webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Selebritas
Peringkat tidak cukup
41 Chs

CHAPTER 2: MEETING ANNA

Pag pasok na pag pasok pa lang nila sa Meeting Room ng Company ay napansin agad ni Paulo ang bagong mukha sa mahabang table. Bago pa niya lang ito nakita at para bang isang patalastas o palabas sa Telebisyon na bigla siyang natulala at tumigil at bumagal ang paligid sa mga oras na iyon.

"Hoy! Paulo. Ano na?" puna ni Lester sa kanya.

"Ah" balik niya sa realidad.

"Is everything okay Paulo?" sambit ni Sir Charlie Rosario, ang Chief Executive Officer o CEO ng Company nila.

"Yes Sir, I'm okay. Sorry po!" wika niya sa CEO.

"Okay. Have your sit boys," pag alok ni Sir Charlie na umupo sila.

"Well, you might be wondering kung bakit tayo may emergency meeting today, right? Well, ito ay dahil sa mga projects na naka line-up para sa inyo at sa ating Company sa mga susunod na araw at buwan," panimula ni Sir Charlie

Habang patuloy na nagsasalita si Sir Charlie ay hindi niya namamalayan na nakatingin lang siya sa babaeng nasa harap niya sa kasalukuyan. Kung hindi lamang siguro siya siniko ni Kenji ay hindi niya maaalala na sila pala ay nasa meeting at may mahalagang pag-uusapan.

"Magiging hectic ang schedule ninyong lahat. Marami kayong guesting sa iba't-ibang shows sa mga television network at radio stations. Meron din kayong performances with different events and video shoots with endorsements and brand ambassadorship ninyo," wika ng CEO.

"Aside from that, you are all aware that you are chosen by Department of Education na maging Ambassador in Education para sa kabataan. And part of it, is to have school tours in the following months. So, guys I know na nakakapagod at mahirap. Pero nandito na tayo. Pangarap nyo ito noong nagsisimula pa lang tayo, na maging ehemplo sa kabataan at hindi pa rin nagbabago ang goal natin, of showing people, the youth, that you are one of them. You relate to them. That whatever the struggles are, you can achieve your goals, your dreams. Basta magpatuloy lang sa pangarap. Walang imposible" mahabang paliwanag ni Sir Charlie.

"You all know that you are a talent of this Company. And you have an obligation to the company to perform to the best of your ability every single time. But before being a member of the company, you are, we are first a Filipino, who have a responsibility to our country. Noong una nagtataka kayo kung bakit walang restrictions tungkol sa mga kilos nyo, pananaw sa buhay at kung anu-ano pa sa kontrata ninyo hindi ba?" tanong ni Sir Charlie sa kanila.

"Yes po!" sabay sabay na sagot nila.

"Iyon ay sa kadahilanang, gusto naming makita nang mga tao na nakakarelate sila sa inyo. Gusto naming, natin, na malaman nila na you are just like them, kung ano ang kaya nyo, kaya rin nila. So be that influence, especially to the youth," patuloy nito

"So, the main purpose of this gathering, of this meeting is to inform you of your schedule and remind you of our objectives. But at the same time to inform you na mag fofocus muna si Miss Rosie with our PADAYON Project Season 2."

Si Ms. Rosie ang tumatayong manager ng grupo. Siya ang nag aayos ng lahat ng kanilang schedule ng mga shows at guestings pati na rin sa kanilang mga trainings at lessons. Kasama rin sa trabaho nito ang siguraduhin lahat ng kagamitan, damit na kakailanganin sa kanilang mga shows and guestings ay nakaayos. At higit sa lahat, si Ms. Rosie ay tumatayo rin Ate ng mga ito. Mula nung nagsisimula pa lang sila hanggang sa ngayon na unti-unti na nilang naabot ang kanilang mga pangarap ay kaagapay sa kanila si Miss Rosie or si Ate Rosie nila.

"You all know that when we venture with your season, we intend to form a Girl Group as well. So, you all know that we already started three months ago, and we will proceed with the next phase of the program. And dahil nga dito magiging busy si Miss Rosie, she will be assisted by Ms. Anna Cabrera starting today," paliwanag ni Sir Charlie.

Sabay sabay silang tumingin sa direksyon ni Miss Anna.

"Hi po!" bati nila.

"Hello po! Magandang araw," bati ni Anna sa kanila

"Si Miss Rosie pa rin naman ang mag supervise sa inyo over-all, but because siya rin ang magaasikaso sa ating bagong project, ay iaassist siya ni Anna para naman sa inyo. So, boys, make sure to do your best and help out one another. And help Miss Anna as well as this is all new to her. Do I make myself clear?" tanong ni Mr. Rosario sa grupo.

"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sagot.

"I expect the full understanding and cooperation of everyone," sabi ni Mr. Rosario

"And with that, meeting is adjourned," pagwawakas nito.

At sabay-sabay silang tumayo upang lisanin na ang nasabing silid.