webnovel

Hide and Seek

MAYMAY'S POV

"Maymay!!!" narinig kong sigaw ni Fenech habang tumatakbo papalapit sa akin.

Sa itsura palang nya, halatang excited sya sa ibabalita nya pero dinedma ko yun. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa notebook na hawak ko. Nagrereview kasi ako ng notes para sa next subject namin. Dito ako tumambay sa madalas naming pwestuhan ni Fen. Sa bench sa ilalim ng puno malapit sa football field.

Paglapit ni Fen ay halos mabitawan ko na ang hawak ko sa kakayugyog nya sa akin. Naka upo ako habang sya naman ay nakatayo sa gilid ko.

"Aray... teka... kung makayugyog ka naman wagas eh" reklamo ko.

"Ay sorry, na excite lang ako" sabi nya.

"Ano ba kasi yun? Hindi ka ba mag rereview? San ka ba galing?"

"Teka, pakinggan mo muna ako" sabat nya sa akin.

Hindi ako kumibo. Ibinalik ko nalang ang mga mata ko sa notebook na binabasa ko pero kinuha ito ni Fen at itinago sa likuran nya.

"Teka nga. Makinig ka muna kasi saglit" sabi nya.

"Ano ba yun?" inis na tanong ko sa kanya.

"Napadaan ako sa bulletin board now lang. Nag post na si Mrs. Lopez ng groupings para sa community outreach activity natin sa Baguio" excited na sagot ng kaibigan ko habang nakangiti.

"So?" matipid kong sagot habang tinatry kong abutin ang notebook sa likuran nya.

"Magka group tayo!!!" sigaw nya na parang kinikilig kilig pa.

"Ahh... okay... eh di maganda" sagot ko sabay buntung hininga.

Akala ko naman kasi kung ano na. Minsan talaga may pagka OA tong kaibigan ko na ito eh.

"Wait... theres more" sabi nya.

May pahabol pa pala sya. Hindi na ako sumagot. Hinablot ko nalang ang notebook at ako naman ang nagtago nito sa likuran ko kasi kinukuha nya uli.

"Pwede ba, tapusin mo na ang balita mo? 15 minutes nalang, matatapos na ang break time natin. Marami pa akong babasahin" sabi ko sa kanya.

"Eto na nga. Anim tayo sa group. Ikaw, ako, si Marco, si Iñigo, si Maris at si---"

Binitin nya pa ko talaga. Nakangiti lang sya na parang nang aasar.

"Sino nga? Pa surprise ka pa eh. Bilisan mo. Iiwanan kita dito" inis na sagot ko.

Isang malaking ngiti ang isinagot ni Fen sa akin. Mejo naaasar na ako kaya inilagay ko na lang uli sa harapan ko ang notebook at nagsimula na uli akong magbasa.

"Si Edward" bulalas nya.

Natigilan ako sa pagbabasa. Napatingin ako sa kaibigan ko na kasalukuyan paring ngiting ngiti habang nakatingin din sa akin.

"Oh diba... sabi ko na eh.. matitigilan ka" sabi nya.

"Excuse me, hindi no. Akala ko lang kasi kung ano na. Akala ko si.... si Hanna.. oo tama. Akala ko si Hanna ang sasabihin mo. Sigurado, gera ang kalalabasan ng activity natin pag nagkataon" palusot ko sabay irap sa kaibigan ko.

Ibinalik ko uli ang mga mata ko sa notebook na binabasa ko.

"Pero hindi si Hanna. Si Edward. Si Edward. Si Edward" tukso ni Fen.

"Teka nga... teka nga... at isa pang teka nga.. eh ano naman ngayon?" sagot ko.

"Hmmm... ikaw ha. Umamin ka nga... may something kayo no?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing yun ni Fen. Napatingin ako uli sa kanya.

"Anong something na pinagsasabi mo jan? Wala no. Ikaw, masyadong makire yang utak mo. Nakikipag kaibigan lang yung tao. Yun lang" paliwanag ko.

"Hmmp! Hindi ako naniniwala. Kunwari ka pa jan. Deny pa more my friend, baka bukas o sa makalawa malaman ko nalang na inlove ka na" sagot ni Fenech sa akin.

"Imposible yan" sabat ko sa kanya.

"At bakit? Shingle ka... shingle sya... anong imposible dun?"

"Hindi ako type nun. At isa pa hindi ako assumera. Period" sabi ko.

"Anong hindi ka type? Eh lagi syang nakabuntot sayo pag wala syang klase. Madalas na rin syang sumasabay sa atin pag breaktime. Pati tuwing uwian kasabay mo din sya. Sinong hindi mag iisip na may something na sa inyo. Eh two weeks ago ang sabi mo sa akin sinusungitan ka nya. Sige nga, paki explain"

"Walang dapat ipaliwanag kasi wala nga. Nag usap lang kami na susubukan naming maging magkaibigan. Yun lang yun" sagot ko sabay irap uli. Ang kulit kasi.

"Eh bakit kung makatitig sya sayo wagas? Parang lahat ng galaw mo nakamasid sya. Lagi nya pang tinatanong kung anong iniisip mo. Parang feeling ko lagi syang concern sa kung anong mararamdaman, kung anong sasabihin at kung anong nasa isip mo. Maymay, kahit anong sabihin mo, inlove lang ang gagawa ng ganyan. Inlove sya sayo" giit ni Fen.

"Joke ba yan? Kasi hindi ako natatawa. At saka tigilan mo ko Fenech. Akala mo hindi ko napapansin na simula nung nagdidikit na sa atin yang si Edward, pati si Marco nakiki join na rin. At ikaw naman halos mapunit na ang mukha mo sa laki ng ngiti mo. Baka ikaw ang inlove" bawi ko sa panunukso nya.

"Huh... hi--hinde ah! Ako pa ngayon ang babaligtarin mo" sagot nya sa akin.

Napansin kong namula sya bigla.

"Talaga lang ha. Eh bakit ka nag bablush?"

"Hindi no. Mainit lang"

"Ikaw Fen ha. Alam mong chickboy yang si Marco. Oo gwapo sya. Given na yun pero isipin mo na given din ang bilang ng mga babaeng pinopormahan nyan at wag kanang magtangkang jumoin sa kanila. Masasaktan ka lang" sabi ko.

"Magkaibigan lang kami" matipid nyang sagot. May diin ang pagkakabanggit nya sa word na magkaibigan.

"Wehhhh... di nga?" sabat ko.

"Ikaw... binabaligtad mo ko. Ikaw tong may something na with Edward eh..."

" Fen... walang chance... period" sagot ko.

"Huh? Si Edward walang chance sayo? Choosy mo naman"

"Ibig kong sabihin, hindi ako ang tipo nya ng babae. Imagine yung tisoy na yun tapos sa ganitong mukha lang maiinlove? Hello! Bagay sya sa mga kagaya ni---"

"Nino? Ni Hanna? Ow puh-lease, maputi lang si Hanna, paitimin mo yun ni janitor hindi sya mapapansin. Ikaw, kahit hindi ka sing puti na gaya nya, maganda ka. Lalo pa pag pumuti ka. Kaya wag mo maliitin ang sarili mo. Think positive! Go for the gold! Go for Edward!" sagot nya sa akin with matching pataas taas pa sya ng isang kamao nya.

"Hindi nga pwede. At saka wala sa isip ko yan mga inlove inlove na yan" sagot ko.

"OA mo. I dont believe you. Sa gwapo ni Edward na laging nakadikit sayo, walang effect sayo??"

"Kaya nga umiiwas ako eh. Dumidistansya. Mahirap na. Basta hanggang friends lang kami. Hanggang dun lang talaga" sagot ko.

"Bakit ba? Paano kung gusto ka pala nya?"

"Hindi pwede" giit ko.

"Bakit nga?" pangungulit pa rin ni Fenech sa akin.

"Makinig ka. Bukod sa sobrang labo na magka gusto sa akin si Edward, malabo na rin na mag entertain pa ako ng iba. Nakalimutan mo na ba? Diba naipagkasundo na ako ng mama ko? Kaya malabo na yan. Wish ko lang mabait at mabuting tao din ang lalaking yun gaya ng tatay nya" sabi ko at muli kong ibinaling na ang atensyon ko sa notebook na hawak ko.

Itinaas ko pa ang notebook at halos iduldol ko na sa mukha ko para lang lubayan na ako ni Fen.

Napansin kong hindi na nakapagsalita ang kaibigan ko sa sinabi ko. Akala ko tapos na kami pero sandali lang pala syang nag isip.

"Paano kung hindi mo kayang mahalin yung lalaking yun? Paano kung bigla kang mainlove sa iba? At saka... imposibleng hindi ka affected sa mga damoves ni Edward. Aminin mo... mabait sya sayo at maalaga. Bato ka na kung walang epekto sayo yun"

"Sa totoo lang Fen. Hindi ko binibigyan ng kahulugan. Ang nasa isip ko, ganun lang talaga sya bilang kaibigan. Ayoko ma inlove at ayoko mag assume. Nakatatak na sa isip ko na naipagkasundo na ako sa iba. Utang ko sa taong yun ang buhay ko at bilang pagtanaw ng napakalaking utang ng loob, kailangan kong tulungan ang anak nya. Kaya please lang, itigil na natin ito. Puro love ang nasa isip mo eh. Dinadamay mo pa ako. Eh ikaw naman ata itong inlove. Mag review na lang kaya tayo, pwede??" sabi ko habang nakatakip pa rin ang notebook sa mukha ko.

Hindi na sumagot ang kaibigan ko sa akin. Bigla nalang syang nanahimik. Salamat naman at matiwasay na akong makakapag review.

Maya maya ay naramdaman ko na umupo sya sa tabi ko. Akala ko mangungulit uli sya pero nanatili syang tahimik habang nakaupo. Sa loob loob ko. Mukhang nagtampo na ata. Baka na offend sya sa pambabara ko sa kanya kaya natahimik nalang sya.

Naisip ko tuloy maglambing nalang sa kanya gaya ng madalas kong ginagawa kapag ganitong napipikon o nagtatampo sya.

Humilig at sumandal ako kay Fen habang nakatutok pa rin ang mga mata ko sa binabasa ko pero hindi pa rin sya kumibo. Shinare ko nalang ang notebook na binabasa ko sa kanya.

"Mag review nalang tayo, I love you" sabi ko na may halong paglalambing.

Nakahilig pa rin ang ulo ko sa kanya. Ang mga mata ko ay nakatuon sa hawak kong notebook na nakatapat malapit sa aking mukha.

Pero hindi pa rin kumibo si Fen.

Umihip ang malakas at malamig na hangin. Nagliparan tuloy ang buhok ko. Sandali kong ibinaba ang notebook na hawak ko para hawiin ang mga buhok na halos nakatakip na sa aking mukha.

Pero laking gulat ko ng makita ko si Fenech na nakaupo sa damuhan katabi si Marco. Nasa harapan ko sila. Mga tatlong hakbang ang layo mula sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sa loob loob ko. "Luh! Kung si Fen yun, sino itong katabi ko???"

Agad akong nag angat ng tingin at humarap sa taong nasa tabi ko.

Lalong nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Hi" bungad ni Edward sa akin.

"Ay... so--sorry! Akala ko si Fenech. Ka-kausap ko kasi sya kanina lang" nauutal na paliwanag ko.

"Its okay" sagot nya sabay ngiti.

Ayan nanaman ang mga mata nya. Totoo ang sinabi ni Fen. Kung makatingin sya ay nakakapanlambot ng tuhod at may something sa mga titig nyang yun kaya agad akong umiiwas. Bahagya akong umusog papalayo sa kanya. Hindi ako sure kung nahalata nya yun kasi sinimplehan ko lang ang pag urong ko.

"Uhm... uh... Can I... borrow your notes? Mine is not complete" tanong nya sa akin.

"Ha? Ah... eh.. sige" sagot ko sabay abot ng notebook ko sa kanya.

"Thanks! Uhm... are you done with our literature group report?" tanong nya uli.

"Oo, yung naka assign sayo tapos mo na?" sabi ko.

"No. Uhm... I havent started" sagot nya.

Bahagya akong sumimangot sa sinabi nyang yun. "Luh! Bukas na ipapasa yun ah. Bakit di mo pa nagagawa?"

"Im sorry. Im uhm... always out everynight these past few days. I... uhm... forgot to do it" sagot nya sabay kamot sa ulo.

Ang galing, inuna pa ang paglabas kesa sa book report namin. Nainis na ako ng tuluyan.

"Bakit inuna mo pa yang paglabas mo tuwing gabi? Dapat tinatapos mo muna ang mga homework mo bago yang night life na yan" sagot ko habang patingin tingin sa mga naglalakad at nakatambay din sa kabilang side ng football field.

"Nightlife? No, its not what you think---"

Bigla namang sumingit si Marco sa usapan namin habang magkatabi sila ni Fen na nakaupo sa damuhan isang hakbang ang layo mula sa amin. Pareho kami ni Edward na napatingin sa kanya.

"Edward just cant help but drop by at someone's place" sabi nya sabay kindat sa akin.

Umikot na ng 360 degrees ang mga mata ko. Parang gets na gets ko na ang ibig sabihin ni Marco. Di pa ako diretsuhin ng lalaking ito. Nanliligaw siguro tong mokong na to kaya gabi gabi wala sa bahay nila. Inuna pa ang babae kaysa sa group work namin.

"Ako nalang ang gagawa. Ipapasa na bukas yun eh" inis na sagot ko.

"N--no... I---Ill do it---"

Sumingit nanaman si Marco. Mukha atang inaasar nya si Edward. Pero actually, pati ako naasar na rin🤨

"So youre not going out tonight?" tanong ni Marco habang nakangiti.

Hindi sumagot si Edward. Nakita kong tinitigan lang nya si Marco habang si Marco naman ay mas lalong natawa sa kanya.

"Ako nalang ang gagawa" sabat ko.

Tumingin si Edward sa akin.

"Grade natin ang nakasalalay jan kaya kung hindi mo magawa, ako nalang. Wala naman na akong gagawin. Sige mambabae... uhm.. I mean... gawin mo nalang ang gagawin mo kung ano man yun" malumanay na sagot ko pero deep inside ewan ko ba kung bakit imbyernang imbyerna na ako.

"No. Ill do it... its just---"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Sa bwisit ko, sumabat ako agad agad.

"Ay 5 minutes nalang pala!" palusot ko sabay tayo.

Natigilan tuloy si Edwad. Bigla nalang kasi akong nag ayos ng gamit ko.

"Papasok na ako. Sige ha. Fenech tama na yan, halika na" sabi ko sabay lapit at kalabit sa kaibigan ko.

Mabuti naman at tumayo na rin sya agad. Pero patuloy pa rin ang chika nya kay Marco.

"Uhm... Maymay---" tawag ni Edward sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Diretso nanaman syang nakatingin sa mga mata ko pero agad din akong umiwas.

Ang totoo, natuto na ako. Napapansin ko kasi na kapag ganitong nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko ay parang nahyhypnotize ako. Nasasabi ko tuloy ang nasa isip ko.

Marami syang tanong sa akin at madalas nasasagot ko sya ng totoong nasa isip ko kapag nakatitig ako sa mga mata nya... ewan ko ba kung bakit.

Samantalang sya naman pag tinatanong ko, laging patay malisya. Hanggang ngayon hindi nya pa rin inaamin sa akin ang totoo kung bakit bigla syang sumusulpot. Kung paano sya nakakapunta sa akin ng on time para iligtas ako. Dalawang beses nang nangyari yun kaya sigurado ako na hindi yun nagkataon lang pero ang sabi nya guni guni ko lang daw. Nandun lang daw talaga sya malapit sa akin. Paulit ulit nyang sinasabi na...

"I guess I have excellent reflexes"

Hanggang sa makakalusot na sya. Nagsawa nalang din ako sa kakatanong. Pero sa totoo lang... hindi ako naniniwala sa dahilan nya.

Alam kong one day, makakahanap din ako ng moment na hindi na nya maikakaila sa akin na totoong kakaiba sya. At totoong may nagagawa sya na hindi ordinaryo para sa isang 17 year old.

"Maymay, can you sit down? Just for a minute" narinig kong pakiusap ni Edward sa akin.

Pero hindi ako sumunod. Sa iba ako nakatingin. Inaantay ko nalang si Fen na matapos sa pagliligpit ng gamit nya.

"Maymay---"

Narinig ko uli si Edward na tinawag ako pero hindi nanaman nya naituloy ang sasabihin nya kasi bigla nalang may lumapit sa amin.

"There you are! Ive been looking for you everywhere"

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. I knew it, si Hanna nanaman pala. Alam na alam ko na ang kasunod nito kapag hindi pa ako umalis. At dahil mas gugustuhin ko pang gamitin ang oras ko sa mas makabuluhang bagay kaysa makipag sagutan sa kanya, nagpaalam nalang ako na mauuna na.

"Sige, pasok na ako. Fen sunod ka nalang" sabi ko.

"Lets go Edward. We'll be late to our next class" narinig kong aya ni Hanna sa kanya.

Tumayo si Edward pero humarang sya sa daraanan ko.

"Hey wait. Ill see you later?" sabi nya sa akin.

"No Edward. Were going somewhere remember??" sabat naman ni Hanna.

Napatingin ako kay Hanna. Nakakunot ang kanyang noo at halos pandilatan nya na ako. Naisip ko, siguro si Hanna ang kasama nya gabi gabi.

So what??! Eh ano naman ngayon??! Wala akong paki alam! As in!

Hindi na ako sumagot kay Edward. Iniwasan ko sya at naglakad na ako papalayo sa kanila pero bigla nya akong hinawakan sa kamay.

"Maymay---"

"Edward lets go na" si Hanna uli.

Nainis na ako ng bongga. Bumitaw ako kay Edward.

"Sumama ka na kay Hanna baka pareho pa tayong ma-late. Ako na lang ang gagawa ng literature mo---"

"Its not what you---"

"Edward lets go na..." si Hanna uli pero this time hinila na nya si Edward.

Hawak ni Hanna ang kamay nya. Hindi matapos tapos ang sasabihin ni Edward kasi hinihila na sya ng kulang sa pansin na babaeng ito.

Nainis tuloy ako lalo.

"Alam mo pumasok ka nalang sa next class mo. Huwag mo na akong kulitin. Tama yan. Sa kanya ka nalang sumama at hindi yung lagi kang nakabuntot sakin. Naiinis na rin kasi ako. Lalo na kapag pinag iinitan ako ng iba dahil sa kakabuntot mo kaya pwede ba, wag mo na akong kulitin??" sabi ko kay Edward habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.

Pero after nun... bigla akong natahimik sa nasabi ko. Napansin kong mejo nabigla si Edward sa narinig nya.

"Is that what you want?" tanong nya sa akin.

Hindi ako sumagot. Umiwas nalang ako uli ng tingin.

"Okay. Im sorry" sabi nya at pagkatapos nun ay naglakad na sya papalayo sa akin.

Naiwan akong nakatanga habang nakatanaw sa kanila ni Hanna. Napahawak nalang ako sa ulo ko sabay upo uli sa bench. Sa loob loob ko, hala anong nasabi ko? Kawawa naman sya. Ako naman ngayon itong nagsusungit sa kanya. Eh kasi naman ang kulit nya.

Pero sa kabilang banda, naisip ko na tama lang siguro na nasabi ko yun. Baka kasi magkatotoo pa yung sinabi ni Fen. Ayokong ma-fall. Lalo na sa isang tao na alam kong hanggang kaibigan lang ang magiging ending namin.

Hindi pa ako na inlove. At sa ngayon... wala akong balak mainlove. Gaya ng sabi ng Mama ko, nakalaan na ako sa iba.

At inaantay ko nalang na dumating sya...

***

Nang mga sumunod na araw ay kapansin pansin na nagbago na nga si Edward. Mas madalas na nyang kasama ngayon si Hanna at gaya ng hiniling ko, hindi na sya bumubuntot sa akin.

Nginingitian pa rin naman nya ako kapag nagkikita o naglakasalubong kami. Kinakausap pa rin nya ako kapag magkasama kami tuwing literature class pero halatang dumidistansya na sya sa akin. Ako naman ngayon ang halos gumagawa ng paraan para lang mapansin nya.

Ewan ko ba. Para tuloy akong tanga.

Naisip ko na baka naguiguilty lang ako. Kaya siguro umeeffort ako na mapansin nya. Nakakainis tuloy. Bakit ba napaka masunurin naman nya. Sa loob ng dalawang linggo, sinanay nya ako na lagi syang nakabuntot sa akin tapos ngayon biglang ganto.

Nakakahiya mang aminin pero parang hinahanap hanap ko yung pagbuntot buntot nya. Hinahanap hanap ko yung lagi syang naka abang sa sasabihin ko. Yung lagi syang nagtatanong ng opinyon ko o kung anong nasa isip ko.

Kapag nakikita ko sila ni Hanna na magkasama, hindi ko maiwasang isipin na...

Hindi kaya na inlove na sya ng tuluyan sa kanya?

Sa loob loob ko, Jusko Maymay, eh ano naman ngayon?? Akala ko ba wapakels ka sa kanila? Anong ineemote emote mo jan ngayon?

Pero naisip ko naman, sa kabilang banda, nakabuti na rin ang pagiging close nila ni Hanna. Dahil kay Edward nakatuon ang atensyon ni Hanna, nabawasan na kahit papaano ang pang bubully ng babaeng yun. Mas lalo nga lang syang lumandi. Halos itali na nya si Edward sa bewang nya.

Sabi ni Fen, according to Marco, hindi daw sila, pero grabe makalingkis ang Hanna na yun. Parang may aagaw kay Edward sa kanya. Sa totoo lang, minsan... naaalibadbadran na ako.

Naputol ang pagmomoment ko mula sa malalim na pag iisip habang nakaupo sa dining table. Bigla kasing dumating si mama. Tumayo nalang ako at naglakad papuntang pinto.

"Anak. Sandali. Nabigay ko naba sa iyo ang listahan?" pahabol na tanong sa akin ni mama.

"Opo" sagot ko.

"Oo nga pala. Kunin mo ito" sabi ni mama sabay abot sa akin ng limang daan.

"Para saan po ito?" tanong ko.

"Bumili ka ng babaunin mo para bukas" sagot nya.

"Ma... hindi na po. May pera naman po ako kahit papaano. Okay na po iyon. Itabi nyo nalang po ito" sabi ko.

"Ah hinde... ipon mo na nga ang ipinambayad mo para jan sa outreach trip na yan. Hayaan mo naman na maka ambag ako. Sige na... kunin mo na ito. Umalis ka na. Ako na ang mag hahanda ng gamit mo para bukas. Maaga kayo diba?"tanong nya.

Hindi ako sumagot. Tumango lang ako habang si mama naman ay kinuha ang kamay ko at inalagay sa palad ko ang pera na kanina nya pa inaabot.

"O sige. Umalis ka na. Mag iingat ka anak"

"Opo ma" sagot ko at pagkatapos nun ay tuluyan na akong lumabas ng pinto.

Nagprisinta kasi ako kay mama na ako na ang mag go-grocery, wala naman akong gagawin. Umuwi ako ng maaga. Wala kasi kaming prof. Mas maigi nang umuwi nalang kaysa tumambay sa school at maumay sa kalandian ni Hanna kay Edward. Ito namang si Edward, gustung gusto. Palibhasa lalaki.

Naku! Naiinis ako😤

Pakiramdam ko pa tuloy, kahit saan ako pumunta, nakikita ko silang dalawa. Lalo na itong si Edward.

Katunayan nga nyan, after ng 18th birthday ko. Mula nung bigyan ako ni Doña Pina ng sarili kong kwarto katabi ng kwarto ni mama. Ilang gabi na akong naghahallucinate na nasa loob ng kwarto ko si Edward.

Kapag bigla akong naalimpungatan sa kalagitnaan ng gabi. Parang sya yung lagi kong nakikita na nakatayo sa paanan ng kama ko. Pero pag kurap ko ng ilang beses, wala naman sya.

Bakit ganun? Ano bang nangyayari sa akin?

***

Nakarating na ako lahat-lahat sa grocery pero parang wala pa rin ako sa sarili kakaisip kay Edward at Hanna.

Dagdag mo pa yung huling hallucination ko kay Edward kagabi. Parang totoong nakita ko sya sa loob ng kwarto ko. Sa parehong lugar kung saan ko sya madalas nakikitang nakatayo. Bumangon pa nga ako eh. Nagbukas din ako ng ilaw. Pero wala naman. Ang tagal tuloy bago ako makatulog uli.

"Nababaliw na ba ako?" bulong ko sa aking sarili.

Biglang...

"Aray!" narinig kong sigaw ng isang babae.

Nabunggo ko pala sya ng grocery cart na itinutulak ko.

"Ay sorry po" sabi ko sabay lapit sa kanya.

"Miss tumingin ka naman sa dinaraanan mo!" galit na sabi ng babae sa akin.

"Naku sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya" sagot ko sa kanya.

Hindi na nagsalita ang babae. Inirapan nya ako at pagkatapos ay naglakad na sya papalayo. Napakamot nalang ako sa ulo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad tulak tulak ang cart. Patingin tingin ako sa mga shelves habang hawak ko ang listahan ni mama.

Napadpad ako sa pinaka unahan. Malapit sa sa cashier. Tanaw ko na ang labas mula sa kinatatayuan ko. Hanggang sa may mamataan akong pamilyar na mukha.

Kapag minamalas ka nga naman. Nakita ko si Hanna at naka alampay nanaman ang babaeng ito sa braso ni Edward. Papasok sila sa katapat na coffee shop. Mukhang pauwi na sila galing school. Magkakalapit lang kasi ang school, coffee shop at ang supermarket kung saan ako nag gogrocery ngayon.

Kahit mejo malayo, tanaw na tanaw ko pa rin sila habang magkatabi silang nakaupo sa isang table. Kitang kita ko si Hanna na nakahilig pa sa balikat ni Edward habang namimili ng order sa menu na hawak nya.

Si Edward naman ay napansin kong patingin tingin sa paligid. Nagtago ako sa isang shelf. Nakita ko kasi na parang tumingin sya sa gawi ko.

Habang nakatulala ako sa kanila at todo tago ay bigla nalang akong nakarinig ng malakas na ingay. Napatingin ako agad kung saan ito nanggaling. Nanlaki ng sobra ang mga mata ko. Sobrang laki. Napahawak pa ako sa aking bibig.

Nabunggo ko pala ng cart na tulak tulak ko ang shelf ng mga babasaging baso at ilang set ang nagbagsakan sa sahig.

Boom basag!

Pag angat ko ng tingin ay halos lahat ng naroon ay nakatingin sa akin. Kasunod nun ay patakbong lumapit sa akin ang tatlong grocery staff.

"Juskolord, Maymay anong ginawa mo??" bulong ko sa aking sarili.

"Mam nasaktan po ba kayo?" tanong ng isa sa staff na lumapit sa akin.

"Hi--hindi po. Ako po ang may kasalanan. Nabunggo ko po kuya pero hindi ko po sinasadya" sagot ko.

"Naku mam babayaran nyo po yan" sabi ng isa sa akin.

"Ha?? Ah... eh... magkano ba lahat ng nabasag?" tanong ko.

Sandali nilang tiningnan ang price tag na nakadikit sa bandang ibaba ng shelf.

"75 po isa. Anim na set po ang nabasag mam" sagot naman ng isang staff.

Nanlaki ang mga mata ko. "75 isa??! Jusko... magkano yun?"

"Sampung baso po kada set. 4500 po lahat mam" sagot ng staff na kaharap ko.

"Ha??!" mejo napataas na ang boses ko sa gulat.

Juskolord. Dalawang libo lang ang dala ko. Plus yung 500 ni mama. Konti lang naman kasi ang pinabibili ni mama sa akin. Kulang pa ang dala kong pera pambayad sa mga nabasag ko. Lagot na!

"Sila na po bahala dito mam. Sa cashier nalang po tayo" sabi ng isang staff sa akin.

Patay! Nanginginig ang tuhod ko na naglakad papuntang cashier. Naiiyak na ako. Saan ako kukuha ng pambayad??

"Eh.. kuya... pano po yun.. kulang po ang dala kong pera?" pabulong na tanong ko.

"Naku mam kailangan po talagang bayaran nyo lahat ng nabasag. Gustuhin ko man pong pagtakpan kayo, may mga cctv po. Makikita din ng supervisor namin" bulong nya.

Naupo ako sandali sa gilid. Bigla talaga akong nanlumo sa katangahan ko.

"Kuya sandali lang. Wala talaga akong pang bayad. Hindi akin itong pera na dala ko. Napag utusan lang po ako" sabi ko habang nanginginig na ang boses ko.

"Eh... mam... kailangan po talagang bayaran nyo. Baka po pwede tawagan natin ang mama nyo. Sabihin nyo po kung anong nangyari"

Habang nakaupo ako sa gilid at nag iisip ng malalim ay may napansin ako na babaeng lumapit sa amin.

"Whatz wrrong with herr?" narinig kong tanong nya.

Pareho kaming napatingin sa kanya ng grocery staff na kasama ko.

"What happen? Is zhe okay?" tanong uli ng babae.

Narinig kong inexplain ng lalaki sa kanya ang nangyari pero wala sa kanila ang atensyon ko. Iniisip ko kasi kung anong gagawin ko.

Bigla kong naalala si Edward. Nakakahiya man pero naisip ko na baka pwede akong makahiram sa kanya kahit isang libo. Pang dag dag ko lang sana. Babawasan ko nalang ang ipon ko pagdating ko sa bahay para bayaran sya.

Tumayo ako agad. Bahala na. Lalapitan ko nalang si Edward. No choice ako.

"Eh.. kuya.. pwede po bang sandali lang. May kakilala kasi ako sa coffee shop na yun. Hihiram na lang po ako ng pangbayad. Okay lang po ba?" tanong ko.

"Ay mam. Wag na po kayo mag alala. May magbabayad na po" sagot nya.

"Ha?!" nagulat ako.

"Opo. Yung babae po kanina. Kilala nyo po ba? Sya na daw po ang magbabayad eh" sagot nya sa akin.

Agad kong hinanap ang babae at nakita ko sya na kasalukuyan na ngang nagbabayad sa cashier. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Ah... eh... mam---"

Tumingin sya sa akin.

Grabe, ang ganda nya. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng malapitan. Natulala ako sa totoo lang.

"Dont worry. Itz okay now" sabi nya sa akin habang nakangiti.

"Uhm.. Mam.. here... take this. This is all I have. I will pay for the rest" sabi ko.

"No. Keep it" sagot nya sabay lakad papuntang exit door.

"Uhm... mam, no. Take this money. Please" giit ko sa kanya.

Ngumiti sya pagharap nya sa akin.

"Thank you very much for helping me. Please take this money. I will pay for the rest---"

"No. Its okay" sabat nya agad.

"No its not okay. Let me pay you" giit ko.

"Whatz yourr name?" tanong nya.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapanganga kapag nagsasalita sya. Kakaiba kasi ang accent nya.

"Ah eh... Maymay" sagot ko.

"Hello Maymay. I like you. I hope we can be frriendz" sabi nya.

"H--ha?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Im new herre. I dont know anyone yet. Id be thrilled to have a frriend herre. Do you mind?" tanong nya sa akin.

"Ah.. eh.. oo naman. I mean.. Sure!" sagot ko.

Sa totoo lang, bukod sa accent ay talagang nakakatulala ang ganda nya. Sobrang puti nya. Lagpas balikat ang kulay dark brown at mejo wavy nyang buhok. Height lang ata ang lamang ko sa kanya.

Mejo pahaba ang hugis ng kanyang mukha. Itim na itim ang kanyang singkit na mga mata. At mas lalong naniningkit ang mga ito sa tuwing ngingiti sya.

"I am verry glad to meet you Maymay" sabi nya.

"Same here... by the way... whats your name?" tanong ko.

"Im... Ki.... uhm... Daniella.. just call me Daniella" sagot nya at pagkatapos ay muli syang ngumiti sa akin.

***

Kinabukasan, maaga palang ay nasa school na ako. 5am kasi ang assembly time sa may school parking lot.

Habang nakapila kami ni Fen ay ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin sa grocery.

"Grabe Fen, ang bait nya talaga. Ang ganda pa nya. Bukod sa binayaran nya ang nabasag ko, sinamahan din nya akong mag grocery. Pagkatapos, niyaya nya akong kumain. Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant na hindi ako masyado pamilyar. Lasagna lang ang inorder ko pero sya, wala syang ibang inorder kundi isang baso ng red wine" sabi ko.

"Oh tapos?"

"Galing pala syang Greece. Bihira daw syang lumabas kasi wala pa syang kakilala. 6 months na daw syang nag hohome study pero sa Monday daw ay papasok na sya sa regular school. Nagawan daw kasi ng paraan ng teacher nya na maipasok sya sa school kung saan ito regular na nagtuturo"

"Ah... okay" sagot ni Fen.

"Alam mo, may alam na rin syang ibang tagalog na salita. Habang magkasama nga kami nagpaturo pa sya sa akin. Ang dali nga nyang matuto eh. Madali ko rin syang nakagaanan ng loob. Nagpalitan pa kami ng cellphone number" sabi ko habang nakangiti.

"Taga san nga sya uli?" tanong ni Fen sa akin.

"Galing syang Greece. Grabe ang ganda nya talaga. Sobrang bait pa" sabi ko uli.

"Ah okay. Mukha nga. Bilib na bilib ka eh" sagot naman ng kaibigan ko sabay talikod sa akin.

"Ito naman, nagkwento lang ako. Syempre ikaw pa rin ang bestfriend ko. Yieee..." tukso ko sa kanya sabay yakap.

Ngumiti naman agad si Fen.

"Ang bilis mo kasi magtiwala. Porket nilibre ka lang. Tapos tinulungan isang beses, mabait na" sabi nya.

"Hindi kasi ako maka move on sa nangyari kahapon. Natuwa lang talaga ako sa kanya. Ang gaan nga agad ng loob ko. Parang ikaw. Umpisa palang magaan na agad ang loob ko. Nabanggit nga kita sa kanya eh. Gustung gusto ka rin nya makilala" sabi ko.

"Ako rin. I want to meet her. Lets see kung pareho tayo ng magiging impression. Ewan ko ha, dont get me wrong pero iba kasi ang kutob ko sa mga pa too-good-to-be-true na tao. Parang kahina hinala sila para sa akin" sabi ni Fen.

"Im sure mawawala yang hinala mo kapag na meet mo na sya" sagot ko.

Habang nag uusap kami ay biglang may tumawag sa akin. Pareho pa kami ni Fen na lumingon sa kanya.

"Marydale! Over here!" sigaw nya habang nakataas ang isa nyang kamay.

Si Iñigo pala. Ang unang naging crush ni Fen bago sya nahulog sa bitag ni Marco (pero todo deny pa rin sya hanggang ngayon). Pasimple akong kinurot ng kaibigan ko sa tagiliran habang papalapit si Iñigo sa amin.

"Mrs. Lopez assigned me as Team Leader at ikaw ang assistant ko. We should sit together para mapag usapan natin ang mga gagawin" sabi nya.

Nagkatinginan kami ni Fen.

"Ha? Si-sige" sagot ko.

Sa pangalawang bus naka assign ang grupo namin. Apat na bus ang babyahe papuntang Baguio para sa yearly outreach activity ng klase ni Mrs. Lopez. Makikisalamuha daw kami at matutulog ng isang gabi sa barrio kung saan naroon ang malaking grupo ng mga aetas. Bago ako umakyat ng bus ay tumingin tingin pa ako sa paligid. Nasaan kaya si Edward at si Marco. Kanina ko pa sila hindi nakikita.

Pagpasok namin sa loob ay mejo puno na ang bus. Sa bandang likod naka assign maupo ang grupo namin. Nauuna si Fen sa akin habang nasa likuran ko naman si Iñigo.

Malapit na kami sa likod ng makita ko na naroon na pala si Edward at nakaupo sya sa pangdalawahan. Wala pa syang katabi. Habang papalapit ako ay nakatingin sya sa akin pero like usual, umiwas naman ako agad ng tingin.

"Fen sit with me" narinig kong sabi ni Marco kay Fen. Nakaupo sya sa unahan ni Edward.

Obvious na kinilig nanaman ang kaibigan ko. Halos mapunit ang mukha nya sa laki ng ngiti nya. Hindi na nya naalala na magkasama kami. Sumunod sya agad sa sinabi ni Marco.

"Iñigo, here!" tawag naman ni Maris. Kagrupo din namin sya. Nakaupo naman sya sa likod ni Edward at wala pa rin syang katabi.

"No. Im sitting with Marydale. Can you sit with Edward instead?" sagot ni Iñigo sa kanya.

Napansin kong nag iba ang expression ni Maris. Napatingin ito sa akin. Hindi na sya sumagot. Sumunod nalang sya sa sinabi ni Iñigo at lumipat sa tabi ni Edward.

Pagtingin ko kay Edward ay nakatanaw na ito sa bintana habang naka suot ang kulay pula nyang head set.

"Hmp! Ang aga naman mang deadma ng lalaking to" sabi ko sa sarili ko at pagkatapos ay naupo na ako sa likuran nya. Pareho kaming malapit sa bintana.

Naisip ko na baka badtrip sya kasi dalawang araw silang hindi magkikita ni Hanna. Kaya siguro ke aga aga masungit sya.

Nakaka imbyerna.

Naputol ang pagiisip ko kasi kinausap na ako ni Iñigo. May isang pamilya daw na naka assign sa amin. Kanya kanya kami ng toka. Si Iñigo at Maris daw ang bahala sa tatay at sa panganay na anak na lalaki, si Marco at Fenench naman daw ang naka assign sa nanay at sa nakatatandang anak na babae habang kami naman ni Edward ang naka assign sa dalawang maliit na chikiting.

Juskolord. Ka-buddy ko talaga si Edward? At si Mrs. Lopez daw ang nag assign. Mukha pa namang may topak tong lalaking ito ngayon. Baka ang ending nito, wala kaming magawa. Puro away lang o baka naman puro deadma ang abutin ko sa kanya.

Habang nasa byahe ay may mga ipinanood sa akin si Iñigo sa cellphone nya na mga video tungkol sa pamilya na tutuluyan namin. Bago daw kasi kami dumiretso sa barrio nila ay mag stop over daw muna kami sa isang gift store. Bawat magka-buddy ay dapat na may bibilhin na something para iregalo sa family member na naka assign sa amin.

May form daw na ididistribute si Mrs. Lopez pagdating namin sa lugar at ang role ko bilang assistant team leader ay masigurado na makumpleto ang bawat pahina ng form na yun.

Doon daw isusulat ng bawat magka buddy ang lahat ng inter action nito sa pamilya na tutuluyan namin. Icocompile lahat ng form at si Iñigo na ang gagawa ng summary ng outreach ng grupo namin.

Nalibang ako sa kakapanood namin ng video ni Iñigo. Habang nanonood kami, ang dami nyang shineshare sa akin. Naisip ko nga na hindi lang pala sya cute, may laman din naman pala ang utak ng lalaking ito. May humor din sya. In other words, walang dull moment kapag kasama sya.

Sa loob loob ko. Icoclose ko to tapos ibubuild up ko sila ni Fen nang matigil na ang kahibangan ng kaibigan ko sa chikboy na Marco na yun. Mukha kasing mas okay pa itong si Iñigo kaysa sa kanya.

At ganun nga ang nangyari. Akalain mong dalawang oras palang kami magkatabi sa upuan nitong si Iñigo akala mo matagal na kaming close. Tawa kami ng tawa habang panay share kami ng mga opinyon ng bawat isa tungkol sa summary na gagawin nya.

Pero after a while ay nakaramdam na kami pareho ng antok. Mejo mahaba pa raw ang byahe kaya ang sabi ni Iñigo sa akin ay umidlip muna ako.

Sinandal ko na ang ulo ko sa bintana. Sandali palang akong nakakapikit ay agad din akong nakatulog.

***

Tog!

"Aray" bulong ko.

Naalimpungatan ako kasi bahagya akong nauntog sa salamin ng bintana. Nagpreno kasi bigla ang driver.

Dahan dahan kong imunulat ang mga mata ko. Madilim. Agad akong nag angat ng ulo at tumingin sa paligid. Nasa loob pala kami ng underpass at mukhang traffic ata kaya pahinto hinto ang bus namin.

Tahimik ang loob ng bus kumpara kanina. Tulog ata lahat. Naisip kong umidlip nalang uli.

Isasandal ko na sana uli ang ulo ko sa may bintana nang may mapansin ako sa salamin. Bukod kasi sa reflection ng mga kapwa ko estudyante, may parang hamog o mist na mejo maliwanag ang nagrereflect sa bandang harapan ko.

Lumingon ako. Wala namang pwedeng panggalingan ng liwanag na iyon. Tulog na tulog si Iñigo at ang iba pang mga kapwa ko estudyante na nakaupo malapit sa amin. At saka madilim din sa loob ng bus.Muli kong ibinalik ang aking tingin sa bintana.

Naroon pa rin ang maliwanag na mist.

Bigla kong naalala na si Edward ang nakaupo sa harapan ko. Pero imbes na reflection ni Edward ang nakikita ko, itong maliwanag na mist ang nagrereflect sa salamin.

Tinitigan ko itong mabuti. Binabantayan ko kung mawawala ba ito. Pero habang pinagmamasdan ko ang mist, unti-unti ay may dalawang pares ng mata akong nakita.

Ilang beses akong kumurap pero sa bawat pagdilat ko ay naroon pa rin ang mga ito at nakatingin ito ng diretso sa akin.

Hindi ako nagbaba ng tingin. Tumitig din ako sa mga matang iyon. Hanggang sa unti unti ay nag form ang maliwanag na mist ng isang mukha.

Mukha ni Edward...

At diretso syang nakatingin sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Tahimik ang buong paligid. Sa sobrang tahimik ay parang dinig na dinig ko ang unti unting paglakas ng tibok ng aking puso. Para akong mahuhulog sa malalim na bangin habang nakatitig sa mga mata nya.

Naramdaman kong umusad na uli ang bus. Pero nakapako pa rin ang mga mata ko sa salamin. Bakit ba parang bigla kong winish na katabi ko nalang sana sya. Juskolord. Ano tong nararamdaman ko?? Naghahallucinate nanaman ba ako?

Hanggang sa magliwanag na uli ang buong paligid. Agad nawala ang maliwanag na yun sa salamin. Tumingin ako sa katabi ko. Tulog pa rin sya. Tulog pa rin ang iba.

Si Edward? Hindi ko alam. Mataas ang sandalan nya. Hindi ko makita kung gising din ba sya.

***

"Maymay saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap" bungad sa akin ni Fen paglapit ko sa kanya.

"Si Iñigo kasi. Bigla nalang akong hinila. Pinatawag kasi ni Mrs. Lopez lahat ng Group leader at assistant. Nag briefing kami tapos dinistribute na ang 2 day itinerary natin. Iaabot ko lang sa inyo itong kopya ng itinerary. Pinababalik pa ako ni Iñigo dun eh. May ididiscuss pa ata si Mrs. Lopez. Ikaw, bakit mag isa ka? Asan na ang ka buddy mo? Dont tell me nangibang pugad na" sabi ko.

"Hindi no. Kasama nya si Edward. Mukha atang wala sa mood kaya sinamahan muna ni Marco" sagot ni Fen sa akin.

"Naku, kanina ko pa yan napansin. Ang aga aga masungit. Imbes na enjoy enjoy sana tayo may nakasimangot tayong kasama---"

Napansin ko si Fen na biglang natahimik pero dire diretso pa rin ako sa pagsasalita.

"Bakit wala sa mood? Badtrip sya? Kasi wala dito si Hanna? Walang yayakap yakap sa kanya? Walang nakalingkis?" sabi ko.

Biglang nakarinig ako ng boses mula sa aking likuran.

"Thats not true"

Nanlaki ang mga mata ko. Nakatingin lang sa akin si Fen. Hindi na ako nagtangkang lumingon kasi kilala ko na kung kaninong boses ang nagsalita. Dinedma ko nalang. Inabot ko kay Fen ang itinerary na hawak ko at pagkatapos ay tumalikod na ako pabalik kay Iñigo.

Pero biglang may humawak sa kamay ko sabay hila sa akin papalayo.

Si Edward. Mukha ngang wala sya sa mood. Dinala nya ako sa likuran ng pinaka huling bus na nakaparada.

"What did you say?" bungad nya sa akin.

Hindi ako kumibo.

"Speak" mejo mataas ang kanyang boses.

"Wala!" sagot ko sabay alis.

Pero hinila nanaman nya ako.

"Youre getting into my nerves Maymay" sabi nya.

Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Hoy kung wala ka sa mood, wag mo kaming idamay. Group activity ito. Mga grade natin ang nakasalalay dito kaya kung badtrip ka dahil wala dito si---"

"Im not mad because Hanna is not here!" sabat nya sa akin.

"So galit ka nga? Kaya ang aga aga hindi ka namamansin?" sagot ko.

"What? I was looking at you and then you ignored me" sabi nya.

"Ako pa ngayon ang hindi namansin? Ikaw nga itong naunang mang deadma"

"No it was you" giit ni Edward.

"Alam mo, tawagan mo nalang si Hanna at magpalambing ka sa kanya nang mawala yang badtrip mo" sagot ko at pagkatapos ay naglakad na ako palayo sa kanya.

Pero hinila nanaman nya ako uli.

"Ano ba?! Ito ba ang gusto mo? Mag away tayo??" inis kong tanong.

Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sa akin. Umikot ang mata ko ng 360 degrees sabay hawak sa aking noo. Huminga ako ng malalim. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagsalita uli.

"Babalik na ako kay Iñigo. Ayokong makipag away sayo" malumanay kong sabi.

Hahakbang nanaman sana ako papalayo sa kanya nang muli syang magsalita.

"Im mad because youd rather be with someone... than me"

Natagilan ako sa sinabi nyang yun.

"I was hoping youd sit beside me but you didnt. And when we got here. As soon as I we got off the bus. I saw you running away with that guy... again"

Napatingin ako kay Edward. Nakatitig nanaman sya sa akin. Hindi na sya uli nagsalita. Hindi na rin ako kumibo. Nakatitig lang din ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiwas ngayon na tumingin din ng diretso sa kanyang mga mata.

***

Siguiente capítulo