webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs

CHAPTER 3: GETTING TO KNOW ANNA

Pagkalabas sa meeting room ay dumiretso silang lahat sa kanilang personal practice studio sa loob din ng Show Magic Entertainment building.

"Okay guys, so kilala nyo na si Miss Anna kanina, pero siyempre magpapakilala pa rin tayo sa isa't isa," sabi ni Miss Rosie.

"Sinong mauuna boys?" tanong ni Miss Rosie.

"Ako!" pagvovolunteer ni Lester

"Hala, pabibo na naman," komento ni Jeremiah habang tumatawa

"Kaya nga," segunda ni Kenji

"Hey!" angal ni Lester.

"Hi! Miss Anna, ako si Lester Michael Antenor pero they call me Lester or Les. Pero dahil hindi pa tayo masyadong close, Mr. Antenor muna," wika ni Lester habang nagtatawanan ang iba.

"Lester!" saway ni Miss Rosie

"Syempre joke lang yun. Si Ate Rosie masyadong patola talaga. Joke lang yun Miss Anna pinapagaan ko lang ang atmosphere. Para kasing may malalim ang iniisip," sabay tumingin si Lester kay Paulo na napatingin din iba rito.

"Oh ano na naman? Sino susunod?" galit nitong wika

"Teka hindi pa ako tapos," sambit ni Lester.

"I am 25 years old. Taga Muntinlupa ako. Pero hindi sa loob," biro ni Lester na nagpatawa sa lahat.

"Pero parang malapit na siya pumapasok doon. Konti na lang," birong ganti ni Joshua na mas nagpalakas ng tawa ng lahat.

"Tama ka na. Ako naman," awat ni Joshua kay Lester.

"Ako si Joshua Samuel Sartosa pero Joshua nalang 27 years old. Ang pinaka gwapo sa kanilang lahat," pakilala nito.

"At pinaka cute," sabat ni Jeremiah.

"Cute size," hirit naman ni Kenji.

"Tama!" sang ayon ni Lester.

Irap naman ang ganti ni Joshua sa mga ito.

"Ako po si Kenji 24 years old. Hello po," maikling pakilala ni Kenji.

"Hello po ako si Jeremiah, ang pinakabata at pinaka matangkad sa kanilang lahat," wika ni Jeremiah.

"Eh di wow!" wika ni Joshua.

"Uy Paulo!" tawag pansin nila dito.

"Ikaw na," untag ni Kenji sa kanya.

"Ako si Paulo. 26 years old," pakilala niya.

"Wow ah ang seryoso ah. Ano yan?" biro ni Lester.

"Sino yan kamo?" segunda ni Joshua.

Tumingin siya ng matalim sa mga ito na nagpangisi naman sa dalawa.

"Sige Miss Anna it's your turn," untag ni Miss Rosie sa kanya.

"Hello. I am Anna Marie Cabrera from San Pedro, Laguna."

"Yun oh malapit lang sa amin ni Paulo. Diba Pau?" wika ni Lester.

Tumango lang si Paulo bilang pagsang ayon sa pahayag ni Lester.

"24 years old na ako," wika ni Anna.

"Miss Anna pwedeng magtanong?" saad ni Joshua.

"Sige po," sagot niya.

"Grabeh naman sa po. Pero tell something about yourself naman," wika ni Joshua

"Ah sorry, nagtapos ako ng Financial Management sa National Polytechnic University of the Philippines noong 2016," panimula niya.

"Hindi ba Pau doon ka din graduate?" pag confirm ni Kenji.

Tango lang ang sagot ni Paulo dito.

"Wow! Meant to be," mahinang sambit ni Jeremiah na nagpatawa kay Jeremiah at Kenji.

"Umm. Nag aaply sana ako sa Accounting Department pero wala daw vacancy. So tinanong nila kung gusto ko nga as Assistant Manager, sabi ko wala akong alam sa trabaho na ito pero sabi nila wala naman daw problema. So kinuha ko na opportunity kasi sayang for experience din," mahaba niyang sagot.

"Huwag ka mag alala Miss Anna. Kami bahala sayo," wika ni Joshua

"Hindi ba Paulo?" tanong ni Joshua dito.

"Yeah!" maikling sagot nito

"Oh siya, masyado na tayong atrasado sa oras ngayong araw. Mag start na kayo sa stretches nyo and by 10:30 am your teacher will come," wika ni Miss Rosie.

"Paulo mag start na kayo," utos ni Ms. Rosie.

"Opo," sagot niya kay Ms. Rosie

"Miss Anna please come," tawag pansin niya sa dalaga.

Pumasok sila sa maliit na silid katabi lamang ng practice studio.

"Naipaliwanag ko na naman sa iyo ang mga bagay bagay kahapon hindi ba? So, if you need anything, just call me. Alam mo na rin naman ang number ko," pagpapaliwanag ni Miss Rosie sa kanya.

"Huwag kang mag alala mababait naman yang mga yan. Medyo makulit nga lang pero okay naman yang mga yan. Magugulat ka na lang sa dedication ng mga yan. Si Lester talagang makulit yan tapos pag nagsama sila ni Kenji, sabog na. Pero madali naman kontrolin. Andyan naman si Paulo. Takot sila sa kanya," nakangiting paliwanag niya.

"Oo nga po. Mukhang hindi mangiti. Sige po Miss Rosie. Noted po lahat. Pa-assist po ako pag may mga tanong ako ah," sabi niya.

"Sure, walang problema. Oh, paano magpapaalam na muna ako ah. Ikaw na muna bahala," paalam ni Miss Rosie.

Paglabas ni Miss Rosie sa maliit na opisina ay muli siyang bumalik sa practice studio at tinawag si Paulo.

"Paulo!" tawag ni Ms. Rosie ka Paulo

"Oh paano? Iiwan ko na muna kayo ah. Andyan naman si Anna. Nasabi ko na lahat sa kanya. Kung may kailangan kayo doon lang naman siya sa office," habilin ni Miss Rosie

"Yes, Ate Rosie!" sagot niya.

"Ah siya nga pala Paulo, ngiti ka naman minsan. Sige ka, baka matakot sa iyo si Miss Anna hindi ka mapansin," nakatawang biro ni Ms. Rosie sa kanya.

"Ate Rosie!" angal nito.

"Biro lang. Eh kasi naman nagpasok mo pa lang ng meeting room iba na tingin mo," patuloy na biro sa kanya.

"Hala hindi ah," pagkontra niya.

"Oh sige. Hindi na kung hindi. Mauuna na ako," paalam ni Miss Rosie sa kanya

"Pero subukan mo din. Malay mo naman," bulong ni Miss Rosie bago umalis.

Nakangiting bumalik ng Practice Studio si Paulo.