webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebridades
Classificações insuficientes
41 Chs

CHAPTER 12: TIME TOGETHER

Habang naiwang nakatanaw silang dalawa kay Pauline na tuluyan ng nawala sa paningin nila dahil nakasakay na ito ng elevator, ay unang nagsalita si Paulo para basagin ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Pasensya ka na sa kapatid ko ah. Ganun talaga sila eh," wika ni Paulo kay Anna.

"Naku okay lang. Ang saya nyo nga eh," sagot niya dito.

"Naingayan ka ba? Lalu na kagabi?" tanong pa nito sa dalaga.

"Naku hindi! Nag enjoy nga ako eh," tugon niya rito.

"Close nyo ngang lahat eh," wika pa ng dalaga.

"Close ba yun? Lagi nila akong inaasar. Matanda na raw ako," wika nito napara bang nagtatampo.

Napatawa siya sa sinabi nito na ikinagulat naman ng binata.

"Pati ikaw tinatawanan mo na ako," parang batang nagtatampo niyang wika sa dalaga.

"Hindi. Natawa ako kasi ngayon ko pa lang nakita yung side mong ganyan. Cute tingnan," wala sa loob na wika ng dalaga.

Nag init ang pisngi ni Paulo sa mga narinig sa dalaga. Alam niyang siguradong namumula ang pisngi niya dahil dito.

"Nakakatuwa nga kayong tingnan. Ang saya lang," wika niya sa binata.

"Nag enjoy kang kausap sila kasi wala kang kapatid na babae?" tanong nito.

"Oo. Wala kasi ako kalaro nung bata ako. Malaki kasi ang tanda ng mga Kuya ko sa akin," pag share nito sa binata.

"Hindi katulad nyo na kahit papaano magkakalapit ng edad," dagdag pa ng dalaga.

"Wala akong masyadong kaibigan kasi bantay sarado ako ng mga Kuya ko. Takot lumapit kahit mga classmates kong babae kasi matatapang daw kasi sila," hindi niya namamalayan ang mas lumalalim nilang kwentuhan.

"Pero sigurado naman protected ka nila," sabi ni Paulo sa dalaga.

"Oo naman. May nambubully nga sa akin, tapos umiiyak akong umuwi, hala sumugod sila sa school ko. Natakot lahat ng classmate ko," kwento niya dito.

"Ang astig naman pala nila eh," pagpuri naman ni Paulo sa mga Kuya niya.

"Oo. Pero simula rin noon, medyo lumayo na mga classmate ko sa akin. Doon siguro nagsimula kung bakit wala ako masyadong naging friends hanggang high school," sabi ni Anna.

"Mahal na mahal ka kasi nila eh," paninigurado ni Paulo sa kanya.

"Oo naman," pag sangayon niya.

"Nga pala, bakit ang aga mo? Eh 10:00 am pa call time nyo ah?" tanong muli ni Pauline.

"Ah. Kasi may binubuo akong kanta. Sinubukan ko kagabi," wika ni Paulo.

"Talaga? Matatapos mo na?" tanong pa nito.

"Medyo. Pero marami pa akong ichecheck," sagot niya.

"'Diba sabi nung friends mo sumusulat ka rin ng songs?" tanong ni Paulo sa kanya.

"Naku, huwag mong seryosohin ang mga ayon. Sulat-sulatan lang yun," nahihiya niyang sabi.

"Bakit naman? Wala namang masama doon," sabi ni Paulo sa kanya.

"Hindi naman siya professionally done. Parang kung ano lang maiisip ko," paliwanag niya.

"Okay lang yun. At least naeexpress mo sarili mo," wika ni Paulo.

"Ganyan din feeling ko dati. Kahit ngayon naman. Pero hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan," pag eencourage pa ni Paulo sa kanya.

"Minsan kasi natatakot ako ma reject. Natatakot ako madecline. Baka masaktan lang ako," malungkot niyang wika.

"Sa mga ganyang pangyayari sa buhay, dyan tayo matututo. Dyan tayo lalakas. Kaya huwag ka matakot. May pamilya ka na sumusuporta sa iyo kahit mabigo ka. Andyan mga friends mo, kami, lalu na ako na magsasabi sa iyong okay lang," nakatingin sa kanyang wika ni Paulo.

Nakaramdam ng hiya si Anna sa mga sa sinabi ni Paulo sa kanya ngunit nakita niya ang sensiridad sa mga sinabi nito.

"Salamat ah. Sana nga mahanap ko ang lakas ng loob para magawa ko yun," nakangiting wika naman niya sa binata.

"Alam kong kaya mo. Kaya hindi kita titigilan na icheer kasi alam kong kaya mo," sabi ng binata na lalung nagpapalakas ng loob niya.

Ngumiti lang siya sa mga tinuran nito.

"So, siguro masasabi kong malaking achievement na sa akin na dito mag apply," pahayag ni Anna.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Siguro kasi, unconsciously, dito ko pinili mag apply dahil nasa music industry ang company na 'to. Para na rin siguro matrain ko ang sarili ko sa kalakaran sa ganitong industry. Siguro, bukod sa magkatrabaho, inisip ko rin yun, dahil may hidden dream ako na gusto kong mafulfill," mahaba niyang paliwanag.

"Siguro nga. You see, alam kong sa puso mo gusto mo rin, pero natatakot ka lang," pag sang ayon nito sa sinabi ng dalaga.

"Tulad nga ng sabi mo, dapat hindi ako matakot. Dahil may pamilya at mga kaibigan ako na sumusuporta at tatanggap sa akin kahit ano pa man ang maging resulta. Sana nga maharap ko yan sa sarili ko," wika ng dalaga.

"Tama yan. At ipagdadasal ko na mahanap mo yun," wika naman ni Paulo.

"Salamat," sabi niya kay Paulo.

"Sabi mo may ginagawa kang kanta? Pwedeng marinig?" tanong pa nito sa binata.

"Hindi pa tapos eh, pero sige," sagot ni Paulo.

Kinuha ni Paulo ang gitara at umupo sa isang silya samantalang umupo naman si Anna sa sahig ng practice room.

Nagsimula ng tugtugin ni Paulo ang gitara habang nakikinig si Anna sa kanya.

Habang tumutugtog ay nakatingin lang si Paulo sa dalaga habang nakapikit ito na para bang ninanamnam ang bawat tunog mula sa kanyang instrumento.

Hindi niya maitanggi na may ibang epekto talaga sa kanya ang bawat kilos ng dalaga. Dagdag pa ang maamong mukha nito.

Tuloy-tuloy lang ang pagtugtog at pakikinig nilang dalawa ng may umagaw ng kanilang atensyon.

"Ehem," malakas na pagtawag ng atensyon ni Joshua sa kanila.

"Anong nangyayari dito?" sambit ni Jeremiah.

"May naghaharana na," nakangiting wika ni Kenji.

"Anong ligawan ang nangyayari dito?" paghihisterikal-kuno na sambit ni Lester.

"Anong ligaw at harana sinasabi nyo? Pinaririnig ko lang sa kanya yung bago kong sinusulat na kanta," depensa ni Paulo sa mga kagrupo.

"Hindi pa namin naririnig yan ah? Selos ako?" pabirong tampo ni Joshua.

"Ang tagal nyo kasi. You're two minutes late," pagalit na wika nito.

"Anong late? Kanina pa ako dito. 'Diba Anna? Nakita ko pa nga si Pauline," wika ni Lester.

"Wait. Bakit nga pala kayo magkasama kagabi?" pang uusisa ni Lester.

"Magkasama sila?" nakikitsismis na tugon ni Jeremiah.

"Oo. Sabi ni Pauline," sagot ni Lester.

"Okay boys, tara na. Idiscuss ko na sa inyo ang mga napag usapan namin ni Miss Rosie," putol ni Anna sa mga tanong pa nila.

Nagsiupo na ang lahat para ipaliwanag ang mga magiging paghahanda nila para sa mga sumusunod na araw base na rin sa mga napag usapan ni Anna at Miss Rosie nang umagang iyon.

Sinabi niya lahat ng activities na kanilang kailangang gawin pati na rin ang pagmentor at pagiging ambassador sa kabataan.

Lumipas ang maghapon na naging busy si Anna pati na rin ang grupo bilang preparasyon sa napakarami schedule na naka line-up para sa grupo.