webnovel

Kabanata 10

Jorge's p.o.v.

Katatapos ko lang umuhi dito sa loob ng isang cubicle room saka binaton ko na ang aking suot na pantalon at dumiritso sa may salamin para maghilamos ng aking mukha.

Napatitig akong saglit sa may salamin habang tinitingnan kung ayos lang ba ang itsura ko. I feel a bit of nervous kasi kapag naaalala ko ang sinabi ni mom na nandito na daw si Aubrey sa Pilipinas at papasok na rin dito sa school namin.

I'm just thinking na paano kung magkita kami, ano ang sasabihin ko sakanya? Paano kung galit pa rin siya saakin?

Ano ba itong pinag-iisip ko? mabuti pa lumabas nalang ako dito, anong oras na rin oh.

Napatingin ako sa handwatch ko.

Hindi ko napansin ang pagdaan ng minuto at tapos na pala ang breaktime.

Hindi tuloy ako nakakain.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng comfort room para bumalik na sa may basketball court ng nakakailang hakbang palang ako mula ng makalabas ako ay may dalawang pamilyar na tao na akong nakita na naglalakad papalit sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam ang gagawin o magiging reaksiyon ko ng makalapit na sila sa akin ng malapitan, sina Keith at ang babaeng iniisip ko na rason kung bakit natagalan ako sa loob, walang iba kundi si Aubrey na minamahal ko.

"Jorge, kanina ka pa diyan? hintayin mo nalang kami at ng sabay na tayong tatlo pumunta sa practice" nakangiti na bungad sa akin ni Keith.

"ha-ah-si-sige" nauutal kong sagot habang tulala akong nakatingin kay Aubrey.

"maiwan ko na muna kayo, di ko na talaga kasi mapigilan, naiihi na ako" paalam ni Aubrey saka binuksan niya na ang pinto at pumasok na siya dito.

"hoy! ayos ka lang? natulala ka na diyan, daig mo pa ang nakakita ng multo sa reaksiyon mo, buhay pa siya" pukaw sa akin ng kaibigan ko saka lang din ako nahimasmasan sa pagkabighani sa muli kong pagkakita sa babaeng mahal ko.

Matagal din kaming di nagkita. Hindi ko nga alam kung napatawad na ba niya ako sa kasalanan ko sakanya, sana may pag-asa na maibalik namin ang dati o kahit new beginning nalang.

"Oo naman ayos lang ako, na carried away lang ako sa kay Aubrey, she's still pretty as last I saw her" palusot ko sakanya kasi yun naman talaga ang totoo.

"sus! carried away o nakukunsensiya ka sa ginawa ninyo ni Cecelia?" pa-curiuos na tanong niya naman saakin na parang ayaw maniwala sa sinasabi ko.

"alam mo ewan ko sayo, bigyan kita ng singko tapos hanap ka ng kausap mo, iba ka din mag-isip, kung di lang kita kaibigan masasapak na kita" medyo pabiro na tono kong sambit para di niya mahalata na medyo may dating yung sinabi niya saakin.

"weeh? chic boy ka kasi at di ka marunong makuntento sa isa tapos magkaibigan pa talaga ang tinira mo, pero sabagay bagay din sayo ang apelyedo mo, Ibayag" pamimikon niya sa akin pero pasensiya siya kasi di ako madadala sa sinasabi niya.

"ang sira ulo mo rin mag-isip, kaya kong patunayan sayo na kaya kong makuntento sa isa" matapang kong sagot sakanya.

"weeh? sigurado ka? what if dumating ang point na kailangan mong pumili sa dalawa, sino ang pipiliin mo sa kanila? si Aubrey o si Cecelia? sige nga" panghahamon niya sa akin.

Sinusubukan niya talaga ako sa mga tanong niya, pero sino nga ba ang pipiliin ko sa dalawa?

"tsk! ewan ko sayo, malamang si Cecelia kasi siya na ang girlfriend ko ngayon at patutunayan ko sa lahat na nagbago na ako" lakas loob ko na sagot sakanya, napatango naman siya sa akin.

"sigurado ka na ba?" sagot niya na may laman at para bang may gusto siyang iparating sa akin.

"oo naman, bakit mo naitanong?" curious kong tanong sakanya, napabuntong hininga siya bago sumagot sa akin at naging seryoso din ang itsura ng mukha niya.

"kasi Jorge ano, gusto ko sana kasing ligawan siya, I want to make Aubrey my girlfriend" direktahan niya na sagot saakin.

Hindi ko alam ang isasagot sakanya, medyo nagulat kasi ako sa sinabi niya.

"ikaw bahala, goodluck nalang sayo at sana maging kayo" nakangiti ko nalang na sagot sakanya para maitago ko ang totoong nararamdaman ko pero ang totoo ay nasasaktan ako sa sinabi niya sa akin.

"salamat pre, sa totoo lang din kasi noon ko pa siya gusto kasu nga lang gusto mo rin siya kaya naman hinayaan ko nalang na maging kayo kasi ayaw ko na makipagtalo sayo pero ngayon na payag ka na ligawan ko siya ay di ko na hahayaan pa na masayang amg pagkakataon para mahalin at alagaan siya" masiglang sagot niya sa akin.

"basta wag mo na lang siyang sasaktan katulad ng nagawa ko sakanya, minsan ko na siyang pinaluha kaya sana wag mo ng ulitin pa" payo na sabi ko sakanya na sobrang sakit ang dulot sa akin pero pinipigilan ko lang kasi baka nga di kami para sa bawat isa at sila ang nakatadhana.

"pangako, I will love her more than myself" sagot niya kasabay naman ng pagbukas ng pintuan at lumabas na ang taong pinag-uusapan namin dalawa.

"oh siya, nandiyan ka na pala, tara na pumunta na tayo sa court at baka tayo nalang ang hinihintay doon" palusot ko ng makita namin si Aubrey na lumabas sa pintuan.

Ngumiti lang din ang dalawa sa akin saka magkakasama na kaming naglakad para pumunta sa basketball court ng paaralan.

Tahimik lang ang dalawa ko na kasama kaya ako na ang nagsimula magtasalita kasi naman ang akward ng sitwasyon namin lalo pa at nasa gitna namin dalawa ng kaibigan ko ang babaeng minsan naging special sa buhay ko at kahit ngayon inaamin ko na may pagmamahal pa rin akong nararamdaman para sakanya pero ngayon ay kumplikado na ang sitwasyon namin.

May girlfriend na ako at kaibigan pa niya habang lihim naman na minamahal siya ng kaibigan ko at parang seryoso ito sa sinabi niya na gusto niya itong ligawan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin.

Bahala na lang kung anong mangyayari kasi Diyos lang naman ang nakakaalam sa lahat at sana gabayan niya kami.