webnovel

Chapter 28: Co-Leader

Jennie's Point of View

I need to calm myself. Saglit kong pinakiramdaman ang paligid, nang marinig ko na ang hudyat. Mabilis akong tumayo at sinuot ang blazer ko na may hood. Sinulyapan ko sina Rosé at Nayeon na mahimbing na natutulog. Wala na naman si Jisoo. Hays.

Nakabenda pa rin ang kanang braso ni Rosé.

Maingat na pinihit  ko ang pinto ng kwarto namin. Hindi sila dapat magising, sigurado akong tututulan na naman nila ako at baka hindi na naman ako makakilos.

Pagkalabas ko ng kwarto namin ay pinuntahan ko ang kwarto ng mga boys. Kahit na inasahan ko ng walang tao akong makikita roon ay hindi ko parin maiwasang kabahan.

Ilang araw na rin akong binabagabag na alamin ang nangyayari sa aming mga lalaking kaibigan at si Jisoo ngunit ngayon lang ako muli nagkaroon ng lakas nag loob para sundin ang nais ko.

I know this time, it is no longer just my curiosity. I am not aiming for danger that usually caused by my curiosity but the eagerness to help my friends. I know there's something going on about them that's why they are doing this dangerous move.

Mahigpit ang kapit ko sa aking blazer habang pinipihit ang seradula ng front door. Mas lalaong humigpit ang hawak ko rito nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto. Sinalubong ako ng malamig na hangin, tahimik na paligid, at kadiliman.

Maingat na isinara kong muli ang pinto bago lumingon-lingon sa paligid.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga bago naglakad palayo sa dorm na hindi lumilikha nang anumang ingay galing sa aking mga sapin sa paa. Hindi rin maalis ang kabog sa aking dibdib.

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Jeongyeon. I have to break this rule to seek the information that I need and definitely, I already did. I broke the rule.

Napahinti ako sa paglalakad kasabay nang panlalambot ng aking tuhod nang makarinig ako ng kaluskok galing sa kung saan.

Mas humigpit ang hawako ko sa laylayan ng aking blazer. Kinakain ako ngayon ng pangamba at takot.

Mabilis na lumingon ako sa aking likod kasabay nang pagtakbo ng isang- "Pusa." Wala sa sariling sambit ko.

Damn that cat! Halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanya! UGH! I will surely punish you once I see you again.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinuri kung may kakaiba pa bang bagay maliban sa pusa na 'yon. Tahimik ang paligid kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Fuck! Ang lawak ng YG University! Paano ko sila hahanapin sa impyernong ito?! Baka abutan nalang ako nang pagputok ng araw na hindi pa ako nakakalahati sa YGU.

Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malaking trash can nang makarinig ako ng tawanan hindi kalayuan sa akin. Pigil ang paghinga na ginagawa ko habang palapit nang palapit ang tunog ng mga lalaking sa tingin ko ay nasa dalawa lang.

Biglang sumagi sa isipan ko ang patalim na ibinigay sa akin ni Lisa. I should have brought it! Nakalimutan ko dahil sa pagmamadali! UGH! Wala akong anumang armas. Kailangan kong mas maging maingat.

"Ano ba kasing nakita sa kanya ni Boss? I am better than him."

Hindi ko alam kung nanadya talaga sila at malapit sa akin pa sila nagkwentuhan. Halos hindi pa rin ako huminga, hindi lang makagawa ng anumang ingay na siguradong ikapapahamak ko.

"Better than him? Woah! He is better- I mean  wala ka sa kalingkingan niya."

"Gago."

"Bro, malaking tulong siya sa atin. We can defeat the Devil's Tribe because of him."

Seriously? Wala ba silang balak umalis? Nangangawit na ako sa aking posisyon at pakiramdam ko ay bibigay na ang aking tuhod kahit na anong segundo.

Shit!

"Tss. Tara na, baka nandoon na silang la-"

Mariin akong napapikit nang masiko ko ang isang maliit na trash can malapit sa akin na lumikha ng malakas na ingay, dahil na rin sa katahimikan ng paligid.

"Who the hell is there?!"

Mas tumindi ang kaba sa aking dibdib at tumataas na ang aking balahibo. No, hindi pa ako pwedeng mahuli. Not now! Kakaumpisa ko pa lang!

"Meow."

Nanlisik ang aking mata nang makita ang pusa sa paa ko na nakatingin sa akin. I glared at him or her! Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niyang pananakot sa akin kanina.

"Pusa lang pala! Putik!"

"Hoy kayong dalawa! Gusto niyong malagot kay Boss?"

"Papunta na!"

Narinig ko na lang ang mga yapak palayo sa akin. Nakahinga ako nang maluwag at nang wala na akong marinig ay mabilis na hinawakan ko ang pusa. Akala ko magpupumiglas ito ngunit nanatili itong kalmado.

Like as if he is not afraid of death. Bigla ko tuloy naalala sa kanya si Lisa. Mariin akong napapailing bago sinamaan ang pusang itim na hawak ko.

"Any last wish?"

"Meow."

"Nang dahil sa'yo muntik na kaong mamatay sa nerbyos. Alam mo ba 'yon?! Huh?!"

What the hell?! Why am I talking to a cat?! What the fuck?! Nababaliw na ba ako?!

"Talking to a cat, huh?"

Mabilis na tumalikod ako nang marinig na may nagsalita roon. Pinaningkitan ko ng mata si Jeongyeon na as usual ay maitim ang aura.

"What do you want?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Tumingin ito sa langit at pinagmasdan ang mga bituwin. "I want you to know everything." Sambit niya na hindi man lang ako sinusulyapan.

"What do you mean?"

Lumingon na siya sa akin habang nakangisi. "Bilang na rin ang araw mo, kailangan mo nang malaman ang lahat." Dugtong niya.

Kumunot ang aking noo. "A-Alam mo?" Tanong ko.

"I want you to witness everything through your own two eyes."

Ngayon ko lang napansin ang hawak niyang maskara na itim. Inalis ko ang akong hood at pinaningkitan siya ng mata.

"Just a friendly reminder. Don't let your curiousity drive you to hell."

Hinagis niya sa akin ang maskatrang itim. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko nang mahawakan ito. The black mask of Hell's Angels.

"Follow me."

Binitawan ko ang pusa na kanina ko pa pala hinahawakan at isinuot ang maskarang ibinigay niya sa akin. Sinuot ko ang hood ko para hindi makita ang buhok ko. Si Jeongyeon lang ang babaeng myembro ng HA, maghihinala sila kung makikita nila ang mahaba kong buhok.

Sumunod ako kay Jeongyeon at nanatili sa kanyang likod. Wala nang atrasan ito. I need to find out all this by myself.

Nakaramdam ako nang uneasiness nang dumami na kaming nakaitim na maskara. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng suot ko.

Calm down, Jennie Kim. Kung gusto mo pang tumagal nang hanggang sabado, umayos ka. Pangaral ko sa aking sarili.

"M-Mistress Jeongyeon. Pinapatawag kayo ni Boss."

Hinarap kami nang isang lalaking nakayuko lang at mukhang takot na sabayan ang malalim na titig sa kanya ni Jeongyeon.

Lumingon sa akin si Jeongyeon at tumango bago binilisan ang paglalakad. Hindi na ako sumunod sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Naramdaman ko ang titig ng ilan sa akin na animo'y kinikilatis nila ako. Kahit ka hirap na hirap na akong kumilos ay nanatiling kalmado ang kilos ko. I should not act suspiciously.

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ng mainit na hangin sa leeg ko.

"Woah. Bango natin bro ah." Sambit ng lalaking nakangisi.

Pinigilan ko ang sarili ko hambalusin siya at paulanan ng 180 degrees ng sampal. What the hell?! Dammit!

"Pabango ba ng babae gamit mo? O baka nakadali ka ng chicks?"

"Don't talk to me." Nilakihan ko ang aking boses.

"Woah! Easy! Pft."

Ngayon ko lang napansin ang pula niyang buhok. Shit! Kilala ko ang lalaking ito.

Pumihit na ako patalikod at nagsimulang lumayo sa kanya. Baka kung hindi pa ako lumayo sa kanya ay makilala niya ako lalo na at nakita niya na ako dati.

Natahimik ang lahat nang dumating ang isang grupo ng mga HA. Naagaw ng pansin ko ang leader nila na hindi nakamaskara. Nakakapit sa kanyang braso si Jeongyeon na pa simple akong sinusulyapan.

"Tonight, we will welcome the newest member of Hell's Angels."

Tahimik parin ang lahat at naghihintay sa susunod na sasambitin ng pinuno. Isa-isa niyang tinitigan ang bawat nandito.

Kumalabog ang puso ko sa kaba nang dumapo sa akin ang kanyang titig. Kinalaban ko ang kanyang titig na ikinangisi niya. Nakilala nya ba ako? No! Imposible. Inalis niya rin agad ang tingin sa akin bago binalingan ng tingin si Jeongyeon.

They kissed each other infront of us. What the fuck?! Taehyung Kim looks like a fragile nerd and I must say that looks can be decieved. He is a total jerk inside a devil of a nerd guy.

Mabuti nalang at natapos na sila. Akala ko kasi magkakapanood na ako ng live bed scene. Psh!

"Parang gusto ko rin tuloy ng kahalikan." Bulong ng katabi ko na kulay pula ang buhok.

Fuck! Siya na naman! At ano raw? Gusto niya rin ng kahalikan?!

Bigla siyang tumingin sa akin with a smirk. "Your lips seems so soft and uh, nice lips." Mabilis na inalis ko sa kanya ang aking tingin.

"B-Bading ka ba bro?" Tanong ko na mahinang ikinatawa niya.

Mabuti nalang at hindi na siya nag-asar pa, baka hindi ko na talaga mapigilan ang aking sariling paputukin ang labi niya. Jerk!

"A moment of silence as I introduce the co-leader of Hell's Angels."

Mukhang baliktad ang naging reaksyon ng mga kasamahan namin dahil nagkaroon ng bulungan sa paligid.

"Co-leader? Wala pa naging co-leader si Boss."

"He must be strong enough."

"Shit. I wish I could be that person."

Marami pa akong narinig na reaksyon mula sa mga myembro sa paligid.

"Who is not in favor of my decision." Walang emosyong sambit niya. Take note na hindi patanong 'yon. It seems like a threat.

Walang sino man ang tumutol. Who would be? Siguradong kapag sumalungat sila ay ikamamatay nila. Knowing how evil these people are.

Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Jeongyeon na walang maskara rin. Parang binabalaan ako.

"Okay, please introduce your name infront of us."

Napatingin kaming lahat sa iisang lalaking naglakad patungo sa gitna. Ang tindig nito, ang kanyang aura, ang kanyang pigura. Isang malaking sampal sa akin ang nakikita ko ngayon.

Hindi ako makapaniwala.

"Jongin. Hell's Angels' co-leader."

Next chapter