Bumalik sa mga kagrupo si Lester dala ang papel na binigay ni Anna sa kanya at inabot kay Paulo.
"Oh," abot niya ng papel kay Paulo.
"Ano 'toh?" nagtatakang inabot ni Paulo ang papel.
"Song line-up sa Mall Show," sagot ni Lester.
"Pau, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" dagdag na tanong ni Lester.
"Oo nga. Nag away ba kayo?" nagtatakang tanong din ni Joshua.
"Hindi!" pagtanggi ni Paulo.
"Bakit parang nag-iiwasan kayo ni Anna?" kuryosong tanong ni Lester.
"Hindi ko siya iniiwasan. Hindi kami nag away. Hindi ko alam," seryosong sagot niya sa mga ito.
"Baka may nagawa or nasabi ka na na-offend siya?" pagtatanong na din sa kanya ni Jeremiah.
"Wala. Wala ako matandaan," sagot niya habang nag-iisip ko meron nga bang dahilan para iwasan siya ng dalaga.
"Hinatid mo siya kahapon. Wala ka bang matandaan?" Tanong pang muli ni Lester sa kanya.
"Wala talaga. Hindi ko rin alam. Sabi niya lang masakit daw ulo niya at gusto na niyang magpahinga," nagtatakang sagot niya sa mga ito.
"Ano kayang nangyari at bigla na lang siyang ganun sa iyo," napapaisip na wika ni Jeremiah.
"Baka nag seselos?" wala sa loob na wika ni Kenji habang nagsisintas ng sapatos.
Lahat sila ay napatingin sa gawi ni Kenji dahil sa sinabi nito.
"Baka lang naman nagseselos siya. Kay Athena?" wikang muli ni Kenji.
"Oo nga. Kasi diba sa birthday ng kapatid mo sweet na sweet kayo ni Athena? Niyakap ka pa nga eh," nakangiting wika ni Jeremiah.
"Ohhhhh," magkasabayang napasigaw sina Joshua at Lester.
"Ang galing mo Kenji," papuri ni Lester sa binata.
"Hindi ko sure. Na observe ko lang," sagot naman ni Kenji.
"May nagseselos! May nagseselos!" panunukso ni Lester.
"Huwag ka ngang maingay. Marinig ka ni Anna, nakakahiya," nahihiyang wika ni Paulo sa kanila.
"Eh 'Dre, may ipagseselos nga ba?" tanong ni Joshua sa kanya.
"Si Athena? Kaibigan ko lang 'yun," panimula niya sa mga ito.
"Oo. Noong high school binalak ko talagang magtapat sa kanya. Pero hindi nga nangyari dahil nga may boyfriend na siya noon," dugtong pa nito.
"Eh bakit may yakapan pa kayo noong Saturday? Akala ko nagka mabutihan na kayo?" pag-uusisa pa ni Jermiah.
"Kasi nga since high school hindi na kami nakapag-usap ulit. Ngayon na lang. And masaya lang siya for me. And masaya rin ako for her. Ikakasal na siya sa boyfriend nya next year," pag sagot naman niya sa mga ito.
"And masaya ka na ikakasal na siya?" tanong pa ni Joshua.
"Oo naman," sigurado niyang sagot.
"Siguro nga nagkaroon lang kami ng closure sa parte na iyon ng buhay namin. Matagal na ko na namang tanggap yung sa amin ni Athena. Hindi lang nagkaroon ng chance na mag-usap kaya ganoon," mahaba pa niyang dagdag na sagot.
"Eh di sabihin mo kay Anna na wala ng Athena. Wala siyang dapat ipag selos," suhestiyon ni Jeremiah.
"Hindi naman natin alam kung talagang iyon ang dahilan kaya ako iniiwasan ni Anna," sabi niya sa mga kasama.
"Kunsabagay. Baka nga may ibang dahilan," wika ni Lester.
"Pero kahit ano pa man ang ang dahilan, malinaw na iniiwasan ka ni Anna. And ayaw mo naman na maging ganyang na lang kayo," wika ni Kenji.
"Kaya nga," napabuntong hiningang wika ni Paulo.
"Oh sya, sya. Ako ay may lakad pa. Ayusin mo yan Pau," wika ni Joshua habang tumatayo.
"Oo nga," sabayang sagot ng iba.
"Sige. Sige" wika ni Paulo.
Nagsimula nang mag ayos ng gamit ang mga binata para umuwi.
Naiwan si Paulo sa pag aayos ng kanyang gamit at balak din niyang ibalik ang papel kay Anna ngunit wala ang dalaga sa sa opisina kaya minabuti muna niyang mag linis ng sarili.
Paglipas ng ilang minuto ay muling bumalik si Paulo sa kanilang practice room. Bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ng silid ay narinig niya ang isang tunog kasabay na rin ang napakagandang boses ng taong kumakanta nito.
Mahal na yata kita
Hindi maipaliwanag sinta
Hindi ko na kayang muling mag-isa
Ang lumayo ka ay kaya ko ba?
Mahal na nga yata kita
Ito ba ay iyo ring nadarama?
Ikaw ang nagdulot ng saya
Mahal na nga kita.
Kahit ang mahal mo pa ay siya.
"Hmmm," pag tikhim ni Paulo para matawag ang pansin ni Anna.
Napalingon ang dalaga sa boses na kanyang narinig.
"Nandito ka pa? Akala ko ba nauna na kayo? Nagtatakang tanong ni Anna kay Paulo.
"Hinintay kita kasi ibibigay ko sana ito," sabay abot sa papel kay Anna.
"Salamat!" ngunit nahirapang kunin ni Anna ang papel dahil pinipigilan ito ni Paulo habang nakangiti.
"Ang ganda ng kanta mo ah. Para kanino ba yan?" nakangiting tanong ni Paulo sa dalaga.
"Ah wala lang yun," sagot ng dalaga at tuluyan nang nakuha ang papel.
"Ah, may problem aba tayo?" nakakunot ang noong tanong ni Paulo.
"Ako wala. Ikaw ba meron?" balik tanong ni Anna kay Paulo.
"Anna naman eh. Bakit iniiwasan mo ako? Bakit hindi ka nag reply or sinagot yung tawag ko?" parang nagtatampong tanong ni Paulo.
"Eh kasi nasa loob ng bag yung phone ko. And hindi kita nakita, kaya sa kanila ko naibigay." Paliwanag naman ng dalaga.
"Ganun ba? Kung may nagawa man ako na na-offend kita, sorry. Hindi ko yun sinasadya talaga," paliwanag ni Paulo.
"Naku wala yun. Sige una ka na. Baka may mga gagawin ka pa. Baka may usapan pa kayo ni Athena," wala sa loob na sambit ni Anna.
"Si Athena. Baka nasa probinsya na siya. Busy na siguro sa pag-aasikaso ng kasal niya," nakangiting wika ni Paulo.
Napalingon sa gawi ni Paulo si Anna at napakunot ang noo.
"Kasal?" nagtatakang tanong nito.
"Akala ko--," hindi na natapos ang mga sasabihin niya dahil muling nagsalita ang binata.
"Oo. Next year daw. Noong sabado, nakapag usap na kami. Closure ba. Kung baga ba, puppy love ko siya. Pero masaya ako para sa kanya. Kasi happy siya. And happy rin siya para sa akin kasi alam niyang happy rin ako," mahabal wika ni Paulo.
Nanatiling tahimik at nakamasid lang si Anna kay Paulo at hindi na muling nakapagsalita. Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Binasag ni Paulo ang katahimikang namayani sa kanilang dalawa.
"Oh paano, mauna na ako. Tsaka tapusin mo na yung kanta para sa mahal mo," Nakangiting wika ni Paulo sa kanya.
"Ha?" nagtataka at nakakunot ang noong sagot naman ni Anna sa kanya.
"Tapusin mo na kako mga gagawin mo. At umuwi ka na rin. Mag-ingat ka ah. See you tomorrow, Anna," muling wika at paalam ni Paulo kay Anna.
Tanging tango lang ang naging sagot ni Anna sa pagpapaalam ni Paulo sa kanya.