Ibang mundo, ibang mukha, dalawang alaala. Iyon ang bumungad kay Maia nang magising siya matapos ng isang aksidente. At sa bago ngunit pamilyar niyang mundo---isang mundo na sa katunayan ay kaniyang nabasa sa isang journal, nagpasya siyang iligtas ang buhay ng taong kumukulong sa kaniya mula sa nakatakda nitong kamatayan. Tiyak na siya sa kaniyang dapat gawin, maayos na ang kaniyang plano. Ngunit hindi niya inaasahan na may mali sa kaniyang mga alaala at nalalaman, at... Na ang huling taong inaasahan niyang nakabantay sa kaniya ay ang siyang taong sisira pala sa lahat ng kaniyang plano.
ANG MGA ALKEMISTA ang tinaguriang 'magiting' at makapangyarihan sa buong kontinente ng Azalea. Pinaniniwalaang iginawad ng Diyos ang kanilang taglay na lakas. Lakas na nararapat na gamitin sa kabutihan at sa paglaban ng masama. Ngunit hangga't namamayani ang inggit at kapangyarihan ay magagamit ito sa hindi nararapat-sa kasamaan. Ang mabuti laban sa masama. . . Isang kapalaran. At doon nagsimula ang unang digmaan ng kapangyarihan. *** Isang gabi, isang pangyayaring hindi inasahan. Isang pangyayaring labis na pinagsisihan ang nagpayanig sa takbo ng buhay ni Kira - ang pamosong binibining heneral ng Titania. Trinaydor ng kaibigan at iniwang mamatay sa kamay ng isang halimaw. At ang isang bagay na hindi niya matatakasan. Mahika. Tentasyon ng kasalanan. Responsibilidad. Digmaan. "Kaya mo bang tanggapin ang kapalarang kaakibat ng pagiging alkemista? " -
Mabalasik. Mapanlinlang. Mapanganib. Mga nilalang na animo'y nanggaling pa sa kailaliman ng impy*rno. Mga nilalang na kung tawagin ay mga Balrog. Ang mga ito ay may wangis ng isang ordinaryong tao kapag umaga ngunit kung nanaisin nila ay kaya nilang magpalit ng anyo bilang isang hayop. Nakakatakot at malahalimaw din ang kaanyuan ng mga ito kapag nasa oras sila ng kanilang kagutuman. Pangunahing pagkain nila ay mga tao, sinisipsip nila ang dugo ng kanilang mga biktima hanggang sa matuyo ang mga ito na animo'y isang bankay na naaagnas. Maihahalintulad mo rin sila sa mga bampira ngunit ang kaibahan lamang ay hindi sila naaapektuhan ng bawang, asin o di kaya naman ng sinag ng araw.
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secrets. One end. Kinupkop ng isang nagpakilalang Dr. Roberts nang maulila si Kiera sa murang edad. The doctor taught her the survival game. Isa siyang anak ng liwanag o urion, 'yan ang pagkakakilanlan na naimulat sa kanya. Sa kagustuhang maimbistigahan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng nga magulang, sumubok itong mapabilang sa isang organisasyong para sa mga specially trained crowned urions. Their mission: to eliminate the human-outcross -the so-called sons of darkness -the prime suspects of her parents' death. As she finds the pieces of the puzzle that could lead her to the real suspect of her parent's death, she discovers how difficult it is to bargain with reality. There are deeper secrets she's about to dig. One that could finally lead to the answer she's looking for. Answers that could shatter her being and make her question the point of being CROWNED. *** Genre: Action/Fantasy/Romance/Adventure Status: Ongoing Language: Taglish Audience: R13
Isang tipikal na babae. Iyan si Liane. Maraming problema sa buhay. Sa sarili, sa pag-ibig, sa trabaho, at ang pinakamatindi ay ang problema sa pamilya na nakaapekto na sa kanya ng husto. Hanggang sa isang araw ay nakabuo siya ng isang desisyong tuluyang makapagpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Makakaya kaya niyang harapin ang lahat ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na kaniyang nasasaksihan? At magagawa ba niyang papasukin sa kaniyang puso ang katok ng pag-ibig? Gayong iba ito sa kaniyang nakasanayan. Paano kung matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng mga ito? Kasabay ng nagbabadyang panganib sa kanyang buhay. Mananatili ba siya at buong pusong tatanggapin ang lahat? O lalayo at pipiliting talikuran at takasan ang lahat?
Panganay si Carmen, maganda at sexy ang problema lang, masama ang ugali. Si Charlotte naman ay isang average teenager girl na mahiyain. Dahil sa kasamaan ni Carmen isang sumpa ang pinataw sa kanila ng Dark Witch na si Switch. Sa alternate nilang pagpapalit ng katawan magugulo ang takbo ng buhay nila. Mahanap nga kaya nila ang lunas sa ginawang sumpa ng mangkukulam na si Switch? Mabago nga kaya ng sumpa ang masamang pag-uugali ni Carmen? Matagpuan kaya nilang magkapatid ang tunay at wagas na pag-ibig? Ang dalawang lalaki na nga kaya sa buhay nila ang magiging susi upang makawala sa sumpa? Ang Act of true love and a true love’s kiss ang makakatanggal sa sumpang? Ito ang kwentong may ‘Love and Magic’
After a long arduous day, Alexa found herself in an old 'greasy-spoon'. Habang tahimik siyang kumakain ay bigla na lang lumindol nang malakas at gumuho ang buong gusali, lahat ng taong nandoon ay natabunan pati na siya. Nagising si Alexa sa lugar na kahit sa panaginip ay hindi pa niya napuntahan. Pati ang mga taong nakapaligid ay hindi niya kilala, katawa-tawa din magsalita at manamit ang mga ito dahil animo'y nasa isang dula. Naisip niya na lahat ng iyon ay isa lamang kakatwang panaginip. Sa panaginip niyang iyon ay nakilala niya si Juan Diego Velez, the oldest son of familia Velez , ang mortal na kaaway ng Monserrat, ang kanyang pamilya. Despite the rumors and undeniable family feud, she could not bring herself to fear him, let alone fall inlove at ganoon din ito sa kanya. Ngunit dahil sa komplikadong relasyon, they were forcefully separated by her family. Nasaksihan niya kung paano nagwakas ang buhay nito. That was when she suddenly woke up from a deep slumber ngunit bakit ang lahat ng emosyon lalo na ang sakit na kanyang nadama ay tila totoo? Lalo lamang siyang naguluhan nang makilala ang presidente ng bago niyang pinagtatrabahuhan. The man possessed the very face of Diego.