.

"Anna. May problema ba tayo?" nakakunot ang noong tanong ni Paulo sa dalaga.

"Problema? Sa akin wala naman. Unless, ikaw may problema?" balik na tanong niya sa binata.

"Wala akong problema. Pero napansin ko lang hindi mo ako pinapansin simula kagabi. Pati ngayong umaga hindi ka namamansin. Ni hindi mo nga ako kausapin eh. Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako?" tuloy-tuloy na salita nito.

"Baka may nasabi ako or ginawa na hindi mo nagustuhan. Para sana mapag usapan natin," dugtong pa ng binata.

Huminga ng malalim at sinagot ang mga tanong ng nagtatakang binata.

"Wala akong problema. Wala kang ginawa at wala ka rin sinabi. Masakit lang ulo ko dahil sa biyahe kahapon tapos hindi ako nakatulog ng maayos din," sagot ng dalaga kay Paulo.

"Pasensya at ganun ang naramdaman mo. Itutulog ko lang 'to," dagdag pa ni Anna.

"Ganun ba? Pasensya na. Hindi lang kasi ako sanay ng ganyan ka eh," sambit ni Paulo.

"Oh, siya. Sige. Ako'y aalis na rin. Para makapagpahinga ka na. Magpahinga ka ah," wika ni Paulo sabay tayo mula sa sofa.

Tumayo na rin si Anna para ihatid si Paulo sa may gate.

"Salamat sa paghatid. At pasensiya na sa abala," wika niya habang sumasakay ng motor ang binata at inaayos ang kanyang helmet.

"Okay lang. Basta ikaw," sambit ni Paulo sa kanya sabay ngiti sa dalaga bago binuhay ang makina ng motor.

"Sige pumasok ka na at magpahinga," wika niya pa sa dalaga.

Paalis na si Paulo ng bigla siyang tinawag ni Anna.

"Paulo!" pasigaw na tawag ni Anna.

"Bakit?" sagot ng binata.

"Mag-ingat ka. At mag message ka sa akin kung nakauwi ka na sa inyo," nahihiyang wika ng dalaga.

"Okay," usal ni Paulo sabay kaway at andar ng kanyang motor.

At naiwang nakatanaw si Anna sa papalayong binata bago pumasok sa loob ng bahay upang magpahinga.