Jennie's Point of View
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Kahit na ipikit ko ang mata ko, gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog, may bumabagabag sa akin, alam ko.
Napatingin ako sa bintana. Nakalock ito dahil bloody night na. The time when killing is legal. Everyone is afraid of this range of time, so am I. Kinakatakutan ng lahat ng gabi, pero para sa akin? Gustong-gusto ko ang gabi, tahimik, parang normal lang ang lahat. Masarap isipin na nasa ordinaryong paaralan lang ako. Nag-aaral to make my family proud.
Masarap isipin na isang bangungot lang ito. Sana nga, sana isa lang itong bangungot. Sana magising nalang ako sa panaginip na ito.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. I need air but it is not safe outside. Lumabas ako ng kwarto at iniwan sina Rosé at Nayeon na mahimbing na natutulog.
Kumunot ang aking noo nang ma realize na wala si Jisoo at bukas rin ang kwarto ng boys ngunit walang laman ito. Dali-dali akong pumasok at iginala ang aking mata. Shit!
Asan sila?!
Nanlamig ang katawan ko nang makita na hindi nakalock ang front door. Ayokong isipin na... hindi, mali ang iniisip ko.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Ayoko! Sana panaginip na lang talaga ito! Ayokong isipin na... Hindi!
Napaupo ako sa sofa at tulala na napatingin sa kawalan. Kailan pa? Matagal na ba silang nawawala tuwing mahimbing ang tulog namin? Pero bakit? Lumabas ba sila? Pero bakit? Anong ginagawa nila?
Bloody week. Walang pinagkaiba ang gabi sa umaga ngayon pero alam kong delikado ang gabi kung ikukumpara sa umaga. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko ngayong ikatakot.
Ang umaha at masaksihan ang krimen o ang gabi pero bulag kami sa katotohanan?
Kailangan ko silang hanapin.
Maingat na bumalik ako sa kwarto. Mas lalong nanlamig ang aking sistema nang makita ang mulat na mulat na mata ni Nayeon. Nakatingin ito sa nakasaradong bintana.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Umalis na naman sila?" Isang mapait na ngiti ang pumorma sa labi ni Nayeon. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit ramdam ko na nanginginig ang boses niya.
Halos sumabog ang utak ko sa kakaisip. Anong ibis niyang sabihin? Bakit ganon? Anong nangyayari sa amin? Akala ko okay kami? Akala ko walang nagbago sa amin? Masyado ba akong nagpakatanga?
"N-Nasaan sila?" Halos walang lumabas na tinig sa aking bibig.
Ang panlalamig ng aking katawan ay umabot na sa puso ko. Ang pintig ng puso ko ay unti-unting bumabagal. Umabot narin ang lamig sa aking utak na ayaw gumana. Shit!
Anong nangyayari?
Tumingin sa akin si Nayeon. Nakangiti parin siya, mapait na ngiti. Nanginginig na ang labi nito ay kahit na anong segundo at kakawala na ang nararamdaman niya pero pinili niyang pigilan para hindi magising si Rosé.
Lumapit ako sa kanya at hinila siya palabas. Pumasok kami sa kwarto ng mga boys at itinulak siya sa kama. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kundi ang yumuko.
May kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko at mahirap na tanggapin na nakakanginig ng laman ang bawat detalye na nabubuo.
"Sabihin mo." Lumuhod ako sa harapan niya at hinarap ang mukha niya sa mukha ko. "Anong nangyayari dito?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot pero unti-unting bumagsak ang mga luha niya. Tumayo siya at isinara ang pinto ng animo'y nag-iingat na walang makarinig ng pag-uusapan namin.
Ngayon ay parang nagsisisi na ako sa itinanong ko. Ano ba ang dapat kong piliin?
Tapkan ang tenga ko at magbulag-bulagan sa katotohanan o malaman ang katotohanan?
"J-Jen. Natatakot ako." Ang unang lumabas na kataga sa kanyang bibig.
Napaupo nalang ako sa kama at napayuko. Ayoko siyang tignan. Ayokong malaman ang nalalaman niya. Ayokong marinig ang sasabihin niya.
"Ilang araw na rin, lagi akong nagigising na wala sila." Nanginginig ang boses niya na mas nagpapalala ng kaba ng nararamdaman ko. "Minsan si Kai, minsan si Jisoo, at minsan si Jungkook. Hindi ko alam!" Naguguluhang sambit niya na animo'y gusto na niyang sumigaw sa pagkalito.
Lumalabas sila ng gabi? Anong ginagawa nila sa labas? Bakit ganon? Ang daya! Akala ko ba magkakaibigan kami! Bakit naglilihim sila sa amin?!
Gusto kong magsigaw sa pagkadismaya. Ang mga kaibigan ko, masyado ba akong naging panatag? Bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat?
Tumayo ako sa pagkakaupo kaya napatingin sa akin si Nayeon na humahagulgol sa gilid. Nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig at pinipigilan ang makagawa ng ingay na makakagising sa taong hindi na dapat pang madamay sa nangyayaring ito.
"A-Anong gagawin mo?" Pumipiyok pa ito. Ang kanyang noo ay nakakunot na animo'y nagtatanong.
"Aalamin ko ang nangyayari." Wala sa sariling sambit ko. Lumabas ako ng kwartong 'yon para pumunta sa kwarto namin para kunin ang blazer ko.
Bago ako umalis ay sinulyapan ko si Rosé na mahimbing pa rin na natutulog. Ibabalik ko sa dati ang mga kaibigan ko. Ibabalik ko ang dati.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin si Nayeon. Mariin niyang hinawakan ang aking braso ngunit ang aking tingin ay nanatili sa malayo. Ayoko siyang tignan.
"J-Jen. Please, huwag." Nanginginig na pakiusap nito.
Ayokong tumingin sa kanya. Ayokong panghimaam ng loob. Ayokong makita na umiiyak ang isa sa mga kaibigan ko. Mas nasasaktan ako.
"Aayusin ko 'to. I will fix this shit."
Unti-unti kong inalis ang kamay niya sa braso ko ngunit nakakailang hakbang palang ako patungo sa pinto nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
Mariin akong napapikit at ramdam ko na ang init sa gilid ng mata ko. Shit! Walang kwenta ang luha. Kahit na isang gallon ang iluha ko ay walang magbabago. Kailangan kong kumilos.
"D-Dito ka na lang please? Jen, I'm begging you. Stay with us."
Hearing those words from her is tearing me into pieces. It's bullshit feeling that I can't hold it any longer! I want to hug her and cry with her too but... Hindi ko ipapakita na nanghihina na ang loob ko. Ayokong mawalan ang katiting na pag-asa na pinanghahawakan ko.
Napakawala kong kwenta. Ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko sila! I promised that shit to myself! I am not going to break that bullshit!
"Babalik ako, pangako." Mariin akong napapikit nang marahas kong tinanggal ang kapit niya sa binti ko at binuksan ang pinto.
Malamig na hangin ang tumambad sa akin. Madilim sa laba ngunit nang dahil sa buwan ay may konting liwanag. Muli kong sinulyapan si Nayeon na sana ay hindi ko nalang pala ginawa.
Nakaupo siya sa sahig, nakatalikod sa akin. Nakatakipi ang kamay niya sa bibig niya. Dinig na dinig ko ang ipit na paghikbi niya.
Parang pinipiraso ang puso ko kaya hindi ko napigilan ang bumalik at isarado ang pinto.
Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap siya ng mahigpit. Mariin kong ipinikit ang aking mata nang magbadya na ang mainit na likido sa aking mata. Hindi ako iiyak. Shit!
"J-Jen. Don't leave us please. Tama na, please?" Paulit-ulit na sambit nito.
"Shh. Tahan na." Napakagat nalang ako sa aking labi nang gumaralgal ang aking boses. "Walang mangyayaring masama sa kania." Sambit ko.
Wala na akong pakialam kung isangla ko kay kamatayan ang buhay ko para masiguro lang na ligtas ang aking mga kaibigan. Wala na akong pakialam sa aking sarili. Ano pa bang magiging silbi ko kung mabubuhay ako ng wala ang isa sa kanila or worst silang lahat.
Hindi ko alam kung paano ko nadala si Nayeon sa kwarto. Isinara ko ang pinto para hindi marinig ang pagdating nila. Ayoko makita, iisipin ko na panaginip lang ang lahat.
Kung kailangang mabuhay ako sa isang panaginip, gagawin ko.
"Wala kang babanggitin sa mga nangyari ngayon, Nayeon. Walang nangyari ngayon."
Tumitig ako sa mga mata niyang maga. Tumango ito. "I will. Stay with us Jennie." Paulit-ulit na sambit nito na animo'y mawawala ako sa kanila.
Pero kung 'yon lang ang tanging paraan para mabuhay sila. Nakangiting ibibigay ko sa akin.
Naalimpungatan ako dahil sa anong ingay sa labas. Kinusot ko ang aking mata. Tumingin ako sa gilid ko at wala na sina Rosé at Nayeon. Sumisilip na rin ang liwanag sa bintana kaya binuksan ko na ito. Nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa akin.
"Good morning..." Bati ko sa aking sarilil.
Pagkalabas ko ng kwarto at sumabog ang isang confetti. "Happy Birthday!" Masayang bati nilang lahat.
Naka party hat pa sila at may hawak na cake si Kai na todo ngiti. Napatakip nalang ako sa aking bibig dahil sa kawalan ng masasabi. I am so speechless, hindi ko alam. Hindi ko namalayan na kaarawan ko na pala. Masyado akong maraming iniisip.
But, you know what is the best feeling? You forgot your special day but your friends remembered it. Hay, heaven,
"Waaaah! Happy Birthday, secretary!" Sigaw ni Jungkook na may torotot pang hawak.
"Thank you! Kayo ah! May pa ganito-ganito pa kayo!" Sambit ko at hinalikan sa pisngi sina Rosé, Jisoo at Nayeon na medyo umiwas pa.
"Eww. Mag toothbrush ka muna!" Nakangiwing sambit ni Nayeon na ikinatawa ko.
Sana ganito nalang lagi.
"Happy Birthday, Jen! Kiss ko?" Tanong ni Kai na lumapit sa akin at hawak ang cake.
Eh? Kung kina Rosé, Jisoo at Nayon ay wala lang sa akin kung hinalikan ko sila nang hindi nag toothbrush pero si Kai. Nakakahiya!
"Eh? H-Hindi pa ako nag toothbrush!" Nahihiyang sambit ko.
Napangiwi naman sina Rosé, Jisoo at Nayeon. "Ganon? Sa kanya conscious ka tapos sa amin kahit na ikamatay namin, okay lang?" Nakangiwing arte ni Nayeon.
"You don't need to be shy when in fact, it will be a pleasure to me, Jennie."
Wah! Ano daw? Si crush naman eh! Pinapakilig ako!
"Sige na, pakipot ka pa eh." Sambit ni Jisoo na nakangisi.
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Abnormal talaga.
"Sure k-" Natigilan ako nang maramdaman ang malambot na labi ni Kai sa aking pisngin.
Nagsisigaw ang mga bruha habang ako ay halos mamaluktot sa kilig. UGH! Jongin! It was just a one swift kiss.
Bitin!
"Happy Birthday wish!" Sambit ni Kai na mas lumawak ang ngisi.
Wish? Kailangan ko pa bang humiling kung lahat ng hiling ko at nasa harapan ko na? Ang makasama ang aking mga kaibigan, may ngiti sa labi, kumpleto. 'Yon lang sapat na pero kung may isa akong hiling.
'Sana ganito na lang kami lagi.' Nakangiting sambit ko sa aking sarili.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad kasama ang aking mga kaibigan na tawa ng tawa. Paano 'yong cake kanina na ginawa pala ng boys ay walang lasa.
"Ayos na sana ang effort eh, nilagyan niyo na lang sana ng lasa." Natatawang sambit ni Rosé na nakakapit sa aking braso.
I can't stop smiling but the smile suddenly faded when I saw her walking towards us.
Hinawakan ko sa braso si Rosé para hindi siya huminto ngunit hinarang kami ni Lisa na nakakunot ang noo. I gave her a cold stare.
What now, Supremo?
"It's too early but it seems that a bad weather came to destroy the day." Dinig kong sambit ni Kai.
Alam ko kung ano ang pinagsasabi niya kaya humarap na ako sa kanya. "Bad weather?" I asked.
Lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso. "Nevermind. There are so many damn reasons to be happy." Sambit ko.
"Syempre, kami ang kasama mo eh." Sambit ni Jisoo. "Sino ba ang makakapagbigay ng ngiti sa'yo kundi ang mga kaibigan mo." Dugtong niya.
"I know right." Sambit ko.
Narinig namin ang pagtikhim ni Lisa kaya napatingin kami sa kanya. "Oh Supremo! Andyan ka pala." Sambit ko.
"Yeah, its seems that you are having fun but would you mind if I interrupt you guys? I need my secretary."
MY...
"Oh? Secretary? Are you referring to me? I thought you have a new secretary? Oh anyway, anong maipaglilingkod ko sa inyo, Supremo?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nito kaya sinensyasan ko na ang mga kaibigan ko na mauna. "You don't know how happy I am. Kita tayo mamaya!" Masayang sambit ko.
Narinig ko pa ang mga pagkadismaya kina Rosé at ang pasimpleng pag-irap ni Nayeon kay Lisa. Nginisian naman nina Kai at Jisoo si Lisa habang si Jungkook ay diretso lang na sumunod kina Rosé.
Kumaway pa ako sa kanila nang hindi pa sila nakakalayo.
"Why are you so damn happy?" Takang tanong ni Lisa.
"It's none of your business." Ano nga bang paki mo sa akin? Ano ngayon kung masaya ako?
Ano naman sa'yo?
"Watch your words." Biglang naniningkit ang mata nya kaya hindi ko naiwasang mapairap. Like as if I still care.
Hindi na ako natatakot sa'yo, Supremo. Simula nang iniwan mo ako sa gitna.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa SSG Office. Kating-kati akonog magtanong. Gustong-gusto kong intanong na asan na ang anghel?
Where is the lucky girl, Lisa?
"It's been 3 days since the Bloody Week started. 30 students already died." Sambit ni Jimin pagkaupo ni Lisa.
30 students? Ano bang paki ko? Kahit magpatayan silang lahat, ano bang paki ko? I am not a super hero to protect them all.
I am no longer a hero.
"Fuck it. I am not asking and I don't care." Sambit ni Lisa.
Gusto kong mapangisi. Kailan ka ba nagkapake sa paligid? You are just too numb and heartless. That is why I am starting to hate you more, Lisa.
Ano namang gagawin ko dito? Wala namang inuutos si Lisa.
"What's the occasion now?" Biglang tanong ni Lisa kay Jimin.
It's still bloody week, Lisa. Nothing special. Pero hindi ko maiwasang magtaka. Ano namang pakialam ni LIsa kung anong meron ngayon? Wala naman ah.
"I think your secretary must be the one you should ask for that." Sambit ni Jimin na halatang busy dahil sa mga bitbit niyang papel. "I have to go." Sambit nito bago lumabas ng pinto.
Tumingin sa akin si Lisa na animo'y naghihintay ng isasagot ko. "What?" Iritang tanong ko.
Wala naman kasing okasyon ngayon. Sa Susunod na linggo pa ang foundation day.
"What is the occasi- I mean to celebrate- Err. Nevermind." Inis na napasubsob ito sa desk niya ang I am like... OMG. Nababaliw na si Lisa.
Sige lang Lisa, magpakabaliw ka. Pinapasaya mo ako.
"What's with your smile earlier?" Napalingon na naman ako sa kanya. "You seemed so happy." Nakakunot na noong sambit nito.
Wala na ba akong karapatan sumaya? Pati ba naman ngiti ipagkakait mo sa akin, Lisa? You are just too heartless.
Wait. Why am I acting weird? UGH!
"There's nothing special today, Supremo. Next week pa ang foundation day." Walang buhay kong sambit.
Bubuka pa sana ang bibig nito at gusto pang magtanong pero pinili na lang nyang manahimik. What is it? What's bothering you? Why are you asking fro an occasion suddenly? What's with you and you are acting really weird?
Hindi talaga siya mapakali habang nagbabasa ng maraming papel tungkol sa student's information. Eh? Ano bang hinahanap niya?
Pasimple siyang tumingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Dammit! Maging ako at nacu-curious na sa kung ano ba ang hinahanap niya. Ano bang gustong niyang itanong at mukhang hindi siya makakatulog hangga't hindi niya nahahanap ang sagot?
Ngayon ko lang nakitang balisa nang ganito so Lisa sa isang bagay. Is that too important to her?
Narinig ko pa ang mga pasimple nyang pagbuntong-hininga. Sumasakit na rin ang ulo ko kakaisip kung ano ba ang iniisip niya.
You are really hard to read. And... Why am I even bothering to read her?
Is it me or her? the one who is weird here?
"Leave me alone."
Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Halos ibagsak ko ang desk ko sa sinabi niya. Ano daw? 'Leave me alone'? Gago ba siya? Siya nga itong nagpapunta sa akin tapos... UGH!
"Leave me alone!"
"Oo na nga! Hindi ka makapaghintay?! Heto na nga oh! Aalis na! Peste!"
Hay naku. Napapasakit talaga niya ang ulo ko. Pumunta na lang ako sa cr para mag-ayos ng sarili. Nakakasira ng poise ang hayop na 'yon. Sinuklay ko lang ang buhok kong nakalugay at itinali.
Natigilan ako nang makita kun sino ang bagong pumasok dito. Napakaamo talaga ng mukha niya kaya hindi ko alam kung paano sila napalapit ng isang demonyo.
Minadali ko na ang pag-aayos dahil hindi ako kumportable na kasama siya.
"She's right, you are weird."
Ako lang ang kasama niya kaya obvious na ako ang kinakausap niya, maliban na lang kung mawawala na siya sa katinuan para kausapin ang kanyang sarili.
But who the heck is weird? Ako?
Nakumpirma ko ang hinala ko nang humarap siya sa akin. Nakangiti ito kaya hindi ko kayang magsungit dahil para talaga siyang anghel. Hay.
"Jennie, right?" Tanong niya pero hindi ako nag-abalang sumagot.
"You amazed me." Bigla itong ngumiti ng malaki. "You really are one of a kind." Dugtong niya.
Okay, ano ang sinasabi niya?
"Nakita ko kung paano mo ipagatnggol ang sarili mo kahapon." Sabi pa nya. "Isa lang ang masasabi ko, naniniwala siya sa'yo. Kahit na gusto niyang tumulong, pinigilan niya ang sarili niya. Sa una nagduda ako na kaya mo pero it was a mistake, no doubt. Pasensya na, marami na akong nasabi. Una na ako." Muli siyang ngumiti bago nagmamadaling umalis.
Natigilan ako. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi niya. Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Mali, mali ang mga iniisip ko. Ayokong maniwala pero bakit ganon?
Nakakainis aminin na, hindi ko magawang magalit sa kanya. Kahit na sinusungitan ko siya kanina ay alam kong hindi ako galit o ano.
UGH! Nababaliw na ako.
Napagpasyahan ko munang pumasok sa library since wala rin naman ang aking mga kaigibigan na pumasok sa kanilang mga subject. Mas naging komplikado ang schedule ko since naging secretary ako. Halos hindi ko na kaklase ang mga kaibigan ko.
Ngumiti sa akin ang librarian kaya ngumiti na lang din ako. Pumunta ako sa dulong bahagi ng library kung saan walang gaanong pumu-pwesto.
Umupo lang ako at inisip ang ginawa ng aking mga kaibigan. They made my day very special and I really don't remember that today is my birthday.
"Pwede ba akong makiupo?"
Umangat ang aking tingin at nakita si Wendy na may hawak na libro. Tumango nalang ako kahit na kating-kati kong sabihin na napakaraming bakanteng lamesa para tumabi pa siya sa akin.
"Kumusta?" Tanong nito.
I almost rolled my eyes. Gusto kong magpahinga pero sa tuwing pupunta naman ako ng library ay si Wendy the weird ang tumatabi sa akin. How lucky am I? UGH!
"It seems like something is bothering you." Kumunot ang noo nito. "Something that might ruin your world." Dugtong pa nya.
"Will you pleae shut up?!" Gigil na sambit ko. "Just shut up and leave me aline." I added.
Namilog ang mgata nito at maya-maya ay mahinang natawa. Naikuyom ko na ang aking kamao. This girl is getting into my nerves. UGH!
"You look so strong but deep inside? You are so fragile." Natatawang sambit niya ang I can't help but to glare. "You must release the beast first if I were you. You can't hold the fragile one too long that you might break." Dugtong niya.
"What do you mean?"
"Release the beast first before the fragile one so that you can handle it without breaking yourself."
That words from Wendy kept popping into my mind every now and then. She is just crazy! I should not believe in her. Pero hindi maipagkakailang may punto siya. I can't handle everything if I am weak, I must be strong enough to face it. The beast? Monster? Demon?
Natapos ang buong araw na lutang akong muli dahil sa aking mga kaibigan. Nakalimutan ko ang lahat dahil kasama ko sila. I find time too short when I am with them. I wish I could extend this.
"Ang tanda na natin." Biro sa akin ni Jungkook.
Pabalik na kami sa dorm dahil tapos na lahat ng subject. 30 minutes nalang at bloody night na pero wala nalang sa amin dahil bloody week na ito.
Napahinto kami nang makasalubong na naman namin si LIsa. Hindi katulad kanina ay nawala na ang pagkabalisa sa mukha niya pero halatang pagod siya.
"Can I talk to you?" Tanong niya sa akin.
"No." Sagot ni Kai.
Hinawakan ko si Kai sa braso para pigilan. Kumunot ang noo niya pero tumango nalang ako. "Mauna na kayo." Sambit ko.
"Tss."
Nauna ng naglakad palayo si Kai na sinundan naman nilang lahat. Ngayon ay kami nalang ni Lisa ang andtio.
Medjo madilim na at lumalakas na ang ihip ng hangin na tinatangay ang buhok ko. Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa akin.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko.
"Hindi mo talaga sasabihin sa akin?" Tanong nito na ikinakunot ng aking noo. "Kailangan ko pa talagang alamin? Kailangan mo pa ba akong pahirapan?" Ginulo nya ang buhok niya na dati pang magulo.
Ano bang sinasabi niya? Tinutukoy ba niya ang dahilan ng pagkabalisa niya kanina? Kung bakit hindi siya mapakali sa paghahanap ng info sa mga papel kanina? Kay aba mukhang pagod na pagod siya?
Ano namang kinalaman ko doon?
"I know there's something with your smile."
"What are you talking about?"
"Happy Birthday, Jennie."
That made me speechless and in a snap, I found myself seeking for more air.
You know what is a better feeling than your friends remembering something special about you? It it the feeling when someone who is not special to you made an effort for you.
Damn you, Lisa!