Umalis si Timothy sa bahay after nyang mag-kulong sa bathroom. Nagulat nga ako nang makita syang basang basa paglabas nya. Mukha syang nagbabad sa shower. Tapos hinalikan nya ako sa pisngi at tumakbo paalis ng bahay. Ganon kami naghiwalay nang gabing 'yon.
"Ano'ng mukha 'yan Samantha?" puna sa akin Maggie.
"Ito ang mukha ng dyosa Maggie," sagot ko.
"Hahahaha! Joketime teh!" tawa ni China.
"Ang aga naman umalis ni TOP. Akala namin aabutan pa namin sya," sabi ni Michie na nagtataka.
"Kasalanan nyo kasi.." himutok ko.
"Ano'ng nangyari kagabi Sam? Huh? I-share mo naman!"
Share ka dyan! Sinira nyo gabi namin. Biglang may nag-doorbell kaya natahimik kami saglit.
"Oh! Baka si TOP na yan!"
"Ang aga naman ni Loverboy!"
"AYYYIIIEEE!!!" asar nila sa'kin.
Nakakainis 'tong mga 'to. Si Timothy nga kaya? Pumunta agad ako sa may gate. Pagkabukas ko may sampung men-in-black sa labas. Napaatras ako.
"Miss Samantha, ipinapasundo na po kayo ni Sir Lee," sabi nung isa.
Hinawakan nila ako sa braso at hinila papasok sa kotse. WAAH! Teka! Umandar na ang sasakyan. Wala na akong nagawa. Pauwi na naman ako sa bahay namin. Ayoko nang bumalik dun eh. Pagagalitan na naman ako ni Kuya. Ano'ng gagawin ko? After thirty minutes nasa bahay na kami. Back to the mansion na naman ako.
"Miss, nasa study po si Sir hinihintay kayo.." sabi ng maid.
"Okay." Pumunta na ako sa Study Room. Kailangan ko nang maghanda sa sermon ni Kuya.
"Twenty-four hours lang akong nawala and you went missing. Again?" sabi ni Kuya habang nakaupo sa swivel chair sa harap ng desk nya.
Ang daming papeles sa harap ni Kuya. Nakakaawa sya, mukhang wala pang pahinga. Pero it doesn't mean na isusuko ko na ang kalayaan ko para mabawasan ang alalahanin nya. I want my freedom back!
"Kuya kasama ko naman sina Michie don pati na rin sina Maggie at China," lumapit ako sa mesa nya at umupo sa silya na katabi nito.
Huminga nang malalim si Kuya at minasahe ang ulo nya.
"At si TOP? Kasama mo rin sya kagabi hindi ba?"
"Uhh..well.." Napaiwas ako ng tingin.
"Samantha, ano ba ang gagawin ko sa'yo?"
"Kuya naman.."
Natahimik kami pareho. Nag-iisip. Siguro nag-iisip sya ng parusa para sa'kin. Ako naman nag-iisip ng palusot. Mahal ko kasi si Timothy eh. Ngayon na nagka-ayos na kami hindi ko na ulit sya iiwan. Mali rin naman kasi ang paratang sa kanya nila Mama. Mabuting tao si Timothy. Kahit gangster sya, matino sya. Isang malaking misunderstanding lang ang lahat. I'm sure once na ipakilala ko sa kanila si Amarie maiintindihan nila.
"Samantha, listen 'to me," umpisa nya habang seryosong nakatingin sa'kin "Hindi pwedeng maging kayo ni TOP."
"Kuya! Alam ko na ang lahat. Ipinaliwanag na sa'kin ni Timothy, wala syang kasalanan sa nangyari kay Anya Marie-"
"Alam ko."
"A-Ano? Alam mo?" gulat kong tanong.
"Alam din ng mga magulang mo."
"I don't get it Kuya. A-Alam nila Mama at Papa? And of course kung alam nila, alam mo rin. Alam nyong lahat pero siniraan nyo parin sa'kin si Timothy?! Ang sama nyo! Bakit nyo 'yon ginawa?!" sigaw ko. Nang dahil sa kanila nasaktan ako nang sobra! Nasaktan ko si Timothy! Nag-dusa kami para sa wala!
"Dahil mas mabuting maghiwalay na kayo nang maaga bago pa lumalim ang relasyon nyo! Kailangan Samantha!"
"Pwes huli na dahil sobrang mahal ko na sya!!"
"God, you're just sixteen! Masyado kayong seryoso ni TOP!"
"Does it matter?! Kuya nagmahal ka rin! Nakalimutan mo na ba?!"
"THAT'S NOT THE POINT!!"
"THEN WHAT?!!"
Pinigilan ni Kuya ang sasabihin nya. Nakikita ko na nagpipigil sya. Sunod-sunod ang paghinga nya nang malalim hanggang sa kumalma sya. Naihilamos nya ang mga kamay nya sa mukha nya pagkatapos ay umayos nang upo at tinignan ako nang diretso.
"Sa tingin mo bakit ko iniwan si Michelle?"
"Because you're a bastard," diretsong sagot ko.
Bumuntong hininga lang sya na parang pagod na. "Other than that?"
"Dahil sa age gap?"
"Wrong."
"But that's what you said!"
"I lied."
"Kung ganon ano? Di mo ba sya minahal?"
"Minahal ko sya. Hindi sya mahirap mahalin pero sobrang hirap nyang kalimutan.."
"Kuya.."
"Magkapareho lang tayo Samantha."
"Hindi ko maintindihan."
"Ang dahilan kung bakit ko iniwan ang kaibigan mo," tumingin sya sa'kin at ngumiti nang sobrang lungkot. "It's because I have a fiancee."
Napatayo ako sa silya. Shiz! "Fiancee?! FIANCEE?!!" Tinitigan ko si Kuya, seryoso sya. "MAY NABUNTIS KA BA?! IKAKASAL KA?!"
Kumunot ang noo nya.
"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"
"Sorry. Oo nga pala. Old school ka Kuya. Baka nga virgin ka parin eh." Napatakipa ko sa bibig ko. Saan galing 'yon?
"Princess!"
"Sorry nahawa lang ako sa Crazy Trios. Ano nga ulit ang reason mo?"
"Fixed Marriage."
"FIXED?!!" halos lumuwa ang mga mata ko. Nalaglag ang panga ko.
Kailan pa nauso yan?! I mean.. uso parin ba 'yan?
"Yes. The sacrifice of being a Perez. Sila ang nagtatakda ng dapat nating pakasalan."
"NATIN?! ANO'NG NATIN?!"
"Hindi mo pa rin ba maintindihan Samantha?"
"Ang ano?! Sabihin mo na kasi sa'kin!" Pero deep inside alam ko. Natatakot lang akong tanggapin.
Huminga sya nang malalim.
"Sina Tita dapat ang magsasabi nito sa'yo pero mukhang ako pa pala ang magsasabi. Ang malas ko naman."
"Si Mama? Ano ba 'yun Kuya?"
Tinitigan nya ako.
"The reason why you can never be with that boy is because you're engaged."
Nabingi yata ako nang mga oras na yon. Wala akong masabi. Nakatingin lang ako kay Kuya. Ako? Engaged? Napaupo ulit ako. Nasapo ko ang noo ko. Engaged! Of course! Paano ko hindi naisip 'yon?!
"No. Hindi ako pumayag dito. Ayoko. Hindi pwede. No. Kuya, ayoko.." naiiyak na pakiusap ko.
"Pano nila nagawa sa'kin to?
"This is the way it has to be Samantha. We can't control our fate."
"NO!! AYOKO!! HINDI AKO PAPAYAG!!" sigaw ko.
"Hwag mong hayaan na kontrolin ka ng emosyon mo."
"KONTROLIN NG EMOSYON?!! ANO'NG GUSTO MONG GAWIN KO KUYA?!! HA?! TUMAWA?! MAG-SAYA DAHIL IKAKASAL AKO SA DI KO KILALA?! BULLSHIT NAMAN YAN KUYA!"
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo Sam—"
"Bakit kailangan kong pagdaanan 'to kuya?! Bakit?!" umiyak na ako. "Kakaayos lang namin dalawa, may ganito na naman."
"Samantha.." niyakap ako ni kuya.
"Buong buhay ko kuya.. Buong buhay ko pinilit kong maging number one! Pinilit kong maging perpekto para sa kanila.. Para ano? Para ipamigay nila ako?" umiyak ako sa dibdib ni Kuya. "Hindi pa ba sapat sa kanila na sinusubukan kong maging enough para sa kanila at para sa kompanya? Bakit kailangan nilang gawin 'to sa'kin?"
"Sshh."
"Kuya. Bakit? Ayoko!" panay parin ang iyak ko.
"Someday you'll understand."
"Hindi ba nila ako mahal?"
"They do love you."
"Then why are they doing this to me?"
"Because this is how they show you that they love you."
"By hurting me?"
"No. By choosing what's best for you."
"I don't want it! Kuya! I don't like it!"
"I know. I know."
"Ayoko. Ayokong mawala si Timothy Kuya! Ayoko.."
Umiyak lang ako sa dibdib ni kuya. Umiyak ako nang umiyak. Hanggang sa mapagod ako.
"Namaga na tuloy ang mata mo," pinunasan nya ang luha ko.
"Ayoko Kuya."
"I know."
"Tatakas ako.. Kuya help me! Please?"
"I can't."
"But why?!" maiiyak na naman ako.
"Sshh. Sinubukan ko nang gawin yan Samantha. And it didn't end well. Kapag umalis ka, mauulit lang ang lahat. Ang pamilya nila ang magbabayad kapag sumama ka sa kanya Samantha. Hindi magandang solusyon ang pagtakas. Sooner or later you'll have to face it."
"What should I do Kuya?"
"Just be strong."
"Ayoko ng payo mo Kuya, that means mahihirapan ako."
"I'm here. Hindi kita pababayaan, ako ang Kuya mo hindi ba?"
"Kuya.." tumulo na naman ang luha ko. "Ayoko. Hindi ko iiwan si Timothy. Not again."
"Don't cry Princess.."
Pinigilan kong umiyak at huminga ako nang malalim para kumalma.
"Do you know him? The one I should marry?"
"Yes."
"Who?"
"I can't tell you right now."
"Kailan ko malalaman kung sino sya?"
"Sa Christmas Ball."
Christmas Ball. Muntik ko nang makalimutan. Sa araw na 'yon ko dapat ipapakilala si Timothy sa parents ko. Pero ako pala ang ipapakilala ng parents ko sa iba. Worse. Sa Fiance ko raw.
"Pero invited ang family ni Timothy—"
"Kaya dapat mo syang hiwalayan before that day."
"Sinasadya ba ito nila Mama?!"
"No Princess. Lahat ng nasa Business World all around Asia. Mga High class family, they are all invited. You know that."
Umiyak ulit ako. Hindi ko kayang iwan si Timothy. Hindi ko na sya kaya pang iwan ulit. Hindi na kailanman, pagkatapos nang sakit na pinagdaanan namin, imposible.
Hindi na kailanman, pagkatapos nang sakit na pinagdaanan namin, imposible