webnovel

YG University | JenLisa (Book 1)

Author: _krislily
LGBT+
Completed · 124K Views
  • 31 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Never trust your curiosity, it could drive you straight to hell. "Once you enter, there's no turning back"

Tags
6 tags
Chapter 1Chapter 1: Welcome to Hell

Jennie's Point of View

Hindi ako mapakali sa pagkamot sa aking binti. Naka maikli akong short na laging na dadaplisan ng mga damo sa paligid. Maputik na rin ang rubber shoes ko.

"Sigurado ba kayong dito ang daan? Sabihin nyo lang kung naliligaw na tayo ah? Para naman hindi ako mabigla." Inis na sambit ko.

"Pwede ba, Jen? Tumahimik ka? Kanina ka pa angal nang angal. Wala ka namang naitutulong."

Inirapan ko nalang si Rosé na busy sa pagturo sa direksyon. Siya kasi ang may hawak ng mapa na napulot nya sa kung saan.

"Masyadong matalahib. Mag-ingat na lang kayo baka may ahas sa paligid." Sambit ni Jungkook.

"Salamat sa pananakot, Kook." Sambit ni Nayeon na may hawak na stick.

"Shh. Mas mapapagod lang kayo kung magdadada kayo." Suway ni Jisoo na nauuna sa aming maglakad.

"Malapit na tayo. Konting tiis na lang." Pagpapahinahon sa amin ni Kai.

Halos mapamura ako nang may putik na dumikit sa aking hita. Sinamaan ko ng tingin si Nayeon dahil sa hawak niyang stick.

Natawa na lang siya bago tumabi kay Rosé. Hindi man lang humingi ng sorry.

Papunta kami ngayon sa YG University sa gitna ng kagubatan. Isn't it amazing? Haha. May napulot kasi si Rosé na mapa at syempre, barkada kami na mahilig sa adventure, heto kami ngayon, papunta na roon.

"Aray!" Nasubsob ako sa likod ni Kai nang bigla siyang huminto. Ngayon ko lang napansin na huminto pala silang lahat.

Nalaglag ang panga ko nang makita kung ano ang tinitignan nila. Isang lumang gate na sobrang laki at kinakalawang na. Sa gitna ay may nakalagay na 'YG University' na nakasulat sa parang dugo. Creepy

"Heto na ba 'yon?" Tanong ni Jisoo. Halos umikot ang mata ko. Isn't it abvious, Jisoo?

"I think ito na nga." Sambit ni Rosé.

"Anong ginagawa nyo rito?!"

Humawak ako sa damit ni Kai dahil sa takot sa biglaang pagsulpot ng isang mama na may dalang itak. Gosh!

"Eto na po ba ang YG University? We want to enroll." Ani Rosé.

Sumilay sa tuyong labi ng mama ang isang ngisi. Shit! Parang ayoko na.

"Sundan nyo ako." Nauna na siyang naglakad sa amin.

Humawak ako sa braso ni Nayeon na excited na. Bakas sa mukha nila ang excitement habang ako ay natatakot. Psh.

"I think it's a bad idea, Nayeon." Bulong ko kay Nayeon.

"I don't think so."

Hindi ako makapaniwala pagpasok namin. Bumungad sa amin ang mga estudyanteng tahimik na nag-uusap. Iyong iba ay umiiyak.

"You should be registered first." Sambit ng mama.

Hindi ko matanggal ang tingin sa mga estudyante. Iyong iba ay matalim na titig ang ipinupukol sa amin. Tapos 'yong iba ay nakangisi. Shit! Creepy!

"It will be exciting." Bulong ni Jungkook na kinikindatan ang mga babae.

Parang napakasikip ng lugar na ito gayong napakalawak nito. YG University. Napatakip ako sa aking bibig nang biglang nagtakbuhan ang mga estudyante.

"Anong meron?" Tanong ni Nayeon.

"Riot. Wag nyo na lang pansinin." Pag-epal ng mama.

"Riot? Eh bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ikaw? Ba't andito ka parin?" Tanong ni Jungkook.

Huminto kami sa isang pintuan. Humarap sa amin ang mama na hindi na natanggal ang ngisi sa labi.

"Lahat ng tanong nyo ay masasagot din. Hali kayo."

Pumasok kami sa loob ng kwarto at sinalubong kami ng isang babaeng nakaupo sa swivel chair. Sinenyasan nya kami na maupo na syang ginawa namin.

"So, Good Morning Newbies! I am Madame Dara, YG's Headmistress. Please, fill up the forms." Inabutan kami ng mama ng mga forms.

Habang pumi-fill up ako ay sinusulyapan ko si Madame at iyong mama na nakangisi sa amin. Nanuyo ang lalamunan ko kaya ibinalik ko na lang sa form ang aking atensyon.

"Welcome to YG University!" Sabay na humalakhak si Madame at ang mama.

"Thanks. Hmm, how much is the tuition fee?" Tanong ni Rosé.

"I am a scholar and I brought all my documents." Sambit ni Nayeon.

Nagkatitigan si Madame at ang mama sabay natawa. Gosh! Bakit parang ang weird nila?

"It's free. Lahat ay libre."

Natuwa naman si Nayeon at Rosé na nag-apir pa habang sina Kai, Jisoo at Jungkook ay nakangisi lang.

"But..."

Tumahimik naman kaming lahat. What is it now?

"You must know our one and only rule here." Nakangising sambit ni Madame.

"Isa lang ang rule nyo?! Woah!" Amazed na sambit ni Jungkook.

Bakit parang hindi nila napapansin na ang weird ng lahat ng nangyayari? Walang tuition fee? May school bang ganon? Or kung meron man ay malamang tumatanggap ng scholar, but this school? YG? Nevermind.

"7pm to 5am is our Freedom Night also known as Bloody Night."

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Everything is free. You will have your freedom. It is also the time where killing is legal. Lock all the doors and never get outside on that range of time because if you do, you will die."

Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan matapos kong marinig lahat ng sinabi ni Madame na hanggang ngayon ay nakangisi parin.

"Are you serious?! That's craziness but cool." Sambit ni Kai.

"You are the newbie. Mas mabuti kung mag-iingat kayo. Hindi lahat ng kaibigan ay kaibigan din ang turing sa inyo. Never let your guard down, or else. You know what I mean?"

Hanggang makapasok kami ng boarding house na kung saan ay sama-sama kaming anim ay hindi parin ako makapaniwala. Legal ang pagpatay? Kabaliwan!

"Guys, pahangin muna ako." Sambit ko bago lumabas.

I need air at kailangan ko rin pakalmahin ang sarili ko. Napakaraming negative thoughts ang pumapasok sa isip ko katulad ng dito na kami mamamatay at marami pang iba.

Dinala ako ng aking mga paa sa park na malapit. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na hangin. Walang tao rito.

Umupo ako sa swing na kinakalawang na at tinulak ang lupa para gumalaw ang swing.

Pinagmasdan ko ang paligid. Ang kaninang maraming estudyante ay nawala na lang bigla nang magka-riot. Ganon na ba talaga sila katakot? Should I also be?

"You will die."

Nabalin sa may puno ang tingin ko kung saan may lalaking nakamaskara na itim ang nakita ko. Humihithit ito ng sigarilyo.

"Who are you?" Binalot ako ng takot nang makita ang nalaglag nyang kutsilyo na naliligo sa dugo.

Napatayo ako sa swing. Ramdam ko ang pangangatog sa aking tuhod.

"Newbie, what's your name?"

"J-Jennie."

Humalakhak siya ng marinig ang sinabi ko. Medjo nakaramdam na ako ng pagkainsulto dahil sa tawa nya. There's nothing funny here!

"Sounds like an angel, but in the end, you'll also hold a knife to survive."

Hinagis nya sa akin ang kutsilyo na hawak nya kaya napaatras ako. Nanuyo ang lalamunan ko sa kaba.

"Scared? Hindi na kayo dapat pumasok dito. Tsk!"

"Sino ka ba?!"

Humakbang sya nang ilang beses palapit sa akin kaya napahakbang naman ako paatras. This guy is creepy!

"I am not your friend. No one is your friend."

Lumukot ang mukha ko sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Nakakalito.

"It's already 6:30pm. You still have 30 minutes to leave. Lock all the doors. Mainit ang mata nila sa inyo. Mag-ingat kayo."

Tumalikod na sya at nag-umpisang humakbang palayo. Pinagmasdan ko lang ang likod nya hanggang sa maglaho ito.

Sino siya? Ay sino ang tinutukoy nya?

Tumakbo na ako pabalik sa dormitoryo at naabutan ang barkada na nagtatawanan. Sa akin nabalin ang tingin nilang lahat nang pagbagsak kong sinarado ang pinto.

"Nagkamali tayo ng school na pinasukan guys! This is no longer fun!"

Nagtawanan sila sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mairita. Bakit ayaw nilang maniwala? This is not a joke! Nasa panganib ang buhay naming lahat.

"Alam mo Jen? Mauuna kang mamamatay sa amin sa takot. Kalma lang." Ani Rosé na natatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Napagitla kaming lahat ng tumunog ang kampana na umalingawngaw sa paligid. Minadali kong ikandado lahat ng pinto at bintana.

Napatingin ako sa wall clock.

"7 o'clock"

Binalot kami ng katahimikan at ramdam ko ang kabog sa aking dibdib. Ang sikip.

"What's that?" Tanong ni Jisoo.

"It's already Bloody Night." Sambit ni Nayeon na aktong lalabas ng pinto pero mabilis akong humarang.

"Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?!" Inis na tanong ko pero tinawanan nya lang ako.

"Easy, Jen. Biro lang naman."

Sabay-sabay silang tumawa. Pinagtatawanan nila ang seryosong bagay. Baliw ba sila?

"Guys please? Ayokong may mangyaring masama sa kahit sa sino man sa atin dito. Please lang!"

Inis na umupo ako sa sofa at humalukipkip. Damn it!

"Hey, sorry." Ramdam kong niyakap ako ni Nayeon at tumabi naman sa akin si Rosé.

"Natatakot ka na ba talaga Jen?" Alalang tanong sa akin ni Rosé.

Ramdam kong lumandas sa mata ko ang luha dahil sa pangamba na baka may mangyaring masama sa kahit sino man sa amin. I don't want that to happen.

"Rosé, I am really serious. There's something in this school more than this Bloody Night."

Ramdam ko ang mga titig sa amin nina Madame at nung mama kanina. Parang may pinaplano sila. Napa-paranoid na ba ako?

"Shh. Okay, let's sleep for now on at bukas na bukas ay aalis na tayo." Niyakap din ako ni Rosé.

Napangiti na lang ako. "Salamat." Bulong ko.

"Shhhh!" Napatingin kaming lahat kay Jungkook nang sinensyasan nya kaming manahimik.

Nakasilip siya sa isang siwang sa bintana. Nagsilapitan naman kami sa kanya. Bahagya naming binuksan ang bintana para makita ang tinitignan nya.

Napakapit ako sa braso ni Rosé. Napakaraming naka maskara na itim na tao na nakakalat.

"Who are they?" Bulong na tanong ni Kai.

Nakakatakot sila. Sino sila at anong ginagawa nila sa labas gayong bloody night ngayon? Bakit sila naka maskara?

Mabilis na isinara namin ang bintana nang tumingin sa amin ang isa sa kanila.

Nagtakbuhan kami sa gilid at nagkumpulan. Ramdam ko ang kabog sa dibdib naming lahat.

"Did they see us?" Nanginginig na tanong ni Nayeon.

"I thin–"

Hindi na naituloy ni Jungkook ang sasabihin nya ng may sunod-sunod na kumakatok sa pinto namin na parang kinakalabog na ito.

Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib.

"Stop it, RM!" Dinig kong sigaw mula sa labas.

"Okay. Okay."

Nawala na rin ang kumakatok. Nanatili kami sa sulok na kumpol-kumpol hanggang sa makatulog na ako.

You May Also Like

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Not enough ratings
36 Chs