webnovel

Chapter 19: Late Headmaster

Jennie's Point of View

Half day lang kami in-announced kanina dahil magkakaraoon ng general meeting na gaganapin sa gymnasium at dahil bilang secretary, kasama ko ang mga SSG Officers. Si Supremo ay kausap si Miss IU habang kami ni Jimin ay nakaupo na sa harap at nakatingin sa kabuuan ng mga estudyante na hindi man lang nag-aabalang lumikha ng anumang ingay. Lahat sila ay nakaupo lang at taimtim na naghihintay kung para saan ba ang general meeting na ito.

Mas bumigat ang presensya nang dumating na sina Madame Dara at Sir Min-ho na kapwa nakangiti sa mga estudyante, lahat ng madadaanan nila ay hindi nagagawang tumingin sa kanila na animo'y ikamamatay nila kapag nakipag eye contact sila sa isa man lang sa dalawa.

"Good morning, Madame Dara, Master Min-ho." Magalang na bati ni Lisa sa kanila na yumuko pa ng konti. Tumayo naman si Jimin para yumuko rin kaya tumayo na rin ako pero hindi ako yumuko.

A. Yo. Ko.

"Is that how you greet us, Miss Kim?" Nakangiting tanong ni Min-ho.

Ano bang ine-expect nila? Yumuko rin ako? Lumuhod? Ano sila? Diyos? Never! I will never ever bow my head for them, they don't deserve it and will never be. They won't earn a respect from me.

"Good afternoon." Ang tanging lumabas sa bibig ko.

I guess, that was enough. At least, I still showed respect, even just a bit.

"Joo-hyun..."

Napatingin ako sa sinabi ni Madame Dara. Nakatingin siya sa akin habang nakangisi. Anong sinabi niya? Joo-hyun? That's not me, ulyanin na rin ata ang isang 'to.

"Madame, let's start."

Tumango nalang si Madame Dara kay Lisa bago ibinigay ang mic dito. Pumunta sina Madame Dara at Min-ho sa harap kaya umupo na kami sa aming respective places. Kumaway ako kina Rosé, Nayeon at Jisoo na nakatingin sa akin. Kumaway naman silang lima sa akin na nakangiti.

"Focus." Dinig kong sambit ni Lisa.

Umayos naman ako ng upo at hindi na tumingin sa likod.

"Good afternoon students." Panimula ni Min-ho. "Today, we are gathered to celebrate the 5th death anniversay of the Late Headmaster Jin-goo Yeo!" Biglang nagkasigla si Min-ho.

Nakarinig ako ng mga violent reactions mula sa crowd. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi namin dito ay ngayon ko lang narinig ang pag-apela ng mga estudyante. It was more like nainsulto sila sa sinabi ni Min-ho.

"Nakakatuwa na sa loob ng ilang taon na pamumuno ng tangang pinuno ay nakalaya na tayo, hindi ba nakakatuwa?" Tanong ni Madame Dara.

No one bothered to disagree. Who would be? Una, hindi dapat magsaya dahil namatay ang dating Headmaster, pangalawa, nakakawalang respeto ang pagtawag nyang tanga sa dating pinuno. That's insulting.

"Because of that, natututwa kaming i-announce ang pinakamalaking event na mangyayari sa YG University after so many years!"

Hindi ko alam pero kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Biggest event, it will be a bloody one. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang delubyo na parating? Totoo ba? Malapit na nga ba ang katapusan?

Anong mangyayari?

"Hindi!"

Napagitla kaming lahat nang marinig ang sigaw mula sa mga estudyante. Tumingin kami sa likod at isang lalaking nakayuko at nakatayo ang agad na nakaagaw ng aming pansin.

"Hindi siya namatay! Pinatay nyo si Headmaster Yeo!"

Kumunot ang noo ko. Tumingin ako kina Madame Dara at Min-ho na nagtatawanan, nakuha pa nilang mag-apir sa harap namin. "Sino ba kasing nagsabing namatay siya? You are right, we killed him at susunod ka na." Dinakip ng dalawang lalaki ang lalaking sumigaw.

Tumingin ako kay Lisa ngunit nanatili ang kanyang mata kina Madame Dara at Min-ho, poker face na nakaupo. Parang walang nangyayaring kaguluhan sa paligid.

"Pakawalan nyo ako!" Nagpumiglas ito ngunit hindi nga kinaya ang dalawa.

Dahil lang sa pagsigaw nya ay mapaparusahan siya ng kamatayan. Parang masyado naman ata 'yon.

"Sobra naman ata 'yon!" Nanlaki ang mata ko at dumoble ang kabog ng dibdib ko nang makita kung sino na ngayon ang nakatayo. "You killed the late Headmaster, hindi ba parang baliktad? Dapat kayo ang maparusahan ng kamatayan." Sambit ni Nayeon.

Shit!

"We are not stupid to kill ourselves. Ang tanga rito ay ang lalaking 'yon." Turo nya sa lalaking bitbit na palabas ng gymnasium. "At ikaw." Turo nya kay Nayeon.

Nanlaki ang mata ni Nayeon nang may humawak sa kanyang dalawang kamay. Nanlisik ang mata ko nang makitang binigla nilang hinablot ang braso ni Nayeon na dahilan ng pagkaumpog nito sa pader na katabi nila.

My heart skipped a bit when I saw how she fainted. That's too much.

I glanced at Lisa. Umiling ito sa akin na parang binabawalan ako sa gagawin ko. Damn! Ang init na naman ng pakiramdam ko, parang nangyayari ulti ang nangyari sa akin no'ng kay Nancy. I am losing my temper, I am out of control of myself, again.

"Touch her once more, or you will regret it." Sambit ko nang aktong hahawakan na naman nila ang walang malay na si Nayeon.

Sinenyasan ko sina Kai, Jungkook, Jisoo at Rosé na buhatin na si Nayeon at dalhin sa dorm dahil wala namang kwenta ang clinic dito.

"First of all, wala kayong karapatang magpataw ng parusa, because the SSG President  lang ang pwede." Umpisa ko. I've read once the manual of YG University and according to this, ang president lang ang maaring magpataw ng parusang kamatayan. "Second, the way you stand in front of us shows disrespectful. Now tell me, how can you earn respect from us? And lastly, I am the SSG Secretary and definitely, I also have the power to disagree with your decisions."

I am just stating the truth that compared to the YG University Headmistress, the SSG President is much more powerful.

"How rude Miss Kim. Alam ko naman na i-aaprove ni Supremo ang aking sinabi. Right President?" Tanong ni Madame Dara kay Lisa na hindi man lang nagsalita. "President Lisa? Anong sa tingin mong parusa ang maaring ipataw natin sa Secretary?" Tanong niya.

I remained silent.

"Punishment? Are you kidding me?" Natatawang sambit ni Lisas na nakatingin kay Madame Dara. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. "Why would I punish MY secretary if she deserves an award?" Tanong ni Lisa.

Maging ako ay naguluhan na rin. Ano bang sinasabi ni Supremo?

"W-What do you mean?" Nakakunot-noong tanong ni Madame.

"I mean, honestly, Miss Kim amazed me. Sa lahat na naging secretary ko, siya lang ang nakakaalam na ako lang ang maaaring magpataw ng kamatayan. Amazing, right Madame?"

Silence ate the whole gymnasium.

"Lisa Manoban." Sambit ni Min-ho na parang binabalaan si Supremo na nagkibit-balikat ang. Well, hindi naman talaga marunong masindak ang isang 'to, siya pa nga ata ang dapat katakutan. "Well, the biggest event I am talking about will happen for a week." Ngayon ay nakangiti na itong muli.

"Let's call it a Bloody Week, where killing will be legal even in day time. Good luck everyone, I guess half the population of YGU will be lessen."

Next chapter