webnovel

Vanguard: Blade of the Shadows

Auteur: YueAzhmarhia
Fantastique
Terminé · 23.6K Affichage
  • 21 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Mabalasik. Mapanlinlang. Mapanganib. Mga nilalang na animo'y nanggaling pa sa kailaliman ng impy*rno. Mga nilalang na kung tawagin ay mga  Balrog. Ang mga ito ay may wangis ng isang ordinaryong tao kapag umaga ngunit kung nanaisin nila ay kaya nilang magpalit ng anyo bilang isang hayop. Nakakatakot at malahalimaw din ang kaanyuan ng mga ito kapag nasa oras sila ng kanilang kagutuman. Pangunahing pagkain nila ay mga tao, sinisipsip nila ang dugo ng kanilang mga biktima hanggang sa matuyo ang mga ito na animo'y isang bankay na naaagnas. Maihahalintulad mo rin sila sa mga bampira ngunit ang kaibahan lamang ay hindi sila naaapektuhan ng bawang, asin o di kaya naman ng sinag ng araw.

Chapter 1Prolouge

Mabalasik.

Mapanlinlang.

Mapanganib.

Mga nilalang na animo'y nanggaling pa sa kailaliman ng impy*rno. Mga nilalang na kung tawagin ay mga  Balrog. Ang mga ito ay may wangis ng isang ordinaryong tao kapag umaga ngunit kung nanaisin nila ay kaya nilang magpalit ng anyo bilang isang hayop. Nakakatakot at malahalimaw din ang kaanyuan ng mga ito kapag nasa oras sila ng kanilang kagutuman. Pangunahing pagkain nila ay mga tao, sinisipsip nila ang dugo ng kanilang mga biktima hanggang sa matuyo ang mga ito na animo'y isang bankay na naaagnas. Maihahalintulad mo rin sila sa mga bampira ngunit ang kaibahan lamang ay hindi sila naaapektuhan ng bawang, asin o di kaya naman ng sinag ng araw.

Ang mga mabababang uri ng balrog ay walang kakayahang mag-anyong tao at ito ang kalimitan inuutusan ng mga nakakataas upang mangalap ng kanilang makakain. Gabi kong umatake ang mga ito dahil ito ang oras na hindi kaagarang napapansin ng mga tao. Mabibilis kong kumilos ang mga ito at hindi ito basta-basta tinatablan ng mga ordinaryong sandata.

Dahil sa talamak na pambibiktima ng mga balrog sa mga tao ay tuluyan na ngang nag aklas ang mga tao at naglunsad ng isang malawakang digmaan laban sa mga nilalang. Isang grupo ng mga kabataan ang siyang namumuno sa digmaang iyon at hawak nila ang mga sandatang tanging nakakagapi sa mga ito.

Sa digmaang iyon ay marami ang nagbuwis ng buhay, marami ang namatay. Maliban sa isa. Isang dalaga ang siyang naiwang nakatayo sa gitna ng libo-libong bangkay ng mga balrog at mga kasamahan niyang nasawi sa digmaan.

Tahimik siyang nagtatangis habang pilit niyang sinisipat kung meron pa siyang makikitang buhay sa kanyang mga kasama. Subalit ang paghahanap niyang iyon ay nauwi lamang sa kabiguan. Napagtagumpayan nga nilang maikulong ang pinuno ng mga Balrog ngunit kapalit naman nito ang mga kaluluwa ng kanyang mga kasama.

Napasigaw siya dahil sa galit at kalungkutan. Itinarak niya ang kanyang espada sa lupa at isa-isang hinatak ang mga labi ng kanyang mga kasama.

Labin-lima sila noong una, ngayon ay nag-iisa na lamang siya. Isang sumpang hindi na 0niya matatakasan dahil katulad ng mga Balrog ay wala rin siyang kamatayan. Ang pangalan niya ay Celestia, isang mandirigmang ipinanganak na tao ngunit may dugong Balrog. At iisa lamang ang iniwang misyon sa kanya at iyon ay protektahan ang daigdig sa mga balrog na naglilinlang sa mga tao at kumakain sa mga ito.

Matapos niyang mabigyan ng maayos na libing ang kanyang mga kasamahan ay nilisan na niya ang lugar. Naglakbay siya na parang isang ermetanyong walang patutunguhan. Dumaan ang maraming taon, marami na din siyang nakilala at nakasama . Maraming buhay na siyang nakitang lumisan ngunit ang buhay niya ay nananatili pa rin. Ang lahat ay tumatanda, subalit siya ay nananatiling bata.

Hanggang sa isang araw ay tuluyan na siyang napagod at nagdesisyon matulog. Nagbigkas siya ng sumpa sa kanyang sarili na siya ay magigising lamang sa oras na bumalik ang mga balrog sa mundo at muling maghahasik ng lagim sa mga tao. Kahit ilang siglo pa ang aabutin nito ay wala siyang pakialam. Humiga na siya sa isang batong higaan sa loob ng isang kuweba at doon nahimlay. Matapos ipikit ang kanyang mata ay tuluyan na nga siyang nahimbing.

Dumaan pa ang maraming siglo at ang kuwebang kanyang kinahihimlayan ay tuluyan na ngang nalimot ng mga tao. Tuluyan na din nilang nakalimutan ang mga nilalang na tinatawag na Balrog at maging ang pangalan ni Celestia na isang mandirigma na siyang tanging nakakapatay sa mga ito.

Vous aimerez aussi

Taming the Bad Boy Mortal

PRUDENCE Morningstar is a half mortal and a half witch. After her father’s death, she and her mother decided to live in a new town to start a new life, for them to be able to move on. Iniisip nila na maaaring maging paraan nila ito para makapagsimula ulit. Her mother enrolled her in a mortal school–Riverhills High School. While roaming around the school rooms, she stumbled with a boy filled of rudeness personality, as she describes him. That was the first time she encountered the person that will change her life. His name is Hoqur Black. A mortal who gave her another chance to love, chance to have hope, and learn to find out when he told her that she was the reason why he was able to change his attitude towards people. Give-and-take cycle were both benefits the two. They used to hate each other. Pero totoo rin pala ang kasabihan na “The more you hate, the deeper you fall.” Hindi naging madali kay Prudence ang pamuhin ang katulad ni Hoqur dahil sa ayaw niyang gamitin ang taglay niyang kapangyarihan at kaalaman sa mahika. She broke her own promise after asking for guidance from his dad when she visited her father’s burial. Technically, it wasn’t breaking her own promise, she derived from her own conclusion after asking for guidance. But she casted a spell to him when she realized that it is impossible for her to tame a guy like Hoqur. A spell that would only work for a day and night, but it will be broken when the midnight comes.

GenZRizal · Fantastique
Pas assez d’évaluations
11 Chs

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Pleurage! Vous seriez le premier commentateur si vous laissez vos commentaires dès maintenant !

SOUTIEN