webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs

CHAPTER 11: FORGETFUL PAULO

Maagang nagising si Paulo ng araw na iyon. Kahit na halos limang oras lang ang kanyang naging tulog ay hindi naging alintana sa kanya ang antok.

Nagsimula na siyang maghanda ng umagang iyon upang maagang makaalis at makaiwas sa mabigat na traffic dahil sa Lunes ngayon.

"Oh, anak gising ka na pala? Ang aga mo ah?" tanong ng ina habang naghahanda ng almusal nila.

"Oo 'Ma. Madami kailangang gawin kasi may mga engagements kami sa mga susunod na araw. Hindi ko rin po sure kung makakauwi po ako 'Ma," sagot niya sa ina.

"Ah ganun ba? Magdala ka ng niluto ko para may pagkain kayo mamaya ah," bilin ng ina sa kanya.

"Sige 'Ma. Ligo muna ako. Para hindi ako masabay kay Paula at Phoebe," wika niya.

"Mabuti pa nga. Mamaya mag uunahan na naman kayo," pag sangayon ng ina.

Lumipas pa ang ilang minuto ay nagising na rin si Paula at Phoebe para maghanda pumasok sa eskwela.

Hindi nga nagkamali ang ina at nagsimula nang mangalampag ng mga kapatid para bilisan niyang maligo.

"Kuya bilisan mo. Malalate kami," sumisigaw na katok ni Phoebe sa pintuan ng banyo.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas si Paulo habang nagtutuyo ng buhok gamit ang tuwalya ay sumisipol at kumakanta pa ito.

"Kuya, ganda ng gising mo ah," wika ni Phoebe bago tuluyang pumasok sa banyo para maligo.

"Oo nga Kuya. Inspired ka yata ah," segunda naman ni Paula habang nag aalmusal.

Tumingin lang ang ang binata habang nakangiti at ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng buhok. Humarap siya sa salamin at sinimulang suklayin ang buhok at ayusin ito.

"Paulo, kumain ka na ng makaalis ka ng maaga," tawag pansin ng kanyang ina sa kanya.

"Wait lang 'Ma," tugon nito at tsaka umalis sa harap ng salamin at umupo na sa harap ng mesa para kumain.

Ilang sandali pa ay natapos na siyang kumain at naiayos na ang gamit at tuluyan ng nagpaalam sa ina para umalis.

"'Ma, aalis na ako. Message na lang kita kung uuwi ba ako o sa dorm na lang tutuloy," paalam niya sa ina.

"Sige. Mag ingat ka ha," wika naman ng ina.

Maagang nakarating si Paulo sa company building nila dahil sa maaga siyang umalis para maiwasan na rin ang mabagal at matagal na traffic.

Kung tutuusin ay 10:00 am pa ang call time nila ngayong araw, pero dahil na inspire siya kagabi habang tumutugtog ng gitara ay naisipan niyang pumunta ng maaga para ituloy ang kantang sinusubukan niyang buuin.

Alam niyang wala pa ang kanyang mga kasama dahil mag aalas otso palang. Kaya dumiretso na lang siya sa kanilang practice room para simulan ang kanyang bagong kanta.

*****

Maagang nakarating si Anna sa trabaho ngunit dumiretso siya agad sa opisina ni Miss Rosie dahil may mahalaga raw silang pag uusapan.

Umabot ng halos isa't kalahating oras ang kanilang meeting dahil diniscuss ni Miss Rosie sa kanya ang schedule ng grupo at ang magiging paghahanda sa mga events and engagements nila. Idagdag pa diyan ang pagiging mentor nila para sa Season 2 ng Padayon Project at ang pagsisimula ng kanilang collaboration with DepEd.

Lumabas siya mula sa meeting habang binabasa ang kanyang notebook na para bang kinakabisado ang lahat ng laman nito.

Nabigla na lang siya ng may gumulat sa kanya mula sa likuran.

"Hoy!", pang gugulat ni Lester sa kanya

"Ay! Kalabaw kang panot," hindi magkandatutong sambit niya.

"Hala! Sinong panot?" nakangising tawa ni Lester sa kanya.

"Ano ba! Bakit ka nang gugulat? Tsaka bakit ang aga mo?" tanong niya dito.

"Hala siya! Mag 9:30 na kaya. And may usapan kami ni Jerson. Nag cochoreo kami para sa bagong song," paliwanag nito.

"Oo nga pala. Sige. 10:00 am ah, sa practice room," wika niya dito.

Bago pa man sila maghiwalay ni Lester ay may biglang tumawag ng pansin nila.

"Kuya Lester! Ate Anna!" humihingal na tawag ni Pauline habang tumatakbo papunta sa kanila.

"Oh, Pauline bakit?" tanong ni Lester dito.

"Si Kuya?" tanong nito.

"Andito na ba siya?" balik na tanong ni Lester sa kanya.

"Oo. Maaga siyang umalis ng bahay. Sobrang pagmamadali nakalimutan yung pinabaon ni Mama. Since mamaya pa class ko, sabi ko kay Mama dadalhin ko," mahabang paliwanag niya habang hinihingal.

"Tara tingnan natin sa practice room, baka andun," alok ni Anna ka Pauline.

Nagtaka si Lester sa usapan ng dalawang dalaga na para bang nagpapahiwatig na magkakilala sila.

"Wait! Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong nito sa kanila.

"Oo. Kasama naming siyang mag dinner kagabi," sagot ni Pauline kay Lester na lalo naming nag pakunot sa noo ng huli.

"Paanong—" pagtatanong ni Lester sa mga ito na agad namang pinutol ni Anna.

"Nagkita kami kagabi sa Mall kasama yung mga friends ko," maikling paliwanag niya.

"'Diba may kausap ka pa kaya ka maaga?" dagdag tanong ni Anna kay Lester.

"Ay, oo nga pala. Sige Pauline. Una na ako," paalam ni Lester dito.

"Sige, Anna. Mamaya na lang," na para bang nagsasabi na mamaya nalang siya iinterogate mula sa mga nalaman nito.

"Sige." Tanging naisagot niya dito.

Tsaka siya bumaling kay Pauline.

"Grabeh hinihingal ka ah," sabi ni Anna sa dalaga habang pasakay sila sa elevator.

"Oo nga Ate. Sinubukan ko lang. Para ready na ako pag nagtrabaho na ako," nakangiting tawa nito.

"Excited ka na ba?" tanong niya dito.

"Oo. Gusto ko kasi maexperience eh. Pero may takot din. Pero bahala na," sagot nito sa kanya.

"Naku! Siguradong sisiw lang sa iyo yan," pag-e-encourage nito sa dalaga.

"Salamat Ate, kaya love na love kita," sagot ng dalaga at yumakap pa ito kay Anna.

Tumunog ang ang elevator bilang hudyat na dumating na sila sa floor kung saan nandoon ang practice room nila Paulo.

Pagkita sa Kuya na kasalukuyang nag gigitara at nagsusulat ay tinawag nito agad ang kapatid.

"Kuya!" tawag ni Pauline na nagpalingon sa kanya.

"Oh, bakit andito ka?" nagtatakang tanong nito sa kapatid.

"Eh paano, may taong sa sobrang saya daw ay may nakalimutan," makahulugang sagot ni Pauline sa kapatid.

Nakatingin lang si Anna sa dalawa. Napansin niyang laging inaasar ng mga kapatid na babae si Paulo at lagi namang asar-talo ito sa mga 'to.

"Eto. Kinalimutan mo daw sabi ni Mama," wika ni Pauline sabay abot ng paper bag.

"Ay! Oo nga pala," wika niya na para bang naalala na niya ang lahat.

"Eh! Paano naman kasi Ate, meron siyang gus—" wika niya na napigil ng pisilin ni Paulo ang magkabilang pisngi ng kapatid.

"May pasok ka pa diba? Malalate ka," pigil niya sa mga iba pang sasabihin ng kapatid at hindi pa rin binibitawan ang mga pisngi nito.

"Aray! Kuya," namimilipit sa sakit na tugon ng dalaga.

Binitawan rin naman niya nag kapatid at saka niya ito pinandilatan.

"Ate oh. Tingnan mo ugali niya," baling niya kay Anna habang ito ay nakangiti lang na pinapanood sila.

"Ibabash talaga kita," sabi niya sa kapatid.

"Sige, Ate una na ako," paalam niya kay Anna.

"Sige, ingat ka," paalam niya rin dito.

"Ate, sa sabado ah," paalala niya rito at tumugon siya sa pamamagitan ng pagtango.

"Kuya!" tawag pansin niya sa kapatid.

"Bleh!" sambit nito habang nakalabas pa ang dila bilang pang aasar.

"Aba'y!" sabay takbo ni Pauline papuntang elevator.

"Bye Ate!" paalam ni Pauline habang kumakaway.

Ginantihan din naman ni Anna ng kaway si Pauline at natutuwa mga inakto ng magkapatid sa harap niya.