webnovel

Chapter 13: Queens

Nayeon's Point of View

Pinauna ko na siJennie dahil alam kong matatagalan pa ako. Ang hirap talagang magmarunong  lalo na kung napipilitan ka lang. Katulad ng ginagawa ko, nagpapaka book worm para lang mapasali sa Highest 10. Sigh.

"Here..."

Narinig kong may nagsalita sa harap ko at naglatag ng isang libro sa lamesa ko. Tumaas ang akong paningin at tumumbad sa akin ang isang lalaki na nakangiti. Medjo chinito ito na matangkad lang sa akin ng konti.

"Tapos na kami sa assignment na 'yan and I've got my answers from that book." Turo nya sa librong ibinaba nya kanina.

Sinulyapan ko ang libro at binasa ang title. Tumugma sa assignment ko ang title kaya kinuha ko na ito.

"May I hear the magic word?" Tanong nya na ngayon ay nakaupo na sa kaninang pwesto ni Jennie.

"T-Thank you." Sagot ko.

"Yon! Akala ko 'di ka marunong magsalita, tuturuan sana kita." Biro nya na mahina kong ikinatawa.

Sa palagay ko ay mapagbiro talaga ito. Medjo corny pero jolly.

"Jinyoung."

Pinagmasdan ko ang kamay nyang nakalahad sa aking harapan at naghihintay na abutin ko ito.

"Nayeon."

Maikli kong tugon at binalewala ang kamay nyang nakalahad pa rin. Ibinalik ko na lang sa librong ibinigay nya ang akong paningin.

Narinig ko ang ang mahinang pagtawa nya. I am not really a friendly person, kontento na ako sa mga kaibigan ko ngayon. I usually ignore people getting near on me.

"Page 256." Dinig kong sambit nya.

Inilipat ko ang pahina ng libro sa sinabi nya at saglit na binasa ang content nito. Wala sa sariling napangiti ako nang makkita lahat ng sagot sa aking tanong.

Kinuha ko na ang aking notebook at nagsimulang magsulat ng sagot.

"Nayeon... such a beautiful name." Dinig kong sabi nya.

Saglit akong natigilan ngnuit hindi ko ito ipinahalata. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagsusulat.

Lumipas ang minuto at natapos na ako sa aking assignment ngunit sa Jinyoung ay nanatiling nakaupo sa harap. Hindi ko siya sinulyapan kaya hindi ko alam kung natutulog na ba siya, nagbabasa o nakatingin lang sa akin.

"Are you done?" Tanong nya.

Ngayon ko lang na realize na baka hinihintay nya ang libro na ipinahiram nya lang sa akin kaya nahihiyang ibinalik ko 'yon sa kanya.

"Salamat." Nilakasan ko ang loob na tumingin sa kanya. Inilapit ko sa kanya ang libro. Tama nga, nakatingin lang sya sa akin habang nakangiti.

Anong problema ng isang 'to? May saltik ata.

"Nah. You can borrow it since tapos na rin kami sa librong 'yan." Aniya sabay balik ng libro sa akin.

Gusto ko pa sanang makipagtalo na hindi ko na kailangan ng libro nya ay kinuha ko na lang ito para hindi na humaba ang usapan namin. Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na.

Kumunot ang noo ko nang tumayo rin siya. He is still in his usual smile. Ano bang nakakatuwa? Inaasar nya ba ako?

I tried to keep my mouth shut and walk towards the door. Saglit akong natigilan nang unahan nya ako sa pinto at pagbuksan ako nito. Tinaasan ko sya ng kilay bago nilagpasan.

I don't need a guard. I don't need an assistant. I don't want him around and I don't know why. 

"May pasok ka pa?" Tanong nya.

"Mamaya pa." Mahina kong tugon. Pinipigilan ko talaga ang masabihan siya ng ano na masakit dahili sa ipinahiram nya ako ng libro pero kasi feeling close na siya.

I only know his name, not his surname or his entire self. In short, we are totally strangers.

"Oh bakit ka nagmamadali? Gusto mo bang kumain? Libre ko."

"Okay." Saglit na sagot ko.

Nagulat ako nang hawakan nya ang aking kamay at hilain papunta sa cafeteria. Napangiwi na lang ako sa ginawa nya.

'Anak ka ng tatay mo't pinanganak ka ng nanay mo!' Ano bang problema nya?! Hindi nya ba alam yung gentle? Akala ko naman gentleman, kung makahila naman siya, ginawa nya akong kabayo.

"You should learn how to take things slow." Inis na sambit ko bago umupo.

"I am easy to get bored especially in taking things slow. I want to fasten everything up." Sagot nya na sa totoo lang ay hindi ko naintindihan.

Ang hirap basahin ng chinitong ito.

"Good Afternoon, sir/ma'am. May I know your order?" Tanong sa amin ng waiter.

"Iyong pinaka mahal na meal, pinaka mahal na drink, at pinaka mahal na dessert, samahan mo na rin ng pinaka mahal na plato at baso." Inis na sambit ko.

Halos mahambalos ko ang chinitong tumatawa ngayon na hawak kong mga libro. Ang mahal ng in-order ko tapos tatawanan nya lang?! Baka naman natawa siya kasi wala na siyang pera? Duh!

"Sir?" Tanong ng waiter kay Jinyoung.

"Katulad din ng sinabi nya. Tapos pala, pakisabi rin sa babaeng nasa tabi ko na LIBRE ang pagkain dito at walang bayad." Mahina na naman siyang tumawa.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ko alam na libre pala ang lahat. Kumain na kami rito at akala ko ay nilibre kami ni Kai o ni Jisoo. Yon pala ay libre! Gosh! Non-sense din ang pagsasayang ko ng laway sa pagsabing PINAKAMAHAL. Kaignorantehan strikes. Grr.

"Bakit ang init ng dugo mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama, katunayan ay tinulungan pa kita." Aniya na nakangiti pa rin.

Hindi ba siya nangangawit?

"You are too annoying and I hate how you dragged me here!" Inis na sambit ko. "And I just want to say that I am fully paid with your help. I already said THANK YOU." Dugtong ko.

Mauubusan ako ng hininga kakadada rito habang siya ay parang hindi naman natitinag sa ngiti nya. Okay, ikaw na ang chinitong smiley. Geez.

"You hate everything about me?" Tanong nya.

Hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Did I exceed the limit? Nag exaggerate na naman ba ako? Should I apologize?

"No, it's not like that." Ang tanging lumabas sa bibig ko. Paano ba 'to?

"I just want to be your friend." Aniya.

Ngumiwi akong muli. Should I accept him?

"Okay. Fine." Sagot ko na ikinatawa nya.

Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan ako sa iba. Wala namang mawawala sa akin. Para lang naman ito sa konsensya ko na nasungitan ko siya. Kasi naman eh! UGH!

"Thanks." Aniya.

Dumatong ang pagkain ay tahimik kami hanggang sa natapos kaming kumain ay tahimik pa rin kami. Walang nagtatangkang magsalita sa amin.

Okay. This is awkward.

"Am I late?"

Halos maitapon ko ang tubig sa aking kamay nang biglang sumulpot si Jungkook wearing his smiley face. Katulad na katulad sila ni Jinyoung, laging nakangiti.

"Anong late pinagsasabi mo?" Tanong ko.

Mahina itong tumawa at kinindatan ako. Tumingin ito kay Jinyoung na nakangiti rin. Eh?

"You are?" Tanong ni Jungkook.

"Jinyoung." Maikling tugon ni Jinyoung.

"Yow! I am Jungkook." Nagkamayan sila at nagngitian.

"Hoy! Hoy! Hindi nyo kami sinasali ah!"

Nagpoker face na lang ako nang magsulputan na ang mga adik kong kaibigan. Nginisian ako ni Rosé na nginunguso si Jinyoung na kinakausap na nila Jisoo.

"Anong nginunguso-nguso mo dyan?" Tanong ko.

"Eh! Di ba si Jinyoung 'yon? Iyong gwapong laging tinitigan ng mga babae rito." Aniya.

Kumunot na lang ang aking noo. Wala naman akong pakialam kung tinitigan siya rito. Duh! Impyerno kaya ito!

"Type mo?" Panunukso ni Jennie na tinutusok pa ang tagiliran ko. "Yiee. Ikaw ah!" Aniya pa.

Tinabig ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin. Tinawanan lang ako ng dalawang bruha.

"Hahaha!" Napatingin kami sa boys at Jisoo na nagtatawanan na. Madali talaga silang makisama. Kakakilala lang nila kay Jinyoung, kung makatawa na akala mo isang taon ng magkakilala.

Hindi ko  na napigilan ang pagngiti. Ang dating tahimik na cafeteria ay binulabog namin. Nang dahil sa amin, muling umingay dito at hindi ko alam kung ikakasaya ko o ikakahiya na taong bundok ang mga kaibigan ko kung makatawa.

"Ano? Sinungitan mo siya ano?" Pangungulit ni Jennie.

Alam kasi nila na ganon talaga ako sa ibang tao. Hindi naman sa anti-social, ah basta! Kuntento na kasi ako talaga sa mga kaibigan ko ngayon.

Natigilan kaming lahat nang may narinig kaming nabasag na baso. Agad na tumingin kami sa gild kung saan nakatayo ang isang babae na naka high heels. Ngayon ko lang sya nakita.

"Gosh! Ang ingay kasi, ayan tuloy nabasag ang baso." Aniya.

Hindi kami nagsalita at nanatili kaming lahat ng tahimik. Kung titignan mo ay ordinayong babae lang siya, maldita type.

"Nancy?"

Tumayo si Jinyoung at inalalayan si Nancy 'raw' na makaalis sa mga bubog. Napangiwi ako sa kaartehan nito. Anong pinagmamalaki nya? Boobs nya? Duh! Parang masusugatan sya e naka 6 inches heels siya! Isa na namang... Duh!

Nagtaka ako sa inakto ng marami rito. Iyong ibang staff ay agad na inalis ang mga bubog habang ang iba ay chineck kung nagalusan ba si Nancy.

Seriously?! That's OA. Ano siya? Reyna? Psh.

"Sino ba siya?" Tanong ni Rosé.

"OMG! May galos ang binti ko!" Halos himatayin ito nang makita ang napakaliit na galos sa binti nya. Parang tuldok lang!

Naglapitan naman sa kanya ang mga staff. Halos mataranta ang iba. Okay, may hindi ba kami alam dito? Bakit ganon ang reaksyon nila? Sino ang Nancy na ito?

"Kayo!" Turo nya sa amin. "This is all your fault. Pagsisisihan nyo ito." Aniya bago siya idinala sa clinic.

Natawa na lang ako. Ano bang kasalanan namin sa nangyari sa kanya? Kung may dapat mang sisihin dito, 'yon ay ang katangahan nya. NOT US!

"Sorry about that." Ani Jinyoung na kakabalik lang.

"Who is she?" Tanong ni Jennie. Ang isa ring tanong na bumabagabag sa akin.

"Nancy Jewel McDonie. Girlfriend ni Seulgi Kang."

Nalaglag ang panga ko matapos kong marinig iyon. Ang bruhang maarte na OA na 'yon? Siya ang girlfriend ng Number 1 sa Highest 10 at ang leader ng Devil's Tribe, Seulgi Kang.

"Seulgi is the current Queen of YG University and definitely, the girl, Nancy Jewel McDonie is also a Queen."

Okay. Hindi pumasok sa isip ko na may ganon sa YGU. May Queens kuno pa pala sila.

Pero ang tanong ngayon. Sino si Seulgi Kang? Hindi ko pa siya nakikita maliban noong acquaintance party na nakamaskara pa siya.

"Ahhhhh!!!"

Napatayo kami sa pagkakaupo nang marinig ang isang sigaw na malakas. Agad na umakyat sa dibdib ko ang kaba. Ano na namang nangyari?

Next chapter