webnovel

Kabanata 8

Keith's p.o.v.

"Ano ba naman yan mister Tuana, bakit wala ka pa rin nakukuha na representative mo sa cheerleading ng team natin, ikaw na lang ang wala, dapat bago matapos ang araw na ito ay may makuha ka na, sige na guys mag break na muna tayo" bulyaw ni coach Suwail sa akin sa harapan ng buong basketball team namin dito sa loob nitong school gym.

Paano ba naman kasi eh ako na lang ang wala pa na nakukuha habang ang mga kasamahan ko sa team namin ay lahat meron na at kasama na nila ito ngayon.

"okay lang yan, makakahanap ka din" sambit ng kaibigan kong si Jorge na hinawakan pa ako sa aking balikat kasama ang girlfriend niya na si Cecília at ang kaibigan nito na si Britney.

"kung pwede nga lang sana na si Christina na lang ang kunin mo pero ayaw naman niya kasi pumayag kahit anong pamimilit ang ginagawa namin sakanya eh ayaw talaga niya" dagdag naman ni Cecelia na may kaartehan pa na nalalaman sa tono ng boses niya.

"no need kasi may nakuha na ako, sa totoo nga niyan ay hinihintay ko lang siya kasu di ako sigurado kung papayag siya sa iaalok ko sakanya" pauna kong sagot sa kanila na saka lang tinanggal ng kaibigan ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

"yun naman pala eh, kausapin mo na at simulan mo na rin kumbinsihin kasi sigurado naman kami na sa gwapo at bait mo na yan ay di yun magdadalawang isip na pumayag sayo saka malay mo ay siya rin ang magiging girlfriend mo" nakangiti pa na sambit ni Jorge, siguro kung alam niya ang tinutukoy ko ay di ganyan ang magiging reaksiyon ng itsura niya.

"maganda ba yan, pormahan mo na rin baka yan na ang right chance and time para naman magka-jowa ka na, ang hina mo kasi pagdating sa mga girls" dagdag naman ni Britney, ngumiti lang ako sa kanila bago sumagot.

"sana nga" maikling sagot ko sa kanila saka ako humakbang sa may gilid para kunin ang mga gamit ko, nakita ko sila na sumunod na lamang din sila sa akin na kinuha ang kanilang mga gamit saka magkakasama kaming humakbang papalabas ng school gym.

Magkakasabay kami na naglalakad papunta sa canteen para kumain ng lunch.

Tahimik lang kami habang di ko maiwasan na mairita sa nakikita ko sa dalawa na kasama ko. Nakapulipot kasi ang kamay ni Cecelia sa aking kaibigan na daig pa ang lenta sa kapit nito.

Siguro kung ako nga lang sa kumag ko na kaibigan na ito eh baka itinulak ko na ang babae na ang harot sa ginagawa niya, ang laswa.

"guys, mauna na muna ako sainyo at may pupuntahan lang muna akong saglit" biglang paalam ni Jorge saka niya tinanggal ang kamay ng girlfriend niya na malandi sa kanyang braso, napanguso naman ang gaga sakanya.

"saan ka naman pupunta?" tanong pa nito sa kaibigan ko habang nakanguso pa, ang arte niya.

"may kukunin lang ako sa locker ko saglit lang then susunod na lang ako sainyo sa kanten" sagot niya saka tinalikuran na kami, alam niya kasi siguro na magdadrama na naman ang girlfriend niya na ito kapag di pa siya umalis.

"narinig niyo naman siguro siya soo tara na, hintayin na lang natin siya sa dun at ng makakain na tayo" sibat ko sa dalawa na nakatingin lang sa direksiyon na tinatahak ni Jorge.

"ano pa nga ba ang magagawa ko eh ayon na siya bigla na lang umalis" sagot ni Cecelia na napangiwi pa habang nagsasalita saka nagsimula na kaming tatlo na magkakasama sa paglakad papunta sa canteen para dun na lamang hintayin ang kaibigan namin at kumain na rin ng lunch.

Pagkapasok pa lang namin sa pintuan ng kanten ay rinig na agad namin ang boses ng mga estudyante na nagkwekwentuhan habang nagsisikain.

"no more vacant seat are available" maarte na reklamo ni Britney habang nakatayo lang kaming tatlo sa may pinto na palingon-lingon sa paligid na nagbabakasakali na may mahanap na bakanteng mesa na pwedeng mapuwestohan.

"wait, is that Tina? pero sino ang nakatalikod na babaeng kasama niya?" biglang puna ni Cecelia habang tinuturo pa niya ng kanyang kamay ang isang mesa sa may gilid saka naman kaming dalawa napatingin sa punto ng direksiyon na tinutukoy niya.

Kahit nakatalikod ang babae na kasama ng kaibigan nila but still I know the person she talk with. napangiti na lamang ako sa kanila.

"bakit nakangiti ka diyan, nagpapatawa ba ako? kasi ayon sa pagkakaalam ko ay nagtatanong ako sainyo" parang napikon yata ang babaeng kumag na kasama ko, napailing na lang ako sakanya bago ako sumagot.

"pakialam mo ba sa akin, bakit masama na ba ang ngumiti dahil masaya?" pagbabalik tanong ko sakanya na may halong tono ng pang-iinis.

"oo nga naman Cecelia, dapat happy lang para iwas wrinkles saka ikaw din kapag pumangit ka eh sigurado ako na ipagpapalit ka na ni Ibayag mo" dagdag na sang-ayon sa akin ni Britney na may pananakot sa boses niya.

"hey! ewan ko sainyong dalawa, pinagtulungan pa talaga ninyo ako" pananaray ni Cecelia saka siya humakbang ng paglakad papunta sa lokasiyon nina Tina habang sumunod naman kaming dalawa sakanyang likuran.

"oyh sakto nandito na kayo eh kanina ko pa hinihintay ang inyong pagdating para mapakilala ko na ang new friend ko sainyo" bungad sa amin ni Tina ng makita niya kami na nakatayo sa may puwesto nila.

Napatingin sa amin ang kasama niya and as what I expected eh may gulat na gumulantang sa itsura ng pagmumukha nila ni Cecelia at ng babae na kasama ni Tina na walang iba kundi ay si Aubrey na ex bestfriend niya.

"ehemmm!" pukaw ko sa kanila na nagkatitigan ng tingin lang dahil sa gulat sa pagkakakita nila sa bawat isa.

"Ahmm, Cecelia siya pala si Aubrey, and Aubrey siya naman sina Britney, Keith, saka si Cecelia" pagpapakilala ni Tina sa kasama niya sa amin, di niya alam na kilala na namin ni Cecelia si Aubrey dati pa, ngumiti lang ako ng palihim.

"Keith and I we're know her already" mataray na sagot ni Cecelia, inirapan naman siya ni Aubrey na napakamot pa sa kanyang leeg.

"so nice, saan kayo nagkakilalang tatlo?" tanong naman ni Britney na may ngiti pa sa mukha niya, tumingin naman si Aubrey sakanya with fierce look bago ito sumagot.

"sa zoo, I mean sa forest where the snake friends are literally found her living, di ba Cecelia?" sagot ni Aubrey na may pang-iinsulto sa tono ng boses niya na napatingin pa sa dating kaibigan niya na halata sa itsura nito na tinamaan at nasaktan siya sa binitawan na mga salita niya.

"but why, eh di pa nga ako kumakain, gutom na gutom na ako" reklamo na saad naman ng kaibigan niya sakanya.

"sa labas na lang ng school tayo kakain, treat ko na kahit anong gusto mo kainin at i-order kahit mahal pa yan, tara na!" nagmamadaling anyaya ni Cecelia sa kaibigan niya na hinawakan pa talaga niya sa braso ito, wala ng nagawa pa si Britney kung hindi ang sumama dito.

"ikaw, bakit di ka sumama sa kanila?" nagtatakang tanong ni Aubrey kay Tina na nakaupo lang sabay subo siya ng pagkain habang umupo naman ako sa upuan sa may mesa nila.

"pa'no ka, wala ka na kasama dito na makakasabay sa pagkain?" nag-aalala na sagot naman ni Tina sakanya saka na ako nagsimula sa pag-eksena.

"nandito naman ako, I'll take her" panimulang pagsingit ko sabay bigay ng matamis na ngiti sa kanilang dalawa.

"you heard him, sige na sundan mo na sila at baka ano pa ang isipin ng mga kaibigan mo na inaagaw kita sa kanila" pananaboy ni Aubrey sakanya.

"okey, but always remember that I am your friend now, anytime you can count on me" sagot ni Tina saka siya nagsimulang tumayo at humakbang ng paglakad para sundan ang mga kaibigan niya.

Naiwan kaming dalawa ni Aubrey dito na kasama ang iba pang mga estudyante na kumakain din ng lunch nila.

Tahimik lang siya sa pagsusubo ng pagkain habang ako naman itong tanga na pinapanood lang siya na kumakain, ewan ko ba kasi biglang nawala ang gutom ko ng makita ko siya lalo na ngayon at kaharap ko ang magandang dalaga na katulad niya.

I feels like weird.