webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs

CHAPTER 1: MEET PAULO

"'Ma, aalis na po ako."

FREEZE

Siya si Paulo ang leader ng PDYN. Panganay sa apat na magkakapatid at sobrang seryoso. Maaga siyang umaalis sa kanilang bahay para pumunta sa kanilang company.

"Kumain ka na dyan may pagkain na!" wika ng ina.

"Ma, babaunin ko na lang kasi baka matraffic ako," wika niya naman dito.

"Kuya penge naman ng extrang baon. May project kasi kami eh" sambit ni Lyn o Pauline.

"Naku ah Pauline mamaya ipang-Mall mo lang yan. Umayos ka ah. Last year mo na. Para makauwi na rin si Papa," Sabi niya sa kapatid.

Bukod sa pagiging panganay, si Paulo ay ang nag-iisang lalaking anak sa pamilya Narido. Ang kanyang ama ay isang Overseas Filipino Worker o OFW sa Saudi Arabia, samantalang ang kanyang ina ay isang housewife at nag-aalaga sa kanilang magkakapatid. Si Pauline ang sumunod sa kanya na kasalukuyang graduating College Student sa parehong paaralan kung saan siya nagtapos. Ang dalawang nakakabatang kapatid na si Paula at Phoebe ay mga Senior and junior High School Students sa isang public school na malapit sa kanilang tahanan.

Isa sa mga pangarap ni Paulo ay nakauwi na ang kanyang ama para magkakasama na sila dito sa Pilipinas. Lumaki siyang bibihirang makita ang ama at hindi nakakarating sa mahahalagang kaganapan sa buhay nila tulad ng kanilang mga kaarawan at graduation. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagpupursige para makauwi na ama at magkasama-sama na sila.

"Oo, Kuya alam ko naman yun. Hindi rin ako nag Mall kasi ang daming deadlines. And isa pa wala din naman ako panggastos para dun. Sige na Kuya, marami kasing requirements kasi nga graduating na kami eh," lambing nito sa kanya.

"Oh sige. Itransfer ko na lang mamaya. Malalate na ako," sabi niya sa kapatid

"Wait Kuya!" harang naman ng isa pa niyang kapatid na si Phoebe.

"Paano kami ni Paula?" wika ni Phoebe.

"Aba ay bakit? Dyan lang ang school nyo noh. Lalakarin nyo lang," reklamo niya naman sa dalawa.

"Kuya pang milktea lang. Eto naman parang others," sabat ni Paula.

"Ay naku wala!" giit niya sa mga ito.

"Si kuya talaga kahit kalian ang sungit-sungit. Oh, eto na lang Kuya, pahingi naman kami ng autograph kanila Kuya Joshua, Lester, Kenji, at Jeremiah. Birthday kasi ni Nikka, yung classmate ko. Yun na lang ireregalo ko sa kanya para walang gastos. Please!" wika ni Paula

"Eh bakit ako hindi kasali?" tanong niya

"Eh ayaw nya sayo eh. Sungit mo daw kasi," sagot ng kapatid

"Aba'y! AYAKO! Bahala kayo dyan!" sigaw nya

"Naku naka sigaw naman! Tatanda ka agad Kuya. Hindi ka magkaka girlfriend kasi parang Tigre!" tawa ng kapatid

"Heh! Bahala kayo diyan! Ma, aalis na ako. Sinusara ako nitong mga kapatid ko eh," paalam sa ina.

Ganyan silang magkakapatid pag nagkasama. Parating nagbibiruan at nag-aasaran. Pero ang ending lagi naman siya asar-talo sa mga kapatid na babae kaya laging tinutukso na masungit kaya hindi siya nagkakagirlfriend.

Well, may pagkamasungit naman talaga siya. Gusto nya lahat ng bagay ay nakaayos. Gusto nya lahat ng bagay nasa plano at kontrolado nya. Marahil ito din ang naging dahilan kung bakit siya ang leader ng kanilang grupo. Hindi siya ang pinaka matanda sa kanila pero siya parin ang naitalaga ng mga ito bilang pinuno, dahil na rin siguro sa kanyang personalidad. Kadalasan nga ay tinutukso rin siya ng mga kagrupo na mukhang matanda dahil lagi siyang naka kunot ang noo. Pero hindi pa naman siya matanda. Pero sinasakyan na rin lang niya ang mga ito. Biruan na rin naman kasi nila ang mga ito. At hindi naman siya apektado dahil nga ganun din naman sila magbiruan.

"Mag-ingat ka Kuya ah. Kumain kayo ng maayos ah," bilin sa kanya ng ina

"Sige po!" sagot niya at lumabas na ng bahay.

"Kuya yung GCash ko ah huwag mo kalimutan," muli paalala ni Pauline

"Kuya yung autograph ah. Huwag mo kalimutan," sabi ni Phoebe habang kumakaway.

"Love you, Kuya," paalam ni Paula sabay flying kiss nito.

***At ShowMagic Entertainment Building***

"Oh Paulo bakit ngayon ka lang?" wika ni Jeremiah.

"Eh kasi nakakainis nga eh. May accident dun sa may amin kaya halos 30 minutes din kami doon," inis niyang paliwanag

"Okay lang yan, nagsabi ka na naman kay Ms. Rosie eh. And 15-minutes ka lang naming late eh," saad ni Lester

"Bakit kaya tayo may emergency meeting? Anong ginawa nyo ah?" tanong ni Joshua

"Hala! Ano kaya nga yun?" balik naman tanong ni Kenji

"Lagi ka kasing late dahil laro ka nang laro," Sambit ni Lester

"Hindi ah. Maaga na kaya ako natutulog. At hindi ako late ngayon. Si Paulo kaya," depensa naman ni Kenji

"Oh sige na sige na. Ako na late today. Pinagdidiinan talaga," sakay niya sa biro ng kasama

"Oh ready na ba? Tara na!" ani Joshua sa mga kasama.

At sabay-sabay ang grupo nila na pumasok sa meeting room para sa isang emergency meeting na pinatawag ng kanilang CEO.