webnovel

Chapter Fifty-Six

Tumigil ang motor ni TOP sa tapat ng bahay namin ng Crazy Trios. Bumaba ako. Tinulungan nya akong tanggalin ang helmet na binili nya para sa'kin kanina sa mall.

"Hubby ano'ng plano mo sa Christmas?"

"The usual."

"Ano'ng the usual yun TOP?"

"Spend my Christmas with the gang. You?"

"Uuwi ang parents ko galing sa business trip nila. Gusto ko sana..."

"Hmm?"

"Gusto ko kasi... Uhh..." tumingin ako sa kanya. "Gusto ko sana na..."

"Just say it."

"Ipakilala ka sa kanila, kung okay lang sayo. Pero kung hindi ka pwede okay lang din siguro next time nalang—"

"Ipapakilala mo ako sa parents mo?" ngumiti sya.

"Uhuh." tumango ako.

Bigla syang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hinalikan nya ako nang malalim. Nagulat ako. Dumaloy sa buong katawan ko ang ilang libong boltahe ng kuryente mula sa kanya. Napasinghap ako nang humiwalay sya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Okay," sagot nya. Ipinulupot nya ang dalawang braso nya sa bewang ko.

"O-Okay saan?" tanong ko habang nanghihina parin ang mga tuhod. Mabuti nalang hawak nya ako.

"In meeting your parents," nakangiting sabi nya.

"Okay? Uhmm. Hindi ka ba magpa-panic?" humawak ako sa balikat nya.

"No Wifey. Why?"

"Ehehe! Wala lang, ako kasi ang kinakabahan para sayo eh... Hehe!"

"May Christmas Ball na pupuntahan ang pamilya ko."

"Eh di hindi ka pupunta sa—"

"Ang nagpadala ng invitation ay ang mga magulang mo Miracle. I'm surprised you're not aware of that. Didn't they tell you?"

"What?! My parents did what?!"

"Mukhang alam na ng parents mo ang tungkol sa atin."

"What? How?"

"Connections. Maybe Lee told them."

"Shooz!"

"Don't worry about it."

"Okay," sabi ko. Mukhang okay lang naman kasi sya eh. "I'll see you tomorrow."

"Night," he kissed my cheek. "Dream of me."

Humiwalay na sya sa'kin at sumakay na ulit sa motor nya. Isinuot na nya ang helmet nyang itim.

"I will, night hubby!"

Nag-salute lang sya sa'kin bago nya pinaandar ang motor nya. Napahawak ako sa labi ko. Hindi pa nawawala ang epekto ng halik sa'kin ni TOP. Papasok na sana ako sa gate ng biglang may gumalaw na anino sa gilid.

"Sino ka?"

Lumakad sya palapit sa akin at doon ko naaninag ang mukha nya mula sa liwanag ng lamp post. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko sya.

"JG?"

Nakatayo sya sa harap ng bahay namin. Almost fictional ang dating nya. Kalahati nya ay natatakpan ng dilim ang kalahati naman ay naiilawan ng lamp post. Gwapo parin sya katulad ng dati at medyo tumangkad sa tingin ko. May nakasabit sa likod nyang guitar case. Hindi pa rin sya nagbabago, palagi parin nyang dala ang gitara nya. Ang gitara na niregalo ko sa kanya three years ago.

"So it's true?" seryoso at medyo malungkot na tanong nya.

Napalunok ako. Nakita nya kami ni TOP. Tumango ako.

"Hindi mo na talaga ako mabibigyan ng chance? Wala na ba talaga?"

"I love you Gabby but as a friend. I'm sorry."

"Don't. Don't say that," mahinang sabi nya. "You don't have to say anything. I understand."

Napahinga ako nang malalim.

"Thank you," ngumiti ako sa kanya "You're a good friend."

"A good friend. A good friend," paulit-ulit nyang bulong na parang gusto nyang itatak sa isip nya pero hindi nya magawa. Napaiwas ako ng tingin saglit.

"Kumusta ang Japan? May pasalubong ka ba para sa'kin?" pag-iiba ko ng usapan.

"Japan?" he sighed. "Okay lang naman. Maraming pumunta sa concert. Medyo naging busy din kami. Nakakapagod. Pasalubong? Meron syempre, makakalimutan ba kitang bigyan?" tumawa sya.

It's good to see him laugh. Nabawasan kahit papano ang guilt na nararamdaman ko. Pero alam ko na nasasaktan parin sya ngayon. At nasasaktan din ako dahil alam ko kung bakit sya nasasaktan. Hindi ko talaga kayang mahalin sya nang higit pa roon. Haay.

"Uy Sammy! Bakit ka nasa labas?" biglang lumabas ng gate si Maggie.

Napatingin ako sa kanya at muling tumingin kay JG.

"Hi JG! Nandito ka din pala? Kyaaah!"

"Hi," awkward na ngumiti si JG kay Maggie.

"KYAAH! Ang gwapo mo sa personal! Baka gusto mo munang pumasok? Nag-bake ako ng cookies!"

"Ano'ng ikaw?!" lumitaw din si China mula sa loob. "Ako rin kaya! Tayong dalawa. Hi fafa JG! Pasok ka muna sa loob!"

"Sorry pero kailangan ko na kasing umuwi. Siguro sa susunod nalang,," pormal na sagot ni JG. "Sam, sa susunod nalang ulit. Bye."

Humalik sya sa pisngi ko bago umalis. Nagulat naman ako at napahawak sa pisngi ko. Napatingin ako sa Crazy Duo.

"Ano?" tanong ko nang tignan nila ako nang masama.

"WALA!!" sagot nilang dalawa at pumasok na ulit ng bahay.

Problema ng mga 'yun?

***

"Absent?!" hindi makapaniwalang sigaw ko pagkapasok ko kinabukasan sa school.

"Oo," sagot ni Red.

"Bakit daw?!"

"Kailangan daw nyang bantayan ang pinsan nya."

"ANO?! AT NI HINDI MAN LANG NYA AKO TINAWAGAN?!"

"Hwag kang masyadong sumigaw Sam at pwede mo na ba ako bitawan? Ginugusot mo ang uniform ko eh."

Nasa hallway kami ni Red. Lunch time na at ngayon ko lang nalaman na hindi pala papasok si TOP. Akala ko na-late lang sya at papasok sa hapon pero. Binitawan ko ang kwelyo ng uniform ni Red. Nakakainis! Ni hindi man lang nagsabi ang lalaking 'yon na hindi pala sya papasok? Grabe, nakakaasar! Kanina ko pa sya hinihintay eh! Ano'ng klase ng boyfriend 'yan? Ni hindi nag-paalam sa'kin!

"Babae huminahon ka nga. Ang bayolente mo."

"Shut up!"

"Namimiss mo na sya kaagad?"

"Tumahimik ka sabi eh! Asar! Hindi man lang nya ako tinext!" sinipa ko yung pader.

May mga lalaking napatingin sakin.

"Ano'ng tinitingin tingin nyo dyan ha?!" singhal ko sa kanila.

Bigla silang umiwas at lumayo.

"Sa tingin ko nahahawa ka na kay TOP."

"Nasan ba kasi sya?!"

"Malay ko," nag-shrug sya.

"Hindi nya sinasagot ang tawag ko!" tinignan ko yung cellphone ko. No text. No call.

"Sam huminahon ka nga."

"I can't! Ngayon lang nya ginawa 'to sa'kin! Pano kung may nangyaring masama sa kanya? Pano kung naglalakad sya at bigla syang nahulog sa manhole at na-stuck sya don? O kaya tinamaan sya ng lumilipad na bagay sa ulo at nagka-amnesia? O kinidnap sya ng mga bading dahil masyado syang gwapo?! Pano na?!"

"Sam masyadong imposible yan."

"Pano mo nasasabi yan?! Ano'ng malay natin hindi ba?!"

"Sam, girlfriend ka nya, hindi nanay. At eighteen years old na si TOP, hindi six."

"Red! Kaibigan mo sya pero hindi ka man lang nag-aalala?!"

"Katulad nga ng sinabi ko, kasama nya ang pinsan nya. Hwag kang OA."

"TOP!! TOP!! TOP!! HUBBY!!"

"SAM! San ka pupunta?!"

Tumakbo ako palabas ng school. Hahanapin ko si TOP. Nakakaasar, sobra nya akong pinag-aalala! Humanda sya sa'kin kapag nahanap ko sya! Naglakad lakad ako. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Shiz naman oh! Asan kaya si TOP? Ah! Biglang umilaw ang lightbulb sa ulo ko. Sa Condo nya kaya? Tama! Dapat pumunta ako don! Medyo malayo nga lang yon kaya dapat akong mag-taxi. Hindi kasi ako marunong sumakay sa jeep ng mag-isa eh. Seriously, takot akong sumakay ng jeep ng ako lang, baka kasi maligaw ako.

Kinapa ko yung bulsa ng uniform ko. Lagot! Nasan yung wallet ko?! Nasa bag ko! Yung bag ko? Nasa locker ko! WAAAH!

Pero atleast may cellphone pa ako. Dinial ko ang number ni TOP. Naka-off. Shizleberry, kaka-asar! Bakit naka-off?! Kanino kaya ako tatawag? Sa Crazy Trios?! Tama! Kapag nalaman nilang nag-cutting ako sigurado hihimatayin sila! Ito ang first time kong mag-cutting. Dapat pala sinabi ko kay Red na ipagpaalam ako sa instructor.

"Michie!"

[Huh? Sammy?]

"Nasan kayo?"

[Nasa mall kami!]

"Ehh? Diba may pasok kayo? Ano'ng ginagawa nyo sa mall?"

[Nag-cutting kami! Ang saya-saya maglalaro kami tsaka manonood ng sine!]

"Ganon ba? Pupunta ako dyan, wait nyo ako sa foodcourt okay?"

[Oohh! Si Sammy magcu-cutting din?! Kyaah! Okay hintayin ka namin, bye-bye!]

Mga twenty minutes ang lalakarin ko kung pupunta ako sa mall. Grabe ganito pala ang walang pera! I'm so poor. Kahit piso wala ako.

*kurokurokuro*

Gutom na ako! Hindi pa nga pala ako naglu-lunch! Grabe hindi ko namalayan yon! At ang taas ng sikat ng araw ngayon! Ouchie! Nasusunog ang balat ko! Nakarating din ako sa mall. Mukhang haggard na nga ako. Hinanap ko kaagad ang Crazy Trios sa foodcourt.

"Kyaaah! Sammy! Over here!" - Michie

"Wow! Nag-cutting nga si Sam!" - Maggie

"May sakit ka ba Sammy?" - China

"Wala pero gutom na ako kaya pwede ba ilibre nyo muna ako ha?" umupo ako sa tabi ni Michie.

"O sige, tara sa KFC! Mura lang don eh." - Maggie

"Tara lets!" - Michie

"Kyaah! Sam I'm so proud of you! Kailangan natin mag-celebrate!" - Maggie

"Tama! Ang unang cutting ni Samantha!" - China

Próximo capítulo