webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 13: THE INTERROGATION

Pagkatapos ng nakakapagod na araw para sa lahat ay naisipang magsi uwi na ng grupo. Ngayong araw ay naisipan ni Paulo na mag stay sa kanilang dorm. Habang naghahanda para makauwi at makapagpahinga ay nag usisa na ang kanyang mga ka grupo.

"Pau, ano na ang status nyo ni Anna?" pagtatanong ni Lester sa kanya.

"Anong status?" balik niyang tanong dito.

"Status. Saang stage na kayo?" paliwanag ni Lester na nagpakunot ng noo ni Paulo.

"Relationship status baga," wika naman ni Kenji.

"Relationship status? Mag kaibigan lang kami noh. Walang malisya yun," wika niya.

"Mag kaibigan or mag ka-ibigan?" nakangiting tanong ni Joshua.

"Naku, alam kong hindi kayo mga tsismoso noh. Magkaibigan nga lang kami. Magkatrabaho. Yun lang ang meron kami sa ngayon wala nang iba," paliwanag niya sa mga kaibigan.

"Totoo naman yun guys. Right now, yun pa lang ang meron sa inyo. Pero in the future hindi natin alam, baka may mas higit pa. Who knows," makahulugang wika ni Jeremiah habang nakangiti.

"Alam mo 'dre, bagay kayo," wika ni Lester.

"Kinikilig nga ako sa inyo kanina. Grabeh yung titig mo. Kung Ice Cream lang si Anna, paniguradong lusaw siya on the spot," sambit naman ni Joshua.

"Oo nga. Unang araw palang na nakita ni Paulo si Anna, wala na. Tinamaan na agad ni kupido," pahayag naman ni Kenji.

"Tinamaan ka dyan?" kontra niya sa mga ito.

"Naku, huwag ka na mag deny. Kitang-kita naman. Kahit si Ate Rosie alam yun. Pati teacher natin sigurado napansin yun" wika ni Lester.

"Sinabi mo pa. Pati si Sir Charlie, panigurado," segunda ni Jeremiah.

"Seryoso?" hindi niya makapaniwalang tanong sa mga kagrupo.

"Oo," sabay-sabay na sagot ng mga ito.

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Paulo sa mga ito.

"Oo nga," paninigurado ni Jeremiah sa kanya.

"Pag nainlove pala si Paulo hindi kayang magtago," nakatawang sabi ni Joshua.

"Oo, 'dre. Para siyang statue," tumatawang wika ni Lester.

Biglang kumanta si Kenji.

I'm like a statue

Stuck staring right at you

Got me frozen in my tracks

So amazed how you take me back

Each and every time our love collapsed

Nagtawanan ang lahat habang kumakanta si Kenji na para bang sumasang ayon sa bawat letra ng kanta sa kanya.

"Hindi nga. Seryoso?" hindi pa rin makapaniwala si Paulo sa mga sinasabi ng mga kaibigan.

"Oo nga. Kaya hindi mo kami maloloko na wala ka nararamdaman para kay Miss Anna. Hindi mo man sabihin pero kita naman sa kilos mo," pag kukumpirma ni Jeremiah sa kanya.

"Marami na tayong nakasalamuha at nakilala sa loob ng halos limang taon, and ngayon palang kita nakita na ganyan," wika ni Joshua.

"Nakita na ano?" pagtatanong niya.

"Na natutulala. Hindi nagsasalita. Natatameme ba. Sa isang babae," tapat na pahayag ni Joshua.

Huminga ng malalim si Paulo at nagsimulang magsalita.

"Hindi ko rin alam. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng ganito. Basta hindi ko maipaliwanag," sambit niya sa mga kasama.

"Lagi mo siyang naiisip?" tanong ni Lester.

"Oo. Pagkagising ko. Bago matulog. Basta magulo," nalilito niyang wika.

"Bakit magulo?" tanong ni Kenji.

"Hindi ko rin alam. Siguro kasi ayaw ko siyang isipin, pero naiisip ko siya. Ayaw kong may maramdaman, pero may nararamdaman ako. Gusto ko siyang makitang nakangiti, masaya. Gusto kong mas makilala pa siya ng mas malalim. Pero hindi pwede," kwento niya sa mga kaibigan.

"Bakit hindi pwede?" tanong ni Jeremiah.

"Hindi ko alam. Naisip ko lang. Mahirap sa sitwasyon natin," nalilito niyang wika sa mga ito.

"Bakit mahirap? Dahil artist tayo?" tanong ni Lester dito.

"Siguro. Baka masaktan ko siya," hindi siguradong sagot ni Paulo sa mga ito.

"Tao tayo. May pakiramdam. May mga bagay na gusto at mga tao na magugustuhan. Bakit mo pipigilan ang puso mo kung talaga namang gusto mo ang isang tao. Hindi ba mas dapat na gumawa ka ng paraan para maiparating mo ang nararamdaman mo, baka kasi pareho pala kayo ng nararamdaman. Pareho nyo lang tinitiis," mahabang litanya ni Kenji na nagpamangha sa mga kagrupo nya.

"Mas gugustuhin ko pang sumugal at matalo, kesa matalo na lang ng wala ako ginawa," dugtong pa ni Kenji.

"Wow, 'dre. Galing. Tama ka dyan," wika ni Lester.

"Yan gusto ko sa iyo Kenji eh," wika ni Joshua habang tinatapik ang balikat nito.

"Minsan lang magsalita yan pero malaman," puri ni Jeremiah kay Kenji habang naka thumbs up.

"Pero tama si Kenji. Ikaw lang ang nakaka alam ng sarili mo, kung ano ang nararamdaman mo at kung anong dapat mong gawin. And alam kong napaka importante ni Anna sa atin, lalu na sa iyo. At ang masaktan siya ay isang bagay na hindi mo hahayaang mangyari. Kung ano pa yan, suportado ka namin. Nandito lang kami para sa iyo," payo ni Joshua sa kanya.

Bumalik sila sa pag aayos ng gamit, at habang nag-aayos ng gamit ay napaisip siya sa mga sinabi ng kaibigan sa kanilang naging usapan. Naisip niya kung talaga bang handa na siya. Hindi maitatanggi na attracted siya kay Anna. At alam yun ng mga tao sa paligid nila. Pero handa na ba siyang mas iparamdam kay Anna ang damdamin niya para dito? Handa na ba talaga siyang sumugal? Handa na ba siyang magmahal? Ang mga tanong na iyon ang gumugulo sa puso at isip niya na gusto niyang masagot at matugunan.