MAYMAY'S POV
"Edward??..."
"Edward??..."
Madilim. Napaka tahimik.
Wala akong ibang naririnig kundi ang sarili kong yapak at ang aking boses na ume-echo sa buong paligid. Diretso lang ang aking tingin habang tinatahak ko ang isang makitid na hallway.
"Edward??..."
"Edward??..."
Tinawag ko sya uli. Pero walang sumasagot sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Imbes na makaramdam ako ng takot ay labis na pag aalala ang kasalukuyan kong nadarama.
"Nasaan ka ba kasi Edward??" sabi ko sa aking sarili.
Hanggang sa may natanaw akong maliit na ilaw na unti unting lumitaw sa pinaka dulo.
Binilisan ko agad ang aking paglalakad papunta doon.
"Edward!!..."
"Edward!!..."
Sigaw ko. Muling umalingawngaw ang aking boses sa buong paligid. Pero habang papalapit ako sa maliit na liwanag ay bigla akong nakaramdam ng mabilis na pagdaan ng hangin.
Napahinto ako.
"Edward??!" sabi ko.
Pakiwari ko ay papunta sa liwanag ang hangin na iyon. Nasisiguro ko na si Edward yun!
Tumakbo ako. Kahit hingal na hingal na ako ay pinilit kong marating ang dulo ng pasilyo. Pero bakit ganun? Kahit anong takbo ko, bakit parang walang katapusan ang hallway na ito. Ang layo ko pa rin sa liwanag na nakikita ko.
Biglang nakaramdam nanaman ako ng mabilis na pagdaan ng hangin. Pero imbes na padiretso ay pabalik naman ito ngayon. Pabalik sa dilim na pinanggalingan ko.
Kung kanina ay isang beses lang ang hangin na papunta sa direksyon ng liwanag, ngayon ay makailang beses na dumaan ang mabilis na hanging ito na pabalik sa dilim. Tumigil ako sa pagtakbo at nilingon ko ang aking pinanggalingan.
Nalilito ako. Didiretso ba ako sa liwanag? O babalik ako sa dilim?
Hanggang sa...
"Maymay..." tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.
Agad kong nilingon kung saan ito nanggaling. Kung kanina ay malayo pa ako sa liwanag, bigla namang malapit na ito ngayon sa akin. Ilang hakbang nalang ang layo ko dito. At hindi lang yun, bakita ko si Edward na nakatayo doon. Nakangiti sya habang nakalahad ang kamay nya sa akin. Pakiwari ko ay inaaya nya ako na sumama sa kanya.
Sandali kong tinitigan ang kanyang mukha. Maamo ito at maaliwalas. Sa loob loob ko. Hindi ba kanina ko pa sya hinahanap? Ayan na sya. Nasa harapan ko na. Ewan ko ba, dapat ay nagtatatakbo na ako agad papalapit sa kanya. Pero bakit ganun?? bakit parang iba ang pakiramdam ko habang nakatitig sa mga mata nya?
"Lets go" aya nya sa akin.
Napatingin ako sa kamay nya na nakalahad pa rin. Hindi nya ito ibinababa. Para bang inaantay nyang iabot ko sa kanya ang aking kamay.
Pero hindi ko iyon ginawa.
Imbes na maglakad ako papalapit kay Edward ay humakbang ako paatras.
"Come here Maymay" utos nya sa akin.
Nalilito ako talaga. Si Edward ang nasa harapan ko pero bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya??
"Maymay" tawag uli ni Edward sa akin.
"Bahala na. Susundin ko ang nararamdaman ko at hindi ang nakikita ng aking mga mata" sabi ko sa aking sarili.
Maya maya ay muling dumaan ang isang napakabilis na hangin at papunta ito sa aking likuran.
"Maymay lets go" sabi uli ni Edward.
Pero imbes na lumapit ako, tumakbo ako papalayo sa kanya. Pabalik sa dilim. Hindi ko na sya nilingon pa. Dire diretso ako hanggang sa marating ko uli ang kabilang dulo ng pasilyo.
Iginala ko ang aking paningin. Dito ako nanggaling kanina. Madilim din dito. Pero kahit papaano ay may kaunting liwanag na pumapasok sa maliliit na siwang sa itaas mula sa labas. May naaninag akong tao na nakaupo ilang hakbang lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Wala sya dito kanina.
Sino kaya sya?
Kahit nanginginig ang tuhod ko dahil sa magkahalong kaba at pagod sa pagtakbo ay naglakad pa rin ako papalapit sa kanya. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot. Pero biglang...
"Ha!ha!ha!"
Natigilan ako.
Umalingawngaw sa buong silid ang isang mahinang hagikgik ng babae. Tumingin ako sa aking paligid pero wala akong ibang tao na nakikita.
"Sino yan?" tanong ko pero hindi sya sumagot.
Muli kong tiningnan ang taong nakaupo. Nakayuko pa rin sya. Pinipilit kong maaninag mula sa kinatatayuan ko kung sino ito. Maglalakad sana ako uli papalapit sa kanya nang muling umalingawngaw ang hagikgik ng babae.
"Ha!ha!ha!"
Napahinto ako uli.
"Sino ka ba?!" tanong ko habang iginagala ko ang aking paningin.
Hindi sya sumagot. Bagkos ay muli kong narinig ang kanyang hagikgik pero mas malakas na ito ngayon kumpara kanina.
"Ha!ha!ha!"
Mas malinaw na ang boses kung kayat agad kong nakilala kung sino ito.
"Daniella, lumabas ka!" sigaw ko.
Sandaling natahimik ang buong paligid. Hanggang sa may marinig ako na tunog ng taong naglalakad. Ume-echo ang bawat paglapat ng takong nito sa sementadong sahig. Kasunod nun ay narinig kong nagsalita ang isang babae.
"So you think you can save him??" sabi nya.
Tama ako. Si Daniella nga ito! Iginala kong muli ang aking paningin sa buong paligid. Hindi ko pa rin sya makita pero nararamdaman kong malapit lang sya sa akin. Tanging ang taong nasa harapan ko lang na nakayuko ang naririto.
"Hindi ako natatakot sayo!" sigaw ko.
"Hmmmmm.... You'rre nothing comparred to me, Marrydale. You arre just a tiny weakling" sabi nya.
"Ang kapal mo! Itinuring kitang kaibigan! Nagpapanggap ka lang pala para makalapit ka kay Edward!" sagot ko.
"Yourre not the one forr him. He doesnt deserrve you" sagot nya.
"At sinong mas bagay, ikaw???!" sigaw ko.
"Ha!ha!ha!.... of courrrse... you know verry well that your worrlds are not alike. Hes a vampirre Marrydale... and yourre human. Vampirres are forr vampires and humans arre forr humans. You arre nothing but a glass of drrink to quench Edwarrd's thirrst" nakakainsultong sagot ni Daniella sa akin.
Lalo akong nanggigil sa sinabi nya.
"Hindi magiging kayo dahil walang kayo! Hindi mo sya makukuha dahil ako ang mahal nya!" matapang na sigaw ko kay Daniella.
Isang malakas na halakhak ang sumunod kong narinig.
"Ha!ha!ha! You arre making me laugh. What can an orrdinarry girrl like you.. do... to defeat me? Yourr love forr him?? Yourre a fool!" sigaw nya.
Pakiwari ko ay sa harapan ko na ngayon nanggagaling ang boses na yun ni Daniella. Naglakad ako papalapit sa taong nakayuko. Nasisiguro ko na sa likod nya nagtatago ang babaeng kinamumuhian ko ng labis ngayon.
"Mag ilusyon ka hanggat gusto mo pero hinding hindi mo makukuha si Edward dahil bukod sa ayaw nyang maging halimaw na gaya mo, hindi ka nya gusto!! Naiintindihan mo? Kahit anong pilit mo sa sarili mo, hindi mapapasayo si Edward! Yan ang isiksik mo sa kukote mo!" sigaw ko.
Nagpupuyos at nanggagalaiti ako sa galit!
Habang papalapit ako ng papalapit sa taong nakayuko ay unti unting nagiging malinaw sa akin kung sino ito. Kinutuban ako agad habang pinagmasdan sya mula ulo hanggang paa. Isang hakbang nalang ang layo ko sa taong nakayuko nang muling magsalita si Daniella.
"Ha!ha!ha! Its you who will neverr have him because hes alrready mine! My mate... foreverr!!!" sigaw ni Daniella.
Kasunod nun ay may nakita akong dalawang maputing kamay na pumulupot sa katawan ng taong nakayuko sa harapan ko at pagkatapos ay lumitaw ang mukha ni Daniella sa may bandang balikat nya.
Naniningkit ang mga mata nya na kulay pula habang nakatitig ito sa akin. Para syang nang iinggit kung makatingin. Nakita ko na hinalikan nya ang taong nakayuko sa pisngi at habang nakatingin si Daniella sa akin ay may ibinulong sya dito. Pagkatapos nun ay nag angat ng mukha ang taong nasa harapan ko.
Nanlaki ang aking mga mata. Sinasabi ko na nga ba. Si Edward ito at diretsong nakatingin sa akin.... ang kulay pula nya ring mga mata.
"E--Edward??" gulat na sambit ko.
Tumayo sya at humakbang papalapit sa akin.
"Ha!ha!ha! Edwarrd my love, show herr that rreality trruly bites" narinig kong sabi ni Daniella.
Kasabay ng paghakbang ko pa atras ay ang malakas at sunud sunod na pagkabog ng aking dibdib. Si Edward naman ay patuloy sa pag abante papalapit sa akin. Nakakatakot ang itsura nya. Para syang mabangis na hayop kung makatingin sa akin.
Habang nakatitig ako sa kanya ay ngayon ko naiintidihan kung bakit ko tinakbuhan kanina ang lalaking nakatayo sa liwanag. Hindi totoong si Edward yun, kamukha nya lang.
Ang nararamdaman ko ngayon ay iba kumpara kanina. Hindi ko alam kung bakit nasisiguro ko na ang lalaking ito na nasa harapan ko ngayon... ay ang totoong Edward.
Ang bampirang ito ay ang lalaking pinakamamahal ko. Pero bakit parang hindi nya ako nakikilala? Parang sunud sunuran sya kay Daniella.
"Edward, si Maymay to" sabi ko.
Hindi sya kumibo. Patuloy lang sya sa paglalakad. Seryoso ang kanyang mukha at magkasalubong ang dalawa nyang kilay habang matalim na nakatitig sa akin. Naramdaman kong unti unti nang umiinit ang aking mga mata.
"Ha!ha!ha! Edwarrd doesnt carre about you anymorre. He ratherr answerrs to whateverr I say" sabi ni Daniella.
Habang umaatras ako ay isa isa nang tumulo ang aking mga luha.
"Hindi. Hindi totoo yun, Edward. Hindi totoo yun diba?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Pero nanatili syang tahimik. Patuloy ako sa pag atras habang sya naman ay patuloy pa rin sa pag lapit. Hanggang sa wala na akong maatrasan pa.
Sa isang iglap ay mabilis nya akong naisandal sa pader. Hawak na nya agad ang aking dalawang kamay at idiniin nya ito pareho sa magkabila kong gilid. Masyado syang malakas. Ni hindi ko magawang gumalaw. Patuloy sa pag agos ang aking mga luha.
"Ililigtas pa rin kita, wala akong paki alam kahit huli na ang lahat" bulong ko sa kanya habang nakatitig ng diretso sa kulay pula nyang mga mata.
Napansin kong natigilan sya at unti unting nag iba ang seryosong expression ng kanyang mukha.
"Mahal na mahal kita huwag mong gawin to" bulong ko.
Muling nagsalita si Daniella.
"Go Edwarrd, take a bite. She mean nothing to you. I brrought herr herre to quench yourr thirrst. Nowww tttaakkke a bbbiiitttee." utos ni Daniella.
Nakakakilabot ang boses nya.
Nakita kong bahagyang bumuka ang bibig ni Edward. At sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko ang dalawang matulis nyang pangil. Pero imbes na magpadaig ako sa takot, ang pagmamahal at labis na pagnanais kong mailigtas si Edward ang syang nangibabaw sa akin.
Bago pa sya makakilos ay inilapit ko bigla ang aking mukha sa kanya at sinalubong ko ng halik ang kanyang bibig. Patuloy ang pag agos ng aking mga luha habang hinahalikan ko si Edward. Hindi sya kumikilos. Pakiramdam ko tuloy ay humahalik ako sa isang istatwa. Pero hindi ako tumigil.
Hindi man nya ako nakikilala. Sa ganitong paraan man lang ay maalala sana nya ang pagmamahal na meron kami para sa isat isa.
Gusto pang lumaban ng puso ko pero iba na ang sinasabi ng isip ko. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa.
Hanggang sa...
Maya maya ay gumanti si Edward ng halik sa akin.
At gaya ng dati, marahan iyon at ramdam kong puno ng pagmamahal. Pakiwari ko ay parang ibinalik ako nito sa pinaka unang beses na hinalikan nya ako. Yung unang beses na naglapat ang aming mga labi.
Oo. Bampira sya. Hindi nya ako nakikilala. Pero sa mga oras na ito. Habang nakapikit ako ay nasisiguro ko na pareho kami ng nadarama.
Maya maya ay tumigil si Edward sa paghalik sa akin. Sabay kaming dumilat at agad nagsalubong ang aming tingin. Pula pa rin ang kulay ng kanyang mga mata pero hindi na matalim ang kanyang pag titig sa akin. Gaya na uli ito ng dati.
"Edward" bulong ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
Bahagya akong ngumiti. Ngumiti din sya. Pero agad napalitan ng lungkot ang ngiti nyang iyon. Kasunod nun ay para syang naging usok na unti unting nawawala habang sumasama sa hangin. Nataranta ako.
"Teka... anong nangyayari??!" sigaw ko.
Nakatitig lang sa akin si Edward. Pero bago sya tuluyang maglaho ay bumulong sya sa akin...
"Youre all that matters to me, but forgive me, I would rather be not saved, as long as you are safe" sabi nya.
Pagkatapos nun ay tuluyan na syang sumama sa hangin at nawalang parang bula sa kalagitnaan ng dilim. Gayundin si Daniella.
"Edward!!!" sigaw ko.
***
"Edward!!" sigaw ko sabay bangon.
Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam ko ang lakas ng kabog nito. Kasabay nun ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Napayuko ako sabay takip sa aking mukha.
"Napaka samang panaginip. Anong ibig sabihin nun??" bulong ko sa aking sarili.
Biglang may mabilis na hangin akong naramdaman. Pag angat ko ng mukha ay si Edward agad ang nakita ko. Narinig nya ako mula sa kabilang kwarto.
"What happened? Are you okay?" tanong nya. Bakas ang pag aalaa sa kanyang mukha.
Hindi ako agad nakasagot. Niyakap ko sya bigla habang umiiyak.
"Maymay. You know I can only hear the words that you say, not whats on your mind. Please tell me what happened. Ill go crazy worrying about you" sabi nya habang hinahagod ang aking likuran.
"Ang sama kasi ng panaginip ko. Kasama mo daw si Daniella. Bampira ka na at nawala kang parang bula. Ayokong mangyari yun. Ayokong mawala ka" sagot ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Sssh... That will never happen. I promise. Im here and ill always be here. You have become deeply intertwined with me. I cant even stand being away from you for too long. Its just a dream. It wont happen. I promise" sagot nya.
Kumalas ako sa mahigpit na pagkakayakap kay Edward. Doon ko lang napansin ang madilim na paligid. Sya lamang at ako ang naririto. Pareho kaming nakaupo sa kama. Tanging ang maliit na ilaw lang mula sa cellphone na nasa tabi ko ang nagbibigay liwanag sa aming dalawa.
Muli ko syang tinitigan.
"Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan ha. Kahit ordinaryong tao lang ako at walang ibang kakayahan gaya ninyo, gagamitin ko ang pagmamahal na meron ako para sayo wag kalang mapunta sa kanila. Hindi ako papayag. Kahit anong mangyari ay tutuparin ko ang hiling ng mga magulang mo. Hindi ka magiging masama" sabi ko.
Iniangat ni Edward ang kanyang isang kamay at pagkatapos ay marahan nyang hinaplos ang aking pisngi.
"Dont worry about me. I am more worried about you than myself. I mean, you should be in school with Fenech or at home helping your mom, doing what a normal teenager would do. Not here... with me... being caught up in the middle of this unnatural drama. And now, even in your dreams, this stupid thing about me is haunting you" sagot ni Edward.
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Mas gugustuhin kong nandito ako kaysa wala akong kaalam alam na bigla ka nalang mawawala. Mahal kita Edward at hindi ako nagsisisi na minahal kita. Gaya ng sabi ko, lahat gagawin ko huwag ka lang mapunta kay Devas at mas lalo na kay Daniella" giit ko sa kanya.
Muling tumulo ang aking mga luha. Naiisip ko palang ang scenario na yun ay sobra na akong nasasaktan.
"This isnt right. I feel guilty about all of these especially about what you have to do to save me. I dont want to force you to---"
Pinutol ko agad ang sinasabi nya.
"Edward, hindi ako napipilitan. Napag usapan na natin ito diba?" sabat ko.
"No Maymay. Youre probably just caught in the middle. It shouldnt be like this. I love you. I want to give you a normal kind of relationship.. not this. You were just an ordinary student when we met and now---"
Sumabat ako uli dahil hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi nya.
"Alam mo, yang mga iniisip mo, posible yan kung wala akong nararamdaman para sayo. Kaso hindi. Oo aaminin ko, may takot din akong nararamdaman pero nang malaman ko na buhay at kaligtasan mo ang nakasalalay dito, kahit kailan ay hindi ako nagsisi sa pinasok ko at mas lalong hindi ako napilitan lang gaya ng iniisip mo. Gusto mong malaman kung ano pa ang nasa isip ko? O sige, tatapatin na kita, may pagkakataon na nahihiya ako. Wala naman akong alam sa pakikipag relasyon. Hindi ko alam paano ang tamang paghalik at mas lalong wala akong idea kung paano mag-----"
Natigilan ako habang si Edward naman ay pailing iling.
"Alam mo kung ano ang hindi tama? Yang tumatakbo sa isip mo. Naplano na ito lahat ng magulang mo para sayo"
sabi ko.
"I dont care. This isnt just about me. Its more about you. Youre all I have that has immediate connection to my parents, to my past, plus the fact that half of my fathers life is inside of you. I dont want to put your life in danger. I will protect you in anyway that I can, Maymay" giit ni Edward sa akin.
"Ilang beses mo na akong iniligtas. Ako naman ngayon at hindi ito dahil sa pagtanaw ko ng utang ng loob kundi dahil nga mahal kita. Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo???" tanong ko.
"You dont get it---"
"Ikaw ang hindi makaintindi. Okay lang ako Edward. Masama ang panaginip ko pero gaya ng sabi mo kanina panaginip lang yun. Hindi ako nagsisisi na nandito ako. Hindi ako natatakot na nandito ako at mas lalong hindi ako napipilitan. Kung patuloy mo pa ring ipipilit yang iniisip mo, parang sinabi mo na rin na wala kang tiwala sa pagmamahal ko at sa kaya kong gawin para sayo"
katwiran ko.
"No---"
"Matutulog na ko. Bumalik ka na sa kwarto mo. Saka na tayo mag usap kapag paniniwalaan mo na ako" sagot ko sabay higa at talikod sa kanya.
Narinig kong bumuntung hininga si Edward. Malumanay ang kanyang tono nang muli ko syang marinig na nagsalita.
"Im sorry. I love you and youre all that matters to me, but forgive me, Id rather be not saved as long as you are safe" sabi nya.
Natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata. Ito ang eksaktong sinabi nya sa panaginip ko!
Bumangon ako agad para harapin si Edward pero wala na sya. Naiwan akong mag isa.
***
Hindi ako agad nakatulog kakaisip sa huling sinabi ni Edward at sa masamang panaginip ko. Halos mag uumaga na ata ng dalawin ako ng antok kaya naman tanghali na ako nagising.
Nagpunta ako agad sa CR para mag ayos ng aking sarili. Naghilamos ako at nagpalit ng damit. Lalabas na sana ako ng kwarto ng maalala ko ang maliit na kutsilyo na yari sa purong pilak na palihim na iniabot sa akin ni Pinunong Joel kagabi.
Sya ang pinaka mataas na namamahala sa lahat ng bampira dito sa Pilipinas. Malapit na kaibigan ni Dr. Laurenti at isa sa mga natulungan noon ng ama ni Edward.
Mahigpit nyang bilin sa akin na huwag ko daw iwawala ang kutsilyong iyon dahil ito lang ang sandata ko laban sa mga kagaya nya.
Makaraan lang ang ilang minuto ay lumabas na ako agad ng kwarto. Sa loob loob ko, ang unang una kong gagawin ay makipagbati na kay Edward. Pero pagbukas ko ng pinto ay si Ate Ali ang agad na bumungad sa akin. Ipinakilala sya sa akin kagabi pagkarating namin. Sya ang naatasan na magbantay sa akin.
Mukha syang masungit. Seryoso lagi ang kanyang mukha. Hindi nya ako nginingitian. Tahimik din sya at magsasalita lang kapag may tinatanong ako.
"Go--good morning po" bati ko kay Ate Ali.
"Sumunod ka sa akin" sabi nya sabay talikod at naglakad sya papuntang hardin.
Sumunod naman ako agad sa kanya.
"Sorry po Ate. Tinanghali po ako ng gising. Hindi po kasi ako agad nakatulog" sabi ko habang naglalakad kami.
Pero hindi sya sumagot sa akin. Baka badtrip lalo. Siguro kanina pa sya naroroon sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.
Pagdating namin sa hardin ay may nakahanda na palang pagkain para sa akin.
"Kumain ka na. Ibinilin ni Pinuno na ilabas ka daw sandali para maarawan at makalanghap ng hangin bago ka uli ibalik sa kwarto mo" sabi nya.
Sa loob loob ko. Mabuti naman kung ganun. Secured na secured kasi ang silid ko. Wala man lang bintana. Pakiramdam ko tuloy ay para akong preso. Hindi ako agad umupo. Naisip ko kasing puntahan muna si Edward sa kwarto nya.
"Ah eh... Ate... puntahan ko muna po si Edward" sabi ko.
"Wala sya" sagot ni Ate Ali sa akin.
"Po?! Bakit po? Asan sya?"
"Maagang dumating si Dr. Laurenti. May pinuntahan sila" sagot nya.
Hindi na ako nagsalita pa. Tahimik akong umupo at kumain gaya ng utos nya. Hindi ko man lang naabutan si Dr. Laurenti. Gusto ko sana syang makausap para itanong ang kalagayan ng mama ko.
Habang kumakain ako ay biglang nag vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito agad. Ngayon ko lang napansin na nakailang text na pala si Fen sa akin. Pero bago ko ito basahin ay napatingin muna ako kay Ate Ali na nakatayo ilang hakbang lang ang layo sa kinauupuan ko.
Hindi ako sanay sa ganito. Naiilang tuloy ako. Bakit ba kasi kailangan pang bantayan ako ng sobra. Umaga naman. Maya maya ay may lumapit sa kanya at mukhang may ipinakikisuyo ito.
"Maymay. Dito ka lang. Sandali lang ako. Babalik din ako agad" sabi nya.
"Opo ate" sagot ko.
Pagka alis niya ay agad ko namang ibinalik ang atensyon ko sa pagbabasa ng text ni Fen.
Hinahanap nya ako. Bakit daw bigla kaming nawala kagabi sa ball. Nag aala na daw sya sa akin. Pumunta din pala sya sa mansion. Sarado daw ito. Ilan pang mga text nya ang binasa ko. Puro asan ka ba Maymay ito.
Hanggang sa mabasa ko ang pinakahuli..
Fr: Fen
Asan ka ba talaga?! Dumaan nanaman ako sa inyo. Sino yung mga lalaking nakita ko sa loob ng gate nyo? Bakit ang dami nila?! Nag aala na ako sa iyo Maymay. Please sumagot ka.
Mga lalaki?? Juskolord. Baka mga alagad na iyon ni Devas. Nasa bahay na sila! Kinabahan ako bigla. Si mama at Doña Pina ang unang pumasok sa isip ko. Si kuya Nonong.. si Ate Alora! Baka kung ano nang ginawa sa kanila. Magrereply sana ako kay Fen pero wala naman akong load.
Asan ang mama ko??? Hindi ko na naituloy pa ang pagkain. Naisip ko na kailangan akong makalabas na dito. Kailangan kong mahanap ang mama ko. Pero paano?
Lahat ng naririto ay puro mga bampira. Napansin ko na karaniwan na sa kanila ang malakas ang pakiramdam. Kaya paano ako lalabas dito ng hindi nila nalalaman???
Tumatakbo ang oras. Maya maya lang ay nandito na uli si Ate Ali. Natatanaw ko ang gate mula sa kinauupuan ko.
"Isip. Isip Maymay..." sabi ko sa aking sarili.
Hanggang sa mamataan ko si Ate Ninay. Marami syang dalang garbage bag.
"Bahala na. Ito lang ang naisip ko" sabi ko sa aking sarili.
Tumingin muna ako sa paligid. At pagkatapos ay dali dali akong naglakad papalapit kay Ate Ninay.
"Ate Ninay... tulungan ko na po kayo" sabi ko.
Agad syang ngumiti.
"Ay naku kayang kayang ko naman ire" sagot nya.
"Ang dami nyo pong dala. Paano nyo po mabubuksan ang gate" sabi ko.
"Ay sandali laang yan. May bantay naman sa gate. Ay sya ang magbukas para sa akin ah" sabi nya.
Biglang may tumawag sa kanya. Pareho kaming napalingon dito.
"Ate ako na po. Ilalabas lang naman po ito diba?" sabi ko.
"Oo"
"Tinatawag po ata kayo sa loob. Baka po si Pinuno ang nagpapatawag. Ako na po dito. Sige na po" giit ko.
"O sige. Madali ka laang ha. Mapapagalitan ako" sabi nya.
"Jan lang naman po sa labas ilalagay diba? Papasok po ako agad" sabi ko.
Inabot sa akin ni Ate Ninay ang tatlong malalaking garbage bag na itim. Mejo may kabigatan pala ito pero pinilit ko kayanin makalabas lang ako ng gate.
Pinagpatong ko ang dalawang malaking bag at saka ito kinarga ng isa kong kamay habang ang isa naman ay pinilit kong buhatin. Sinadya kong takpan ang aking mukha para hindi ako makilala ng nagbabantay sa gate.
Kabado pa ako habang naglalakad papalapit dito.
"Tulungan na kita" sabi ng bantay.
Sa loob loob ko. Naku patay na!
"Ay wag na. Kayang kaya ko ire" sabi ko habang napapapikit. Pilit kong ginagaya ang boses ni Ate Ninay.
"Ikaw talaga Ninay napaka sipag mo" sagot nya.
"Ay hindi bat bawal ka umalis sa pwisto mo. Jan ka na laang. Pagbuksan mo nalaang ako ng gate" sabi ko.
Mabuti naman at hindi na iginiit pa ng bantay na tulungan ako. Agad akong naglakad palabas ng gate nang makita kong bukas na ito kahit hirap na hirap na ako sa binubuhat ko.
Nang sa wakas ay nakalabas na ako ng gate ay inilapag ko agad sa basurahan ang tatlong malalaking garbage bag. Walang lingon lingon, kumaripas ako ng takbo papalayo sa sikretong hide out na iyon.
***
MARCO'S POV
"What?! What the hell. Stay there, pupuntahan kita" sagot ko kay Fen sabay baba ng tawag.
Nagkatinginan kami ni Edward. Magkatabi kami sa likod ng kotse habang nasa harapan naman si Dad at Tanner.
"Dad. Ill go see Fen. I wont take long. Ill just send her back home very quick" sabi ko.
"Where is she?" tanong nya sa akin.
"Shes at the market. She came here to see Maymay" sabi ko.
"How did she know Maymay is here?" tanong ni Edward sa akin.
Hindi ako nakasagot. Parehong lumingon si Dad at Tanner habang si Edward naman ay seryosong nakatingin sa akin.
"Sorry... kinukulit nya ako. I... I didn't mean to tell her that. It was a slip of the tongue" sagot ko.
"Do you realize you have just put her life in danger??" sabi ni Edward.
"Kaya nga Ill be quick. She was really worried about Maymay. She went to the old lady's mansion a few times. Sabi nya may mga lalaki daw syang nakita sa loob. I told her not to go there anymore dahil walang tao doon. Pero she insists on asking where I am"
"Oh God Marco. You really cant keep a secret dont you??" si Edward uli.
Hindi ko na sya pinansin. Alam kong galit silang tatlo sa akin. But I dont care. All I can think about now is Fen. I have to send her back to Manila asap!
"Dad stop the car. Susunod nalang ako" giit ko.
"No Marco. You cant be out there by yourself" sabat ni Tanner.
"I promise. Mabilis lang ako. Ill be very very careful... please" pakiusap ko.
Biglang inihinto ni Dad ang kotse. Hindi pa sya nakakapagsalita ay mabilis akong bumaba at sa isang iglap ay narating ko na agad ang palengke.
Tinawagan ko uli si Fen habang patingin tingin ako sa paligid.
Maraming tao kaya malakas ang loob ko. Alam kong hindi ako susugurin ng mga tauhan ni Devas dahil hindi maaring malaman ng mga ordinaryong tao na naririto ang tungkol sa aming mga bampira. Sa tingin ko, yun din ang naisip ni dad kaya pumayag syang puntahan ko si Fen dito. At isa pa, maliwanag at sikat na sikat ang araw. Mas malakas kaming mga bampira kapag gabi.
Pero knowing Tanner and dad, alam kong susunod sila sa akin pagkahatid nila kay Edward.
After a few minutes, hindi ko pa rin mahanap si Fenech. This place is teeming with people. I kept on looking at my watch. Its been 15 minutes already. Hindi rin sya sumasagot sa tawag ko. Im really worried now.
Where could she be??
***
MAYMAY'S POV
Nagmamadali akong bumaba ng truck matapos kong magpaalam sa mag asawang nagmagandang loob sa akin na isabay ako papunta dito sa palengke. Magdedeliver daw sila ng gulay sa kabilang barrio. Nakita nila akong mag isang tumatakbo sa kalye.
Panay ang tanong nila sa akin kung ano daw ang ginagawa ko sa gubat. Nakita pala nila na doon ako nanggaling. Sa isang liblib na lugar sa loob ng gubat na yun ang hideout ng grupo ng mga bampira na nangangalaga sa amin ni Edward.
Nung una ay wala akong maisip na dahilan hanggang sa mabanggit nila ang namataan daw nilang mga bus kahapon na galing Maynila sakay ang mga estudyante ng isang paaralan. Siguro daw ay mag cacamping sila. May malapit pala na camp site sa gubat na pinanggalingan ko.
Umoo nalang ako sa kanila. Sinabi ko nalang na naligaw ako at nahiwalay sa mga kaklase ko.
Tirik na ang araw habang tinatahak ko ang kahabaan ng napaka mataong lugar na ito. Halos mahilo na ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Nagtanong tanong ako kung saan ang sakayan pabalik ng Maynila. Kung saan saan naman ako itinituro ng mga napapagtanungan ko. Sa lahat ata ng mga nakausap ko, ang pinaka huli lang ang tumama.
Sobrang nagmamadali na ako habang papunta ako sa terminal. Mejo malapit na ako doon nang may mapansin akong kakaiba. Pasimple akong gumilid at humalo sa mga taong namimili ng mga kakanin malapit sa terminal.
May namataan akong limang lalaki na nakasuot ng itim shades.
Tirik ang araw kaya normal lang ito kung titingnan pero ewan ko ba kung bakit iba agad ang kutob ko habang pasimple ko silang pinagmamasdan. Pakiwari ko kasi ay parang may hinahanap sila. Parang may inaabangan. Patingin tingin sila sa paligid.
Dahil doon ay hindi na ako tumuloy sa terminal. Umatras ako at naglakad pabalik. Maghahanap nalang ako ng ibang paraan papuntang Maynila. Kung kailangan makisakay nalang ako uli ay gagawin ko. Basta kailangan kong puntahan ang mama ko. Babalikan ko nalang si Edward bago mag linggo.
Magpapaload sana ako para matawagan si Fen. Baka naman kasi alam nya kung nasaan sila mama o kaya naman ay naisip kong magpasundo nalang sa kanya. Pero minalas namang lowbat na ang cellphone ko.
"Anong gagawin ko??" tanong ko sa aking sarili.
Habang naglalakad ako ay parang wala ako sa sarili kakaisip. Hanggang sa may makabungguan ako.
"Ay, sorry" sabi ko.
Nagkatinginan kami ng babaeng nabunggo ko. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala.
"Fenech??" sabi ko.
"Maymay!" sagot nya.
Naka shades sya na itim pero agad ko naman syang nakilala.
"Anong ginagawa mo dito??" tanong ko.
Napansin kong tumingin tingin muna sya sa paligid bago nya ako hinawakan sa kamay at hinila papasok sa isang eskinita.
Ang lamig ng kamay nya.
"Okay ka lang ba? Bakit nanlalamig ka?" tanong ko.
"Ninenerbyos kasi ako. Alam mo naman. Never pa akong lumayo sa amin. Nag aalala kasi ako sayo" sabi nya sa akin.
"Paano mo nalamang nandito ako?"
"Hindi na importante yun. Ang mahalaga nahanap na kita" sagot nya.
Yayakapin ko sana sya pero napa atras sya bigla.
"Halika na bumalik na tayo sa Maynila. Baka hinahanap ka na ng mama mo" sabi nya sabay hila uli sa akin papunta sa terminal.
Pero pinigilan ko sya. Ako naman ang humila sa kanya pabalik sa eskinita.
"Bakit?" tanong nya.
"Hindi pwede" sabi ko.
"Bakit hindi pwede?" tanong nya uli.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero wala akong ibang choice kundi ipaalam sa kanya ang totoong nangyayari.
"Fen... may mga naghahanap sa amin ni Edward. Yung mga nakita mo sa mansyon. Sila yun. At kanina sa terminal. Sigurado ako na kasamahan din nila ang mga yun" bulong ko.
"Naghahanap? Bakit? Nasaan ba si Edward?" agad nyang tanong.
"Hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan. Baka may nakakarinig sa atin. Sa ngayon, gusto ko lang masiguro kung okay ang mama ko at pagkatapos nun ay babalikan ko na si Edward. Kailangan makabalik ako sa kanya bago mag linggo" sabi ko.
"Bakit... anong meron sa linggo?" tanong nya.
"Fen... si Edward... at ang lalaking sinabi ko sa iyo noon... iisa lang sila" sabi ko.
Natahimik si Fen. Wala akong nakitang reaksyon sa kanya. Parang nag iisip. Buong akala ko ay magtitili nanaman sya gaya ng karaniwang reaksyon nya pag nagkukwento ako sa kanya tungkol sa amin ni Edward.
"Fen... okay ka lang ba?" tanong ko uli.
"Oo naman... pero parang may kakaiba akong nararamdaman tungkol kay Edward. Hindi bat parang ang weirdo nya?" tanong ni Fen sa akin.
"Ha?"
"Maymay... may kakaiba kay Edward... pakiramdam ko wala syang magandang maidudulot sayo" sabi nya.
Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabing yun ni Fen. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko syang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Edward. Nahalata nya ata ang naging reaksyon ko.
"Huwag mo sanang mamasamain. Kaibigan kita. Parang kapatid na nga ang turing ko sayo. Napansin ko kasi na parang nagulo ang buhay mo dahil sa kanya. Dati naman school at bahay ka lang. Puro libro kaharap mo. Pero ngayon... tingnan mo... nandito ka.. bakit ka nya inilayo. At ang masama pa dito... wala ka sa tabi ng mama mo. Habang may mga taong naghahanap kamo sa inyo. Baka kung anong gawin nila sa mama mo. Sa tingin mo ba... anong kailangan ng mga iyon sa iyo? Dati ba nung wala pa si Edward may ganyang pangyayari na?"
Umiling ako habang nakatitig kay Fen at nakikinig sa sinasabi nya.
"See? Baka naman si Edward ang kailangan nila. Nadadamay ka lang. Kaya iwasan mo na kaya sya. Ibalik mo nalang sa dati ang buhay mo"
Napa isip ako sa sinabi ni Fen. Hindi ako sumagot.
"Isipin mo ang mama mo Maymay. Bata ka pa. Marami pang Edward na darating sayo" sabi nya.
Hindi ko alam kung anong nakain ng kaibigan ko kung bakit biglang ganito ang sinasabi nya sa akin ngayon. Siguro ay dala ng takot nya nung may makita syang mga lalaki sa bahay. Tapos ngayon inilayo nga naman ako ni Edward. At hindi ko alam kung anong kalagayan ng mama ko.
Napansin kong patingin tingin si Fen sa relo nya. Maya maya ay hinila nya ako palabas ng eskinita. Hawak hawak nya ako sa kamay na parang batang ayaw niyang mawala. Sumunod lang ako sa kanya. Pero wala naman sa pupuntahan namin ang isip ko kundi na kay Edward.
Oo. Tama nga si Fen. Mahal ko ang mama ko. Mahal ko rin si Edward. Pero naniniwala ako na kung makakausap ko si mama, pipiliin nyang huwag kong iwanan si Edward. Nung huli kaming magkita sa bahay nila Dr. Laurenti ay nabasa ko sa mga mata nya na iyon ang gusto nyang mangyari.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na malapit na pala kami ni Fen sa terminal. Agad akong huminto. Hindi nya binibitawan ang kamay ko.
"Fen hindi ako sasama sayo" sabi ko.
"Ano? Bakit? Hindi ka ba nag aalala sa mama mo?"
"Fen saka ko na ipapaliwanag. Pahiramin mo nalang muna ako ng phone mo. Susubukan kong makausap si mama" sabi ko.
Hindi sumagot si Fen sa akin. Nagulat ako ng hilain nya pa rin ako papalapit sa terminal. Natanaw ko agad ang mga lalaking naka shades ng itim.
"Fen... please... hindi ako sasama sayo" sabi ko uli.
Pero hindi tumigil si Fen sa paghila sa akin. Nakapagtataka na hindi ko magawang alisin ang kamay nya sa pagkakahawak sa akin. Kapit na kapit sya.
"Fen.... ano ba... bitawan mo ako" sabi ko.
Patuloy pa rin sya sa paglalakad. Kinabahan na ako. Alam kong pag lumapit pa kami ay mapapansin na kami ng mga lalaking iniiwasan ko. Pinilit kong pigilan si Fen pero bakit ang lakas nya???
"Fen? Ano bang nangyayari sayo?? Bitawan mo ko" sabi ko.
Nang biglang...
May humawak sa kabilang kamay ko. Agad natigilan si Fen sa paghila sa akin. Sabay naming nilingon kung sino ito. Isang lalaki na nakasuot ng itim na baseball cap.
"Let her go" sabi nya.
Agad ko syang nakilala kahit halos natatakpan na ng visor ng suot nyang cap ang kanyang mga mata. Hindi ako agad nakapagsalita sa gulat. Sa dami ng tao dito, nagawa pa rin akong mahanap ni Edward.
"Let her go" sabi nya uli.
Kahit hindi ko maaninag ang kanyang mga mata, alam kong nakatitig sya kay Fen. Papalit palit ang tingin ko sa kanila habang pareho nilang hawak ang magkabila kong kamay. Biglang hinawakan ni Edward ang isang kamay ni Fen. Halos baliin na nya ito.
"Edward, nasasaktan si Fenech! Tama na yan" saway ko.
Hindi ako pinansin ni Edward. Nakatitig pa rin sya kay Fen. Hanggang sa bitawan ni Fen ang aking kamay at walang sabi sabi, tumalikod na sya at naglakad palayo.
"Fenech! sandali!" tawag ko sa kanya.
Pero si Edward naman ang mahigpit na nakahawak sa kamay ko ngayon.
"Lets go" narinig kong sabi nya.
"Bakit mo ginawa yun?? Lalo lang sasama ang tingin nya sayo. Pwede namang daanin sa maayos na pag uusap. Hindi mo kailangang saktan ang kaibigan ko" sabi ko.
Hindi kumibo si Edward. Hinila nya ako pabalik. Papalayo sa terminal.
Obvious na galit sya sa akin dahil umalis ako. Hindi pa nga kami nagkaka ayos dahil nagkasagutan kami kagabi tapos ngayon naman ay ganito. Kaya hinayaan ko nalang muna sya. Alam ko naman kung saan nya ako dadalhin at mag uusap talaga kami ng masinsinan pagkabalik namin sa hideout.
Maaga pa sana ng marating namin ang gubat. Pero hindi ko alam kung bakit parang hindi alam ni Edward ang daan pabalik ng hideout. Kanina pa kami naglalakad at maging ako ay parang nalilito na kung saan nga tamang daan.
Hanggang sa tumigil sya sa paglalakad. Pakiwari ko ay dinala nya ako sa pinaka gitna ng gubat.
"Edward, anong ginagawa natin dito???" nagtataka kong tanong.
Lumingon sya sa akin. Palubog na ang araw at kami lang ang naririto pero hindi pa rin nya hinuhabad ang suot nyang sumbrero. Hindi ko tuloy maaninag ang buong mukha nya.
"Edward sumagot ka nga. Alam ko galit ka sa akin. Pero hindi tama ang ginawa mo kay Fen" sabi ko.
Binitawan ako ni Edward sa kamay at pagkatapos ay humarap sya sa akin.
"Umalis ako dahil nag aalala ako sa mama ko. Pinuntahan ako ni Fen dahil nag aalala sya sa akin. Tapos ikaw, ikaw pa tong galit" sabi ko sabay talikod sa kanya at naglakad ako papalayo.
Nagulat ako ng bigla nalang akong isandal ni Edward sa isang malaking puno ilang hakbang lang ang layo sa amin.
"Aray! Edward, anong ginagawa mo?! Nakakasakit ka na!" sabi ko.
Nanatili syang tahimik habang hawak ang magkabila kong braso. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.
"Edward nasasaktan ako" sabi ko.
Hindi pa rin sya kumikibo at pakiwari ko ay nakatitig sya sa akin. Hindi ko pa rin maaninag ang mga mata nya. Mula ilong pababa lang ang nakikita ko dahil nga sa suot nyang sumbrero. Sinubukan kong kumalas sa napaka higpit nyang pagkakahawak sa akin.
Nang bigla syang magsalita.
"Do you love me?" tanong nya.
"Ano bang klaseng tanong yan??!"
sagot ko.
"Do you love me?" tanong nya uli.
"Oo! Syempre! Pero mali itong ginagawa---"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla syang sumabat.
"Prove it" sabi nya.
Hindi ako agad nakasagot. Totoo ba itong narinig ko?? Gusto nyang patunayan ko sa kanya na mahal ko sya? Parang bago ata yun. Never ko pa ito narinig sa kanya. Ngayon lang.
"Prove it" sabi nya uli.
"Ano bang sinasabi mo?? Bakit ba parang---"
"Make love with me, right now" sabi nya.
Natahimik ako. Anong sinasabi nya? Kagabi lang ay naguguilty sya sa kailangan kong gawin para iligtas sya tapos ngayon gusto nya agad agad???
"Nagbibiro ka ba??!" inis kong sagot sa kanya.
Hindi sya kumibo bigla nalang nya ako pinaghahalikan. Nagpupumiglas ako. Pinilit kong ipaling pakaliwa at pakanan ang mukha ko para iiwas ang labi ko sa labi nya. Pero sadyang mapilit si Edward ngayon. Patuloy sya sa marahas na paghalik sa akin. Akyat baba ang kanyang labi sa aking leeg. Naramdaman kong bumukas na ang iilang botones ng suot kong pang itaas.
"Edward!!!!! Ano ba???!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
Iba ang pakiramdam ko. Mali ito. Hindi ganito ang Edward na kasama ko kagabi. Hindi nya gagawin ito sa akin.
"Tama na!!!! Tama naaaa!!!" sigaw ko.
Pero patuloy pa rin sya sa paghalik. Pinilit ko pa rin magpumiglas kahit gaano sya kalakas. Hanggang sa matanggal ang suot nyang sumbrero. Natigilan sya at agad nagtagpo ang aming mga mata. Laking gulat ko.
Bakit kulay pula ang mga mata nya????
"Edward?? Ba--bakit.."
Hindi ko na halos mabigkas ang sasabihin ko sa gulat at takot na biglang naramdaman ko. Matalim ang mga titig ni Edward sa akin. Napansin kong tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. At pagkatapos ay bahagya syang ngumiti.
Hindi ito ang ngiting madalas kong nakikita sa kanya. Isa itong ngiti ng may hindi magandang binabalak. Habang nakatitig ako kay Edward ay narinig kong may papalapit sa amin.
"Ano pang inaantay mo?" sabi nya.
Muling nanlaki ang mga mata ko.
Si Fenech. Nasundan nya pala kami. Anong ginagawa nya dito??? At anong ibig nyang sabihin??
"Fenech???!" sabi ko.
Tumingin sya sa akin. Naglakad sya papalapit at pagkatapos ay naghubad ng suot nyang itim na salamin. Muli nanaman akong nagulat. Kulay pula din ang kanyang mga mata.
Gusto kong isipin na isa itong panaginip pero hindi... totoo ang nakikita ng dalawang mata ko.
Ang Fenech na kasama ko kanina ay ang Fenech na may kulay pulang nanlilisik na mga mata na nakatitig ngayon sa akin.
"Surprise surprise..." sabi nya.
"Anong nangyari sayo Fenech???!" tanong ko.
Hindi nya ako sinagot. Lumapit sya kay Edward na kasalukuyan pa ring hawak ang magkabila kong braso habang nakasandal ako sa puno.
Sobrang lapit nya kay Edward. Isinandal nya pa ang baba nya sa balikat nito at pagkatapos ay ngumiti sya sa akin.
"Nagulat ka?" tanong nya.
Hindi ako makasagot. Tumulo nalang ang luha ko ng halikan ni Fenech ang leeg ni Edward sa harapan ko. Si Edward naman ay bahagyang ngumiti habang nakatingin pa rin sa akin.
Maya maya ay tumigil si Fen at pagkatapos ay muli syang tumingin sa akin.
"Gusto mo?" tanong nya uli.
Hindi ako sumagot. Lumaban ako ng titigan kay Fenech kahit nanginginig na ang tuhod ko sa takot.
"Ha!ha!ha! O sige. Mabait naman ako. Ipapahiram ko sya sayo pero sandali lang ha. Papayagan ko muna syang... paglaruan ka" bulong nya.
Kasunod nun ay papalapit na muli ang mukha ni Edward habang matalim na naka titig sa akin. Muli syang ngumiti pero sa pagkakataong ito ay naaninag ko na ang dalawang matulis nyang pangil. Napapikit nalang ako.
"Huwag!!!!" sigaw ko. Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas na meron ako para pigilan si Edward.
Sobrang lapit na nya at tinutumbok na nya ngayon ang aking labi. Pumikit ako habang nagpupumiglas.
Jusko, hindiiiiiiiiii!!!!!
Pero imbes na maramdaman ko ang halik ni Edward ay biglang may mabilis na hanging dumaan sa harapan ko. Pagdilat ko ay nakita kong tumilapon si Edward at si Fenech. Napanganga ako sa gulat at sa bilis ng pangyayari. Agad kong iginala ang aking paningin. Muling naramdaman ko ang hangin at sa isang iglap ay nasa harapan ko na uli si Edward. Napa atras ako at parang wala sa sarili na muling napa sandal sa puno.
Hinawakan ako ni Edward sa pisngi.
"Are you okay???" narinig kong tanong nya sabay hawak sa aking magkabilang pisngi.
Agad kong nakasalubungan ng tingin ang isang pares ng kulay ginto nyang mga mata. Bumaba ang kanyang tingin sa suot kong punit na damit.
Kitang kita ko ang paninigas ng kanyang panga sa galit. Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran ako ni Edward para harapin ang dalawang tumilapon kanina na nakatayo na uli sa harapan namin.
Naguguluhan ako. Dalawang Edward ang nakikita ko ngayon. Ang isa ay kasama ni Fenech. Ito ang Edward na may kulay pulang mga mata.
Muling nawala si Edward na nakatayo sa harapan ko. Tumilapon nanaman sa ibat ibang bahagi ng gubat si Fenech at ang isa pang Edward. Pagkatapos nun ay hinarap ako uli ni Edward. Ang Edward na may gintong mga mata.
"Sino yun?? Bakit kamukha mo??? Sino ka???" tanong ko sa kanya.
"Its me. Im the real Edward. That one is fake. Hes one of Devas' men. He has the ability to disguise and copy someone. Its the same with the girl. Thats not Fenech" mabilis na paliwanag ni Edward sa akin.
Biglang may humablot kay Edward at sya naman ang itinapon nito sa malayo. Kitang kita ko na ipinaghahampas sya sa naglalakihang mga puno. Sinamantala naman iyon ng pekeng Fenech. Agad syang lumapit sa akin. Hinablot nya ako sa kamay at pagkatapos ay akmang kakagatin na nya ako.
"Huwag!!!!" sigaw ko habang nagpupumiglas.
Muling tumilapon si Fenech. Si Marco naman ang nakita kong nakatayo sa harapan ko ngayon.
"Hurry Fen. Take the car, Umalis na kayo dito!!!!" sigaw ni Marco sabay hagis ng susi sa babaeng nasa kaliwa ko.
Agad akong napatingin sa kanya habang nagmamadali syang lumapit sa akin.
"Maymay halika na!!!" sigaw nya.
"Fe--Fenech??" gulat na tanong ko habang nakatulala sa kanya.
Ordinaryo ang kulay ng kanyang mga mata. Ito ang totoong kabigan ko. Sigurado ako. Pero bago pa ako mahila ng totoong Fenech ay biglang nasa harapan ko na uli ang Edward na kulay pula ang mga mata. Itinulak nya si Fenech kaya tumilapon ito ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.
"Marco si Fenech!!!!" sigaw ko sabay takbo pero nahablot ako ng pekeng Edward.
Agad nyang inilapit sa kanyang bibig ang aking kamay at pagkatapos ay ngumanga sya sa tapat ng aking pulso. Kakagatin nya ako!!!
Napakabilis ng pangyayari. Bago pa ako makapalag ay nakaumang na ang kanyang pangil sa aking balat. Pero agad syang nahablot ng isa pang Edward. Galit na galit ito habang pinagsasapak nya ang pekeng Edward sa harapan ko. Pero hindi natitinag ang pekeng Edward. Nakatayo parin sya.
Gumanti ng isang napakalas na suntok ang pekeng Edward. Sobrang bilis ng pangyayari. Nakakahilo silang sundan ng tingin.
Bago pa maka ganti ang totong Edward ay agad syang nahawakan ng pekeng Edward sa kamay at pagkatapos ay dire diretso syang kinagat nito.
"No!!!!!!!!" narinig kong sigaw ni Marco.
Pagbaling ko ng tingin sa kanya ay kitang kita ko na pinilipit nya ang ulo ng pekeng Fenech. Agad bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa. Kasunod nun ay mabilis na tumakbo si Marco papalapit sa pekeng Edward.
Pinagsasapak nya ito. Inihagis at pinaghahampas sa puno habang ang totoong Edward naman ay tulalang nakatayo. Pinagmamasdan nya ang kanyang kamay habang panay ang pagtulo ng sarili nyang dugo.
Maya maya ay nag angat sya ng mukha at tumingin sa akin. Lalapitan ko na sana sya pero bigla syang nawala at galit na galit na sumugod sa pekeng Edward na nuoy kasalukuyang nakikipaglaban kay Marco.
"Maymay, halika na" narinig kong sabi ni Fen habang paika ika sya at papalapit sa akin.
"Fenech si Edward, nakagat sya ng bampira!" sabi ko habang umaagos nanaman ang luha sa aking mga mata.
"Umalis na tayo. Sige na baka lalo lang silang mapahamak dahil sa atin" sagot ni Fenech sa akin.
Agad akong lumapit sa kanya at kahit labag sa kalooban ko ang iwanan sila Edward ay wala akong nagawa kundi ang alalayan si Fenech papalayo.
Pero nakakailang hakbang palang kami ng biglang kami naman ang humagis sa ere. Pagbagsak namin ay nakita kong may dalawang lalaking naka itim at nakatayo sa harapan namin.
Agad akong nag angat ng tingin at bumungad sa akin ang pula nilang mga mata at matutulis na ngipin. Dadamputin na sana ako ng isang lalaki ng biglang dumating si Marco at inihagis nya ang mga ito.
"Hurry! Get out of here!!!" sigaw ni Marco sa amin.
Agad kaming tumayo ni Fenech.
"Si Edward nasaan si Edward??!!" tanong ko.
"Run Maymay! Run!" sagot ni Marco sa akin.
Kahit masakit ang aming mga paa at ibat ibang bahagi ng katawan ay pinilit namin ni Fen na makalayo sa kanila. Tumakbo kami ng tumakbo. Hindi na namin pareho ininda ang sakit na nararamdaman namin.
"Maymay bilis pa!" sabi ni Fen sa akin.
Hingal na hingal na ako pero pinilit ko pa ring tumakbo habang umiiyak. Jusko anong nangyari kay Edward???! Labis akong nag aalala sa kanya.
Halos hindi na namin matanaw si Marco at ang dalawang bampira na kalaban nya. Akala namin ni Fenech ay nakalayo na kami nang biglang may humarang nanaman sa amin.
Apat ito na lalaki. Ang isa sa kanila ay mejo may edad na pero matipuno pa rin ang pangangatawan. May bigote sya at sing pula ng dugo ang kulay ng kanyang mga mata.
"At last. I finally meet you young lady" sabi nya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya. Magkahawak kami ng kamay ni Fenech habang pareho kaming humahakbang paatras. Hindi ko kilala ang lalaking ito pero mukhang alam ko na kung sino sya.
"Ive hearrd a lot about you frrom my daughterr" sabi nya sabay ngiti.
Sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkamali. Si Hilberto Devas nga ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kahit nanginginig ang aking tuhod ay hindi ako nagpahalata na natatakot ako. Mamatay akong ipinaglalaban si Edward.
"I am verry surrprrise you arre still on yourr feet. Quite impressive" sabi nya.
Hindi pa rin ako sumagot. Matapang akong lumaban ng titigan sa kanya.
"My daughterr said that you arre Edwarrd's one grreat love. Well I say, all grreat things must come to an end" sabi nya at pagkatapos ay naglakad na papalapit sa amin ni Fen ang tatlong lalaki na kasama nya.
Pero hinarang ni Devas ang kanyang kamay sa kanila.
"She is not yourr priorrity. I have otherr tasks forr you. I have a special perrson who will do this" sabi ni Devas.
Kasunod nun ay biglang humagis ang lupaypay na katawan ni Marco sa harapan namin.
"Marco!!!!!" sigaw ni Fenech. Agad bumuhos ang kanyang luha.
Maging ako ay napaluha na rin. Awang awa ako sa sinapit ni Marco. Nakapikit sya. Punit punit ang damit nya at may mga hiwa sya sa ibat ibang parte ng kanyang katawan at mukha.
Muli kong ibinaling kay Devas ang aking tingin. Malaki ang kanyang ngiti habang nakatingin sya sa akin. Galit na galit ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang biglang gumilid sya at mula sa likuran nya ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nakayuko ito.
"Kill herr" narinig kong utos ni Devas sa kanya.
Nag angat sya ng mukha at pagkatapos ay tumingin sya sa akin. Napanganga na lang ako at napahawak sa aking bibig. Matalim at nanlilisik ang mga mata ni Edward habang diretso syang nakatingin sa akin. Hindi na ito kulay ginto. Pulang pula ito na parang dugo.
Gustuhin ko mang itanggi pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang pekeng Edward. Sya ang totoong Edward. Ang Edward na pinakamamahal ko.
Papalapit na sya sa amin ni Fen nang biglang tumayo si Marco at inihagis sya.
"Ha!ha!ha! I love this!" sigaw ni Devas.
Hindi ako makapaniwala. Tuluyan nang naging bampira si Edward at sa nakikita ko, hindi na nya kami nakikilala. Sumusunod sya sa anumang iutos ni Devas sa kanya.
"Brring me his head my young lad! Ha!ha!ha!" sigaw ni Devas.
Nakatitig ako kay Devas habang masaya nyang pinapanood si Edward at Marco. Biglang pumasok sa isip ko ang maliit na kutsilyong yari sa purong pilak na iniabot sa akin ni Pinunong Joel. Nakasiksik ito sa gilid ng aking hita kung saan may sikreto leg strap na nakakabit.
Pasimple ko itong inilabas. Sakto lang ang laki nito sa aking kamay. Mahigpit ang hawak ko dito. Sa loob loob ko. Bahala na.
Dalawang hakbang ang layo ko kay Devas. Isang mahabang buntung hininga ang pinaka walan ko. Wala akong dapat sayangin na oras. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito habang nakatingin ang lahat sa naglalaban na si Marco at Edward.
Mabilis akong kumilos. Dali dali kong tinakbo si Devas at buong lakas kong itinarak sa dibdib nya ang kutsilyong hawak ko. Sinigurado kong nakabaon yun.
Agad naman akong inihagis ng isa sa mga lalaking naka itim. Tumilapon ako at humapas ako sa isang puno malapit kay Fen.
"Maymay!!!!" sigaw nya.
Pero hindi ko ininda ang sakit ng aking katawan. Agad kong ibinalik ang aking atensyon kay Devas. Napa atras sya at parang hindi makahinga. Agad syang pinalibutan ng mga lalaking nakaitim at bigla silang nawala sa aking paningin.
May isang natira sa kanila. At mukhang ako ngayon ang puntirya nito. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na ito at dinampot ako na parang isang maliit na tuta. Hawak nya ako sa leeg. Itinaas nya ako at pagkatapos ay inihagis. Sa pagkakataong ito ay tumama ang aking noo sa isang matigas na bagay.
Naiharang ko naman ang aking braso pero pagbagsak ko ay naramdaman ko nalang ang mabilis na pagdaloy ng kung anong mainit na likido mula sa aking mga mata.
"Maymay!!!!!" narinig kong sigaw ni Fen sa akin.
Napatingin ako sa kanya.
Bakit ganun? Unti unting dumidilim ang aking paningin! Naaninag ko pang papalapit nanaman ang lalaking naka itim sa akin. Pinunasan ko ang aking mga mata at doon ko lang nakita na dugo na pala ang mabilis na dumadaloy mula dito. Bago tuluyang dumilim ang aking paningin ay nakita kong biglang humagis ang lalaking nakaitim at lumitaw sa harapan ko si Marco.
Nanlaki ang mga mata nya pagkakita sa akin. Napa atras sya.
"Fenech!!!! Umalis na kayo ni Maymay!!!!" sigaw nya.
Nakita ko pa si Fen na nagmamadaling lumapit sa akin.
"Go now! Shes full of blood. I cant stand here for too long, baka kung anong magawa ko kay Maymay. Quick! Umalis na kayo! Bilis!!!!" sigaw ni Marco at pagkatapos ay bigla syang nawala.
Hinablot na ako ni Fen at tumakbo na kami ng mabilis. Sakto namang pagkarating namin sa sasakyan ay bigla nalang....
"Fen.... Fen... wala akong makita!!!!" sigaw ko.
Iyak ng iyak si Fen. Hindi nya ako sinagot. Naramdaman ko nalang ang nanginginig nyang mga kamay na nagmamadaling inihaga ang sandalan ng aking inuupuan. Kasunod nun ay agad nang umandar ang sasakyan at mabilis na nya itong pinatakbo.
"Maymay wag kang matutulog please. Labanan mo!!! Hahanap tayo ng tulong... please!!!!" pakiusap ni Fen sa akin.
"Madilim ang paningin ko. Wala akong makita!!" sigaw ko habang umiiyak.
Hinawakan ko ang aking mga mata at patuloy ang pag agos ng mainit na likido mula rito. Naramdaman kong may iniaabot si Fen sa akin. Inutos nyang talian ko daw ang aking mata ng panyo para daw mapigilan ang pagdurugo. Agad ko naman iyong ginawa.
Maya maya ay nakaramdam na ako ng panghihina. Pinilit kong labanan yun lalo na ng maramdaman kong may biglang pumatong sa bubong ng aming sinasakyan.
"Tigilan nyo kami!!!!" sigaw ni Fen at pagkatapos ay naramdaman ko nalang na mabilis nyang ipinaling pakaliwa at pakanan ang sasakyan. Ilang beses nyang ginawa yun hanggang sa mukhang nahulog na ang nasa bubong.
"Maymay! Maymay! Please.... huwag kang matutulog! Maymay! Maymay!!"
Yun lang ang huli kong narinig. Pagkatapos nun ay tuluyang na akong nawalan ng malay.
***
Naamlimpungatan ako nang makarinig ako ng mga bulong at dahan dahang pagbukas at pagsara ng pinto. Agad akong napabalikwas sa higaan. Pinilit kong bumangon ng marinig ko ang iilang boses ng babae.
"Naku magpahinga ka muna... mahiga ka muna" sabi ng isang babae sa akin.
"Nasaan ako?? Bakit wala akong makita??" tanong ko sabay hawak sa aking mga mata.
Nakapa ko ang benda na nakatakip dito.
"Ano pong nangyari?? Nasaan ako? Sino po kayo???" tanong ko.
"Ako si Professor Santiago. Naririto ka sa cabin namin. Mga taga Maynila din kami" sagot nya sa akin.
"Papaano po ako napunta dito?" tanong ko uli.
"Kasama mo si Fenech. Duguan ka ng dumating kayo dito. Ang sabi nya sa akin ay naaksidente daw kayo. Mabuti nalang at kasama namin si Dr. Morales kaya agad ka nyang nalapatan ng lunas"
Magsasalita sana ako ng marinig kong bumukas ang pinto. Agad na may lumapit sa akin at bigla akong niyakap.
"Maymay!" sabi nya habang umiiyak.
"Fe--Fen? Ikaw ba yan?" tanong ko.
"Oo. Si Fenech ito" sagot nya habang nakayakap sya ng mahigpit sa akin.
"A--anong nangyari??" tanong ko.
Bago pa makasagot si Fen ay nagpaalam na si Prof. Santiago. Babalik nalang daw sya uli maya maya. Kahit humahagulgol ay pinilit ni Fen na ikwento sa akin ang nangyari. Sinalakay pala kami uli ng mga kampon ni Devas habang nasa kotse kami at mabilis syang nagdadrive. Mabuti nalang daw at may namataan syang isang camp site. Bago pa man makapasok ang kotse sa gate nito ay agad daw nawala ang mga kampon ni Devas. Ang bilin daw kasi sa kanya ni Marco ay tumuloy sa mataong lugar. Hindi daw sasalakay ang mga bampira dahil bawal silang makita ng mga tao.
Naramdaman ko ang mabilis na pag init ng aking mga mata at kasunod nun ay umagos na ang aking luha.
"Si--si Edward?" bulong ko.
Hindi sumagot si Fenech. Patuloy lang sya sa paghagulgol.
"Fen, anong nangyari kay Edward?? Si Marco? Alam na ba nya na nadito tayo? Yung lalaking gumawa nito sa akin? Anong nangyari sa kanila" tanong ko habang umiiyak.
"Hindi ko alam. Basta nung tumakas tayo. Ginawa ni Marco ang lahat para pigilan ang lalaking naka itim na makalapit sa atin habang patuloy si Edward sa pagsalakay sa kanya. Wala akong balita na Maymay. Dalawang araw na tayong nandito. Ngayon kalang nagising. Sobra akong nag aalala sa iyo" sabi ni Fen sa akin.
Natahimik kami pareho. Hindi ako makapaniwala na nangyari lahat ng ito. Nahuli na akong iligtas si Edward. Bampira na sya.
Napayuko ako at hindi ko na rin napigilan pa ang aking emosyon. Iyak na ako ng iyak. Sumakit tuloy ang mga mata ko pero hindi ko iyon ininda. Dahil mas masakit ang nararamdaman ng puso ko sa sinapit namin ni Edward.
***
"Oh dahan dahan. Isang baitang pa pababa" narinig kong sabi sa akin ni Fen habang inaalalayan nya ako pababa ng hagdanan.
"Hi Marydale. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng isang lalaki.
"Mabuti naman po" sagot ko habang inaalalayan ako ni Fen sa pag upo.
"Ako nga pala si Prof. Morales. Isa din akong doktor. Alam kong nag aalala ka. Pero gusto kong ipaalam sayo na makakakita ka pa. Binalot ko lang pansamantala ang mga mata mo para maipahinga mo pa ang mga ito. Nakakagulat na minor injury lang naman pala ang nangyari. Pero sa totoo lang nag alala kaming lahat kasi duguan ka ng dalhin ni Fenech dito. Malayo pa ang ospital kaya nung malaman kong minor lang naman ang injury nagpasya kami na dumito ka nalang kasama ng kaibigan mo"
"Maraming salamat po..." sagot ko. Mukhang iiyak nanaman ako.
"O... wag kana malungkot. Pasensya na kayo Fenech kung bakit hindi kami pumayag na umalis kayo. Napag alaman kasi namin na may malawakang transport strike pala ngayong araw. Wala kayong masasakyan pauwi. Since pabalik naman na kami bukas ng Maynila. Sa amin nalang kayo sumabay. Okay?" sabat ng isang babae.
"Sige po Prof." sagot ni Fen sa kanya.
"Oo nga pala. Pagkatapos nating mag dinner... pwede bang maki join kayong magkaibigan sa mga estudyante namin sa labas? Dalawang araw na kayong nagkukulong sa kwarto. Last night na natin dito. Bukas ng tanghali ay babalik na tayo sa Maynila" narinig kong sabi ni Prof. Santiago.
Hindi ako sumagot. Ang totoo ay mas gusto kong magkulong nalang muna sa kwarto. Hindi ko rin naman magagawang magsaya dahil wala dito ang puso at isip ko. Nasa taong hindi ko alam kung makikita ko pa.
"Marydale? Hija, okay ka lang ba?" tanong nila sa akin.
"Ha?O--opo" matipid kong sagot.
"Huwag kang mag alala, makakauwi ka rin sa inyo. Bawasan mo ang pag iisip. Baka makasama pa sayo, okay? Maglibang ka hija" sabi ni Dr. Morales.
Tumango lang ako. Pagkatapos nun ay kumain na kami. Tahimik lang ako habang si Fen naman ay naririnig kong pinipilit din makipag kwnetuhan sa mga Professor na kasama namin.
Pagkatapos namin kumain ay si Prof. Santiago mismo ang nag alalay sa akin palabas ng cabin. Sandali kaming naglakad at maya maya lang ay nakarinig na ako ng gitara at maingay na tawanan.
"Hello guys... Marydale and Fenech is here. Im sure you know them already. Do you mind if they join you?" tanong ni Prof. Santiago sa kanila.
"Sure mam!" agad namang sagot ng isang lalaki.
Kasunod nun ay narinig kong nagtuksuhan na sila. Inalalayan ako hanggang sa makaupo ni Prof. Santiago at pagkatapos ay nagpaalam na sya sa amin. Bago sya umalis ay ibinilin pa nyang wag kaming hayaan na ma out of place. Napaka bait nila talaga. Agad nakakuha ng kakwentuhan si Fenech.
Habang naririnig kong nagkakantahan ang mga estudyante ay biglang may tumabi sa akin.
"Hi. Im Robi, do you mind?" tanong nya sabay kuha ng isa kong kamay.
"Ha..? Bakit?" tanong ko.
May ipinahawak sya sa akin na isang stick.
"We have a bonfire in the middle. Alalayan kita papalapit don. We're roasting marshmallow" sabi nya.
"H--ha?? Naku---"
Bigla nalang nya ako hinila patayo at pagkatapos ay hinawakan nya ako sa kamay. Ayoko namang magpaka KJ kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Inalalayan nya pa ang kamay ko kung saan ko itatapat ang hawak kong stick.
"Okay... here we go... careful ha... not too close" narinig kong sabi nya.
Bahagya lang akong ngumiti.
"Are you feeling better now?" tanong nya sa akin habang nakatayo kami.
"Ah... eh... o--oo. Ang babait nga ng prof nyo. Tinulungan nila kami ng kaibigan ko" sagot ko.
"Mababait naman talaga kami lahat dito.. magaganda na at puro gwapo pa" biro nya.
Hindi ako kumibo. Bahagya lang akong ngumiti.
"Ang tipid mo naman ngumiti. Smile... ang cute mo pa naman" sabi nya sa akin.
"Uuyyyyyy!!!!" biglang nanaman nagtuksuhan ang mga kasama nya.
"Ah eh... baka luto na ito.." sabat ko sabay talikod at akmang hahakbang na ako.
"Wait... teka lang.. baka naman madapa ka nyan" sabi ni Robi sa akin. Muli nya akong inalayayan sa upuan.
Kinuha nya ang stick na hawak ko at pagkatapos naramdaman kong inilapit nya ang dulo nito sa bibig ko.
"Hipan mo muna bago mo kagatin" sabi nya sa akin.
Sumunod naman ako sa kanya.
"O... diba? Is it good?" tanong nya.
Tumango lang ako at ngumiti habang ngumunguya.
"Ill roast another one for you" sabi nya at pagkatapos ay naramdaman kong umalis sya sa tabi ko.
"Fen? Fen?" tawag ko sabay kapa sa kabilang side ko.
Wala sya. Hindi din sya sumagot sa akin. Kasunod nun ay muli kong narinig na tumugtog ang gitara.
"Dance for all naman!" sabi ng iba.
Nakakainggit ang kasiyahan nila. Sa loob loob ko ay mukha atang hindi ako nababagay dito. Pero paano to... wala si Fen sa tabi ko?? Pasimple na sana akong kumakapa para tumayo ng bigla nanamang tumabi si Robi sa akin.
"You want some more marshmallows?" tanong nya.
"Ah... hindi na... okay na ako. Kakakain lang din kasi namin" sagot ko.
"O... saan ka pupunta? Stay here muna. Enjoy the fresh cold air... wala nito sa Manila. Bukas polluted air na ang malalanghap mo pagbalik natin" sabi nya.
"Ah.. eh... nakita mo ba si Fen?"
"Ah oo... nag CR sandali" sagot nya.
Sa loob loob ko. Nag CR? Hindi man lang nagpaalam sakin. Okay lang naman sana kung nakakakita ako. Pero naisip ko na sobrang trauma din siguro ang idinulot kay Fen ng mga nangyari. Baka naglilibang lang talaga sya. Ayoko naman maging pabigat sa kaibigan ko.
At dahil ayoko din namang maging pa VIP since nakikituloy na nga lang kami ay minabuti ko nalang na manatili sa umpukan ng mga estudyante. Hindi na umalis sa tabi ko si Robi. Pinabayaan ko lang syang dumaldal ng dumaldal. Tumatango at ngumingiti nalang ako kunwari kahit na ang totoo ay wala sa mga kwento nya ang isip ko.
Kahit anong gawin ko ay si Edward lang ang laman nito. Para bang lahat ng naririnig ko ay nakokonek ko sa kanya. Bawat salita. Bawat kilos... lahat may naalala ako tungkol sa kanya.
"Marydale... cheer up! Kung gusto mo sumayaw nalang tayo... ang ganda ganda ng gabi oh... full moon! Perfect Saturday night by the bonfire" sabi nya.
Teka... Anong sabi nya? Saturday??? Saturday ngayon??? Bigla akong natigilan.
"Oh.. bakit?? Anong problema?" si Robi uli.
"Sabi mo... sabado ngayon?"
"Oo.. exactly 11:45pm... pumayag sila prof na hanggang 2am kami dito sa labas... ano tara na... sayaw tayo" sabi nya.
Hindi ako nakakibo.
Mas lalo akong nalungkot. Ngayong gabi na sana ang itinakdang oras para sa amin ni Edward... tandang tanda ko ang bilin nila Dr. Laurenti. Sabado ng hatinggabi. Eksaktong 12 midnight. Iyon ang hudyat na maari nang maganap ang pagmamarka ni Edward sa akin bilang kabiyak nya habang buhay.
Napayuko ako at napahawak sa aking dibdib. Pakiramdam ko... ano mang oras ay babagsak nanaman ang aking mga luha.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong uli ni Robi sa akin.
Umiling iling nalang ako at nanatiling naka upo. Muling nagbago ang tugtog ng gitara.
"Marydale... sayaw na tayo... sige na" pangungulit ni Robi sa akin.
"Pasensya ka na... wala lang talaga ako sa mood... sorry" sagot ko sabay tayo.
"Teka... maupo ka muna. Saan ka ba pupunta?" tanong nya.
"Ah eh... tubig. Nauuhaw ako. Kukuha ako ng tubig" palusot ko.
Wala kasi ako agad maisip na idadahilan. Pero hindi pa rin ako nilubayan ni Robi. Muli nya akong pinaupo. Sya nalang daw ang kukuha ng tubig ko. Pagka alis nya ay muli kong kinapa si Fen sa kabilang side ko. Wala pa rin sya.
Habang nagkakasiyahan ang mga kasamahan ni Robi ay pasimple akong tumayo. Bahala na kung saan mapadpad. Nakakailang hakbang palang ako ng maiwan ng isa kong paa ang suot kong tsinelas. Sinubukan kong kapain ng paa ko kung nasaan ito pero hindi ko na ito mahanap.
Nagpasya akong dumiretso nalang sa paglalakad at iniwan narin ang kabilang pares ng tsinelas ko. Naglakad akong nakapaa sa lupa...
Ilang beses pa akong humakbang nang makapa ng mga paa ko ang malambot na damuhan. Malamig ito sa pakiramdam. Naisip kong sundan ang damong ito. Naririnig ko pa naman sa malapit ang kantahan at sayawan ng mga kasama ni Robi. Inunat ko ang dalawa kong kamay para kapain kung mababangga na ba ako.
Nung sa palagay ko ay mejo nakalayo na ako ay may nakapa akong parang maliit na puno na nakatumba. Naisip ko na dumito nalang muna.
Mag isa.
Ilang saglit palang akong nakakaupo ay bumagsak na agad ang aking mga luha. Si Edward pa rin ang laman ng isip ko. Ipinangako ko pa naman sa kanya na ililigtas ko sya. Tapos ganito ang nangyari. Bampira na sya habang ako naman ay hindi makakita.
Pinilit kong pigilan ang paghikbi ko. Ayokong malaman nila na nandito ako. Gusto kong mapag isa.
Hanggang sa marinig kong may naghahanap na sa akin. Boses ni Robi yun. Pero hindi ko yun pinansin. Mas gusto kong umiyak ng umiyak ngayon. Gusto ko ngang sumigaw eh. Gusto kong tawagin ang pangalan ng lalaking gusto kong makita. Sobrang bigat ng nararamdaman ko pero pinilit kong magdalamhati ng tahimik. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking paghikbi.
"Sweet music naman!" narinig kong sigawan ng mga estudyante sa di kalayuan. Kasunod nun ay narinig ko na ang bagong kanta.
Patuloy pa rin ako sa pag iyak nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Sa loob loob ko, nahanap din pala ako ni Robi.
Hindi ko na rin kasi narinig ang boses nya na ilang beses isinigaw ang pangalan ko.
"Pasensya ka na ha. Hindi ko lang kasi talaga kayang mag enjoy. Ayoko namang hawaan kayo ng bad vibes dun. Ang saya saya nyo" sabi ko habang humihikbi.
Hindi sya kumibo. Pakiwari ko ay hinayaan nalang nya akong umiyak ng umiyak. Tahimik lang sya sa tabi ko.
Lumipas pa ang ilang saglit. Kapwa kami tahimik ni Robi. Tanging ang pigil kong paghikbi ang iyong maririnig sa pagitan naming dalawa.
Muling nagbago ang kanta na naririnig ko. Love song na ito ngayon. Mas lalo tuloy akong nalungkot kaya naisip kong pagbigyan nalang si Robi tutal naman ay kanina pa sya nangungulit at parang pa thank you ko na rin dahil sinasamahan nya ako ngayon.
Tumayo ako. Bahagya kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang aking kamay.
"Halika ka na, magsayaw na tayo" sabi ko.
Hindi sya kumibo. Wala akong narinig na ibang reaksyon mula sa kanya.
"Robi? Nanjan ka pa ba?" tanong ko.
Kakapain ko na sana sya ng biglang hawakan nya ako sa kamay. Sing lamig ng damo sa aking paa ang kanyang mga kamay. Malamig din naman kasi ang ihip ng hangin. Nilalamig na rin ako actually.
Inalalayan ako ni Robi hanggang sa makapwesto na kami. Kasabay nun ay nagsimula na ang bagong kanta. Mejo magkalayo kami ni Robi. Hawak nya ang isa kong kamay habang ang isa naman nyang kamay ay nasa bewang ko. Tahimik pa rin sya. Ako nalang ang nag initiate na magsimulang sumayaw ng marahan. Sumunod naman sya sa akin.
Habang sumasayaw kami ay muling nawala ang aking atensyon kay Robi. Muling sinakop ang isipan ko ni Edward. Kung maari lang ay gusto ko sanang humingi ng milagro. Sana ay si Edward nalang ang kasayaw ko. Sana sya nalang ang naririto.
Napayuko ako at muli ay tumulo nanaman ang aking mga luha.
Habang marahan kaming sumasayaw ay bigla akong ipinaikot ni Robi. Pagharap ko sa kanya ay inilagay nya ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat. Kasunod nun ay naramdaman ko ang dalawa nyang kamay na kumapit sa aking bewang. Pakiramdam ko ay mas malapit na sya sa akin ngayon. Hindi ko na pinansin yun kasi ang totoo, iniimagine kong si Edward ang kasayaw ko. Mukha nya ang iniisip ko.
Masama mang pakinggan pero sinamantala ko nalang ang pagkakataon. Tumatalab naman eh. Unti unti ko nang nararamdaman na parang hindi na iba ang kasayaw ko. Pakiramdam ko ay si Edward ito. Kahit imposible, gusto kong isipin na sya ang lalaking ito.
Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Kasabay ng aming pagsasayaw ay hindi ko na napigilan ang humikbi. Kasunod nun ay naramdaman ko ang pagpulupot ng dalawa nyang kamay sa aking bewang. Niyakap nya ako ng mahigpit habang nagsasayaw kami.
"Edward" bulong ko habang umiiyak.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Bakit ganun? Bakit napaka comforting ng yakap nya? Alam mo yung pakiramdam na galing ka sa isang nakakapagod na byahe at ngayon ay nakauwi ka na sa bahay mo.. sa happy place mo. Yun ang pakiramdam ko. Ang mga yakap na ito... ito ang happy place ko.
Tapos na ang kanta pero magkayakap pa rin kami. Basang basa na ang bendang nakatakip sa mata ko. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Robi. Naisip kong tanggalin nalang ang benda. Habang ginagawa ko yun ay nakakapit pa rin si Robi sa aking bewang. Ewan ko ba kung bakit hindi ko sya magawang sawayin.
"Pasensya ka na ha. Nabasa na ata ng luha ang damit mo" sabi ko.
Hindi sya sumagot. Hanggang sa mahubad ko na ang benda. Nakayuko ako at dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nung una ay madilim pa rin ang aking paningin. Unti unti akong naka aninag ng liwanag. Habang nakayuko ay unti unting nag adjust ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na akong nakakita.
Una kong nakita ang aking mga paa na nakayapak sa damuhan. Katapat ng mga paa ko ang isang pares ng puting maduming sneakers. Muli nanamang tumulo ang aking mga luha bakit ba pati sa sapatos ay naalala ko si Edward??? Ganitong ganito ang suot nya.
Mula sa aking bewang ay nakita kong inangat ni Robi ang isa nyang kamay para punasan ng kanyang daliri ang aking pisngi at pagkatapos nun ay bigla syang nagsalita.
"Im sorry" sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Hindi boses ni Robi ito.
Agad akong nag angat ng mukha. Isang pares na kulay dugong mga mata ang agad kong nakasalubungan ng tingin.
Napanganga ako sa gulat!
"Please dont be afraid. I wont harm you" dabi nya.
Totoo ba ito??? Totoo bang si Edward ang nasa harapan ko???
"I may have changed but what I feel for you remains" bulong nya.
Muli nyang pinunasan ng kanyang daliri ang luhang kapapatak lang sa aking pisngi. Totoo nga ito. Sya nga ang Edward ko. Lalo akong napaiyak habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.
Pula man ang kanyang mga mata pero hindi na ito nanlilisik gaya nung huli ko itong nakita. Itinaas ko ang aking kamay at marahang hinaplos ang malamig nyang pisngi. Pumikit si Edward.
"My mind may have forgotten about you but my heart will always remember. Its you I want to be with and not Devas' daughter"
sabi nya.
Muling dumilat si Edward. Nakatitig sya sa akin habang patuloy sya sa pagpunas ng mga luha sa aking pisngi. Hanggang sa mapunta ang kanyang daliri sa gilid ng aking labi. Napansin kong bumaba ang kanyang tingin at parang napako ang mga mata nya doon.
"They say Im the most powerful now. No one can beat me. Ill never die. But I dont want this. I would rather share one lifetime with you, than face all the ages of this world with somebody else"
Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Hindi nya ako naalala. Sinunod nya lang ang kanyang nadarama. At itinuro sya nito pabalik sa akin.
Napansin kong napalunok si Edward habang nakatitig sa aking labi. May ilang segundo din siguro kaming ganun. Magsasalita na sana ako para basagin ang katahimikan nang mapansin kong unti unti nang lumalapit ang kanyang mukha sa akin.
Ako naman ang napalunok. Pero hindi ako umiwas o pumalag. Hindi ako natatakot sa kanya. Wala akong paki alam kung isa na syang bampira.
Sandaling tumigil si Edward. Muli syang tumitig sa aking mga mata at pagkatapos ay nagsalita.
"I want to be with you. Id be doomed if I end up with Daniella. Please take me away from her... please?" pakiusap nya.
Marahan akong tumango. Pagkatapos nun ay kapwa na kami natahimik. Basta nakatitig lang ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Hindi namin alintana ang ingay na nagmumula sa grupo nila Robi. Pakiramdam ko ay parang kami lang dalawa ang naririto.
Mula sa pagkakatitig ng diretso sa aking mga mata ay napansin kong muling bumaba ang tingin ni Edward sa aking labi. After nun ay parang may magnet na sa pagitan namin na kusa kaming pinaglalapit. Papalapit ng papalapit hanggang sa magdikit na ang dulo ng aming mga ilong. Kasunod nun ay lumihis na ang ulo ni Edward at dire diretso nyang tinumbok ang aking labi. Pumikit ako at dinama ang tamis ng kanyang halik.
Hindi ko akalain na sa kabila ng mga nangyari, muli ko itong mararanasan. Hindi pa rin talaga kami binigo ng langit. Naniniwala akong may gumagabay sa amin. Hindi pa ako huli. Ito na marahil ang pagkakataon na ibinigay ng tadhana. Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan ay tutuparin ko ang aking pangako at ang tanging hiling ng kanyang mga magulang.
Gumanti ako ng halik kay Edward. Bawat marahang pagdampi ng malambot nyang labi ay parang may kung anong kilabot na gumagapang sa aking buong katawan.
Bahagya akong napaatras pero hindi tumigil si Edward. Hindi sya bumibitaw sa paghalik sa akin.
Mas lalong naging mainit ang sumunod na pangyayari. Naging mas sunud sunod at mas matagal ang bawat paglapat ng aming mga labi. Habang nakapikit ako ay nararamdaman ko ang bawat paghilig ng ulo ni Edward pakaliwa at dahan dahan ito na humilis pakanan. Hanggang sa naramdan kong gumapang na ang kanyang mga halik papunta sa aking pisngi, sa ibaba ng aking tenga hanggang sa gilid ng aking leeg.
Parang mahihimatay ako sa bawat pagdampi ng malamig nyang mga labi sa aking nag iinit nang balat. Nakakapanghina ang kakaibang sensasyon na nararamdaman ko.
Bahagya akong tumingala. Gumapang ang mga halik ni Edward dahan dahan papunta sa gitna hanggang sa kabilang side ng aking leeg. Naramdaman kong bahagya na nya akong nakakagat pero hindi ko iyon pinansin.
Habang patuloy sya sa paghalik sa gilid ng aking leeg ay sumunod kong naramdaman ang kanyang kamay na isa isang tinatanggal ang butones ng suot kong pang itaas. Kasabay ng kanyang mga halik ay narinig kong bumulong sya.
"I want you here, right now" sabi nya.
Muli akong tumango habang nakapikit. Pakiwari ko ay nakita nya yun kasi nagpatuloy sya sa pagtanggal ng butones hanggang sa mangalahati na ang bukas ng suot kong sleeveless na pang itaas. Sandali syang bumitaw. Marahil ay para hubarin ang suot nyang damit kasi nung mahawakan ko ang kanyang dibdib ay malamig na balat na nya ang sumunod kong naramdaman. Pagkatapos nun ay binuhat nya ako at marahang inihiga sa malamig na damuhan.
Muling naglakbay ang mga labi ni Edward. Dahan dahan ito at pababa ng pababa. Naramdaman kong mula sa may bandang collarbone ko ay bumaba pa sya lalo.
Kasabay nun ay unti unti nyang ibinababa ang strap ng suot kong bra. Wala na akong nagawa nang kumawala na sa harapan nya ang aking dibdib. Nanatili akong nakapikit habang ipinagkakatiwala sa kanya ang aking katawan.
Bumaba pa lalo ang mga halik ni Edward. Hanggang sa nasa puno na sya ng aking dibdib. Hindi ko na napigilan. Napahawak ako sa kanyang buhok. Kasunod nun ay naramdaman kong pumatong na sya sa akin habang patuloy ang kanyang paghalik sa aking dibdib.
Halos mabaliw ako ng maramdaman ko ang malamig at basang dila nya na marahang nilalaro ang aking nipple. Lalo akong nakaramdam ng init sa kabila ng malamig na hangin na kasalukuyang umiihip.
Patuloy si Edward sa marahan nyang paghalik mula sa kaliwa papunta sa kanan kong dibdib. Kasabay ng marahan nyang pagkagat sa nipple ko ay naramdaman ko rin ang isa nyang kamay na gumagapang na pababa sa pagitan ng aking dalawang hita.
Dahan dahang nyang ipinasok ang kanyang kamay sa loob ng aking underwear. Kusa ko namang binigyan ito ng daan papunta sa aking kasarian.
"Ahhh" pigil na ungol ko ng maramdaman kong nilalaro ng kanyang daliri ang aking pagkababae. Dahan dahan itong naglakbay papasok sa aking maliit na butas. Marahan. Banayad. Maingat.
"Ed---warrrd... Uhhh..." bulong ko.
Halos pigilan ko na ang aking paghinga sa sobrang sarap ng aking kasalukuyang nararamdaman. Kasabay nun ang malambot nyang dila na iniikutan ang puno ng aking dibdib. Kinagat ko nalang ang aking labi para hindi na ako makagawa pa ng kahit anong ingay.
Maya maya ay binitawan ni Edward ang aking pagkababae. Muling gumapang pataas ang mga halik ni Edward. Paakyat na muli ang kanyang mga labi sa aking leeg. Dahan dahan ito papunta sa ibaba ng aking tenga. Kasabay nun ay naramdaman ko ang kanyang kamay na tinatanggal na ang hook ng suot kong bra.
"I want you" narinig kong bulong ni Edward habang pinaliliguan ako ng nagbabaga nyang mga halik.
Halos mawala na ako sa aking sarili. Tumaas na ata ang lahat ng balahibo ko. Kahit malamig ay hindi ito inalintana ng aking katawan.
Mula sa gilid ng aking leeg ay naglakbay ang kanyang labi pabalik sa aking labi. Muli akong gumanti ng halik sa kanya. Sinakop na ng kakaibang sensasyon ang aking buong katawan.
Habang nagpapalitan kami ng maiinit na halik ay may pagkakataon na nakakagat ko na ang kanyang malambot na labi. Ganun din si Edward sa akin. Walang bumibitaw sa amin. Literal na hinahabol ko ang aking hininga pero patuloy pa rin ako sa pag ganti ng maiinit na halik sa kanya.
Ganito pala ang pakiramdam nito. Hindi ko na alam ang iba pang nangyari. Namalayan ko nalang na tuluyan na palang nasakop ni Edward ang aking pagkababae. Ramdam ko ang kakaibang lakas nya pero ramdam ko rin na maingat sya sa akin.
Iminulat ko ang aking mga mata at diretso akong tumingin sa kanya habang maingat at marahan nyang ipinapasok at inilalabas ang kanyang pagkalalaki sa akin. Kusang sumabay sa kanya ang aking katawan.
Nakita kong nakapikit sya. Ang dalawang kamay nya ay nakatukod sa magkabila kong gilid. Hindi ko maiwasang mapakapit ng mahigpit sa kanya sa tuwing nakakaramdam ako ng bahagyang sakit.
Habang ginagawa ni Edward yun ay muli syang humalik sa aking leeg. Pero this time, ang kaninang malamig nyang labi ay naging mainit na ngayon. At kahit nakakagat na nya ako ay hindi na ito masakit. Hindi ko na nararamdaman ang matulis nyang ngipin.
Patuloy si Edward sa paglabas pasok sa akin. Bumilis sya ng bahagya. Lalo akong napakapit. Napapikit ako muli nang pareho naming marating ang isang kakaiba at hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ilang sandali pagkatapos nun ay muli akong dumilat.
Isang pares ng kulay gintong mga mata ang nakasalubungan ko ng tingin. Maya maya ay tumigil na si Edward at dumagan sa akin. Ang kaninang malamig nyang katawan ay muling naging mainit nang lumapat ito sa aking balat. Niyakap ko sya ng mahigpit habang pareho kaming humihingal.
"Thank you. Ive never felt this amazing in my entire life" bulong nya.
Hindi ako sumagot. Pumikit nalang ako. Labis na kaligayahan ang nararamdaman ko.
Edward finally marked me as his mate.
Natupad ko ang kanyang hiling. Kailanman ay hindi na sya maagaw ng kahit na sino sa akin.
***