Ito ay kwento ng pag-ibig na imposible. Pag-ibig na hindi mo inaasahan. Pag-ibig na pinili mong talikuran ngunit hindi ka kayang iwanan. Paulit ulit ka pa ring binabalikan. Hanggang sa matutunan mo na syang ipaglaban. Pero anong gagawin mo, kung wala ka namang kalaban laban. Paano kung ang tanging sandata mo lang ay ang iyong wagas na pagmamahal? Isusuko mo ba sya o patuloy kang susugal?
MAYMAY'S POV
Minsan mas espesyal ang luha kaysa ngiti. Kasi kahit sinong tao pwede mong ngitian pero ang luha ay tutulo lang sa taong di mo kayang iwan.
Hindi akin yang hugot line na yan ha.
Narinig ko lang yan kay Ate Jin. Mejo tumatak lang sa isip ko kasi iyak sya ng iyak sa akin kagabi matapos nyang awayin at hiwalayan ang bf nya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari pero isa lang ang malinaw sa akin...
Ang Pag-ibig ay sakit lang sa ulo.
Ito ang dahilan kung bakit ayoko magka love life. Hindi din ako naghahanap at mas lalong hindi din ako naghihintay.
Ako si Maymay. 17. Solong anak. Simpleng babae. Masipag. Palakaibigan. Sabi ng iba mabait daw ako. Hindi kasi ako pala away pero hindi ako yung tipo na nag papa api.
Mula nang sumakabilang bahay ang magaling kong ama, nagpaka layu layo kami ni mama. At dahil wala rin naman kaming matakbuhan na kamag-anak kasi itinakwil nila si mama mula nung nag-asawa sya, naglakas loob si mama na pumunta kami ng Maynila. Sinuwerte naman ang mama ko na makakuha ng trabaho bilang katulong ng isang MMMB. Mabait na Mayamang Matandang Babae. Si Doña Pina.
Biyuda na sya at walang anak. Katulad namin ay nag iisa rin sya sa buhay. Kinupkop nya kaming mag ina. May isang taon na namin syang pinagsisilbihan nang alukin nya akong pag aralin sa isang magandang eskwelahan.
Kakagraduate ko lang ng highschool nun. Ang sabi kasi ni mama ay pag iipunan muna daw nya ang pang senior high ko. Pero gusto ko talagang mag aral kaya pinilit ko si mama na tanggapin ang alok ni Doña Pina.
Nung una ay ayaw ni mama. Nahihiya na daw kasi sya kay Doña Pina. Pero kalaunan ay napapayag ko rin sya.
Naawa ata sya sa akin dahil tuwing may bakante akong oras ay lagi akong nagpapa alam na magbabasa ng libro sa napaka gandang library ni Doña Pina.
Kaya eto ako ngayon. Humabol ako sa enrollment ng unang semester ng Grade 11 dito sa British School of Manila. May isang buwan nang nag start ang klase. Marami na akong namiss na lessons.
***
"Okay class. Thats all for today" paalam sa amin ni Ms. Park.
Kasunod nun ay nag ring na ang bell. Break time na.
Kinuha ko ang bag ko at naglakad na papuntang canteen. Hindi ko pa kabisado ang school kaya para akong turista na may hawak na mapa.
Halos mapuno ang kahabaan ng hallway nang sabay sabay na maglabasan ang mga estudyante. Nagmamadali akong lumabas ng building ng biglang may namataan akong petite na babae na may nakabanggaan.
Nagkalat ang papel na hawak nya sa sahig. Pero wala man lang tumulong sa kanya.
"Bulag ka ba? Apat na nga yang mata mo, hindi mo pa ako nakita?" sabi sa kanya ng nakabanggan nyang babae.
Hindi sumagot ang babaeng nakasalamin. Abala sya sa pagdampot ng nagkalat na papel.
"Hoy. Kinakusap kita" sabi uli ng isa sabay apak sa isang papel na nasa sahig.
Tumingala ang petite na babae.
"Sorry Hanna, nagmamadali kasi ako. Please huwag mong apakan. Ipapasa ko yan today" pakiusap nya.
Nagulat ako nang mas lalo pang apak apakan nung Hanna ang papel.
Lumapit ako sa kanila.
"Miss nag sorry na sya" sabat ko sabay yuko para tulungan magpulot ng papel ang babae.
Napatingin sya sa akin. Kahit nakasalamin sya ay kitang kita ko na malapit na syang umiyak.
Hindi pa rin umalis si Hanna sa pagkaka apak sa papel. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Paki alis ng paa mo" sabi ko.
Hindi sya sumagot. Tinaasan nya lang ako ng kilay sabay ngiting nang iinis.
Ngumiti din ako.
"Aalisin mo ba yang paa mo o---"
"What are you gonna do?" sabat nya.
Sasagot na sana ako uli nang biglang...
"Hanna nanjan na sila. Lets go! Hurry!" sabi ng isa nyang kasama.
Hinawakan sya nito sa kamay sabay hila.
Dinampot ko agad ang papel pagka alis ng paa nya. Sinundan ko ng tingin ang bully na babae. Nakatitig din sya sa akin habang papalayo sila ng grupo nya. Makikipag titigan pa sana ako pero naagaw ang atensyon ko ng mga babae sa di kalayuan. Hindi ko alam kung anong meron at bakit bigla silang nagkumpulan.
Kasunod nun ay may nakita akong tatlong matangkad na lalaki na paparating. Mukhang lalapit sa kanila ang grupo ni Hanna. Nakangiti ang dalawang lalaki na nauuna. Itsura palang alam mo nang mga foreigner sila. Sobrang puti at kinis ng mga mukha nila. Lalo pang naging malinaw sa akin ang mala porselana nilang kutis nang dumaan sila sa harapan ko. Tumingin pa sa akin at ngumiti ang dalawang lalaki. Maliban sa isa na seryoso ang mukha at naglalakad sa likuran nila. Sumulyap lang ito sa akin at pagkatapos ay agad syang dumiretso ng tingin.
Literal na natulala ako. Grabe naman sa gwapo ang tatlong yun. Pero yung isa... mukhang war freak. Wala ata sa bokabularyo nya ang salitang "smile". Saka lang ako nahimasmasan sa pagkatulala nang makalayo na sila.
"Salamat ha. Ako nga pala si Fenech" narinig kong sabi ng babaeng katabi ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sa akin.
"Maymay" sagot ko.
"Salamat talaga Maymay ha..." sabi nya uli.
"Wala yun. Hindi naman kasi tama yung ginawa nya. Sino ba sya sa akala nya" sagot ko.
"Hayaan mo na yun. Sanay na ako sa grupo ni Hanna. Si Kristine at Rita yung kasama nya. Tara sabay na tayo sa canteen" biglang aya nya sabay hila sa akin.
"Ha? Ibig mong sabihin lagi ka nilang binubully?"
Hindi sya sumagot.
"Alam mo... hindi ka titigilan ng mga yan hanggat pinapakita mong kayang kaya ka nila" sabi ko.
"Hahaba lang kasi ang usapan pag pinatulan ko. Isa pa, ayoko sayangin ang oras sa pakikipag away sa kanila. Lalo na kay Hanna. Kilala ko si Hanna. School mate ko sya nung highschool. Lalo ka nyang pag iinitan kapag lumaban ka sa kanya" sagot sa akin ni Fenech.
"Maganda sana sya eh. Mala anghel ang mukha pero kabaligtaran naman pala ang ugali nya" sabi ko.
Sinamahan ko munang mag sauli ng libro si Fenech sa library at pagkatapos ay dumiretso na kami sa canteen. Mejo marami nang tao pagkarating namin doon. Mabuti nalang at may nakita pa kami na bakanteng lamesa sa may bandang gitna. Agad kong hinila si Fen papunta doon. Pero paupo palang kami nang biglang sumulpot nanaman ang grupo ni Hanna.
"This seat is taken" sabi nya habang nakataas ang kilay at nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa lamesa.
"Bakit, may pangalan mo ba to?" sagot ko.
Ngumiti sya. "Are you trying to make me laugh?" mataray nyang sagot sa akin.
"Uhm.. mukha ba akong nagjojoke??" tanong ko.
Magsasalita pa sana ako nang bigla namang sumabat si Fenech sa amin.
"Uhm... Maymay lipat nalang tayo. May upuan pa dun o" sabi nya sabay hila sa akin.
Lalo akong tinaasan ng kilay ni Hanna. Pero hindi ako bumitaw sa pakikipag titigan sa kanya. Sa loob loob ko. Hindi lahat ng estudyante dito ay mabubully nila.
Pero nagpanic naman agad itong si Fenech. Nagmamadali syang maglakad palayo kila Hanna habang hila nya ako. Hanggang sa may mabangga nanaman syang tao na nakaupo sa katabing lamesa.
"Ay! Sorry! Sorry!" sabi ni Fenech.
Nag angat ng tingin ang lalaking nabunggo nya. Nanlaki ang mga mata ni Fenech sa gulat.
"Sorry talaga. Im really sorry" sabi nya uli.
Pero imbes na magalit, ngumiti ang lalaki habang nakatingin sa kanya.
"Its okay. Sit with us" sagot nito sabay baling ng tingin sa akin.
"Marco!" narinig kong tinawag sya ng lalaking nakaupo sa harapan nya.
Marco pala ang pangalan nya. Pareho kaming napatingin ni Fenech sa lalaking tumawag kay Marco.
"Ah.. eh.. wag na" sagot ni Fen sabay baling uli ng tingin kay Marco.
Napatingin din ako kay Marco. Nagsalubong agad ang mga mata namin. Nakatitig pala sya sa akin. Hihilahin nanaman sana ako uli ni Fen pero pinigilan sya ni Marco.
"Sit with us" sabi nya uli habang nakatitig pa rin sa akin.
Ewan ko ba kung anong nangyari. Para akong nahihypnotize habang nakatitig ng diretso sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng taong may ganito kaitim na kulay ng mata. Kadalasan ay brown o dark brown. Pero ang kay Marco ay kakaiba.
"Sit" narinig kong sabi nya.
Bigla nalang akong kusang umupo sa tabi nya. Nagulat ako sa ginawa ko. Walang nagawa si Fen kundi maupo nalang din sa tabi ko.
"Marco" tinawag uli sya ng lalaki na nakaupo sa tapat nya.
Tumingin sya dito. "Its okay, right Edward?" sabi nya sabay baling ng tingin sa lalaking nasa kabilang dulo ng lamesa na nakayuko habang kumakain. Nag angat ito ng tingin at tumitig sa kanya. Nakakunot ang kilay nito. Hindi sya sumagot. Bigla nalang syang tumayo at pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo.
"Edward!" tinawag sya ng lalaking katapat ni Marco. Pero hindi ito lumingon. Nakita kong isinuot nya pa ang pulang head set nya at dire diretsong naglakad.
"Anong problema nun? Para makiki share lang ng table nag walk out agad" sabi ko sa sarili ko.
Napansin kong umiling iling si Marco habang nakangiti.
"Drop it Marco" sabi uli ng lalaki at pagkatapos ay tumayo na ito at sinundan ang masungit na lalaki.
"Im sorry about that" sabi ni Marco sabay baling ng tingin sa amin ni Fen.
Ang ganda ng ngiti nya. Pearly white teeth. Nakakahumaling ang sobrang kinis nyang mukha.
"Ako si Marco" sabi nya sabay abot ng kamay sa akin.
"Maymay" sagot ko sabay abot din ng kamay ko.
Mejo nagulat ako kasi ang lamig ng kamay nya. Sandali lang sya nakipag shake hands. Agad nya rin akong binitawan.
"Youre the new girl, right?" tanong nya sa akin.
Sa loob loob ko. Sa laki ng school na ito at sa dinami dami ng estudyante. Paano nya nalaman na bago lang ako dito?
"H-hha... oo" sagot ko.
Ibinaling naman nya ang tingin nya kay Fenech.
"And you are?" tanong nya.
"Fenech" sagot ni Fenech sa kanya.
"Nice to meet you. Mauna na ako. Sundan ko lang yung dalawang kasama ko. Enjoy your lunch" sabi nya sa amin at pagkatapos ay umalis na sya.
Habang pinagmamasdan ko sya na naglalakad papalayo ay napansin ko sa pinaka dulo ng hallway palabas ng canteen ay naroon ang dalawa nya pang kasama. Nakita ko na pareho silang nakatingin kay Marco habang papalapit ito sa kanila. Pero si sungit ay biglang tumingin sa gawi ko. Nakatitig sya sa akin.
"Ano bang problema ng lalaking yun. Kanina nag walk out. Ngayon naman kung makatitig akala mo ang laki ng ginawa kong kasalanan sa kanya" sabi ko kay Fenech.
"Sino? Si Edward ba?" tanong nya.
"Edward ba pangalan nun? Napaka sungit" sabi ko.
"Mabait naman sya. Akala mo lang yun. Dalawang beses ko na yang nakatabi sa Math class" sagot ni Fenech sa akin.
"Mabait? Kita mo ngang nagdabog pa sya kanina. Napaka bastos. Ayaw nya pa magpa share ng table. Gwapo sana, antipatiko naman" sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
Hindi din sya nagbababa ng tingin, nakatitig din sya sa akin.
"Maraming nagkakagusto sa trio na yan. Si Tanner yung pinaka matangkad. Sya ata ang kuya sa dalawa. Si Marco naman ang pinaka palabati. Si Edward... uhm.. mabait naman pero hindi lang talaga sya sociable" kwento ni Fenech.
Habang lumalaban ako ng titigan kay sungit ay bigla nalang sya ang unang nagbaba ng tingin. Sa loob loob ko. Akala siguro ng Edward na ito ay magpapasindak ako sa mga kagaya nya.
Bagay sila ni Hanna. Parehong gwapo at maganda at pareho ding masama ang ugali!
***
EDWARD'S POV
"Hey... Are you okay?" Tanner asked.
We just arrived in school. I was about to get out of the car when he stopped me.
"Yeah" sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Im sitting at the back of the car. Marco is in front of me. Tanner is the one behind the wheels.
"Kanina kapa tahimik. Whats wrong?" Tanner asked me again.
"Dont tell me you had another dream" sabat ni Marco.
I didnt answer. Tumingin lang ako sa kanila. I dont know whats happening but Marco is right. I did had another dream. The same one Ive been having for the longest time.
Ive been dreaming and having visions of a girl.
As far as I can remember, it started when I was still in Germany. I thought its just an ordinary dream. Until last year. When I came here in the Philippines. My dreams and visions of a girl became more frequent.
I dont know why Im seeing her. Everywhere. Even in broad daylight. Ive been seeing the same girl in my dreams almost every night.
Who is she? Why do I keep seeing her?
My name is Edward. Im 17. Im an orphan. Im the latest adopted child of Dr. Laurenti. The Chief Doctor of Asian Medical Hospital. Dr. Laurenti has two other adopted child. Tanner and Marco.
All three of us lost our parents a long time ago. Tanner said his parents died from a car crash while Marco's parents died from house fire.
But me... I dont remember. I dont even know who I am. All I know is that I came from an orphanage in Germany. Thats where I met Dr. Laurenti. He promised to help me get my memory back. Kaya sumama ako sa kanya.
"Edward... snap out of it" narinig kong sabi ni Tanner.
"Huh?"
"Kanina pa kami nagsasalita. Tulala ka nanaman" Marco said.
"Do you want me to take you home instead? Ill call dad. Perhaps you need to see him" Tanner said.
Hes referring to Dr. Laurenti. We call him dad. Thats what he wants.
"No. Im okay. Papasok na ko" sagot ko and then I went out of the car.
Tanner and Marco quickly followed behind. I tried to take the girl out of my mind as we enter the hallway.
Like usual, different group of girls are in the hallway again. Smiling, waving at us and calling our names. Its obvious that Marco is enjoying the attention that hes getting from these girls.
"Its still early. Can we go to the canteen first? I just want to have some coke. Ang init sa labas" Marco said.
Hindi kami sumagot ni Tanner. Sumunod nalang kami sa kanya. Tanner and Marco walked in front of me. Nasa likuran lang nila ako. I thought this is going to be another ordinary day.... until I felt something different.
An unsual presence.
And then suddenly, I heard a girl's voice. Its as if shes talking close to my ears.
---Miss nag sorry na sya---
Natigilan ako sa paglalakad. I looked around. Trying to find who said what I just heard. Napansin yun nila Tanner.
Isa sa mga bagay na hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ay ang marinig ang boses at malaman ang iniisip ng mga tao sa paligid ko. Nung una natakot ako. Pero I got used to it as time goes by. Its only me who has the ability to do it. Tanner and Marco cant.
Like now. I can hear everybody's voice and mind in this hallway. Pero theres one particular voice that immediately stand out.
"Edward, whats wrong?" Tanner asked.
I was about to answer him when I heard the girl's voice once again.
---Paki alis ng paa mo---
Tumingin ako uli sa paligid. How on earth am I going to find whos voice is it. Ang daming girls on both sides of the hallway.
"Nothing" sagot ko kay Tanner.
At pagkatapos nun ay nagpatuloy na sila ni Marco sa paglalakad. Sinusundan ko lang sila while looking down.
"Edward, Hi!!" I heard the girls call my name. I lifted my face and smiled at them.
Until....
I saw a very very familiar face. A slim girl standing just a few steps away from me. She has long black hair, almond shape eyes and pink full lips. Shes wearing a plain white Tee. Jeans and sneakers. Shes carrying a black backpack.
I cant believe it. Am I having visions again?
I closed and opened my eyes a couple of times. But the girl is still there.
---Aalisin mo ba yang paa mo o---
I heard the voice again and this time, I know where its coming from.
It hers. Its the voice of the girl in my dreams.
Our eyes met as I pass in front of her.
Shes not talking anymore. I cant hear anything from her. And whats strange is that... I can read everybody's mind in this hallway except hers. This is pissing me off. I immediately looked away and continued walking.
Who is she? Why am I having dreams about her? Why cant I read her mind?
And why does she has this unexplainable effect on me.
I hate it.
>> End of Chapter 1 <<