webnovel

Talk Back and You're Dead!

Urbano
Concluído · 1.5M Modos de exibição
  • 126 Chs
    Conteúdo
  • 4.8
    23 Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero nagulo ang buhay niya nang makilala niya si TOP, isang notorious na gang leader sa lugar nila. At dahil sa isang pagkakamali na dapat niyang pag-bayaran, masasangkot siya sa maraming gulo. Makabalik pa kaya sa dati niyang buhay si Samantha o habangbuhay na siyang masasama sa gulo na dala ni TOP?

Tags
6 tags
Chapter 1Chapter One

Isang sigaw mula sa labas ng book store ang nakakuha ng atensyon ko at ng mga katabi kong tumitingin ng libro. Napatigil ako sa pagbabasa at pinagkinggan ang sinasabi niya.

"Ano 'to?! Ano ang ibig sabihin nito?!" malakas ang boses na tanong ng isang babae. "Sabi mo pupunta ka lang sa hospital para dalawin ang mommy mo kaya hindi ka makakapunta sa date natin! Tapos makikita kita sa mall na may kasamang iba! Sino siya?!"

Napangiwi ako sa narinig. Two timer. Wow. Dito pa talaga sa tapat ng book store sila nagkabistuhan. Tsk. Tsk. Kawawa naman 'yon.

"Ano 'yon?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya na nasa kaliwa ko.

"May away yata sa labas," sagot ng kasama nyang babae.

"Tara tignan natin!"

Sinundan ko lang sila ng tingin habang nagmamadali silang lumabas. Yung totoo? Talaga bang may balak silang makialam sa kaguluhan sa labas? Bakit hindi nalang sila makialam sa sarili nilang problema? Pero kung sabagay, ang ingay din kasi ng babae sa labas. Nakakaagaw ng atensyon.

Lumipat ako ng pwesto at nakita ko na ang librong hinahanap ko. Buti nalang nakita ko na! Dumiretso na ako sa counter para mag-bayad. Ako lang yata ang magbabayad since lahat sila nasa labas at nanonood ng pag-aaway nung dalawang kung sino man 'yon. Pagkatapos ko rito saan ako pupunta? Salon? Hmm. Gusto ko muna kumain ng fries na maraming cheese powder.

Lumabas ako ng book store at agad akong napatigil sa nasaksihan ko. Nakita ko ang bestfriend ko na si Michie na umiiyak sa harap ng isang matangkad na lalaki. May katabi itong isang magandang babae.

Kaagad na namilog ang mga mata ko sa gulat. Ano'ng ginagawa niya rito?! Siya yung sumisigaw kanina pa?! Kaya naman pala ang lakas ng loob, crazy talaga! Hindi ako makagalaw. Pupuntahan ko ba siya? Umikot ang tingin ko sa mga taong nakiki-usyoso sa nangyayaring kaguluhan. Ang iba sa kanila ay may hawak na cellphone at kinukuhanan sila ng larawan o video. Shucks!

"Ang kapal mo! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! Taksil ka!" sigaw ng kaibigan kong si Michie sa harap ng lalaki.

"Who the f*ck are you?" tanong ng lalaki.

Minura niya ang kaibigan ko! Minura niya ang isang babae! Sa harap pa ng maraming tao! Ang lakas ng loob ng lalaking ito. Naramdaman kong umiinit ang ulo ko sa bawat segundo na dumaraan. Temper, Samantha. Hindi ka pwedeng magalit.

"TOP, do you know her?" tanong ng babae na at tinignan si Michie mula ulo hanggang paa.

"Do I look like someone who would associate myself with that?" the guy answered coldly. Kung makapag-sabi siya ng 'that', parang alikabok lang ang kaibigan ko.

"Ano?! Ngayon naman nagkakaila ka? Sabi mo ako lang! Ibinigay ko sa'yo ang lahat! Hindi pa ba sapat ang mga nakuha mo sa'kin? Ang sabi mo pa nga, forever and ever na tayo! To the moon and back pa!" humihikbi na sabi ni Michie.

Napa-singhap ang lahat ng tao na nakikinig sa kanila.

"Ano raw? Ang sama naman ng taong 'yan," komento ng isang babaeng nanonood.

"Oo nga, sayang ang gwapo pa naman nya," komento ng kaibigan niya.

Nagkaroon ng ilang pag-sangayon ang iba pang nanunuod tungkol sa kung gaano kasama ang lalaking 'yon para lokohin si Michie at kung gaano siya katangkad, kakisig at kagwapo. Nagkaroon din ng ilang tanong kung artista daw ba yung lalaki o model ng Bench o isang basketball player.

"You're really asking for it woman, stop it!"

"Bakit ka ba ganyan sa'kin?" iyak ni Michie. "Dahil ba sa kanya?!" turo niya sa katabing babae nung lalaki. "Dahil ba sa kanya kaya iniiwasan mo na ako, Honey?"

"F*ck off," malamig na sabi ng lalaki.

Napalunok ako dahil sa uri ng tono na ginamit niya. Para bang isa na iyong pagbabanta. Biglang nabalot ng tensyon ang paligid. Ramdam na ramdam ang pagbagsak ng atmosphere. Napakasama ng ugali ng lalaking 'yon! Kumukulo ang dugo ko! Mabilis akong pumunta sa harap nung lalaki at dinuro siya.

"Hoy! Lalaking akala mo kung sino! Ikaw na nga itong nanloko ikaw pa may ganang sabihin 'yan sa kaibigan ko!" sigaw ko.

"Sam? Sammy?!" tawag ni Michie sa likod ko.

Nilingon ko siya at nakita na namumutla na siya. Halatang nagulat siya sa pagdating ko. Pero bukod sa gulat, parang natatakot pa siya na makita ako ngayon. Bakit kaya? Siguro dahil hindi niya gustong makita ko na pinagtataksilan siya ng boyfriend niya. Ni hindi ko nga alam na may boyfriend na pala ang kaibigan ko. Nag-lihim siya sa'kin!

Kung sabagay, dapat ngang ilihim kung ganito ang magiging boyfriend niya. Pinagtaksilan siya ng boyfriend niya. Ang kaawa-awa kong bestfriend na sobrang inosente na naging biktima sa malupit na mundo!

"F*ck, another lunatic," rinig kong bulong ng lalaki.

Ano'ng sinabi niya?! Lunatic?! Ako?! Muli ko siyang hinarap. Naghahanda na akong bugahan siya ng apoy. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ahh. Sana pala hindi ko nalang ginawa 'yon, ang pakiramdam ko kasi bigla akong lumiit na parang langgam! Ang tangkad niya! Ano kayang height niya?

Nakasuot siya ng black leather jacket at puting shirt sa loob. Tinernohan nya 'yon ng dark jeans. Mukha siyang mayaman dahil mukhang mamahalin ang suot niya.

Ang pinaka-napansin ko ay ang mahaba niyang legs. Mukha nga siyang model. Bukod sa ang kisig niya sa suot niya, napaka-gwapo rin niya! Hindi siya maputi, halatang hindi siya gaanong naglalagi sa loob ng bahay. Medyo makapal ang kilay niya na bumagay sa talas ng mga mata niya. Kung tumingin akala mo palaging may papatayin. Matangos ang ilong niya. Manipis at katamtaman ang pula ng labi niya. May hint ng brown ang kanyang buhok at natatakpan nito ang kanyang mga kilay.

Mukha rin siyang isang klase ng lalaki na mahilig sa sports, like basketball siguro o swimming? O siguro hindi sports, kundi sa away mahilig ang taong ito. Mukha siyang palaaway at iresponsableng tao. Ganito pala ang mga type ni Michie, mga mukhang gangster. No. No. Hindi gangster mas mukha siyang leader ng isang Mafia. Isang Mafia Boss! Kinabahan tuloy ako bigla. Pano kung mapikon siya at bigla akong suntukin?! NOO!! Hindi pwede 'yon! Ayokong pumangit! Pero di naman niya ako sasaktan sa harap ng maraming tao hindi ba?

"The f*ck are you staring at?!" tanong niya sa'kin.

WAAAHH! Napaatras ako bigla. Hindi ko namalayan na ang lapit ko pala sa mukha nya!

"I-Ikaw! S-Sino ang tinatawag mong lunatic?! Mag-sorry ka! Ah hindi, mag-sorry ka rin sa bestfriend ko! Niloko mo siya!" duro ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako mula ulo hanggang paa saka siya bumuntong hininga. Aba! Ano ang ibig sabihin non?! Ginagalit niya ako! Para bang ininsulto niya ako sa isip niya!

"Ikaw—" Nag-isip ako ng itatawag ko sa kanya. "Pangit na nilalang ka! Palaka!"

"Sammy tama na, umalis na tayo dito!" Hinigit ni Michie ang braso ko palayo sa boyfriend nyang mukhang papatay na.

"Michie, ano ka ba? Papayag ka nalang ba na tratuhin ka nang ganito ng boyfriend mo?!"

"Ah ehh," bulong ni Michie na parang wala nang maisagot. Kung saan-saan siya tumitingin makaiwas lang sa akin.

Tinignan ko ulit yung lalaki at nagulat ako nang makita ko na naglalakad na sila ng kasama niya palayo. Tatakas pa siya ha!

"Hoy! Sandali lang!" pilit akong pinipigilan ni Michie. Hinawakan niya ang braso ko at pilit niya akong hinihila sa kabilang direksyon.

"Michie ano ba?!" sigaw ko. Inalis ko ang hawak niya sa braso ko. Tumakbo ako at hinarangan ang daan ng lalaki at ng kasama niya. "Saan ka pupunta? Tatakasan mo ang kasalanan mo? Isa kang duwag! Duwag ka!"

"You, shut up," sabi niya habang nakatingin sa akin. Nanginginig na sa galit ang mga mata niya.

"Ang walang modo ng bibig mo, bukod doon, sinungaling ka pa at manyakis!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ka ba nahihiya sa asal mo?! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na gumalang lalo na sa mga babae?! Hindi ka ba nahihiya sa Nanay mo—" napatigil ako nang titigan niya ako nang masama.

Humakbang siya bigla palapit na syang ikinatakot ko. Tinitigan niya ako sa mga mata at doon ko lang napansin ang kulay abo na mga mata niya. Sobrang intense ng tingin niya sa akin, parang may bagyo sa mga mata niya. Napalunok ako bigla. Pakiramdam ko nakaharap ko na si Kamatayan at kukunin na niya ang kaluluwa ko!

"You." Humakbang siya nang mas malapit. Seryoso ang kanyang mukha at tono. "What the f*ck did you say?"

"W-Wala kang m-modo—" kinakabahan na ulit ko. WAAAAAHH!! Nakakatakot siya talaga! Ano ba 'to?!

Umigting ang panga niya at gamit ang mababang tono ay tinanong niya ako. "Do you have a death wish, little girl?"

Namula ang mukha ko. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Nakakatakot talaga siya! Pero hindi! Nandito na rin kami eh bakit pa ako aatras sa kanya? Siya ang may mali dito! At ang isa pa, hindi niya ako magagawang saktan! Nag-aral ako ng self defense! At—At matapang ako! Tama! Matapang ako!

"H-Hindi mo ako madadaan sa pananakot mo! Y-YOU CHEATER! YOU TWO TIMER! YOU PIECE OF POOP!!"

Itinaas ko ang kamay ko at pumikit. Kung hindi ako pipikit, hindi ko siguro magagawa ito. Hindi ko talaga siya kayang tignan sa mga mata niya!

Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Rinig na rinig ko ang tunog na nilikha ng pagsalubong ng palad ko sa pisngi niya. Siguradong bumakat may red hand prin na sa mukha niya! Nagawa ko! Nasampal ko ang halimaw na 'to!

Você também pode gostar
Índice
Volume 0 :Auxiliary Volume
Volume 1