webnovel

Chapter Nineteen

Tumunog na ang bell para sa susunod na klase namin. Bumalik sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko. Inaayos ko ang laman ng bag ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"

[It's me.]

"Uh. Who?"

[It's me.]

"Who's me?"

[*Dude, sabihin mo na kasi ang pangalan mo!* SHUT UP!!] may nagsabi sa background at sumigaw si TOP. TOP?!

[Ah shit! Hey retard it's me!] May biglang nagtawanan sa kabilang linya at ilang lagabag at pagkatapos ay may umaray.

"TOP?"

[Yeah, Wait for me at the back gate of your hella ugly school] Then he hung up just like that.

Napatingin ako sa cellphone ko. Pupunta siya? Bigla akong napangiti nang malapad. Ang saya saya ko. Wait! Umiling ako at tinampal ang magkabila kong pisngi. Hindi pwede 'to. What am I getting myself into? Hindi pwede to! Crush ko siya?! Eeeh! Hindi! Hindi!

"Uy, sino 'yun?" nakangiting tanong ni Michie na biglang lumitaw sa tabi ko.

"Wala," sagot ko.

"Hmm?"

"Wala nga."

"Hmm? Hmm?"

"Wala nga sabi!"

Bigla siyang tumakbo papunta sa seat niya at pumasok na ang instructor. Nag-check siya ng attendance at nagbigay ng reviewer para sa exam. Examination na pala namin next week! Mag-pupuyat na naman ako ng todo nito!

***

"Bakit ba madalas dito tayo sa back gate dumadaan?" tanong ni China.

"Nag-simula ang lahat ng ito nang magkaroon ng HOT boyfriend itong friend natin," sabi ni Maggie.

"FYI! Hindi ko sya boyfriend!" paglilinaw ko.

"Fine, hindi na kung hindi. But still, bakit kayo sa back gate nagkikita?" usisa ni China.

"Pwede ba manahimik nalang kayo d'yan?!"

"Uy, may mga lalaki na naman sa back gate oh!" sigaw ni Michie.

"Michie, hwag ka ngang maingay. Baka may makakita sa'tin dito," bulong ko.

"Bakit ka ba natatakot na may makakita sa inyo?" tanong ni Maggie.

"Eh kasi di'ba, ayaw niyang masira ang 'reputation' niya dito sa school?" paliwanag ni China.

"So, ayaw mong malaman ng ibang tao na may gangster boyfriend ka?" tanong ni Maggie.

"Di ko sabi siya boyfriend eh!" Kulit!

Nag-roll ng mata si Maggie. Psh! Hindi kasi nila ako maintindihan kaya nila sinasabi 'yan.

"F*ck! Can't you run?! What are you? A f*cking turtle?" tanong ni TOP na may sigarilyo na naman sa bibig.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"May mga kasama ka pala!" masayang sabi ni Red. Adik talaga sa babae 'tong isang 'to.

"Hello!" sabay sabay na bati ng 'Crazy Trios'.

"You," turo ni TOP kay Michie. Nakakunot ang noo niya. "You look familiar."

Namilog naman ang mga mata ni Michie at awkward na ngumiti kay TOP. Naalala siguro ni TOP yung sumigaw na babae noon sa mall.

"Hey Sam, mukhang dudugo ang ilong namin dito ah. Mas mabuti pa siguro umalis nalang kami," bulong ni China.

Hinawakan ko siya nang mahigpit. Hindi sila pwedeng umalis dahil maiiwan akong kasama ang mga 'to! Oo nga at ayos na kami ni TOP pero ang awkward naman kung puro lalaki ang kasama ko tapos mag-isa lang ako.

"Sam, bitawan mo na ako, ayokong ma-nose bleed! Bakit ba kasi ingles ng ingles 'yang boyfriend mo?" tanong ni China.

"Hindi ko alam," bulong ko. "Hindi kayo pwedeng umalis! At hindi ko siya boyfriend!"

"Bakit naman hindi kami pwedeng umalis?" tanong ni China.

"Because I said so!"

Naglakad lang kami papunta sa cafe. Pinagtitinginan lang naman kami ng mga tao. Isipin ninyo nalang na thirteen students ng Pendleton High na naka-uniform pa at four girls na galing sa St. Celestine High na nakauniform din. What a sight to see! Ngayon lang yata sila nakakita ng mga taga Pendleton at St. Celestine nang magkasama at pumasok sa isang cafe! Ang pangalan nga pala ng cafe ay 'Sweety's Sweets House' Puro bata pa yata ang mga napasok dito sa loob. Puro pink, white at violet ang nakikita ko sa loob. Parang may sumuka ng rainbow sa loob. Kulang nalang ay unicorns at fairies.

"TOP, ano ba ang meron? Bakit mo kami dinala dito?" tanong ko.

"Just order anything, it's on me," sabi nya.

Okay hindi niya ako pinansin. Nice!

"I'll just have the parfait," sagot ko at pinaglaruan ang rainbow colored napkin sa lamesa.

"Yeah, me too!" sabi ni Michie.

"Me three!" sabi ni China.

"Me four!" sabi ni Maggie.

Próximo capítulo