MAYMAY'S POV
"Ma? Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko habang nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.
Hindi sumagot si mama sa akin. Agad nyang napansin ang kamay namin ni Edward na magkahawak. Kinabahan ako bigla sa mga tingin na yun ni mama.
Sa loob loob ko. Patay...
Bibitaw sana ako pero mas lalo namang hinigpitan ni Edward ang paghawak sa akin habang nakatingin din sya kay mama.
"Good evening po" bati ni Edward sa kanya.
Hindi ito ang unang beses na nagkita sila. Yung una ay sa hospital nung nabagsakan ako ng LED wall. Pero ngayon lang sila nagkaharap ng ganito.
Lumapit si mama kay Edward. Kung kanina ay kinabahan ako habang nakatingin si mama sa kamay namin ni Edward, ngayon naman ay nagtataka ako.
Papalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kung titigan kasi ni mama si Edward, parang matagal na nyang kakilala ito at ngayon lang sila uli nagkita. Si Edward naman ay hindi din nagbababa ng tingin, nakatitig din sya kay mama. Magsasalita sana sya pero naunahan sya ng mama ko.
"Ikaw nga. Kamukhang kamukha mo sya" sabi ni mama sa kanya.
Natigilan si Edward. Bahagyang kumunot ang kanyang noo.
"Kaya pala nung una kitang nakita, parang pamilyar ang mukha mo sa akin. Ngayon ko lang napag isip isip kung bakit"
Nagkatinginan kami ni Edward.
"Ma, ano pong sinasabi nyo? Sinong kamukha ni Edward?" tanong ko.
Tumingin sa akin si mama. Napansin ko agad ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"Ang lalaking nagligtas sa iyo anak. Kamukhang kamukha nya" sagot ni mama sa akin.
"Po?!"
Agad akong napatingin kay Edward habang sya naman ay nakatingin kay Dr. Laurenti na para bang nagtatanong kung anong sinasabi ng mama ko sa kanya.
"Yes son. She's talking about your father" sabat ni Dr. Laurenti habang nakatingin kay Edward.
Agad ibinalik ni Edward ang kanyang tingin sa mama ko.
"You have seen my father?" tanong nya.
Tumango si mama.
"When? How?" tanong uli ni Edward.
Pero bago pa man makasagot si mama ay bigla na lang may nagsalita sa bandang likuran namin.
"Bago ka ipinanganak hijo" sabat ng isang pamilyar na boses.
Sabay kami ni Edward na lumingon kung saan ito nanggaling.
Muli akong nagulat. Nanlaki nanaman ang aking mga mata ng makita ko si Doña Pina na papalapit sa amin.
Tumingin muna sya kay Edward at pagkatapos ay sa akin.
"Maupo kayo at hayaan nyong ako at ang mga naririto ang magpaliwanag. Alam kong naguguluhan kayong dalawa" sabi nya.
Sumunod ang lahat. Magkatabi kami ni Edward na naupo sa isang pang dalawahan na couch. Sa harapan namin ay naroon si mama, katabi nya ang isang babae at isang lalaki. Naupo sila sa isang mahabang sofa.
Si Dr. Laurenti naman ay inalalayan muna si Doña Pina na makaupo sa bandabg kaliwa namin bago sya naupo sa tabi nito. Napansin ko si Marco na tumayo sa likuran ni Edward. Lahat kami ay nakatingin kay Doña Pina.
"Ako si Josepina, hijo. Ako ang nag alaga at nag aruga sa iyong ina mula pagkabata" panimula nya.
Pareho kaming nagulat ni Edward sa sinabi ni Doña Pina. Wala kaming kaalam alam na may koneksyon pala sya sa nakaraan nya.
"Where is she? What happened to her? Wheres my father? Why did they left me?"
Sunud sunod ang mga tanong ni Edward. Nagtaas ng isang kamay ang matanda na para bang sinasabi nyang makinig muna kami sa kanya.
"Catherine ang pangalan ng iyong ina. Napaka bait nya hijo. Nag iisa syang anak. Maganda, masunurin, madasalin, matalino at higit sa lahat, mapagmahal. Pero sa kabila ng kanyang mabuting puso ay itinakwil sya ng iyong lolo at lola nung umibig sya kay Kevin, ang iyong ama. Gusto ng mga magulang ni Catherine na ipakasal ang iyong ina sa iba. Dahil dito, sumama si Catherine kay Kevin at tahimik silang namuhay sa isang malayong probinsya at dahil napamahal na ako ng husto sa iyong ina ay sumama din ako sa kanila. Duon ko nalaman na ang iyong ama pala ay hindi pangkaraniwan"
Tumingin sa akin si Doña Pina bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Maymay, wag ka sanang mabibigla sa mga malalaman mo. Ang lahat ng ito ay totoo" sabi nya sa akin.
"O--opo" matipid kong sagot.
"Ang ama ni Edward ay isang... fallen angel. Ang mga kagaya nya ay dating alagad ng kabutihan na nagpadala sa matatamis na salita, panlilinlang at pang uudyok ng pinuno ng kasamaan"
Muling ibinaling ni Doña Pina kay Edward ang kanyang tingin.
"Isa ang iyong ama sa mga anghel na itinakwil ng langit at napunta sa lugar ng mga demonyo. Pero mabuti ang puso ng iyong ama. Hindi na sya muli pang nagpagamit sa kasamaan. Nagawa nyang makatakas at napadpad sya dito sa lupa. Nagtago sya at namuhay mag isa. Palihim syang gumagawa ng kabutihan. Ibat ibang tao na nangangailangan ang tinutulungan nya. Hanggang sa magkakilala sila ng iyong ina. Saksi ako ng mapatunayan ni Catherine na hindi sya nagkamaling piliin ang iyong ama. Masaya, at kahit masagana ay namuhay lang ng simple ang iyong mga magulang. Punung puno ng pagmamahal ang kanilang pagsasama. Lalo na nung ipinagbuntis ka na ng iyong ina"
Sandaling natahimik si Doña Pina. Ramdam ko na masakit pa rin para sa kanya hanggang ngayon ang mga nangyayari. Halata ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin sya kay Edward.
"Ngunit inilihim ng iyong ama sa amin na may isang grupo pala ng mga nilalang na naghahanap sa kanya"
"Who are they?" agad na tanong ni Edward.
"Ang grupo ng mga bampira na pinamumunuan ni Hilberto Devas" sagot ng matanda sa kanya.
Literal na napanganga ako habang nanlalaki ang aking mga mata. Tama ba ang narinig ko??? Hindi ko na napigil ang sarili ko na sumingit sa usapan.
"Ba--bampira? Doña Pina ano pong sinasabi nyo? Ma--may bampira? Totoo sila??" sabat ko.
Napansin kong nagkatinginan si Doña Pina, Dr. Laurenti at ang dalawang katabi ni mama. Pagkatapos nun ay muli syang tumingin sa gawi ko.
"Oo Maymay. Totoo sila at matagal na natin silang kasamang namumuhay dito sa mundong ibabaw" sagot ng matanda sa akin.
Napalunok ako. Pumasok agad sa isip ko ang lalaki kanina sa lumang dance studio. Pula ang kanyang mga mata. Hindi kaya isa sya sa mga bampirang sinasabi ni Doña Pina?
"Pero isa sa mahahalagang batas at mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng mga bampira ay ang huwag ilantad ang katauhan nila sa mga ordinaryong tao na kagaya natin. Kaya magpasa hanggang ngayon ay naging haka haka o teorya lamang ang tungkol sa kanila" pagpapatuloy ni Doña Pina habang nakatingin sa akin.
"Sino po si Hilberto Devas?" tanong ko uli sa matanda pero bigla namang sumabat si Dr. Laurenti.
"Hilberto Devas once held a high position in the Royal Council. Its the highest governing system of all vampires. They are the highest of the high and respected lawmakers and punishers of vampirekind" sabat ni Dr. Laurenti.
Napatingin ako sa kanya.
"Devas? Bakit parang pamilyar sa akin?" bulong ko sa aking sarili habang pilit kong inaala kung saan ko ito narinig at kung sino ang kilalang kong may apelyidong Devas.
"But Hilberto is greedy. He wants the highest position. He wants to rule all vampires. He wants everybody... including humans... all under his power and control" pagpapatuloy ni Dr. Laurenti.
Hindi ako makapaniwala. Nuon ay sa mga libro, komiks at palabas ko lang nakikita ang mga bampira. Hindi ko akalain na... totoo pala sila!
"The Royal Council found out about Hilberto's plan. He was prosecuted, removed from his position, banned from all the departments of the Council and was declared as persona non grata in the city of Florence where the largest number of vampires live. But it didnt stop Hilberto to pursue his greediness. He left the country and secretly build his own empire right at the heart of Balkan Peninsula, in the southern part of Europe. Hilberto showed no mercy. It was too late to ask for help from the council. Hilberto, along with his loyal coven, savagely converted humans to vampires until 8 countries became under his power. Including Macedonia where I once lived peacefully with my family"
Literal na natulala ako habang nakanganga sa aking narinig. Kung kasama ang bansa nila Dr. Laurenti sa sinakop ng bampirang si Hilberto, ibig sabihin...
"Va--vampire po kayo?" nauutal pa ako na nagtanong.
Nagkatinginan muli si Dr. Laurenti at ang dalawang katabi ni mama bago nya ako sinagot.
"Yes. My family was unfortunately one of those---"
Natigilan si Dr. Laurenti. Pakiwari ko hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin sya sa sinapit ng kaniyang pamilya.
Ako naman ay biglang nakaramdam ng takot. Wala kaming kaalam alam ni mama na bampira pala ang kaharap namin ngayon.
Napa atras ako sa upuan at dumikit kay Edward. Naramdaman ko nalang ang braso nya na dumaan sa aking likuran at ang kamay nya na kumapit ng mahigpit sa kaliwang bahagi ng aking bewang. Nahalata ata ni Dr. Laurenti ang bahagyang pag usog ko sa upuan.
"I know what you are thinking. Hindi lahat ng bampira ay masama, hija" sabi ni Dr. Laurenti sa akin.
"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko.
"Many of us escaped because we dont want to be under Hilberto's power. But he found out about it. Walang awa nyang ipinapatay ang lahat ng mga tumakas. Unfortunately, my family didnt make it. I was the only one who survived. During that time, I met Marco and Tanner. Their families were killed as well"
Halos hindi na ako makapagsalita sa aking mga naririnig. Juskoooo...
"Ibig nyo pong sabihin, ba-bampira din si Ma-Marco at---"
"Yes Maymay" biglang sabat ni Marco sa amin.
Lumingon ako sa kanya.
"Dont be afraid. We're far different from Hilberto's herd. We're not animals like them and we'll never be" sabi nya sa akin.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Dr. Laurenti.
Muli akong lumingon sa gawi nya.
"Dinala ko sila dito sa bansa ninyo. Matagal na panahon na ang nakakaraan. I tried to give Marco and Tanner a normal life. We lived quietly and peacefully in a small province very very far from the city. Thats where I met Edward's father. We became very good friends. He was like a brother to me. But Marco and Tanner never met him and I didnt also tell them about him. Thats because Kevin was hiding. During that time, Devas was already looking for him"
"Ano pong kinalaman ni Devas sa ama ni Edward?" tanong ko.
"There are very few vampires who are gifted with abilities. There are some who can read minds, hypnotize people. Some are super strong. Others are faster than bullets. Hilberto wants every single one of them to be part of his coven" sagot ni Dr. Laurenti.
"But my father is not a vampire. Why is he looking for him?" tanong ni Edward.
"Dahil nakarating kay Hilberto ang tungkol sa iyong ama. Nalaman nyang dating alagad ng kasamaan ang iyong ama at gusto ni Hilberto na makuha sya. Sa kasaysayan ng mga bampira, wala pang fallen angel na sumapi sa grupo nila kaya gustung gusto ni Hilberto na mapabilang ang iyong ama sa kanyang mga alagad" sabat ni Doña Pina.
"My father refused, didnt he? Thats why Hilberto killed him?" tanong ni Edward.
"Hindi. Sa sobrang sama at itim ng budhi ni Hilberto. Ginamit nya ang iyong ina laban sa iyong ama" sagot ni Doña Pina.
Kasunod nun ay nakita ko ang luha na pumatak mula sa mga mata ng matanda.
"What did he do?" tanong ni Edward.
"Ginawa nyang bampira ang iyong ina, habang ipinagbubuntis ka"
"What???!" sigaw bi Edward.
"Pero hindi iniwan ng iyong ama ang iyong ina. Nabawi nya si Catherine mula sa mga kampon ni Hilberto. Itinago namin sya. Ayaw ni Catherine na maging masama at pumatay ng tao pero dugo ang kailangan ng kanyang katawan lalo na at nasa sinapupunan ka nya. Kaya pinilit ni Catherine na gawin ang alternatibong pamamaraan. Pinilit nyang makuntento at masanay sa dugo ng hayop"
Sa lahat ng mga narinig ko. Ito na yata ang pinaka bumigla sa akin. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang gulat.
Ang lalaking laman ng aking puso ay isa rin palang... bampira!
Napatingin ako agad kay Edward. Yumuko sya. Hindi sya makatingin sa akin. Kasunod nun ay bumitaw sya sa mahigpit na pagkakahawak sa aking bewang.
"Ba--bampira ka??" nauutal na tanong ko sa kanya.
Hindi sumagot si Edward.
"Wait, you didnt tell her Edward?" tanong ni Marco.
"I dont want to scare her. I thought she will stay away from me if she finds out" sagot ni Edward habang nakayuko pa rin.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko itatanggi na may nararamdaman akong takot. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag malaman mong totoo pala ang mga bampira at ngayon, kaharap mo na ang ilan sa kanila. Pero ang pinaka nakaka shock para sa akin ay ang malaman na ang lalaking mahal ko ay katulad din nila.
"Edward's vampire side hasnt surfaced yet. And we want to keep it that way. That dark side of him must not... at any cost... be awakened" sagot ng lalaking nasa harapan namin.
"I dont want to be a monster" sabat ni Edward.
"We all dont want that to happen. That is why we are here. We are good friends of your father. We will help you" sagot naman ng babaeng katabi ni mama.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya kay Edward habang nakayuko pa rin ito.
"How?" tanong ni Edward sa babae.
"The answer is right beside you" sagot nito sabay tingin sa akin.
Juskolord. Kumo-quota na sa panggugulat sa akin ang mga to. Kanina pa nanlalaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi nila. Tapos ngayon...
Anong pinagsasabi nya?? Paanong nangyaring ako ang sagot??
"A--ako po?" tanong ko habang itinuturo ko ang aking sarili.
Napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Lumingon ako kay Edward. Agad na nagtagpo ang aming mga mata.
"You found her Edward. You found your redeemer. The girl who's meant to keep you from being an inhumanly cruel savage... we all... dont want you.. to become" narinig kong sabi ng babae.
Pareho kaming hindi makapagsalita ni Edward.
"What do you mean?" tanong ni Edward sa babae habang nakatingin pa rin sa akin.
Nakatitig lang din ako sa kanya. Hindi rin ako makapaniwala. Ordinaryong tao lang ako. Paano ko sya matutulungan??
"Devas will use you Edward, to pursue his evil plan. He will unleash the dark side of you and use you to get back to the Royal Council---"
"Mapapahamak po si Edward pag nangyari yun! Baka kung anong gawin sa kanya ng Royal Council" sabat ko.
"The Royal Council is already aware about Edward's existence. Edward is the very first of his kind. Nobody knows what a half fallen angel and half vampire can do except for the Royal Council. They have an eye on the future. They now know what Edward can do once his dark side is awakened. The Royal Council has already foreseen what will happen if Devas succeeds" sagot ni Dr. Laurenti sa akin.
"What did they saw?" tanong ni Edward.
"Edward, you will be the strongest vampire that ever existed. The only one... gifted with so many abilities. You can kill with just a glance, you are extremely fast, faster than a speeding bullet, you are stronger than anyone else, you can fly, you can read minds, you can see the future, and above all.... you will never die" sagot ng babae.
"Cora and Luis, our friends from Florence have secretly spoken to the Royal Council. They have explained what we will do to prevent that from happening. That is why they are here" sabat ni Dr. Laurenti.
"The Royal Council and the faith of the vampirekind... all of us... are counting on... this girl... beside you" sabi ng lalaki habang nakatingin sa akin.
Napasandal ako sa upuan sa sinabi ng lalaki habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking bibig.
"Jusko, hindi ako makapaniwala. Hindi totoo to" sabi ko sa aking sarili.
Biglang nagsalita si Edward. Muli akong lumingon sa kanya.
"Now I know why I cant keep myself away from you. Why Ive been having dreams about you and why I felt I had to protect you with all my life. Youre not just the girl I fell inlove with, but the girl who can save me from being a monster"
Naramdaman ko ang unti unting pag init ng aking mga mata habang nakatingin kay Edward. Inangat ko ang aking kanang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi.
"I told you theres a reason why we met. I was meant to fall for my savior" sabi nya.
Napangiti ako.
"Its amazing. You found each other. Fell for each other before you knew that you were destined to be together" narinig kong sabi ni Marco.
Hinawakan ni Edward ang kamay ko na nasa kanyang pisngi at pagkatapos ay hinalikan nya ito.
"Pero, bakit ako. Sa dinami dami ng babae, paanong naging ako?" tanong ko sabay tingin kay mama at Doña Pina.
"Sa palagay ko ay alam mona na ang lalaking nagligtas sa iyo at ang ama ni Edward ay iisa. At alam mo na rin kung paano sila nagkakilala ng iyong ina" sagot sa akin ni Doña Pina.
Tumango lang ako.
"Kailanman ay hindi tumikim ng dugo ng tao ang ina ni Edward. Pero nang araw na iyon ay biglaan ang panghihina nya at sa kauna unahang pagkakataon ay nanghingi sya ng dugo ng tao. Walang nagawa si Kevin kundi ang pumunta sa ospital kung saan nagsisilbi bilang Chief Doctor si Laurenti. Ngunit sa kasamaang palad ay kakaunti ang stock ng dugo ng araw na iyon. Marami ang nangangailangan. Nang malaman ni Lorna na kailangang kailangan ni Kevin ay agad syang nagprisinta na mag donate ng dugo kahit hindi nya alam kung para saan at para kanino ito. Himalang bumuti ang lagay ni Catherine matapos nyang inumin ang dugo ng iyong ina. Dahil doon, pinilit ni Catherine na bumalik si Kevin sa ospital upang magpasalamat ng personal kay Lorna"
Muli kong nakitang pumatak ang luha ni Doña Pina. Yumuko sya at sandaling natahimik.
Nang mag angat sya ng mukha ay umaagos nanaman ang mga luha sa kulubot nyang mukha. Pinilit nyang magsalita sa kabils ng nanginginig nya nang boses.
"Malubhang malubha na ang iyong kalagayan Maymay nang abutan ka ng ama ni Edward. Naalala ko pa nung tumawag sya kay Catherine para magpaalam na hindi sya makakabalik agad dahil sa iyo. Pero nang mga oras na iyon, wala akong kaalam alam na manganganak na pala si Catherine. May isang oras marahil ang pagitan bago lumabas si Edward nang muling tumawag si Kevin para sabihin na binawian ka ng buhay. Imbes na intindihin ni Catherine ang sarili nya dahil kasalukuyan na syang nakakaramdam ng pananakit ng tiyan, minabuti nyang wag sabihin ito kay Kevin. Bagkos ay hiniling nya kay Kevin na tulungan ka, Maymay."
"P--po?" gulat kong tugon.
"Si Kevin ay dating arkanghel na nakapagpapagaling. Ibinuhos nya ang kalahati ng kanyang buhay at kapangyarihan para maibalik ka nya Maymay. Eksaktong oras na ipinanganak si Edward ay ang sya ring oras na muli kang nabuhay"
Agad kaming nagkatinginan ni Edward sa sinabing iyon ng matanda.
"Ang kalahati ng buhay ng ama ni Edward ay nasa loob mo Maymay" pagpapatuloy ni Doña Pina.
"What happened to my mother?" tanong ni Edward sabay baling uli ng tingin sa matanda.
"Nang malaman ni Kevin na naipanganak ka na agad syang bumalik ng bahay. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng iyong ina ang panganganak. Ilang oras lang pagkalabas mo ay binawian sya ng buhay"
"What??! You said my father can heal. He brought Maymay's life back. He should've done the same with my mother!" sagot ni Edward.
"Bago malagutan ng hininga si Catherine ay hiniling nyang sa iyo ilaan ni Kevin ang natitira nitong lakas at kapangyarihan. Kabilin bilinan ng iyong ina na huwag kang hayaan na maging kagaya nya" sagot ng matanda.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Edward. Napayuko nalang ako habang nakatakip ng aking dalawang kamay ang aking mukha. Tuluyan na akong napaluha sa aking narinig. Kung hindi siguro dahil sa akin, baka naibalik pa ng ama ni Edward ang buhay ng kanyang ina.
"Itinago ka namin ni Kevin sa loob ng limang taon hanggang sa makarating sa amin na hinahanap ka na ni Hilberto Devas" pagpapatuloy ni Doña Pina.
Sandali syang huminto sa pagsasalita. Sumunod ko nang narinig ang boses ni mama.
"Nakipagkita sa akin ang ama ni Edward. Ipinaliwanag nya sa akin ang lahat nang araw na iyon. Dahil sa labis na pagtanaw ko ng nakapakalaking utang ng loob ay pumayag akong ipagkasundo ka sa kanyang anak para mailigtas ito"
Patuloy ako sa pagiyak. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Edward na humagod sa aking likuran. Muli kong narinig na nagsalita si Doña Pina.
"Dahil alam na ni Devas na naririto sa Pilipinas ang anak ni Kevin at Catherine. Nagpasya si Kevin na itago ka sa malayong lugar. Kaya napadpad ka sa Germany. Iniwan ka nya kay Cora. Sya ang nag alaga sa iyo Edward. Itinago ka ni Cora sa isang bahay ampunan. Bago nawalang parang bula si Kevin ay inilipat nya sa iyo ang kanyang natitirang lakas, buhay at kapangyarihan at dahil nakakabasa ng isip si Devas, binura ng iyong ama ang iyong ala ala para hindi ka matunton nito"
"Youre saying, half of my fathers life is in Maymay and the other half is in me?" tanong ni Edward.
"Oo. Bago kami naghiwalay ni Kevin. Ipinangako ko sa kanya na hahanapin ko si Lorna at ang kanyang anak. Nangako ako na aalagaan ko sila lalo na ang batang babae na syang magliligtas sa iyo pagdating ng takdang panahon" sagot ni Doña Pina.
Naramdaman kong umusog papalapit sa akin si Edward. Umakbay sya habang hinahagod ang aking likuran. Patuloy pa rin ako sa pag iyak. Hindi ko matanggap ang sinapit ng ina ni Edward dahil sa akin. Nag angat ako ng mukha at tumingin kay Edward.
"Mahal ko po si Edward kaya tutulungan ko sya at mas lalo ko pong gusto syang tulungan at iligtas ngayong nalaman ko na dahil sa akin ay hindi na nagawang maibalik pa ng kanyang ama ang buhay ng kanyang ina" sabi ko.
"No one is pointing finger at you especially me. So dont blame yourself. It was meant to happen, Maymay" sagot ni Edward sa akin.
"Sa paanong paraan ko po matutulungan si Edward? Nakahanda po ako" sabi ko habang isa isa kong tinitingnan ang mga nasa harapan ko.
"Devas' plan is to tie him up with his daughter. In that way, Edward has no other choice but to join his coven" sagot sa akin ni Dr. Laurenti.
"What if I dont want to---"
Agad na sumagot si Dr. Laurenti kay Edward. "Devas has his ways Edward. Matalino sya at tuso. Kaya uunahan natin sya"
"How?" tanong ni Edward.
"Once a vampire bind himself to his mate. Its going to be forever. No one can undo that. Not even the Royal Council" sagot ng lalaking katabi ni mama. Sa pagkaka alala ko ay Luis ang pangalan nya.
"Are you saying, since I am considered as a vampire, I have to find my mate and bind myself to her. In that way Devas can no longer have me?" si Edward uli.
"Yes. The Royal Council will take it from there. We just have to make sure na hindi ka mapa sa kamay ni Devas" sagot uli ni Dr. Laurenti.
Muling nagsalita ang lalaking katabi ni mama. Si Luis.
"Like what Laurenti said, Devas wants to tie you up with his daughter. And use you. He will make you his right hand. His main weapon against the Royal Council" sabi nito.
"Daughter?" sagot ko.
"Yes. His daughter is already here. And she has already located where Edward is"
Nanlaki ang mga mata ko.
"How?? Nasaan sya? Paano nya nahanap si Edward??" tanong ko.
"Through you" sagot ng lalaki sa akin.
"H--ha?"
"She found you first before Edward"
"Daniella" narinig kong bulong ni Edward.
Napatingin ako agad sa kanya.
"Hindi. Mabait sya. Paanong---"
"Kissandra Daniella Devas. Thats her real name. She befriended you to get to me" sagot ni Edward sa akin.
"Bampira si Daniella?!" tanong ko.
"Yes. Thats why I have been asking you to stay away from her. Shes a vampire. But I dont know why I did not read in her mind that shes the daughter of---"
"Devas might have asked her to hide it whenever shes with you. She knows what you are capable of doing. She has been warned to hide her thoughts and be careful with her actions" sagot ni Cora. Ang babaeng binanggit kanina na nagpalaki kay Edward sa Germany.
"Sa linggo na ang iyong ika 18 na kaarawan. Kailangang maganap na ang kasunduan ni Lorna at Kevin. Naka antabay na ang kampon ni Devas. Alam naming anumang oras ay isasagawa nila ang kanilang plano para makuha ka Edward"
"We have to get marry, right? Its okay with me we can even do the wedding now!" sagot ni Edward.
"We have a problem" sabat ni Luis.
Lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Cora and I learned that Devas already contacted all who are eligible to conduct the wedding ritual. We dont know who to trust for now"
"All of them? Cant we have the wedding to a priest instead or someone with---"
"No Edward. The wedding must be performed by an official acknowledged by the lawmakers of the vampires"
"Kung ganun, hindi na matutuloy ang kasal?" tanong ko.
"May isa pang paraan. Ang paraan na higit na mas matibay kaysa sa isang wedding ritual" sagot sa akin ni Doña Pina.
Kinabahan ako bigla. Juskolord. Anong paraan yun? Iba iba na ang pumasok sa isip ko. Gagawin ba akong bampira?? Gigilitan ako at ipapainom ang dugo ko kay Edward? Papatayin ba nila ako??? Napapikit nalang ako sa sobrang kaba.
"Whats the other way?" narinig kong tanong ni Edward.
"Patawarin mo kami Lorna pero ito lang ang paraan na naisip ng pangkalahatan" narinig kong sabi ni Doña Pina kay mama.
Isang mahabang buntung hininga ang pinakawalan ko. Mukha atang isa sa mga naiisip ko ang paraan na sinasabi ni Doña Pina. Napayuko nalang ako.
Mahal ko si Edward. Iniligtas ako ng kanyang ama. Ilang beses na rin nya akong iniligtas. Oras na para sya naman ang iligtas ko.
"Naintidihan ko po Doña Pina. Naipaliwanag na po sa akin ni Dr. Laurenti" narinig kong sagot ni mama.
"Edward, you have to mark Maymay as your mate for life" sabi ni Dr. Laurenti.
"What do you mean? Mark her as my mate for life? How am I---"
Natigilan si Edward ng biglang mag react si Marco.
"What the hell---" sabi nya.
Pareho kami ni Edward na lumingon sa kanya.
"What is it Marco? You know how to do it?" tanong ni Edward.
"Of course. Im a vampire but I havent done that. Not yet" sabi nya.
Muling tumingin si Edward kay Dr. Laurenti.
"What do you mean?" tanong ni Edward sa kanya.
"Dr. Laurenti, pumapayag po ako sa kung ano man po ang makakabuti para kay Edward" sabat ko.
"Thank you Maymay" sagot nya.
"How can I mark her as my mate? Is there a ritual? Dont tell me I have to drink her blood---"
"No Edward! You cant at any cost... must not taste... even a drop of blood" sabat naman ni Luis.
"Okay... okay... Then how am I going to mark Maymay as my mate?" sagot ni Edward.
Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko na hindi pwedeng tumikim ng dugo si Edward. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod kong narinig...
"You have to make love with her" sagot ni Dr. Laurenti.
***
Ang tagal natahimik ng lahat. Tulala kami pareho ni Edward at sabay pang napasandal sa upuan. Parang hindi ko ata magawang tumingin sa kanya. Bigla namang dumating si Tanner.
"Im sorry to interrupt but we need to get them out of here. I saw a group of vampires. They are on their way. We need to go now" sabi niya.
Agad na kumilos ang lahat. Naramdaman ko nalang na biglang may humawak sa akin. Wala pa atang limang segundo ay biglang nasa loob na ako ng isang sasakyan.
"Go. We'll meet you there!" narinig kong sigaw ni Dr. Laurenti.
Napalingon ako. Magkayakap si Doña Pina at mama. Nakabantay sa kanila si Cora at Luis.
Nasa loob kami ni Edward ng isang pick up truck. Nasa likod si Tanner habang si Marco naman ang nagmamaneho.
"Saan tayo pupunta?!" tanong ko.
"Dont worry Maymay. We always got Edwards back. And now, we got yours too" sagot ni Marco sa akin.
***
Sa isang liblib na lugar kami nagpunta. May mga nag aantay na sa amin doon. Agad nila kaming pinatuloy. Papasok palang kami ay binulungan na ako agad ni Edward.
"They are all vampires" sabi nya.
Napakapit tuloy ako sa braso nya ng mahigpit. Dinala nila kami sa isang tagong silid. Doon muna daw kami magpahinga. Sandali kaming nag usap usap nila Marco at Tanner bago sila tuluyang lumabas ng kwarto at iwanan kaming dalawa ni Edward.
Bigla namang naging awkward ang eksena.
Ikaw ba naman. Hindi ka ba mahihiya matapos mong marinig ang dapat mong gawin para mailigtas sya at huwag makuha ni Daniella.
Sobrang tahimik naming dalawa ni Edward. Pareho kaming nakaupo sa magkabilang dulo ng kama.
Sa loob loob ko... Juskolord... alam kong sa birthday nya pa yun pero magpapractice ba kami kaya kami iniwan nila Tanner??? Seryoso ba??? As in now na???
Napalunok ako ng maramdaman kong umusog si Edward papalapit sa akin.
"I know what youre thinking" bulong nya.
Agad naman akong napatingin sa kanya.
"Ha?! Nabasa mo nasa isip ko?!" sabat ko habang nanlalaki ang mga mata ko.
"You know I cant read your mind. What I mean is, I think I know what you are thinking" sagot nya.
Juskolord talaga. Parang gusto ko nang mag evaporate sa sobrang hiya. Titig na titig si Edward sa akin. Umusog sya papalapit. Napa atras naman ako. Umusog uli sya. Umatras ako uli.
"Jusko! Hindi ako prepared!" sabi ko sa isip ko sabay pikit.
Pero naramdaman ko na tumayo si Edward. Kasunod nun ay binuksan nya ang pinto at pagdilat ko ay nakita ko syang lumabas ng kwarto.
"Ayan. Nagalit ata. Naku naman Maymay" bulong ko sa aking sarili.
Tumayo ako at sumunod kay Edward. Nawala sya agad sa paningin ko. Kung saan saan ko sya hinanap. Nakita ko sila Marco pero nagtago ako baka kasi magalit sila dahil pinabayaan kong lumabas si Edward mag isa.
Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Edward hanggang sa mamataan ko sya na mag isang nakaupo sa isang hardin. Napapaligiran ito ng nagtataasang mga puno at halamang puno ng bulaklak. Nilapitan ko sya agad.
"Sorry" sabi ko.
"Huh?"
"Tungkol sa kanina. Yung ano... kasi naman... ano kasi... diba ano... yung ano---"
"Maymay, its not what you think. I was only going to tell you that you dont have do it" sabi nya sa akin.
"H--ha?"
Humarap si Edward at hinawakan nya ako sa kamay.
"I love you. I really do and I will never ever force you to do something that youre not prepared for" sabi nya.
"Edward makinig ka---"
"No. You listen to me. You dont have to do it now. I can wait. I can ran away from Daniella and Devas. Of course, Ill take you with me but I promise Ill wait, alright?" sabi nya.
Hindi ako nakasagot agad. Ako pa rin ang inuna nyang isipin imbes na ang sarili nya. Ilang beses na syang nagsakripisyo para sa akin. Buhay nya mismo ang nalagay sa alanganin para lang iligtas ako.
Magsasalita sana ako pero bigla nalang lumapit si Edward sa akin.Hinalikan nya ako sa noo at pagkatapos nun ay muli syang tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"I know I have kissed you a lot of times. Im sorry I cant help it. But I promise that I can wait, until youre ready. I dont care if my life is at stake. Its you I care the most. Just as long as I know that youre all mine, Ill forever be yours. All of me" sabi nya.
Kasunod nun ay bahagya na nya akong hinila papasok ng bahay pero pinigilan ko sya.
Gaya ng sabi ko kanina lahat ay gagawin ko... mailigtas lang sya.
Humarap si Edward sa akin.
"What is it?" tanong nya.
Inangat ko ang aking kamay at hinaplos ang kanyang pisngi.
"Kahit ano gagawin ko para sayo. Huwag mo akong intindihin. Sarili mo naman ngayon ang unahin mo. Gusto kong malaman mo na buong puso kong ipagkakatiwala sa iyo ang aking sarili hindi lang para iligtas ka kundi dahil mahal kita..." sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
***