webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
22 Chs

TEN

"Okay lang kaya si Shiro ro'n? Puntahan na kaya natin?" rinig kong tanong ni Lorenz habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Nandito kami lahat sa sala, nakaupo at bakas sa mukha ng bawat isa ang lungkot at pagkahinayang dahil sa pagkatalo.

"Do you think he's angry with us? Or with me?" tanong naman ni Mona nang hindi tumitingin sa amin. She blamed herself for what had happened. Kanina pa niya iniisip na baka galit sa kanya si Shiro dahil siya ang bumunot.

"Malay mo hindi siya galit sa 'tin. Maybe he would thought of a probability that we did our best to save him," komento naman ni Lovelle. She's really an optimistic.

"What if he don't?" She lifts her head and looks at us. "What if he holds grudges because of what happened? What if he b-blamed me for I was the responsible to picked the rolled paper?" She wiped her tears even it keeps on falling.

"Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa partner mo?" Bahagya pang tumaas ang boses ni Lovelle dahil sa inis niya kay Mona. They are clearly in conflict. "Among all the people here, you are supposed the one who trust him first 'cause you are his partner." She stopped for a while and gave us a quick glance. "You know what guys? In this situation we are facing problems, we must have to trust each other. Kung kinakailangan nating mas lalong magtiwala sa isa't isa, gawin natin kase kung wala tayong tiwala sa bawat isa, mahirap para sa 'tin na malagpasan ang bawat pagsubok."

Dahil sa sinabi niya, tumingin ako nang palihim kay Xynon na nakatitig na ngayon kay Lovelle na katabi ko. Maybe bacause of what she had just said. Remember, fear of trusting someone is his problem. After minutes of staring at her, he looked at me and then looked away.

Ito yata ang unang beses na siya ang unang umiwas. Well, it meant nothing. Nothing special to that. Maybe, the guilt ate him. He felt guilty when I tried to help him three times but he chose to ignored it.

"S-Sorry. Napapangunahan lang ako ng emosyon ko."

"That was what golden rule meant. Emotions don't need here," I commented. "Kahit naman na sinabi nilang bawal tayong ma-in love sa bawat isa, it doesn't mean that the rule itself just implied on that concept. It also means that in every circumstances, emotions are no longer welcome here because when we do, we can't think properly."

"Alam naman natin kung anong nangyayari sa isang tao kapag napapangunahan ng emosyon 'di ba? It can cause chaos and aches," Lorenz stated na ngayo'y nakatingin na sa 'min.

Lahat na kami ay nakapagbigay na ng insights namin pero nananatili pa ring tahimik ang asungot. Wala ba siyang balak magsalita? Baka naman mapanis na ang laway na n'yan. Tsk.

"Ano na kayang ginagawa niya ngayon lalo na't hapon na? I could have imagine him screaming and crying right now because of fear just like what we saw." Napabuga pa ako ng hangin matapos kong itanong 'yon. I know none of them can answer my question because they know nothing. "We should pay a visit even just a moment. We'll ask for Kuya's permission." Wala kase si Ma'am Merlyn ngayon, magkasama sila ng reyna sa office nito.

"Sige, puntahan natin si kuya sa kwarto niya," pangunguna naman ni Mona saka tumayo.

Gano'n din ang ginawa namin. We're heading our way to his room when we encounter him.

"Where will you go?" He stopped for a while while his hands are inside of his pockets. Bakit gano'n? Parang hindi ko na nakikta ang gay side niya? Did he decide to become straight?

Tumingin muna si Mona sa amin bago humarap kay Kuya. "Ah, we will ask for your permission if we can pay a visit to Shiro? If that's okay with you. Even just a moment, it will do." Napakamot pa siya sa kanyang ulo at medyo nakayuko.

He narrowed his eyes a little as if he's checking us one by one. "Do you guys wanna set him free?"

Nagkatinginan kaming apat maliban kay Xynon na nakapamulsa at nakatingin sa kanyang sapatos.

"H-How?" tanong ni Lorenz.

"Follow me." He leads the way to the virtual reality room.

Anong gagawin namin? Bumulong ako sa dalawang babaeng katabi ko. "Feeling ko may ipapagawa sa 'tin para makawala na ro'n si Shiro."

"Yeah, I can also feel that. A kind of survival game again?" tanong naman ni Mona.

Binuksan ni kuya ang pinto at bumungad sa amin si Shiro na natutulog sa sahig habang suot-suot pa rin ang virtual reality headset.

"Oh my god, what is he doing? Akala ko sumisigaw at umiiyak siya?" may bahid na pagtataka sa bnoses ko dahil medyo tumaas pa ito.

"Maybe bcause he finally managed to overcome his fear? Or maybe he was able to managed it even a little?"

Dahan-dahan kaming lumingon kay Xynon na ngayo'y nagbigay na ng insight niya habang nakatingin kay Shiro at nakapamulsa. "He's sleeping peacefully. No trace of fear unlike the last time we saw him."

Lumapit si Kuya sa kanya at ginising siya. "Shiro." Tinapik-tapik pa nito ang kanang balikat niya. Nang makita niyang wala siyang reaksyon ay ginising niya ulit ito. "Shiro, wake up. They are here."

Dahan-dahang gumawa ng ungol si Shiro at bumangon. "Kuya?" Kinapa-kapa niya ang katawan ng kaharap. "Ikaw po ba 'ýan?"

"I am. May gustong bumisita sa 'yo." Sumenyas siya na lumapit kami.

"Huwaahhh Shiro, sorry! Sorry it was my fault! Sorry!" sabay lapit ni Mona sa kanya at niyakap siya. Ang mga luha at paninisi na ginawa niya kanina ay binuhos niya na ngayon sa kaharap niya. "Sorry Shiro, huhuhu!"

"Mona?" Hindi siya yumakap pabalik bagkus ay marahan niyang inilayo ang dalaga sa kanya.

Totoo kaya ang kutob ni Mona na galit sa amin si Shiro?

"What are you doing here?" Hindi ko alam kung mahina lang ba ang pandinig ko o sadyang may bahid talaga na galit ang boses niya?

Tumingin sa amin si Mona na para bang sinasabi niya na 'tama ako galit nga siya.' Hinaplos niya ang pisngi nito at mas lalo siyang naiyak nang makitang inilalayo ni Shiro ang mukha niya. "S-Sorry kasalanan k-ko. 'Wag ka ng magalit, oh. Nandito kami para tulungan ka."

"Kuya? Pwede po bang tanggalin niyo po itong VR headset sa 'kin?"

Nagkatinginan kaming anim kabilang si Kuya. Paano niya nalaman na VR Headset ang nasa mata at tenga niya? Aware na kaya siya na isa itong survival game at siya ang ginawang pain?

"Okay sige, since may susunod na activity na gagawin ang mga kasama mo pero hindi rito nagtatapos ang consequence mo kapag natalo sila ulit." Tinanggal niya VR headset kay Shiro at inilapag ito sa malapit na mesa.

Makailan ang ilang segundong pagpikit ng mga mata niya ay nakapag-adjust na rin siya para makita kami nang malinaw. Bumungad sa 'min ang itsura niyang nangingitim ang eyebags at gulo-gulo na buhok. Tiningnan niya kami isa-isa nang walang bahid na ngiti sa labi.

I guess, tama nga si Mona. pero ginawa naman namin ang lahat para ma-save siya kaso nabigo kami.

"Anong ginagawa niyo ritong lahat? Gust niyo bang makita kung gaano kamiserable ang sitwasyon ko ngayon dahil sa kapabayaan niyo?" Kitang-kita sa singkit niyang mga mata ang galit, kulang na lang ay manlisik ito.

"Shiro, believe me ginawa namin ang lahat para tulungan ka but we f-failed," ani ni Mona kasabay ng paghawak niya sa kamay ni Shiro.

Tinabig niya nang medyo may kalakasan ang kamay ni Mona at dinuro siya. "Yeah, you're right. This is your fault. Kung hindi ako ang nabunot eh 'di sana hindi ako nahirapan nang husto!" Tumingin siya saglit sa kawalan bago niya ibinalik ang tingin sa kanya. Tumango-tango pa siya senyales na may naiisip siya saka siya ulit tumingin sa dalaga. "Siguro sinadya mo no? Kase gusto mo akong malagay sa kapahamakan? Gusto mo sigurong makita akong ganito?" Ngumisi siya at umiling.

Ang nakaupong Mona na nasa tabi niya ay kumunot ang noo habang patuloy na nagbabagsakan ang mga luha. "P-Paano mo naisip 'yang mga 'yan? sa tingin mo gusto kitang makitang ganyan?" Bahagya siyang natawa pero ramdam na ramdam ang pagiging sarkastiko. "Hindi mo alam kung gaano ako takot na takot para sa 'yo, Shiro! Tapos 'eto lang pala ang iniisip mo about sa 'kin?"

Lumapit ako sa kanya para hagurin ang likod niya, dahil sa kakaiyak ay nahihirapan na siyang huminga at bumulong ako. "Ssssh tama na." Tumingin ako sa gawi ni Shiro. Naiinis ako s akanya. Hindi man lang niya inalam ang buong pangyayari bago siya nag-conclude ng kung ano-ano. "Huwag na kayong mag-away. Walang may gusto nang nangyari, Shiro. Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa 'min ang sagutan ang mga tanong. Ginawa namin ang lahat. Sa tingin mo ba pababayaan ka namin, ha? Inisip mo rin ba na may alam kami sa kung ano ang magiging survival game natin? Hindi, Shiro.ni isa sa atin walang nakakaalam. Inaakusahan mo na agad si Mona, eh, hindi mo pa nga alam ang buong nangyari."

"She's right, bro. We really did our best but we failed. Kung wala kaming pake sa 'yo, sana hindi na kami nandito para bisitahin ka," komento naman ni Lorenz na nakatingin sa amin ngayon.

Pinasadahan niya kami ng tingin isa-isa. "Liar! Pretender! 'Yan ang magandang i-describe sa inyong lahat! Pinagkaisahan niyo ako! Sa tingin niyo gano'n ako katanga para paniwalaan kayo?! Siguro naman sinabihan kayo nina Kuya at Ma'am Merlyn kung anong magiging consequence kapag natalo kayo 'di ba?! Bakit niyo ako pinabayaan?! Bakit niyo ako hinayaan na maging miserable?!" Tumingin siya kay Lorenz. "Ayan ba ang depinisyon mo ng may pake, Lorenz? Akala ko higit pa magkakaibigan tayo rito pero bakit ganito?"

"Ganyan na ba kakitid ang utak mo, Lorenz?" naiinis na tanong ni Lovelle habang magkasalubong ang dalawang kilay. "sa tingin mo planado lahat? Ah, so ibig sabiin pala wala kang tiwala sa 'min dahil sa ugali mong 'yan. Sinong siraulo ang gugustuhing mapahamak ka?"

"Kayo," simpleng sagot niya saka siya tumingin sa ibang direksyon.

Kulang na lang umusok ang ilong ni Lovelle dahil sa sobrang galit. Nanatili siyang nakatingin sa binata na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw niya.

"Enough, hindi na kayo mga bata para pag-awayan ang maliit na bagay."

Sumulyap ako sa kinatatayuan ni Kuya habang nakapamulsa siya. lumapit siya amin nang kaunti bago nagsalita. "Kung gusto niyong makaalis dito si Shiro, gagawin niyo ang isang activity."

"What activity?" tanong ni Xynon. Hanggang ngayon ay nakapamulsa pa rin siya. Wala man lang makitang emosyon sa mga mata niya.

Tumingin siya sa 'ming lahat at sumilay ang ngiti niya. "Codes puzzle."

(Shiro)

Ilang oras na ba ang nakalipas mula nang umalis sila rito sa kwarto. Lima? Anim na oras? Nilalabanan ko rin ang antok ng mga mata ko kahit nakapikit ako habang nakahiga rito sa sahig, suot-suot ko pa rin kung ano itong nasa mata ko. Mas pinili kong hindi matulog at isipin na lang ang lahat ng nangyari. Ramdam na ramdam ko ang pananakit at pangangalay ng katawan ko dahil sa ginawa kong pagpupumiglas at panlalaban kanina. Naalala ko pa, natutulog lang ako sa kwarto namin tapos paggising ko kagabi bumungad na agad sa 'kin ang matandang 'yon. At first, hindi ko alam kung paano 'yon nangyari. Napangunahan rin ako ng takot kung kaya't nag-uumpaaw ang emosyon ko.

Pero nang marinig ko ang boses ni Kuya Eduardo, tumatak sa 'kin ang huling sinabi niya.

Na-realize kong parte pala ito ng survival game. Naisip ko rin na baka related sa technology ang survival game kaya malaki ang chance na isang virtual reality itong nakikita ko na parehong-pareho sa kwento tungkol sa phobia ko. Kanina ko pa rin sinusubukang tanggalin itong virtual reality headset na nakapulupot sa mata at tenga ko ngayon pero hindi ko magawa. It explains why kung bakit hindi ko naririnig ang boses nila. Ngayon lang din sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa 'min dati na tutulungan niya kaming i-overcome ang phobia namin pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan nila gagawin. Ba't hindi man lang sumagi sa isip ko ang posibilidad na 'to?

Mas lalo akong nawindang kanina nang malaman kong naririto pala silang lahat sa loob, nakikita at naririnig ako pero hindi man lang nila ako tinulungan. Gusto kong magalit sa kanila kase hinayaan lang nila akong torture-in ng matandang 'to pero naisip ko rin na kung ako ang sasalo sa pagkatalo nila, ibig sabihin ako ang nabunot ni Mona at kung kaya't kinutuban ako ng masama kahapon. Pilit din sumasagi sa isip ko na magtanim ako sa kanila ng galit dahil sa kapabayaan nila lalo na't alam pala nila na ganito ang mangyayari sa 'kin. Pero paano kung ginawa naman nila ang lahat kaso hindi talaga nila kinaya? Knowing that the survival game wasn't easy. I'm in between of holding grudges or thank them 'cause I knew they've worked hard to save me even they failed.

Minulat ko ang mga mata ko habang nakahiga pa rin ako, nakita ko ulit ang itsura ng matandang lalaki na walang sawang sumasaksak sa 'kin. Kung kanina ay panay pagpupumiglas ako, ngayon ay tinititigan ko na lang siya kahit na may nararamdaman pa akong takot.

Hindi nagsasalita ang lalaki, tanging galaw at ekspresyon ng dalawang mata na puno ng galit lang ang makikita. Hindi ko rin alam kung paano nalaman ng magkapatid ang itsura nito kahit hindi ko naman ipinakita o inilarawan ang itsura niya.

Somehow I feel thankful that they gave me again a chance to encounter this nightmare in my life. I feel stronger and braver than before kahit ilang oras pa lang ang nakakaraan mula nang mag-umpisa 'to. Napangiti na lang ako sa kawalan dahil dito naramdaman kong bumalik ulit ako sa pagkabata na panay iyak pa rati at nangangatog pa ang mga tuhod. Through virtual reality survival game, I feel like I'm on the same scenario again, same vibes but somehow, different version of myself.

Tumayo ako at hinarap ang matandang lalaki. I bent my knees to positioned myself from avoiding his hands holding two injections on each. Sinapak ko siya nang maraming beses para makaganti ako. Hindi ko nagawang gumanti sa kanya no'ng bata pa lang ako dahil sa sobrang takot kaya susulitin ko na ang 24 hours na binigay sa 'kin.

I feel relief nang makita ko siyang nakahandusay na sa sahig. "Ah! I won this time!" Humiyaw pa ako nang malakas dahil sa saya. "Wooh! Finally, I felt the little progress in me!" Mula nang mangyari ang insidenteng 'yon, puro takot na lang ang maumutawi sa puso ko. Hindi ko magawang harapin dala na rin ng kaduwagan. Pero nang dahil sa larong ito, kahit papaano ay napatunayan kong kaya ko pa lang lumaban. Kaya ko pa lang harapin kahit may takot pa rin sa puso ko. Yeah, it takes a lot of time to cast all my fears away but I know, I'm on my way there.

Nakaramdam ako ng sobrang pagod sa lahat ng nangyari. Humiga ako sa sahig at unti-unting akong pumikit.

Naalimpungatan na lang ako nang marinig at maramdaman akong may tumatapik ng balikat ko. "Shiro, wake up. They are here."

"Kuya?" Kumapa-kapa pa ako sa hangin para mahawakan siya.

"Huwaahhh Shiro, sorry! Sorry it was my fault! Sorry!"

Mahigit dalawang linggo pa lang mula nang makilala ko siya pero hindi ako pwedeng magkamali. "Mona? Akmang yayakapin ko na sana siya nang biglang may sumagi sa isip ko. It's time to use my acting skills! Sana lang ay gumana sa kanila! "What are you doing here?" Tinulak ko pa siya para maging makatotohanan ang drama ko pero syempre sinigurado kong hindi siya masasaktan.

"S-Sorry kasalanan k-ko. 'Wag ka ng magalit, oh. Nandito kami para tulungan ka."

Gusto kong ngumiti dahil sa sinabi niya. Para tuloy kaming mag-syota tapos sinusuyo niya ako para hindi na ako magalit sa kanya. Pero kailangan kong panindigan 'to! Mawawalan ng bisa ang acting ko kung ngayon pa lang ay manlalambot na ako sa sinasabi ni Mona.

"Kuya? Pwede po bang tanggalin niyo po itong VR headset sa 'kin?" Sana lang ay payagan niya ako. Gusto kong makita ang mga itsura nila sa acting na ginagawa ko. Hahaha. Akala ko no'ng una ay hindi niya ako pagbibigyan pero nagulat ako nang pumayag siya pero may gagawin na naman silang panibagong game. Ano na naman kaya 'yon?

Nang makapag-adjust na ang mata ko ay tiningnan ko sila isa-isa. Gusto kong humagalpak sa pagtawa pero nahihirapan akong magpigil. Ang papanget ng mga itsura nila ngyaon. Seryoso ang mga mukha at mukhang naiinis na rin sa 'kin. Hahaaha. Good job, Shiro. Napapaniwala mo na sila.

Makaraan ang ilang minutong pag-aaway namin ay pumagitna na sa amin si Kuya. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para maitago ko ang ngiti ko. kung ganito lang din pala kabilis mapaniwala ang mga kasama ko, dadalasan ko na ang pag-a-acting. Pfft.

"Kung gusto niyong makaalis dito si Shiro, gagawin niyo ang isang activity."

Ano kayang activity ang tinutukoy niya?

"What activity?" rinig kong tanong ni Xynon.

"Codes puzzle."

Bigla akong napatingin kay Kuya na ngayo'y nakapamulsa at nakangiti sa aming lahat. Codes puzzle? Related na naman sa code ang activity nila? Sa kanila ba ulit nakasalalay kung matatapos ang punishment ko kapag nanalo sila?

"Kapag ba nanalo kami papalabasin niyo na si Shiro rito?" rinig kong tanong ni Mona.

Gusto ko siyangyakapin at mag-sorry dahil sa mga sinabi ko. I know sobra ko siyang nasaktan. Kitang-kita kung gaano siya nahirapan sa paghinga. Sorry Mona. mamaya na lang kita yayakapin, ah? Susulitin ko muna ang acting ko hehe.

"Yes. Sa inyo ulit nakasalalay ang sitwasyon niya."

Matalo man sila o manalo wala namang problema sa 'kin kung magtatagal ako rito, eh. Atleast tama ang inisip ko na ginawa nga nila ang lahat para tulungan ako. Sapat na sa 'kin 'yon.

"Ba't hindi pa natin umpisahan? Tara na," komento naman ni Lorenz.

Yumuko ako saglit para maitago ko ang ngiti ko. Ang swerte ko kase nakatagpo ako ng ganitong mga kaibigan sa lugar na hindi ko inaasahan.

****

"Handa na ba kayo?" tanong ni Kuya.

Nakapalibot kami ngayong apat sa isang mesa na may papel na nakataob sa gitna at apat na malinis na papel at ballpen para sa panulat namin habang naghihintay sa hudyat niya.

Nakadikit naman ang katawan ni Shiro sa isang malaking dartboard habang nakatali ang dalawang kamay paitaas at si Mona ay nag-aabang sa harap ni Shiro na dalawang metro ang layo.

"You have 30 minutes to complete the code puzzle. Ito ang consequence habang nagsasagot kayo, maglalaro si Mona ng dartboard pero ang gagamitin nyang pamato ay injection na naglalaman ng malalaking karayom. Nakasalalay rin sa kanya kung matatamaan niya si Shiro o hindi. Kapag hindi siya makatama, mas mababawasan kayo ng dalawang minuto para ma-solve ang code. Walang mangyayari sa inyong lahat kapag nakatama siya. You can use the tablet placed above your table if you need."

Kaming apat na naririto sa harap ay nakatingin sa isa't isa na halos abot-abot na ang sobrang kaba. Last chnace na lang namin ito para matulungan si Shiro. Hindi na namin kailangang sayangin ito.

"In 3,2,1... GO!"

Agad tinihaya ni Lorenz ang papel at binasa namin ito.

bac. cab. cab. acc. bcb. ccb. acb. bca.

He is Kenny, known as one of the greatest chemist and professor in Lietu University.

He's facing the wall while writing number 2 on the board inside the lab.

Suddenly, in homophonic way, he steps twice backward.

And accidentally tramped the piece of scrabble written in multiplication.

How old is he by the way?

"D*mmit! Ano ito?" tanong ni Lovelle.

"Dang! Wala akong ma-gets!" naiinis na tugon ni Lorenz habang tutok na tutok sa papel.

"This game is codes puzzle. From the meaning itself codes, he used different kinds of code. While the puzzle represents the hints," paliwanag ni Xynon

"Wait, naiintindihan ko na. Meaning ang puzzle na ito, posibleng ito ang hints sa bawat code?" tanong ko naman habang kinakagat ko ang kuko ko. Kinakabahan ako, ah!

"Exactly. Kung napapansin niyo may apat na lines. I assume every line contains the hints of every code."

Mabuti na lang nandito si Xynon. Jusko ang bilis mag-process ng utak niya. Ay, oo nga pala, sa last special activity namin siya ang unang nakatapos using the Caesar's box code.

"We will do this one by one. The first line says that Kenny is a chemist and professor. There's a code written abo-"

"Ahh!"

Sabay kaming napalingon kay Shiro na sumigaw.

"Sorry Shiro!" sigaw naman ni Mona sabay peace sign.

"Twenty-eight minutes ang oras natin kanina naging twenty-six minutes na lang," bulong ni Lorenz habang nakatingin sa orasan.

Tumingin ako sa harapan kung nasaan ang ito makikita. Sh*t twenty-six minutes na lang talaga!

"Let's proceed. Just stay focus," sambit ni Xynon kaya natuon ulit ang atensyon namin sa kanya. "As I've said earlier, there's a code written above. Base on my deduction, posibleng ang given code na ginamit d'yan ay related sa Kenny code since the first line of the puzzle referring to Kenny as the first basis and foundation of codes puzzle."

Nanlaki ang dalawang mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niya. "Shoot! Posible nga 'ýon! Wait, I'll search the Kenny code." Agad kong sinearch ang Kenny Code sa google. "Ito na ang Kenny Code."

Si Xynon ang nagsusulat habang kami naman ang naghahanap ng equivalent letter sa internet.

bac. cab. cab. acc. bcb. ccb. acb. bca

L        T      T      I       Q     Z      H     P

"What? Ba't ganyan?" kunot-noong tanong ni Lovelle. "Hindi pa ba final 'ýan since gagamit pa tayo ng ibang code?"

"Yes. Can someone repeat the second line?" tanong ni Xynon. Pansin ko lang ang active niya ngayon. Siguro kase dahil mahirap ang code at kailngan na naming maipanalo ito this time para ma-save si Shiro.

Si Lorenz na ang nagbasa. "He's facing the wall while writing number 2 on the board inside the lab."

"What is this?" Inintindi ko kung ano ang sinasabi ng second line. Ginawang figurative ang hint. "What do you think the key words?"

"Good point, Lyka. the number 2 are one of those."

Ngayon lang 'ata ako tinawag ni Xynon sa pangalan ko? aish, mamaya ko na lang iisipan 'yan ulit. I need to be focus here.

"I bet facing the wall has something to do with it?" rinig kong saad ni Lorenz. "Look, those two codes are seemed to be more valuable than the word inside the lab, what do you think?"

"Wait, medyo nage-gets ko na," pumagitna naman si Lovelle sa usapan. "The second line shows us that the professor conducting his discussion inside the lab. If you will think beyond deeper, the students facing the back of their professor since he's writing number two on the board."

"So therefore, when you combine it together, his back and number two will more appear the hints for another code we'll be using!" I added. Na-realize ko kase ang sinabi ni Lovelle kaya nag-come up ako ng ganyang deduction. "Wait, there's more, anong gagamitin nating code para rito?

"Lab is the clue. Saan ba ginagamit ang lab room?" taas-kilay na tanong ni Xynon.

"For chemistry subject," I stated. Anong connect ng chemis-parang may umilaw na light bulb sa utak ko nang ma-realize ko ang sinabi niya. "Chemistry! The code has something to do with the chemistry!"

"Wait, imposible namang chemistry code ang ise-search natin?" Napansin kong humawak sa baba si Lorenz na tila may iniisip.

"Try kong i-search ang chemistry code baka meron." Agad kong ginawa iyon pero ang lumabas sa internet ay compound code. Pinakita ko agad sa kanila ang nahanap ko.

"Paano natin gagawin?" tanong ni Lovelle.

"Let's start with the first code outcome." Sinulat ni Xynon ang resulta ng na-solve namin kanina. We have to step twice backward from these letters and get the equivalent meaning."

"Damn, it's pretty cool." Ngayon lang nagawang ngumiti ni Lorenz nang malapad dahil unti-unti na naming nagagawa ang puzzle.

"Let's proceed to the third line. It says that th-"

"Accckk! Aray!"

Hindi na ako nag-atubiling lumingon pa nang sumigaw ulit si Shiro pero ang iba ay oo.

"Don't mind him. As I've sa-wait, where am I?"

"Third line, Xynon."

"Homophonic and twice backward are the key," sambit ko nang makuha ko agad kung anong key words sa third line. I searched right away the code behind the homophonic.

"14 minutes," rinig kong anunsyo ni Kuya.

"Same pattern. From the second code outcome, we will step twice backward and write its equivalent."

J R R G O X F N

👇

H P P E M V D L

C L L Z G W F P

"Wait, I noticed something." Tinuro ni Lovelle ang mismong letters na resulta sa step twice backward. "Bakit pa natin kukunin ang equivalent meaning nitong two set letters na nasa taas kung pwedeng letters itself na lang ang kukunin natin since we can already form the hidden message from those letters?"

"No, be reminded of what was the last line said," segunda naman ni Lorenz saka tinuro ulit ang last line. "May kinalaman pa rin ang pagkuha natin ng equivalent meaning sa bawat letters since kukunin natin ang edad ng propesor. Well, that's based on my understanding."

Oo nga no, ngayon ko lang din napansin ang insights nila. Four heads are better than two.

"Now, we are in the fourth line: And accidentally tramped the piece of scrabble written in multiplication." Sandaling tumigil si Xynon sa pagsasalita saka biglang tinuro ang word na tramped." It means stepped, right? Natapakan niya ang isang piraso ng scrabble."

"Walang nilagay ko kung mag-step backward tayo," puna ni Lovelle.

"No, the word tramped indicates the word backward. Walang specific na nilagay kung ilang beses tayong magba-backward so I assume it means once. The scrabble is the hint for the code. Kindly search the code related to scrabbl-"

"Super scrabble!" biglang sigaw ni Lorenz sabay turo pa sa papel. "It says there that's written in multiplication form, super scrabble code ang alam kong may gano'n."

"Here." Pinakita ko sa kanila ang Super Scrabble at agad din nilang sinulat written on the same pattern.

"Goodluck? Ito na 'yon?!" Hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko. Gumamit ng apat na code tapos goodluck lang pala ang hidden message?! OH MY GOD!

"Pfft hahahahahha!"

Napalingon kami kay kuya na humahagalpak sa pagtawa. Narinig niya siguro ako. "You have eight minutes to c-complete it. Pfft hahahhah."

Pumikit ako saglit saka bumuga ng hangin. "Hindi ko alam kung matutuwa ako sa kanya. Goodluck lang pala tapos sobrang hirap ng ginawa niya. Pfft."

"Para namang hindi mo kilala 'yang magkakapatid masyadong mahilig sa complicated kesa sa simple," natatawang tugon ni Lorenz. Maging siya natawa na lang din.

"Atleast na-solve natin at may natitira pa tayong eight minutes. Tapusin na natin," my bestfriend stated. "May idea na ba kayo paano i-solve ang edad?"

"Since its multiplication, I assume, we will gonna multiply these all then add together."

Akmang kukuha pa lang ako ng calculator nang biglang magsalita si Lorenz.

"It's four hundred fifty-seven."

"What? Na-solve mo kaagad?!" Pumalakpak pa ang kasama kong babae habnag kitang-kita sa kanya ang pagka-amaze. "How did you do that?"

"Number is my thing."

"Wow! Mathematician ka pala!"

"I deduced that we will divide the result to the hidden message," pumagitna si Xynon sa usapan.

"Paano?"

"W-Wait, Mona! Aray!"

"So meaning, four hundred fifty-seven divided by eight since the goodluck has eight letters?" tanong ni Lorenz.

"Yeah, try it."

"Wait." Nag-isip siya saglit saka nag-snap ng daliri. "It's fifty-seven."

"There you are." Nagtaas siya ng kamay para makuha ang atensyon ni Kuya. "Fifty-seven is the age of Mr. Kenny."

"Mona, stop." He clapped his hands while there's a huge smile plastered in his face. "Congratulations! You won! Shiro is now save by the remaining hours of the consequence!" Pinakawalan niya si Shiro sa pagkakatali.

Akamang lalapitan ko na sana siya kaso...

"Hep hep hep, galit ako sa inyo remember?"

"By the way, what kind of code puzzle is that?" rinig kong tanong ni Xynon.

"Quadruple Code Puzzle."

[Hindi ko ma-upload ang picture ng dalawang code na ginamit ko pero meron sa watty @Hartsley kapag ni-visit niyo po yun. Happy reading po! 🤗]