webnovel

Chapter Six

Nakita ko si TOP na nakaupo sa isang black leather couch. Naninigarilyo at marami na rin ang beer sa mesa. Chain Smoker! Liver Murderer! Tsk! Tsk! Tsk! Siguradong maaga itong kukunin ni Lord!

Nasa second floor na kami. May tatlong mesa lang sa second floor at lahat iyon ay ino-occupy ng mga kasama ni TOP. Mukha silang drug dealers.

Using his index finger he motioned for me to come closer. Sumunod ako because I'm scared of whatever he will do to me if ever na tumanggi ako. Malay nyo may Anger Issues 'to at bigla nalang akong ipabugbog sa mga kasama niyang mukhang hoodlums. Ayoko naman syempreng mabugbog. Masakit 'yon.

Hinigit niya ang kamay ko at napaupo ako sa tabi niya. Wala na ba talagang gentleman sa mundo? Nasan ang CHIVALRY? Nasaan si Mr Darcy? Ang mundo ay puno na ng Mr Wickham!

"Look. I'm sorry na kung nasampal man kita sa mall. Hindi ko sinasadya—well sinadya ko pero dahil akala ko niloloko mo ang bestfriend ko that time at hindi ko naman alam na dare lang pala ang lahat at hindi totoo—" mabilis na paliwanag ko pero napatigil ako nang tignan niya ako ng matalim. Ayoko talaga na ibenta nila ako dito.

"Go out with me," sabi niya sa malamig at bored na tono. Nalaglag ang panga ko. Ano raw?

"A-Ano 'yon?"

"Are you deaf? I said go out with me!" demand niya na parang master ko siya at ako ay isa lamang hamak na tagapag-silbi. Ngayon lang ako natrato nang ganito sa buong buhay ko!

"Hahaha..." awkward akong tumawa. "Joke 'yan diba? Hahaha."

"No," seryosong sabi niya. Walang bakas ng humor ang mga mata niya.

Nagulat ako sa sagot niya. At nagulat din ako dahil mukha siyang seryoso. Teka may gusto ba siya sa'kin? Ano?! May gusto siya sa'kin?! OMG! Hahaha! Humalakhak ako nang sobra sa isip ko. Ang ganda ko talaga! Lahat ay nabibighani sa aking kagandahan.

Tinignan ko siya nang mabuti. Hindi naman sa ayaw ko, infact napaka-gwapo niya. Lalaking lalaki. Napaka-kisig. Mukha siyang ramp model ng Bench at Penshoppe. Pero... di ko kasi type ang mga mukhang gangster. Ang gusto ko, yung mga mukhang Prince katulad ni Lee MinHo o ni Kim Soo Hyun.

"At bakit naman ako papayag na makipag-date sa'yo? Nababaliw ka na ba? Wait, hwag mong sagutin 'yan. Alam ko na ang sagot." Napaliligiran ako ng mga baliw.

"Who are you to say 'No' to me?" galit na sabi niya. Tinignan niya ako na parang hinahamon niya akong kontrahin siya.

"Ako lang naman si Miracle Samantha Perez! Kilala mo ba ang pamilya ko? Mayaman kami at kayang kaya kitang—"

Padabog niyang ibinaba sa lamesa ang bote ng alak niya. Napatigil ako sa pagsasalita. Umayos ako ng upo at pinanood siya.

"Do not provoke me, woman," malamig niyang sabi sa akin habang nakatingin sa akin nang matalim.

Kinabahan ako at natakot. Akala ko ba gusto niya ako? O baka hindi nya ako gusto at trip lang niya akong patulan? WHAT?!

"Aba! Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Ang Lucky 13," sabi ng isang matabang lalaki na mukhang gangster wannabe. Bigla syang sumulpot sa harap namin. "Maswerteng trese."

Nakasuot din siya ng leather jacket pero mukhang puputok na iyon sa laki nya. Hindi bagay. Kawawa naman yung jacket. May mga kasama rin siyang mga lalaki na puro nakaitim.

"F*ck off," ang tanging sagot ni TOP. Malamig ang tingin niya sa lalaki.

Nagsitayuan ang mga kasama ni TOP at mukhang naghihintay nalang ng signal para umpisahan ang labanan. Nangangamoy away na dito.

"Haha! Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa magandang binibini?" sabi niya habang nakatingin sa akin na mukhang may binabalak. "Di ko yata nabalitaan na interesado ka sa mga babae. Hi Miss, ano'ng pangalan mo?"

Ay isinali pa ako! Balak ko pa naman maging invisible pero kung sabagay, ang ganda ko kasi masyado para di mapansin! Hahaha!

"F*CK.OFF!" ulit ni TOP pero mas may authority na ngayon ang boses nya.

"Aalis na ako!" tumayo ako at naglakad papunta sa exit pero bigla akong hinawakan sa braso ni Piggy. Eww!

"Mas maganda ka pala sa malapitan. Sigurado ka bang mas gusto mo sumama kay TOP?" tanong niya sa akin. Nilipat niya ang tingin niya kay TOP. "Alam mo Pendleton, mabuti nalang talaga at nakita kitang may kasamang babae. Nag-uumpisa na kasi kaming mag-isip na bakla ka—" hindi na natapos ni Piggy ang sinasabi niya dahil napahiga na siya sa sahig hawak ang dumudugo niyang ilong.

Napatingin ako sa nakatayong si TOP. Nakatingin siya kay Piggy at parang gusto niya itong patayin. OMG! Ang lakas niyang sumuntok.

Hinigit ni TOP ang braso ko at itinago ako sa likod niya.

"Magbabayad ka Pendleton! SUGURIN NYO SIYA!!" sabi ni Piggy at sumugod na ang mga kasama niya papunta sa amin.

Sumugod na rin ang mga kasama ni TOP para tumulong. At nag-umpisa na ang madugong laban ng dalawang grupo. Para akong nanunuod ng Gang Wars!!! WAAAHH!!!

Nakita ko na may tatlong lalaki na kinakalaban si TOP. Namangha ako ng sobra sa galaw niya. Sobrang galing niyang makipag-laban. WAAH! Para syang si Lee Minho sa City Hunter. KYAAAH!

Nakatayo lang ako roon at nakatunganga. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. First time ko lang makakita nang ganitong labanan. Parang shooting! Nakakatuwang manood ng live!

"RETARD!!! DON'T F*CKING STAND THERE!!" narinig kong sigaw ni TOP sa akin habang nakikipagsuntukan sa dalawang lalaki. "SON OF A B*TCH!!" Iba na ang kalaban niya, nakita ko na nakabulagta na sa sahig yung tatlong lalaki kanina. WOW!

Para talaga akong nasa remake ng—

"F*CK!! MOVE!!!" nagulat ako sa sobrang lakaas na sigaw ni TOP.

"AAAAHHH!!!" sigaw ko nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin at dinamba ako.

Matapos non ay nakarinig ako ng pagkabasag ng bote. WAAAAAAAAAAAAAAH!!

***

Mabilis kong nilapitan ang doktor na nakita ko kanina sa kwarto ni TOP. Hinawakan ko siya sa braso para makiusap.

"WAAAH! Doc, please don't let him die! I'm begging you!" sabi ko sa doctor na tumitingin kay TOP.

"Ano'ng pangalan ng pasyente?"

"TOP po!"

May ipinakuha siyang record sa nurse na katabi niya. "Anong pangalan, TOPPS?"

TOPPS ba ang buong pangalan niya? Baka siya nga yon?

"O-opo!"

Binasa niya yung ibinigay sa kanya ng nurse. "Eh inuubos nalang yung gamot na nagpapatibok sa puso nito. I'm sorry pero wala na akong magagawa pa," nakayukong sabi ng doktor.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" naguguluhan na tanong ko. "Ano po ang mangyayari kapag naubos?"

"Eh di titigil na ang puso niya. Mamatay na siya. Malala na ang cancer niya. Wala na kaming magagawa pa. Ihanda nyo na ang sarili nyo dahil pwede siyang mawala anumang oras."

"Ano po?! Doc, hwag nyo po siya hayaan mamatay please! Doc!"

"Ay hindi pwede, may bilin ang pamilya. Do not resuscitate. Excuse me pero marami pa akong gagawin," sabi niya at umalis na.

***

PUMASOK ako sa loob ng private room ni TOP. Nandito kami dahil nagkaroon ng cut sa ulo niya. Muntik na kasi akong tamaan ng bote pero sinangga niya para sa akin. Hindi ko naman akalain na may cancer pala siya.

"Oh bakit nakatayo ka lang dyan?" tanong ng isa sa mga kasama ni TOP.

Lahat ng mga kaibigan niya, gwapo. Lahat sila mukhang lumabas sa isang magazine. Napapaligiran ako ng mga gwapong nilalang. Ack! Hindi ito ang oras para humanga.

Hindi katulad ni TOP ay puro galos at kaunting pasa lang ang natamo ng mga kasama niya. Ang galing nilang makipaglaban. Napataob nila ang mga lalaki sa bar. Kung wala lang siguro ako doon, hindi mapupunta dito si TOP. At hindi ko malalaman na may cancer pala siya. Ang tragic. Kaya ba niya gusto na magka-girlfriend?

Lumapit ako sa kama ni TOP. Nagbabasa lang sya ng messages sa cellphone niya.

"WAAAHH! Kasalanan ko!!" Niyakap ko siya nang mahigpit habang umiiyak!

"F*CK WOMAN!" sabi ni TOP na pilit na kumakawala sa yakap ko. Pero hindi siya makawala dahil siguro nanghihina na siya. "Are you trying to kill me?!" Mas lalo ko tuloy hingpitan ang yakap sa kanya.

"Waahh! Hindi na kita tatakbuhan at payag na rin ako na makipag-date o kahit pa maging girlfriend mo!!"

"F*CK! Get her off me! Can't. Breathe!"

Gasp! Nahihirapan na syang huminga ibig sabihin mahina na talaga siya!! Malapit na syang umalis sa mundong ito! Oh No!!

May dalawang lalaki na lumapit sa akin at hinila ang braso ko palayo kay TOP.

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ng lalaki na chinito.

"At ano'ng sinasabi mo na payag ka na maging girlfriend ni TOP?" tanong ng isa pang lalaki.

"Sinabi niya na gusto ka nya na maging girlfriend?" tanong ni Chinito boy.

Tumango ako at natigilan silang lahat.

"Kung alam ko lang sana na may cancer sya eh di sana tinupad ko nang mas maaga ang last wish niya sa mundong ito," naiiyak na paliwanag ko.

"C-Cancer?"

"Sino'ng may Cancer?"

"Si TOP? May cancer?"

"TOP, totoo ba na may cancer ka?"

"Oo nga, bakit hindi mo sinabi sa amin?!"

"Samantalang ang lakas lakas mo pa tignan, yun pala may cancer ka?"

"Yow, Dude may cancer ka? Ang malas mo naman! Bwahahaha!" natatawang sabi ni Red head; ang nag-iisang tumatawa sa sitwasyon na ito.

"Ang sabi ng doctor may cancer daw si TOP at malala na sya! Di na daw siya magtatagal pa! WAAAH!!!" Natahimik ang lahat sa sinabi ko.

"F*CK! Do I look like a dying cancer patient to all of you huh? Wanna die?!" sigaw ni TOP.

"WAAAH!!!"

"Stop bawling your eyes out! You look like a freakin retard! Shit!"

"WAAAAAHHH!!!"

"I said STOP! And stop crying so freakin loud! You're making me deaf!"

"WAAAAAAAAHHHHH!!!!"

"F*ck! Get Out! You look hella ugly when you cry!"

"B-but you're dying! You have cancer! Kawawa ka naman!" iyak ko.

"I.DON'T.HAVE.CANCER!" mariing sigaw niya.

I immediately stopped crying. "What?! You're NOT dying?"

"Stupid."

Tahimik kaming lahat. Tumingin sa akin ang mga kaibigan ni TOP. Wala naman pala siyang cancer eh! Bakit sabi ng doktor meron daw?! ANO BA TALAGA?!

"Gah! Sinayang ko lang pala luha ko. Makaalis na nga!" inis na sabi ko at tumalikod na para lumabas. Pinag-tripan na naman ba ako?!

May humarang na dalawang lalaki sa pinto. Ano na naman ba? Napaharap ako kay TOP.

"You agreed," TOP smirked.

"Ano'ng agreed?" tanong ko.

"You agreed to be mine."

Napamaang ako. Napakurapkurap ako habang inaalala kung may sinabi ba ako na pumayag ako. Pumayag nga ako kanina! Akala ko kasi mamamatay na siya! Gusto ko lang tuparin ang dying wish niya!

"Di counted 'yon! Akala ko mamamatay ka na!" pakikipagtalo ko. "Eh nakalimutan ko, ang mga masasamang damo matagal mamatay." Totoo pala 'yun.

"Not my fault you're retarded, you still agreed."

"I don't want to!"

"You wanna die?"

Naramdaman ko ang pag-dilim ng paligid ko. Naramdaman ko ang mga tingin sa akin ng mga ka-grupo ni TOP. Ack! Napalunok ako. Grabe, bakit ba ako napasok sa gulong ito?! Bakit ako pa?!

"Die? N-No." AYAW KO.

"Then from now on, you're mine," kita ko ang pagkapanalo sa mga mata niya.

"Yeah, whatever." Hindi naman siguro siya seryoso. TAMA!! Hindi siya seryoso!! Tumalikod na ako para lumabas.

"One more thing," pahabol niya.

"Ano?" naiinis na tanong ko. Nilingon ko pa siya.

"One rule for you retard." Sinamaan niya ako ng tingin.

"ANO?!" Hindi ako retard!

Tinitigan niya ako. "Talk back and you're dead!"

Próximo capítulo