[Feel every words especially in the middle part, mi loves.]
"Tayo na ba?" Simula nang magkaaminan kami ay hindi na nawala ang malawak na ngiti sa labi niya habang ang dalawa niyang braso ay nakayakap sa bewang ko at magkadikit ang noo naming dalawa.
Nandito pa rin kami sa quad kung saan matatanaw ang maraming butuin.
"Konti na lang mapupunit na 'yang labi mo sa kakangiti hahaha." Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko sa pagngiti. Mukha na akong timang dito.
"You don't answer my question." Ngumuso siya pero hindi pa rin mawawala ang bakas ng ngiti niya.
"Hindi mo pa nga ako nililigawan, eh. Tch." Nag-cross arms pa ako at tumingin sa ibang direksyon. Kunwari nagtatampo ako pero sa loob-loob ko ay mangingisay na ako sa sobrang kilig.
Pero seryoso siya, hindi niya ako liligawan? First time na first time ko tapos hindi ko man lang mararanasang ligawan?
"Is it required?" Naramdaman kong niyakap niya na ako nang tuluyan at siniksik ang mukha sa leeg ko. "Damn, you smell good, baby girl."
Mabuti na lamang ay medyo madilim at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko kaya hindi niya nakikita ang pangangamatis ng mukha ko. Pakshet! Ba't ang sweet naman nitong lalaking 'to? Parang kanina lang umiiyak 'to ah. Hahaha. "Hindi pwede 'yon. Kailangan mo 'kong ligawan."
"Tayo na kase, babe" sabay angat ng mukha niya at hinawakan ang baba ko para mapaharap sa kanya. "You're beautiful as ever, mi amore. Wanna kiss you roughly."
Ramdam ko ang init ng hininga niya na pumapaso sa balat ko at ang tibok ng puso kong walang tigil sa pagkabog.
Nakatitig lang kami sa isa't isa ngayon. Kitang-kita ko ang sarili ko sa brown niyang mga mata na bumabaon sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung paano nagagawa ng mga mata niya na higupin ako at dalhin sa sarili niyang mundo.
"Paano ka ba ligawan?"
"Paano ka ba manligaw?" Tinaas-baba ko pa ang magkabilang kilay ko. Gusto ko rin kase talagang maranasan kung paano ligawan ng lalaking mahal ko. Lahat ng babae pinapangarap 'yan.
"I never been courted girls before that's why I don't know how to do it. Could it be search on google?"
Napatawa ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "You're so cute. Try to talk with your buddy google then do it to me afterwards. Okay?" I kissed the tip of his pointed nose. Medyo naduduling na rin ako kase sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin.
"It is much better if you kiss my lip rather than my nose. What do you think?"
"Baliw ka hahaha. Siya nga pala bago ko tuluyang makalimutan, akala ko ang nakuha mong consequence before sa last survival game natin sa gubat ay ang halikan ako sa noo. Why did you do that?" Naalala ko kase na hinalikan niya na no'n na tumagal ng pitong segundo. Pitong segundong nawindang ang katawan ko at naging dahilan ng pagkatulala ko dahil lang sa isang halik. Takte.
"Hmm no. Kusa kong ginawa 'yon. I don't know I just wanted to kiss you on your forehead that time. Siguro pwede na rin gawing rason ang mapatahimik ka sa kakabanggit sa pangalan ni Mona and it was effective, right?" Sumilay sa labi niya ang isang ngising mapang-asar na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan.
"You're totally crazy." I don't know what to say. He's freakin' right! Umepekto talaga sa 'kin ang halik kahit itanggi ko pa. Akala ko talaga parte lang iyon ng laro pero inaamin kong natuwa ako sa ginawa niyang 'yon. Bakit naman hindi? Eh, kusa niyang ginawa 'yon at hindi dahil pinag-uutos ng isang laro.
"So where's my prize?"
Kumunot ang noo ko. "Anong prize? For what?"
"For doing that to you. 'Yong mga gano'ng simpleng bagay dapat may prize galing sa taong mahal ko. So where's my prize, baby girl?" Ang ngisi niya sa labi kanina ay napalitan ng ngiting may halok sabik. Para siyang batang excited na makuha ang premyo dahil sa pagkapanalo niya.
Pinisil ko muna saglit ang ilong niya saka hinalikan iyong muli. "It's that enough, baby boy?" sabay ngiti ko nang matamis.
Hindi siya nagsalita bagkus unti-unti niyang nilapit ang mukha niya para halikan ako.
Before he could reach my lip, I run away from him and wander. "Habulin mo 'ko! Hahahaha!" Tumigil ako saglit sa pagtakbo at binelatan siya.
"Ah, habulan pala, ah. Hahaha."
Tumakbo siya nang mabilis para mahuli ako.
I attempt to run from side to side para malito siya kung saan ako dadaan. "Hindi mo ako mahahabol. Bleh!" Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa habang tumatakbo kung saan-saan.
Para kaming mga batang naghahabulan sa ilalim ng maaliwalas na kalangitan na kumikinang sa sobrang daming butuin. Idagdag pa ang nagtataasang mga puno, malakas at sariwang hangin na nagpapalipad ng iilang mga dahon sa paligid.
"Ang daya mo. Mahuhuli rin kita. Hahaha." Muntikan niya pang maabot ang kanang braso ko nang bigla siyang lumapit sa 'kin.
Mabuti na lang nakaiwas agad ako kaya hindi siya nagtagumpay. "Weak! Hahaha!" Tumakbo pa ako nang malayo. Sa kakatakbo ko ay nawala siya sa paningin ko at hindi ko na siya nakita. Eh? "Xynon?" Tumigil ako saglit at naglakad.
Ba't nawala siya? Hindi ko makita kahit na anino niya. "Xynon? Baby boy? Hubby?" I tried to call him different names baka sakaling lumitaw siya bigla dahil sa kilig. Saan na siya nagpunta? Sinubukan ko ring palakasin pa ang boses ko baka sakaling marinig na niya ako ngayon habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. "Hubby? Sweety pie? Hunny bunch? Apple pie? Pizza pie? Aish. Nasaan ka?"
Lumingon ako kaliwa't kanan pero hindi ko pa rin siya makita. "Nasaan ka na ba?" Nagsimula na namang uminit ang sulok ng dalawang mata ko. Baka na-realize niyang hindi niya ako mahal kaya iniwan na niya ako o baka naman nainis siya kase nagpapaligaw pa ako? "O sige na nga, pumapayag na ako. Tayo na basta magpakita ka na sa 'kin. Kahit hindi mo na ako ligawan. Sinasagot na kita, Xynon!" sigaw ko sa kawalan.
Hindi naman siguro ako maririnig ng mga tao sa loob ng dormitory lalo na't lumalalim na talaga ang gabi. Baka tulog na rin sila.
"Xynon, tayo na. Girlfriend mo na ako mula ngayon. I love you!"
Wala pa ring bakas ng lalaking mahal ko sa harapan ko ngayon. Lumingon ako sa likod pero wala rin siya. "Nasaan ka na ba? Iniwan mo na ba ako?!"
Saktong pag-upo ko sa sahig ay siyang pagtulo ng luha ko. "Nasaan ka na ba kase, Xynon? Sinasagot na nga kita, eh! Ayaw mo ba no'n?!" sabay paghampas ko sa matigas na semento gamit ang dalawang kamay ko.
Don't pretend you're sorry
I know you're not 🎶
Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ko ang pag-strum ng gitara at ang malamig at magandang boses niya mula sa likod ko.
You know you got the power
To make me weak inside 🎶
Lumingon ako sa kanya. Bumungad sa akin ang mukha niyang nakangiti habang nakasabit sa katawan niya ang strap ng gitara.
Girl you leave me breathless
But it's okay 'cause
You are my survival 🎶
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na Drowning ng Backstreet Boys ang kinakanta niya.
Now hear me say
I can't imagine life
Without your love
Even forever don't seem
Like long enough 🎶
Gusto ko siyang tanungin kung saan siya pumunta pero mas pinili ko na lang na manahimik at makinig sa kanya.
'Cause everytime I breathe
I take you in
And my heart beats again
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love 🎶
Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya. Tagos na tagos sa akin ang lyrics ng kanta.
In fact, mula nang marinig ko ang kantang ito sa youtube, ito na ang naging favorite ko. Kahit pakinggan ko pa nang paulit-ulit, hindi ako nagsasawa.
Everytime I try to rise above
I'm swept away by love
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love 🎶
Lalo na ngayong kinanta niya ito sa harap ko? Mas nagkaroon pa ako ng rason para mas mahumaling sa kantang ito.
Maybe I'm a drifter
Maybe not 🎶
Hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti niya habang patuloy pa rin siya sa pagkanta ni hindi rin siya kumukurap.
'Cause I have known the safety
Of floating freely
In your arms 🎶
Lumapit siya sa akin at pinagdikit ang noo naming dalawa.
I don't need another lifeline
It's not for me
'Cause only you can save me
Oh can't you see 🎶
Nang ipikit ko ang mga mata ko, mas lalo kong naramdaman ang mensahe ng kanta na gusto niyang sabihin sa 'kin. Hindi man direkta at dinaan lang sa kanta pero alam ko na ito ang sinasabi ng puso niya.
I can't imagine life
Without your love
And even forever don't seem
Like long enough 🎶
Hindi na ako nag-abala pang punasan ang luha ko. Hinayaan ko itong dumaloy sa pisngi ko. Ngayon ko mas gustong maramdaman ang sayang nararamdaman ko na hindi ko pa nararanasan noon. Ganito nga siguro ang pag-ibig, 'no? It feels like magical.
'Cause everytime I breathe
I take you in
And my heart beats again
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love
Everytime I try to rise above
I'm swept away by love
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love 🎶
Kung tutuusin, ito rin ang gusto kong sabihin at iparamdam sa kanya. Hindi lang ako sa tingin niya nalulunod at nahihigop kundi pati na rin sa pagmamahal niya. Kaya siguro itong kanta 'to ang naging favorite ko kase sa kanya ko mararamdaman ang totoong kahulugan ng kanta. Kahulugan ng pag-ibig sa maling panahon at lugar pero totoong nararamdaman.
Go on and pull me under
Cover me with dreams, yeah 🎶
Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong dinikit niya ang labi niya sa 'kin habang kumakanta.
Love me mouth to mouth now
You know I can't resist
'Cause you're the air
That I breathe 🎶
His kiss represents that I am his air now. Pumikit ako ulit at tumugon saglit sa halik niya bago siya lumayo.
'Cause everytime I breathe
I take you in
And my heart beats again
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love
Everytime I try to rise above
I'm swept away by love
And baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love 🎶
Nagagawa niya pa ring maggitara kahit sobrang lapit namin sa isa't isa. Mga mata niyang nagpapakita ng labis na kasiyahan kahit hindi niya man sabihin. Mga mata niyang walang buhay rati pero ngayon ay kaingkulay na ng bahaghari at kasingbuhay na ng hampas ng alon ng karagatan na mas lalong maririnig at makikita tuwing gabi.
Baby I can't help it
Keep me drowning
In your love
I keep drowning
In your love
Baby I can't help it
Can't help it no, no 🎶
Ngayon ko lang mas napatunayan na tama ang naging desisyon ko. Tama na ipaglaban ko siya at panindigan ang pagmamahal ko para sa kanya.
'Cause everytime I breathe
I take you in
And my heart beats again
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love
Everytime I try to rise above
I'm swept away by love 🎶
Kung para sa iba mali ang desisyon na ito, sige mali na kung mali pero ang maling ito ang nagpapasaya sa akin nang husto.
Baby I can't help it
You keep me
Drowning in your love 🎶
Dahil ang taong nasa harap ko ngayon ang lalaking mamahalin at pipiliin ko nang paulit-ulit kahit na mali. Mali para sa kanila pero para sa akin siya ang naging tamang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko.
"I love you so much, darling," bulong niya matapos niyang kumanta at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Ayos ba ang panliligaw ko?" sabay tawa niya nang marahan, pag-alis ng gitara sa katawan niya at inilapag iyon sa semento.
Naging musika ang tawa niya sa pandinig ko. Sobrang sarap pakinggan.
"Pero alam mo rin ba? Kahit na maging tayo, liligawan pa rin kita dahil alam mo kung bakit?" Mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya sa 'kin hanggang sa magdikit ang tungki ng ilong naming dalawa. "Dahil ang panliligaw hindi lang sa umpisa ginagawa, panghambuhay na ginagawa 'yan. Panghambuhay na panata kasabay ng walang-hanggan na pagmamahal." Pinunasan niya ang mga luhang lumalabas sa dalawang mata ko gamit ang parehong hinlalaki niya. Dahan-dahan siyang bumaba para itungkod ang kaliwang tuhod niya sa semento at hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "I want to put my last name on you but that can wait, right?"
Tumango ako ng tatlong beses at pinisil ang kamay niya. Mas lalo lang akong umiiyak sa ginagawa niya ngayon. Damn, sobrang swerte ko.
"Lyka, my air, my survival. Will you be my girlfriend?"
Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano tumulo ang luha niya mula sa kanang mata.
Sabi nila kapag daw tumulo ang unang luha mo sa kanang mata, sinisimbolo nito ang kaligayahan.
"Oo Xynon, sinasagot na kita kahit maging asawa mo na ako ngayon pa lang. Pumapayag na ako agad." Wala na akong pake kung magmukha na akong desperada maging asawa niya pero mas gugustuhin ko pang makita ang pangalan ko na may huling pangalan niya.
Agad siyang tumayo at binuhat ako habang paikot-ikot niya akong niyakap sa ere. Mayamaya lang ay ibinaba niya ako. Basang-basa na ng luha ang pisngi niya pero nakaukit pa rin sa labi niya ang malapad at matamis na ngiti. "Papatunayan ko sa 'yo na hindi ka nagkamaling piliin at ipaglaban ako. Papatunayan ko sa 'yo ang pag-ibig ko kahit na nasa maling pagkakataon tayo. Mahal na mahal kita, Lyka. Higit pa sa sobra." Hinalikan niya ang noo ko ng ilang segundo at pinagdikit na naman muli ang noo namin. "Kahit na hindi kita nakilala rito sa Romino Las Defa, mamahalin pa rin kita, may rule man o wala. Bawal man o hindi basta ang alam ko, ipaglalaban kita, ipaglalaban ko itong pagmamahalan natin kahit na ano pang mangyari."
"Nasa maling sitwasyon man tayo pero ang pagmamahalan nating dalawa ang magsisilbing tama at maipagmamalaki natin sa iba. Mahal na mahal din kita, Xynon."
Dahan-dahang niyang nilapit ang labi niya sa 'kin hanggang sa magdikit itong muli. Tumugon ako sa matamis niyang halik hanggang sa unti-unti itong lumalim katulad ng paglalim lalo ng gabi.
Ngayon ko lang napagtanto na kahit may rule na nag-e-exist sa lugar na kung nasaan kami ngayon, hindi pa rin nito mapipigilan ang bugso ng damdaming nararamdaman namin pareho. Kahit na ipagbawal man, maghahanap at maghahanap pa rin kami ng paraan para ipaglaban ito.
Ngayon ko lang din naintindihan na minsan hindi masamang piliin natin ang sarili natin pagdating sa pag-ibig kahit na may iniisip tayong nararamdaman ng ibang tao lalo na kapag isang kaibigan pa. Hindi naman ibig sabihin na pinili mo ang sarili mo, eh, makasarili ka na. Ibig sabihin lang no'n ay pinili mong manindigan sa alam mo kung saan ka mas lalong sasaya.
Sinasabi ng puso ko na sundin ito kase alam niyang si Xynon ang magpapasaya at magpapawala ng sakit na nararamdaman ko pero kasalungat no'n ang sinasabi ng utak ko, tumigil kase walang mapapala at masasaktan lang sa huli. Battle between heart and mind ang nagaganap kumbaga.
Pero minsan, hindi masamang sundin ang puso kesa sa sinasabi ng utak na kasalungat sa kung anong nararamdaman natin. Magkamali man tayo, sige akuin natin ang consequence pero hindi pa rin maiaalis no'n ang sayang dinulot ng naging desisyon natin.
Handa akong akuin lahat ng sakit at parusa na ibibigay sa 'kin sa huli. He's worth the pain after all.
Nang kapusin na kami pareho ng hangin, bumitaw kami at natawa pareho. Hindi pa rin pala nauubos ang luha naming dalawa. Patuloy pa rin ito sa pag-agos. Ni wala man lang sa amin ang nagpunas niyon.
Minsan kase sa ganitong sitwasyon, mas masarap sa pakiramdam na hayaan muna nating umagos ang mga luha natin nang malaya at hindi pinipilit dahil sumisimbolo naman ito ng labis na kasiyahan.
Hindi man kami humagulhol pero nararamdaman ng puso naming dalawa ang halo-halo at nag-uumapaw na emosyon.
"May 11, 2020, remember this day. Remember this night where the stars are twinkling freely up the sky, we're in a relationship now," he whispered.
"This night will never be forgotten, Xynon. This night will be the most memorable and unforgettable event that happened in my life," I whispered also while staring at him directly.
"You're my survival, Lyka."
"You're my safe haven, Xynon."
"Lyka, gising. Nananaginip ka."
Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko kaya napamulat ako ng mata.
"Susmaryosep, Lyka, akala ko hindi ka magigising." Kahit tanging lampshade lang ang
nagsisilbing ilaw, bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Lovelle.
"Bakit?" takang tanong ko. Nilibot ko saglit ang paningin ko. Nasa kwarto ako. Anong nangyari? The last time I checked I was in quad with Xynon. What the hell did just happened? "Ba't ako nandito?" sabay tingin ko ulit sa kanya.
"Ha? Malamang natutulog ka kaya ka nandito. Pasado alas-dos na ng umaga, ginising kita kase umiiyak ka. Hawakan mo ang pisngi mo." Nanatili pa rin siyang nakatingin sa 'kin nang may halong pagkakunot ang noo. Mukhang nagtataka yata siya sa 'kin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Totoong basa ang pisngi ko ng luha ko. "Ibig sabihin panaginip lang ang lahat?" Panaginip lang ang pag-amin at halik naming dalawa? Panaginip lang ang habulan at pagkanta niya? Maging ang yakapan? T-Tangina?
"Ano bang sinasabi mo r'yan? Lasing ka pa rin ba? Haha."
Hindi ko magawang tumawa. Nanunubig ang mga mata ko. Napapikit ako at tumulo na ang luha ko. "P-Panaginip lang ba lahat? A-Akala ko totoo na." Pero bakit gano'n? Bakit pakiramdam ko totoo lahat? Nararamdaman ko talaga ang halik at yakap niya. Maging ang mensahe ng kanta, tagos na tagos hanggang sa puso ko. Ramdam na ramdam kong totoo lahat.
"Hey, ba't ka umiiyak? Ano bang napaginipan mo? Mind to share?"
Umiling lang ako at tumalikod mula sa kanya. "Nasaan ako bago ako matulog?" Wala pa ring awat sa pagtulo ang luha ko. Gusto kong malaman kung nasaan ako bago ako makatulog. Ang huling natatandaan ko talaga ay nasa quad ako at kasama ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pwedeng panaginip lang ang lahat.
"Nasa sala tayong lahat at kinausap tayo ni Kuya Eduardo at Ma'am Merlyn para sa survival game natin na mangyayari mamayang hapon."
The fuck?
[Did the song touched your heart? It's my fave song actually. Sobrang ganda kase ng lyrics for me kaya 'yan ang pinili kong kanta for them. You can check it out on youtube, loves. Thank youuu! Hope you like this chapter.]