webnovel

SURVIVAL ROMANCE

Hartsley · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
22 Chs
avataravatar

THIRTEEN

"Pumunta na kayong gubat ngayon at kailangan niyong bumalik bago magdilim." Halos itulak na ako ni kuya palabas ng dormitory kase kanina pa ako hindi gumagalaw.

Mula nang malaman ko na switching partner ang mangyayari, pakiramdam ko magkakasakit ako. Hindi ko alam pero ang sama ng pakiramdam ko.

"Lyka, okay ka lang ba?"

Napalingon ako kay Mona nang magtanong siya sa 'kin. Ngumiti ako nang pilit saka tumango. "Biglang sumakit ang ulo ko."

Kitang-kita ko sa mga mga mata niya na nag-aalala siya para sa 'kin. "Gusto mo na sabihin ko kay Kuya para makapagpahinga ka na muna?"

Awtomatikong napatingin ako kay Xynon na katabi lang ni Mona. Kanina pa niya ako hindi tinitingnan. Geez, ba't niya naman ako titingnan? Aish.

"Tanghaling-tapat pupuntang gubat. Ang init-init, eh," rinig kong reklamo ni Shiro. "Lyka, halika na." Agad niyang hinawakan ang kamay ko.

Bago kami tuluyang makalayo, nakita ko kung paano tumingin sa 'kin si Xynon nang nakakunot ang noo habang si Mona naman ay nakangiti at naghand-gesture pa sa akin ng 'bye.'

"Shiro, dahan-dahan lang masakit ang ulo ko," sabi ko at kumawala sa pagkakahawak sa kamay niya. Bumungad sa 'kin ang hampas ng hangin nang makalabas na kami ng dormitory.

"Ha? Ba't hindi mo sinabi?" Gusto mo ba bumalik tayo sa loob? Magpahinga ka na muna?"

"Hindi na. Gawin na lang natin ang survival game." Nauna na akong naglakad habang nasa likod ang mga kamay ko. Pumikit ako saglit para damhin ang sariwang hangin.

Nang makatapak na ang paa ko sa gubat, naaninag ko silang dalawa na paparating habang nagkukwentuhan. Si Mona ay may paghampas pang nalalaman sa braso ni Xynon habang siya naman ay nakangiti lang palagi sa dalaga.

Ba't ang bilis yata ng development ng dalawa? May nangyari bang hindi ko nalalaman?

Ako nga, hindi ko mahampas 'yang si Xynon pero si Mona, nagagawa niya? Ang malala pa pumapayag lang si Xynon. Kung hampasin ko rin kaya siya nang may kasamang…

"Bakit Lyka? Hihintayin mo pa ba sila?"

Bigla akong napatingin kay Shiro na ngayo'y nakakunot ang noo sa 'kin at pasulyap-sulyap sa kanila.

"Ah, hindi. Hali n—"

"Guys!"

Bakit gano'n? Bakit naririndi ako sa boses niya?

Lumapit sa 'kin si Mona na ngayo'y sobrang lawak ng ngiti at hinawakan pa ang magkabilang kamay ko. "Sabay na tayong apat!"

Hindi ako ngumiti,  nakasimangot lang ako sa kanya. "Magkakalaban tayo. Ba't kami sasabay sa inyo?"

"Ay?" reaksyon niya.

"Mona, let's go," aya sa kanya ni Xynon.

Mabilis kong napaikot ang mata ko sa eksena ng dalawa. How sweet.

"Ah, sige. Mauna na kami," paalam nito.

Tanging tango lang ang sinagot ko at hinila ko si Shiro papasok ng gubat. "Ano nga ulit ang survival game natin ngayon?"

"Kailangan daw nating hanapin yung limang flag na magkakaiba ang color: red, blue, white, black and yellow. Every color has a consequence or question na i-aattached ang sagot sa likod ng flag. Hindi raw natin sasabihin sa isa't isa ang consequences na gagawin natin. Pag-uusapan na lang daw 'yon pagbalik natin ng dorm. Paramihan din tayo ng makukuhang flag."

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Anong mangyayari sa mananalo at matatalo?"

"Kung kaninong team ang matatalo, lilinisin ang buong dormitory sa loob ng isang linggo."

"What?!" Jusme! Ang laki-laki ng dormitory, eh! "Kailangan nating manalo! Ayaw kong maglinis!"

Tumawa siya nang mahina sa reaksyon ko. "Kaya nga umpisahan na natin. Mauunahan tayo ng dalawa."

"Maghiwalay tayo para matapos natin agad. Ayaw kong maabutan ng dilim dito." Naalala ko 'yong first survival game namin na pangangaso, kinagabihan n'yon ay nakakita ako ng tabby cat na napagkamalan kong tigre. "Dito ako sa kanan, d'yan ka sa kaliwa."

"Okay sige. Be careful. Sumigaw ka lang kapag may nangyaring masama sa 'yo para mapuntahan agad kita." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko pagkatapos ay tumalikod na siya sa 'kin at nag-umpisa nang maglakad palayo.

Ngumiti ako bilang sagot at hinintay ko siyang mawala sa paningin ko bago ako maghanap.

Saan kaya ng parte ng gubat tinago ang  flags? Sa laki nitong gubat, hindi ko alam kung saan magsisimula. Baka mamaya nasa sanga pala ng puno nakasabit. Geez.

"Xynon? Where are you?!" rinig kong sigaw ni Mona sa kawalan.

Napakunot ang noo ko at lumingon sa paligid pero hindi ko sila makita.

"Xynon? Help! Help! Aahh! May tiger! Help, Xynon!"

Tiger? Sinundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw niya at hinawi-hawi pa ang mga nakaharang na malalaking sanga sa daan.

"Help, Xynon! Aahh! Huwag kang lalapit sa 'kin hahampasin kita nitong kawayan! Binabalaan kita! Aahh! Xynon, help!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad para tulungan siya. Kahit naman na naririndi ako sa boses niya ngayon hindi pa rin sapat na dahilan 'yon  para pabayaan ko na lang siya. Baka mamaya tabby cat lang ang nakita niya. I need to help her. Nagkahiwalay kaya sila ni Xynon kaya mag-isa lang siya? Hays. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot-sagot mula nang maging close silang dalawa.

"Huwag kang lalapit sa 'kin! Papatayin kita!"

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang boses niya. Ibig sabihin lang no'n papalapit na ako nang papalapit sa kinaroroonan niya.

"Xynon, help me please?! Where are you? I need you! I-I'm scared!"

Mula sa pwesto ko, apat na metro mula sa kanya kitang-kita ko kung paano siya tingnan ng isang tigreng kasinglaki ng three years old na aso. Kumuha ako ng malaking kahoy na makapal para gawing panaksak dito.

"Xynon!" Nakikita ko na umiiyak na siya dahil namumula na ang mukha niya habang patuloy sa pag-atras.

"Mon—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang makita ko kung paano  lumitaw si Xynon sa tabi niya na animo'y kidlat sa sobrang bilis.

Pinalo niya ito nang paulit-ulit hanggang sa tumigil siya. Humarap siya kay Mona at inayos ang buhok nito. Gumalaw ang bibig niya na para bang may sinasabi sa dalaga.

Nakita kong tumango si Mona habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Pakiramdam ko hindi ako makagalaw sa sumunod na eksenang nakita ko.

Nakita ko kung paano yakapin ni Mona si Xynon dahil sa sobrang takot at yumakap din siya pabalik sa kanya sabayan pa nang paghaplos sa buhok para mapatahan at mawala ang takot niya.

Agad akong tumalikod at ginawang tungkod ang malaking kahoy na kinuha ko kanina para hindi ako matumba. Bigla na lang nanlalambot ang mga tuhod ko. Kulang yata ako sa kain kanina.

Dahan-dahan akong humakbang palayo habang nakatingin sa daan nang biglang humangin nang malakas. Hindi naman ako napuwing pero biglang nanubig ang mga mata ko.

Tumingala ako para tingnan ang asul na kalangitan. Ang ganda ng panahon ngayon, maaliwalas pero ba't gano'n parang ang lungkot niya habang tumatagal na tinititigan ko ito? Ang weird ng araw na 'to pati ang atmosphere ng paligid tahimik at malungkot tapos masama pa ang pakiramdam ko. Nanghihina at sumasakit pa ang ulo ko. Kailangan ko na makakita ng flag. Ayoko ng tumagal dito.

Bago ako tuluyang makalayo sa pinagtatayuan ko ngayon, lumingon muna ako sa likod ko pero wala na ako ulit nakita. Umalis na pala silang dalawa. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglakakad habang hawak-hawak pa rin ang malaking kahoy. "Hayy buhay." Huminga ako nang malalim kasabay ng pagtingin ko sa kawalan. "Kailan ko ba makikita ang mga flag na 'yan? Naaasar na ako, ah!"

Saktong pagtingin ko sa baba ay may napansin akong itim na tela na nakakasabit sa isang sanga na gawing kaliwa ko. Kinuha ko ito nang makakita ako ng papel na nakadikit dito.

'Kailangan mong sampalin ang lalaking kalaban mo.'

What? Sampalin? Tiningnan ko pa ang likod nito kung may nakasulat pang iba kaso wala na. Ibig sabihin ito ang consequence na gagawin ko? Sasampalin ko ang lalaking kalaban ko? Si Xynon? "Ano bang klaseng consequence 'to?! Argh!" Saan ko hahanapin si Xynon para magawa ang dapat kong gawin? Sa sobrang laki nitong gubat baka hindi ko na siya muling makita! "Ano ba kaseng pakulo ang ginawa ng magkakapatid. Ang dami nilang alam."

Bumuntong-hininga ulit ako at napahilamos sa mukha ko bago ako ulit maglakad. Kailangan ko siya makita ngayon din. "Xynon, nasaan ka na ba?"

Kanina pa ako palakad-lakad dito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Kailangan na kitang makita para masampal na kita. "Huwag mo naman akong pahirapan magpakita ka na. Kanina pa masama pakiramdam ko." Yumuko ako at umupo sa malaking trosong nakita ko. Dapat pala nagpahinga na lang muna ako at hindi ko na pinilit ang sarili ko. "Nasaan ka na ba, Shiro?"

"Why are you alone?"

Lihim akong napasinghap nang marinig ang pamilyar na boses galing sa likod ko. It's him.

Naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin at huminto sa mismong harap ko.

Kitang-kita ko ang dalawang paa niyang may mga kaunting sugat dahil sa matutulis na sanga rito sa gubat. Umangat ang ulo ko para makita siya. Nasaktuhan pang tumama ang sinag ng araw sa ulo niya kaya nasilawan ako nang tingnan ko siya.

Na-realize niya yatang nahihirapan akong tingnan siya kaya gumalaw siya pa-kanan para takpan ang sinag ng araw. "Why are you alone? Where's Shiro?"

"H-Hindi ko alam." Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang puso ko nang makita ang dalawang braso niya. 'Yan lang naman ang mga brasong yumakap sa kaibigan ko. Mga brasong nagpatahan sa kanya sa pag-iyak. Nanatili na lamang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"May nakita ka na pa lang flag. If you don't mind, can I sit beside you?"

Tumango ako at tiningnan ang flag na hawak ko. Oo nga pala, kailangan ko pa pala siyang sampalin baka mamaya hindi ko pa ito magawa kapag umalis na siya agad.

Humarap ako sa kanya nang tuluyan na siyang nakaupo. Walang sabi-sabi, bigla ko siyang sinampal nang malakas sa kanang pisngi niya na ikinabigla niya. Naalala ko ulit kung paano siya yakapin ni Mona.

*PAK*

Sinampal ko ulit siya nang malakas sa kaliwa nang makita ko sa isip ko kung paano niya yakapin ito pabalik. Kahit na hindi ko sila makita nang harap-harapan, alam kong komportable sila pareho sa yakap ng isa't isa sa kung paano sila kakomportableng magsama nitong mga nakaraang araw.

"What the!" asik niya habang nakakunot ang noo na may halong pagkainis.

Ewan ko ba pero hindi man lang ako nakakaramdam ng takot nang tingnan niya ako ng gano'n. Bumalik na ulit ako sa kung ano ang pwesto ko kanina at ipinikit ko ang dalawang mata ko.

"Why did you slap me?" Pilit niyang inaabot ang braso ko para humarap sa kanya pero sadyang matigas ako.

Hindi ako humarap sa kanya.

"Are you deaf? Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo ba't mo ako sinampal ng dalawang beses?"

Naalala ko bigla ang sinabi ni Shiro na huwag daw namin sasabihin sa isa't isa kung ano ang consequences na makukuha namin.

Naramdaman ko na lang na tumigil na siya kakahila sa braso ko kaya minulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa 'kin ang mukha niya na malapit sa 'kin. Ilang pulgada na lamang ang layo at pwede nang maglapat ang labi namin pareho. "A-Anong ginagawa mo?"

Bumalik sa pagiging blanko ang mga mata niya kasabay ng itsura niya. Hindi rin siya kumurap sa pagkakatitig sa 'kin. "I'm asking you."

Palihim akong lumunok dahil sa kabang nararamdaman ko. Ito na naman ako parang nalulunod sa titig niya. Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan kung ba't ko ginawa 'yon. Aish. "W-Wala, trip ko lang na s-sampalin ka." I know I have the lamest alibi right now but what else I can do?

"Trip? Trip mo lang na sampalin ako? Eh, kung gawin ko rin kaya 'yon sa 'yo?"

"G-Gawin mo." D*mn. Saan ko ba nakukuha ang lakas ng loob na magsalita ng gano'ng bagay? "Huwag na pala. Masama pakiramdam ko, kailangan ko nang maghanap ulit ng flag." Tinulak ko siya nang malakas para makaalis na ako.

Nakokonsensya ako sa ginawa ko. Bakit? Una, sinampal ko siya ng dalawang beses tapos ngayon muntikan na siyang mapahiga sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Pero ginawa ko lang naman kung ano ang dapat 'di ba? Saka ba't ba siya nandito bakit hindi sila magkasama ulit ni Mona?

Naglakad na ulit ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya. Halos sumubsob na ang mukha ko sa maskulado niyang dibdib.

"I'm not yet done talking to you but you pushed me hard then you walked away."

Umangat ang tingin ko at nagtama ang mata naming dalawa "Hindi ka dapat nandito nakikipag-usap sa 'kin. Hindi ba dapat kasama mo si Mona ngayon? Baka mamaya sumigaw ulit 'yon para hanapin  at yakapin ka dahil sa sob--"

Natigilan ako bigla nang maramdaman kong dumikit ang malambot niyang labi sa noo ko.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito.

Pito? Pitong segundo ang itinagal bago siya humiwalay, tumalikod at humakbang papalayo sa 'kin nang wala man lang sinasabi kahit na isang salita samantalang ako rito ay naiwang nakatulala.

(Mona)

Minutes have passed since Xynon and I decided to parted our ways once again. At first, ayoko nang pumayag baka mamaya makakita na naman ako ng tiger na tabby cat pala. But then he assured me that it won't happen again. Naniniwala naman ako sa kanya na hindi niya ako pababayaan 'cause that was what he did and proved to me earlier.

Umupo ako sa malaking bato na nakita ko habang palinga-linga sa paligid na baka makita ko ulit siya. Bigla na lang ako napangiti ng wala sa oras. I remember again how he saved me from that huge cat. How he embraced me and caressed my hair gently to make me calm. I didn't know na may gano'n pala siyang side na kayang magpakalma sa isang babae.

And yeah, I'm just fooling myself if I still deny the fact that I'm getting more comfortable to him than Shiro. And yes! Ack! I'm shy to admit this pero nitong mga nakaraang araw na lagi kaming magkasama ni Xynon, unti-unti na ako nagkakaroon ng paghanga sa kanya.

Ah, how can I explain this? Ahm, sa ilang weeks naming pagiging partner ni Shiro kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kakaiba sa kanya na higit pa sa isang kaibigan. Yes, I'm concern to him because I am his partner and he's my friend. Wala akong nakikitang dahilan para mawala ang nararamdaman kong 'yon pero mula nang maging close kami ni Xynon, I felt something in my heart. Araw-araw ko siyang hinahanap, gustong makakwentuhan at maging katawanan sa mga kwento ko. At sa nangyari ngayong araw? Mas lalo lang lumalim ang paghanga ko sa kanya like d*mn! Argh! He's a good catch! He's like a man that every woman's ever dream guy! Sa likod ng masungit niyang mukha may tinatago  siyang sweetness sa katawan. Ack!

Wala rin naman sigurong magagalit 'di ba? I mean, he has no girlfriend o babaeng nililigawan kaya okay lang na magkagusto ako sa kanya. Wala rin namang kinalaman dito si Lyka since mag-partner lang naman sila. Nothing more, nothing less. Just pure. There's nothing to worry about, hihi. In fact, sa kanya pa nga ako magpapatulong para mailakad niya ako kay Xynon, eh. Alam ko kase na siya lang ang makakatulong sa 'kin since mag-partner silang dalawa. Bongga 'di ba? Hahaha.

"Mona?"

Agad akong lumingon sa gawing kaliwa ko nang makita si Shiro. Ngumiti ako sa kanya nang malapad at sinalubong siya. "Hey! It's been a while since the last we've talk!" Yeah, mula nang makasama ko si Xynon hindi na kami gaanong nakakapag-usap ni Shiro.

"Y-Yeah." He smiled a little at lumingon pa sa paligid. "Where is he?"

"Oh, si Xynon? Umalis muna maghahanap lang daw siya ng makakakain ko." 'Yan ang sinabi niya sa 'kin. Nagugutom kase ako kaya nag-insist siyang maghanap ng food for me.

"Ah, gano'n ba?"

Tumango ako nang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko. Sino ba namang hindi mapapangiti kung ang crush mo ay hahanapan ka ng makakakain. Kyah!

"Ah, Mona?"

Kumunot ang noo ko nang makita siyang namumula habang nakahawak sa batok niya. "Why? May problema ba? You can tell me about it." May problema yata ang original partner ko. Hmm. I should help him. Nasaan kaya si Lyka? Ba't hindi sila magkasama?

"I just wondering how did you tw–"

"Mona."

Sabay kaming napalingon ni Shiro sa  kanan ko. Napangiti ako nang makita ulit siya ng may dalang tatlong mangga. "Xynon!" Sinalubong ko siya nang malawak na ngiti at yakap saka kinuha sa kanya ang mga mangga. "Mabuti na lang nakabalik ka agad! Kanina pa kita hinihintay!"

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti sabay tingin naman kay Shiro. "Hey."

"What's up? Sinamahan ko muna saglit si Mona, nakita ko kase siyang nag-iisa," sabi ni Shiro at ngumiti nang kaunti.

"It's okay. Thank you for accompanying her."

How sweet, Xynon! Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Ahhh, I'm blushing! May naramdaman din akong pitik sa dibdib ko. My god!

"Sige, alis na ako. Hahanapin ko pa si Lyka."

"I saw her. Nandoon siya sa gitna ng gubat malapit sa malaking troso na nakahiga."

"Thank you. Gotta go. Ingat kayong dalawa."

Pinanood ko siyang humakbang palayo nang maaalala ko na may itatanong pala siya sa 'kin. Siguro mamaya ko na lang siya tatanungin.

"Kumain ka na bago tayo ulit maghanap."

I smiled and nodded thrice. Inumpisahan ko nang balatan ang mangga. "Wait, you want?" Inabot ko sa kanya ang isang mangga pero umiling lang siya.

"Para sa 'yo talaga 'yan" sabay ngiti na naman niya.

Konting-konti na lang talaga magco-collapsed na ako rito sa kilig! Shet! Sobra-sobra na 'yong mga ginagawa niya para sa 'kin ngayong araw! Jusko!

Kumain ako nang may ngiti sa labi nang makakita ako ng red flag. "Hala!" Dahan-dahan akong humakbang papalapit dito habang si Xynon ay busy sa pag-aayos ng mga sanga. "Gotcha!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang nakasulat sa papel.

'Kiss your partner on the cheek.'

Oh my god! Wait, ba't ang swerte ko?! Aaaahhhh!!

Bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina at tinago ang flag sa likod ko. Habang nakatalikod siya, I grab this chance to kiss him on his cheek na ikinahinto niya sa kanyang ginagawa.

Humarap siya sa 'kin nang nanlalaki ang mga mata. "W-Why did you d-do that?"

"Thank you for everything," I whispered and smiled at him once again.

****

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa gubat ni hindi ko na nga alam kung saan ako papunta. Unti-unti ng nawawala ang araw hudyat na papagabi na. Kailangan na namin makabalik ni Shiro na ngayo'y kasama ko na. "Okay ka lang ba?"

Ngumiti siya sa 'kin nang kaunti. "Yeah, halika na. Balik na tayo sa dorm."

Mula nang magkita ulit kanina, ang lungkot ng mukha niya. Tinanong ko siya kung okay lang ba siya at isang ngiti lang ang sinagot niya sa 'kin. Hindi ko naman na siya pinilit na magsabi kung anong nangyari sa kanya basta handa akong makinig kahit ano pa 'yan.

"Lyka, 'di ba nagkagusto ka na?" Biglang tanong niya habang nakatingin sa kalangitan.

"Bakit?" Broken-hearted kaya siya? Kung oo, kanino naman?

"Ah, wala nevermind. Hehe." Tumingin siya sa 'kin sabay umiling.

Kahit na ngumiti siya sa 'kin nang malapad hindi pa rin maitatago ang lungkot sa mga mata niya.

Sabi nga nila, kahit dayain mo pa ang ibang tao sa kung ano man ang totoo mong nararamdaman, makikita at makikita pa rin 'yan sa mga mata mo. Kahit pilitin mo mang ngumiti at tumawa nang malakas , hindi pa rin sasapat 'yon para pagtakpan ang sinasabi ng mga mata mo.

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo, I just want you to know that I'm just here willing to lend my ears."

"T-Thank you."

Alam kong pagod na rin siya sa araw na 'to kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya. "Let me hold your hand to guide you throughout the way.  This time, I'm your partner so you're my responsibility now."

"You don't have to do this, Lyka. I'm fine, perfectly fine."

"No. Maloloko mo na ang lahat pero hindi ako." Naglakad ako  paatras para makaharap siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya. "Just hold my hand, okay? Hindi kita pababayaan."

"Ang swerte ni Xynon sa 'yo."

Pagkabanggit niya sa pangalan ng lalaking kanina ko pa winawaglit sa isipan ko, naalala ko ulit ang ginawa niya sa 'kin. Naisip ko na wala lang 'yon o baka trip niya lang na halikan ako sa noo. "Ano namang kinalaman ni Xynon dito?" Panaka-naka akong tumingin sa likuran ko para hindi ako mabangga.

"Ang sweet mo. Hahaha. Kung makikita lang tayo ng iba baka isipin nilang mag-syota tayo. Hahahaha." Hinawi niya ang malaking sanga na humaharang sa dadaanan ko.

"Baliw hahaha. Swerte naman sa 'yo si Mona."

Kung kanina ay malawak ang pagkakangiti niya, ngayo'y parang pilit na lang. "Ano namang kinalaman niya rito?" Sinubukan niya pang pasiglahin ang boses niya pero hindi nakaligtas sa mata ko ang lungkot na nararamdaman niya.

I knew it. He's hurt because of her.