webnovel

Kabanata 9

Britney's p.o.v

Hawak ako ni Cecelia sa braso habang magkasama kaming dalawa na naglalakad palabas ng canteen, tahimik lang siya pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib ngayon, eh paano na di ko yun mararamdaman sa higpit ba naman ng hawak niya sa braso ko na dinaig pa niya ang gusto ng ibaon ang kuko niya dito, ang sakit kaya.

"teka nga lang muna Cecelia!" bulyaw kong sigaw sakanya saka ako pumiglas sa pagkakahawak niya, nabitawan naman niya ako kasabay ng paghinto namin sa paglalakad.

"ano ba kasing problema niyo ng long lost friend mo na yun at pati ako nadadamay, ang sakit ng kuko mo na para bang gusto mo na yata ibaon sa beautiful skin ko, oyh maawa ka naman 'te, ang mahal ng sabon na ginagamit ko para lang maalagaan ang kinis nito" dagdag ko na banggit sakanya na para bang gusto niya akong tawanan sa reaksiyon ng kanyang mukha.

"mabuti ka nga kasi sabon lang ang katapat kapag nasira ang balat mo eh saakin, friendship ang nawala kasama na ang tiwala kaya di na ako magtataka kung isang araw ay ganun din kayo sa akin at pipiliin niyo na sumama na lang sa Aubrey na yun" parang nagdadrama niya na sagot sa akin, napabuntong hininga ako bago sumagot sakanya.

"ano ka ba naman, di kita iiwan kasi kaibigan mo ako di ba, no perfect human in this world depende na lang sa paningin mo sa iyong sarili kasi ang mahalaga lang naman sa buhay ng tao ay ang ang magpakatotoo at tanggapin ang mga nakalipas na kasama na dun ang lungkot at saya" medyo ewan kong payo sakanya tapos bigla niya na lamang akong niyakap.

"thank you for being faithful with me as my friend" sambit niya pa habang nakayakap sa akin, napayakap nalang din ako sakanya.

"I will always be your best friend not just for the happiness but also in sadness and in pain" sagot ko naman saka kami kumalas ng pagkakayakap sa bawat isa.

Napatingin bigla kami sa isang tao na dumating mula sa loob ng kanten, si Tina na napahinto ng paglalakad ng nakarating na sa puwesto ng kinatatayuan naming dalawa.

"anong ginagawa mo? bakit sumunod ka pa saamin? dun ka na lang sa bago mong kaibigan total di ba masaya ka kasama siya?" masungit na pananaboy ni Cecelia kay Tina.

"ano bang pinagsasabi niyo, nauna na naging kaibigan ko kayo bago siya saka di ba pwede naman na maging magkakaibigan naman tayong apat di ba?" masiglang sagot ni Tina na di nagustuhan ni Cecelia.

"she right, kung ano man ang naging problema ninyo dati ni Aubret eh baka ito na ang tamang panahon para ayusin ninyong dalawa" dagdag ko naman sa sinabi ni Tina, napaisip si Cecelia bago siya sumagot sa amin.

"nevermind, once a glass has broken then maybe it back but still not the images before it is" sagot niya saka siya nagsimula na humakbang ng lakad, sumunod naman kaming dalawa ni Tina sakanya.

"pero sa tingin ko naman ay mabait siya at may part pa rin sakanya na nagpapahalaga sa pagiging magkaibigan ninyo dating dalawa, nararamdaman ko yun, trust me" pagmamapilit ni Tina, napahinto kaming tatlo sa paglalakad saka hinarap siya ni Cecelia with a fierce look.

"alam mo Christina Bantutita, kung gusto mo siya na maging friend kaysa sa amin then go, why don't you come with her than us, di ka naman namin pinipigilan kung kanino mo gusto sumama total ikaw naman ang may hawak ng buhay mo saka matalino ka lang naman but still not worth it na kaibigan" pananaray na salita ni Cecelia, kahit hindi ako ang sinabihan niya ng mga salita niya pero parang ang sakit naman yata lalo na siguro kay Tina kasi siya na ang pinagsalitaan mismo.

"matalino pero di worth it na kaibigan? wow naman Cecelia, grabi ka sa akin makapagsalita ng ganyan matapos kitang tulungan sa mga school works mo para di ka bumagsak sa mga subject natin na mahina ka tapos ito lang ang sasabihin mo sa akin, hindi ako worth it na kaibigan" ramdam ang sakit sa tono ng boses ni Tina sa mga binitawan niya na salita siguro kahit ako din ang sabihan na hindi worth it na kaibigan after kong tulungan ay ganyan din ang mararamdaman ko eh baka nga sinabunutan ko na ang babaeng ito.

"bakit, sinabi ko ba na tulungan mo ako, di ba hindi naman? you have initiated it so wala akong utang na loob sayo girl kaya don't act like this" nakakapikon na sagot ni Cecelia, nagsimula ng bumakas sa mukha ni Tina ang galit niya pero pinipigilan niya ito na magkasakitan silang dalawa, mabait kasi si Tina. She must chose to be hurt than other.

"sana di mo pagsisihan ang mga sinabi mong yan, ang sakit Cecelia, pati ako dinamay niyo sa away ninyong dalawa ng dati mong kaibigan, kahit di namin alam ang totoong nangyari sainyo eh baka nga siguro na ikaw ang may mali at rason kung bakit kayo nagkakagalit ngayon, ang sama ng buka kasi ng bunganga mo" di na napigilan ni Tina na tumulo ang luha sa kanyang mata ng dahan-dahan.

"obviously, di ko pagsisisihan ang sinabi ko sayo kayo makakaalis ka na sa harapan ko, puntahan mo na ang bwesit na babae na yun total pareho naman kayong dalawa na walang kwenta" pananaboy ni Cecelia kay Tina na napailing na lang saka tinalikuran na kaming dalawa. Gusto ko man siya na pigilan pero baka magalit sa akin ang kaibigan kong ito, natatakot ako na baka pagsabihan niya rin ng masasamang salita kaya tinikom ko na lamang ang aking bibig.

"let's go Britney, di ba gutom ka na?" anyaya niya pa sa akin saka siya nagsimula na sa paglalakad ulit habang sumunod naman ako sakanya.

Iniisip ko pa rin na baka tuluyan na nga mawala sa pagkakaibigan namin si Tina, sayang naman ang mga masayang alaala namin tatlo na magkakasama kung mababalewala lang dahil sa nakaraan ni Cecelia at Aubrey di ba.